Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

ADVANCE MONTESSORI EDUCATION CENTER OF ISABELA, INC.

Maligaya, Tumauini, Isabela

IKAANIM NA LINGGO E-mail: amecimontessori@gmail.com

MODYUL 3
PANGALAN: _____________________________________________

Baitan at Seksiyon: _________________Petsa: September 28-30, 2020

ARALING PANLIPUNAN 7- ARALING ASYANO

YUNIT I- ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

I. MGA ARALIN AT SAKLAW

Sa modyul na ito, matututunan mo ang tungkol sa:

Aralin 3 – ANG YAMANG TAO NG ASYA
Kasanayang Pampagkatuto: Ang mga mag-aaral ay inaasahang…
Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang-tao sa Asya sa
pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon.
Araw: Lunes hanggang Miyerkules
Oras: 12:30-1:30
II. PAGLINANG/PAGPAPATIBAY

! Ang Yamang Tao ng Asya

Asya
 Pinakamalaki at pinakamataong lupain sa daigdig.
 Mahigit 4.3 bilyong katao na nakatira dito ang bumubuo sa may 60 porsiyento ng kabuuang populasyon ng daigdig.
Ang mga Salik na Sanhi ng Mabilis na Paglaki ng Populasyon
 Pag-unlad ng Medisina.
 Paga-unlad ng Teknolohiya.
Ang Dami at Paglaki ng Populasyon sa Asya
Population growth (population growth = birth rate – death rate )
• Mataas ang growth rate  kung maraming ipinanganak kaysa sa mga namatay
• Negatibo ang growth rate  higit na marami ang namamatay kaysa sa mga ipinapanganak.
Ang Distribusyon ng Populasyon
• Nasusukat sa pamamagitan ng population density.
Ang Komposisyon ng Populasyon
• Takdang bilang o bahagdan ng mga tao sa loob ng isang bansa batay sa gulang, kasarian, literasiya, at iba pang
elemento ng populasyon.
• Batayan ng mga programang kinakailangang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan.
Komposisyon ng Gulang ng Populasyon
• Nagpapakita ng takbo at pagbabago ng fertility rate, migration rate, at mortality rate ng mga nagdaang taon.
o Fertility rate - ratio o katumbas na buhay ng ipinanganganak sa isang bansa sa bawat 1,000 kababaihang may
kapasidad na manganak.
o Mortality rate - bilang ng namamatay na batang ipinapanganak kada 1,000 bilang ng populasyon sa loob ng
isang taon.
Implikasyon ng Mataas na Dependency Ratio sa Bansa
• Dependency ratio - nangangailangan ng higit na panustos para sa serbisyong panlipunan.
Komposisyon ng Kasarian ng Populasyon
• Bilang ng kalalakihang ipinapanganak nang buhay kada bilang ng kababaihang ipinapanganak nang buhay sa loob ng
isang bansa.
Inaasahang Haba ng Buhay
• Maaari namang maka-bahala sa isang bansa ang paghaba ng buhay kasabay ng pagbaba ng fertility rate.

1|P age
o maaaring magdulot ng higit na mababang bilang ng lakas-manggagawa kasabay ng paglaki ng dependency
ratio.
o may malaking kaugnayan sa bahagdan ng lakas-manggagawa ng bawat bansa.

Bilang ng may Hanapbuhay

• Ang mga walang hanapbuhay ay karaniwang nakararanas ng kawalan, hindi lamang ng regular na kita, kundi pati na
mga benepisyo.
o maaaring magdulot ng labis na kahirapan na pag-uugatan ng higit pang suliraning may kinalaman sa kalusugan,
pabahay, edukasyon, at krimen.
Migrasyon at Kita ng Bawat Tao
• Migration rate - tawag sa bilang ng mga taong nandarayuhan palabas ng isang bansa matapos maibawas dito ang bilang
ng mga taong nandarayuhan paloob ng nabanggit ding bansa.
Bahagdan ng Literasiya
• Tumutukoy sa bilang ng populasyong marunong bumasa at sumulat sa isang bansa.
o Upang maitaas ang bahagdan ng marunong bumasa at sumulat, ipinatutupad ng mga bansa sa Asya ang
pagpasok at libreng edukasyon sa elementarya.
Basic Literacy
• Kakayahang bumasa at sumulat.
Functional Literacy
• May kakayahang bumasa at sumulat. Mayroon ding kakayahan na unawain at gamitin ang mga impormasyong binasa at
isinulat sa tahanan, hanapbuhay, at pamayanan.

ATING SAGUTIN!!!

GAWAIN 1
A. Panuto: Isulat sa patlang kung ano ang tinutukoy sa bawat bilang.
_______________1. Tumutukoy ito sa bilang o pangkat ng tao na may kakayahang maghanapbuhay upang mapa-unlad ang
sarili at ang lugar na kinabibilangan.
_______________2. Bilang ng mga tao sa isang partikular na lugar.
_______________3. Karaniwang bilang ng tao sa isang kilometro kuwadrado.
_______________4. Uri ng populasyong mayroon ang Asya ngayon.
_______________5. Inaasahang haba ng buhay ng tao sa isang bansa.
_______________6. Bansang may pinakamalaking bilang ng populasyon sa Asya at maging sa buong mundo.
_______________7. Bansang may pinakamalaking bilang ng densidad sa populasyon.
_______________8. Ang tawag sa pag-aaral ng populasyon.
_______________9. Ang pangunahing sektor pang-ekonomiya sa Asya.
_______________10. Ang pangingibang bayan ng mga mahuhusay at mga talentadong tao sa ibang bansa para maghanap ng
mas mataas na antas ng pamumuhay o tahimik na kapaligiran.
B. Bakit malaking suliranin ang mabilis na paglaki ng populasyon?
Sagot:
_______________________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________________

GAWAIN 2

A. Pagpapakahulugan Panuto: Alamin kung ano ang terminolohiyang tinutukoy. Pagkatapos ay ibigay ang implikasyon ng
mga ito sa komposisyon ng populasyon.
1. Ito ay tumutukoy sa ratio o katumbas na buhay na ipinanganganak sa isang bansa sa bawat 1,000 kababaihang may kapasidad
na manganak.
Implikasyon:
_________________________________________________________________

2|P age
2. Ito ay tumutukoy sa bilang ng namamatay na batang ipinanganganak kada 1,000 bilang ng populasyon sa loob ng isang taon.

Implikasyon:
____________________________________________________________________

3. Ito ay tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na may gulang 14 pababa at edad 65 pataas.

Implikasyon:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

GAWAIN 3

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Anong bansa ang may pinakamalaking populasyon sa mundo? Ang pangalawa?
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
2. Ano-anong bansa ang tatlo sa may pinakamaliit na populasyon?
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
3. Ano ang implikasyon ng malaking populasyon sa daigdig?
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
4. Anong bansa ang may pinakamahabang buhay? Ilang taon ito? Ano ang pinakamaikli? Ilang taon ito?
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
5. Anu-ano ang mga epekto ng haba ng buhay sa pamumuhay ng tao?
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
6. May kinalaman ba ang haba ng buhay sa pag-unlad ng bansa? Patunayan.
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
7. Anong bansa ang may pinakamataas na fertility rate? Net migration rate? Ano ang fertility rate nito? Net migration rate?
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
8. Anong bansa ang may pinakamahabang fertility rate? Isulat ang bilang nito.
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
9. May kinalaman ba ang fertility rate sa paglaki ng populasyon? Paano?
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
10. Anu-anong bansa ang pantay ang bilang ng mga lalaki sa babae?
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________

3|P age
GAWAIN 4
Bukas na Liham
Panuto: Sumulat ng isang bukas na liham ng iyong panawagan para sa maingat at responsableng pangangalaga ng kapaligiran
para sa kapakinabangan ng lumalaking populasyon ng ating bansa.

______________________________________________________________________________________

GAWAIN 5
Panuto: Basahin at sagutin ang tanong.

Ngayong natutuhan mo na ang ugnayan ng yamang tao sa pagpapatibay at pagpapaunlad ng lipunan at kabuhayan ng isang
bansa, ano ang kaya mong gawin upang makatulong sa paglilinang ng yamang tao ng iyong bansa?

______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

___

Ipinasa ni: Iniwasto ni: Inirekomenda ni:

Justine Claire Z. Tagufa Apple L. Siagan Ryan B. Bacani
Guro Sabjek Koordineytor Head, JHS Dept.

Inaprubahan ni: Binigyang pansin ni:

Jeric T. Valdez Nelia Z-Anguluan, PhD

Punong Guro Direktor

4|P age

You might also like