wikang opisyal ay itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ang wikang panturo naman ang opisyal sa wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinadhana ang batas , Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong ng mga wikang panturo roon” Saligang Batas ng 1987, Art.XIV, Sek.7. ■ Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag- aaral ay naging opisyal na wika mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man. Tinawag itong Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE). Ayon kay DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, FCS, “ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag- aaral ay makatutulong na mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag- aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo- kultural.” 19 na wika at dayalekto na itinadhana ng DepEd: 1. Tagalog 11. Maguindanaoan 2.Kapampangan 12. Meranao 3.Pangasinense 13. Ivatan 4.Chavacano 14. Sambal 5.Ilokano 15. Aklanon 6.Bikol 16. Kinaray-A 7.Cebuano 17. Yakan 8.Hiligaynon 18. Surigainon 9.Waray 19. Ybanag 10.Tausug