Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG KALAGAYAN NG PILIPINAS NGAYON

Ni Apolinario Villalobos

HINDI KAILANGANG MAGING PANTAS O WISE ANG ISANG PILIPINO UPANG MAUNAWAAN ANG
MGA NANGYAYARI SA PILIPINAS MULA PA NOON NA NAGDULOT NG PAGHIHIRAP NG
NAPAKALAKING BAHAGI NG SAMBAYANAN, TULAD NG:

 Hilaw ang demokrasya ng Pilipinas. Noon pa man ay ayaw pa ng ilang Amerikanong


mambabatas na bigyan agad ng kalayaan ang bansa subalit nagpilit ang mga apuradong
pulitiko na may pansariling layunin kaya nagkaroon agad ng Commonwealth.

 Hindi lahat ng naging presidente mula pa noon ay 100% na malinis at pwedeng


masabing “modelo” ng ugaling Pilipino. Si Quezon ay matinding magmura pero sa Kastila
nga lang…si Qurino ay sinasabing may “golden arenola”, etc.

 Panahon pa lang ng Amerikano, may mga iskwater nang naninirahan sa loob ng


Intramuros at baybayin ng Tondo na bandang huli ay umabot sa tinawag na Isla Puting
Bato at Baseco Compound. Hind sila nakontrol ng mga umupong presidente noon kaya
dumami nang dumami…lalo pa at ginamit sila ng mga tiwaling pulitiko bilang mga “boto”
na kailangan nila tuwing eleksiyon. Sila din ang mga hinahakot ng gobyerno at ng leftist
groups tuwing may rally….mga bayarang makabayan kuno.

 May nagpapagalaw sa mga grupong “makabayan” kuno na halatang walang direksiyon.


Tuwing may uupong bagong presidente ay kinakalaban nila…tinatawag na tuta ng
Amerika. NGAYON KAY DUTERTE AY HINDI NILA MAGAWA YAN…LALONG HINDI NILA
MATAWAG NA TUTA SIYA NG AMERIKA. Nagkaroon ng problema ang bansa laban sa
Tsina dahil sa West Philippine Sea or South China Sea pero sa harap sila ng US embassy
nagra-rally hindi sa labas ng Chinese embassy. Maraming alam ang mga grupong ito
pero ang nakakapagtaka ay parang wala silang alam tungkol sa CIA ng Amerika.

 Ginagamit na stepping stone ng mga ambisyoso ang mga grupong makabayan upang
maabot ang mas mataas na “puwesto” sa senado o kongreso kaya napapaghalata ang
makasarili nilang layunin dahil kahit nasa bulwagan na sila ng mga batasan ay wala pa
rin silang nagawang tulong sa masa….lalong lumawak ang saklaw ng squatting sa Manila
at malalaking lunsod….may unemployment pa rin, yon nga lang ay seasonal dahil sa
contractualization, kaya gutom pa rin ang inaabot ng maraming pamilya kapag “finished
contract” na ang kumakayod para sa pamilya.

 Hindi nawawala ang cartel sa bigas dahil hindi na bumalik sa dating presyo ang staple
food na ito ng mga Pilipino….halatang may nagkokontrol na grupo. Ang nakakabahala ay
ang hindi napapansing pagmahal ng mga de-boteng tubig na baka sa bandang huli ay
magiging mas mahal pa kaysa kurudo o gasoline.
 MAY MGA NAKAUPO PA RING MGA LINTA AT TAMAD SA MARAMING PUWESTO NG
IBA’T IBANG ANTAS NG GOBYERNO AT MGA AHENSIYA….MGA WALANG PAKIALAM SA
MGA DAPAT NILANG AKSYUNAN AYON SA KANILANG JOB DESCRIPTION. MGA
NAGHIHINTAY NG UTOS NI PRESIDENTE, O NI GOVERNOR, O NI MAYOR….MGA WALANG
PAGKUKUSA AT KAPAG PUMUTOK ANG MGA KAPALPAKAN AY SAKA MAGTUTURUAN AT
MAGSISIHAN. SI KAWAWANG “BADYET” ANG PALAGING NASISISI….NA PARA BANG
LAHAT NG MAY KINALAMAN SA IKAGAGANDA HALIMBAWA NG PALIGID AY
KAILANGANG GASTUSAN NG MALAKI, GANOONG PWEDE NAMANG MAGTANIM NG
MGA HALAMAN AT PUNO AT MAY GAGAWA NAMAN DAHIL KASAMA SA TRABAHO
NILA.

You might also like