Montana Justeine Gee PPTP Aktibiti 2 6

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

Pananaliksik

Aktibiti Blg. 2

Pangalan: Justeine Gee J. Montana Taon/Kurso: BSEE II – H Petsa: Marso 27, 2020 Marka:_____

Panuto: Sagutin at gawing komprehensibo ang pagtalakay sa bawat katanungan. Gumamit ibang
papel para sa inyong mga sagot.

1. Bakit kailangang magsagawa ng pananaliksik? Bigyang-katwiran ang iyong paniniwala.

Ang pananaliksik ay mahalaga upang mapalawak at madagdagan ang batis ng kaalaman sa iba't
ibang larangan. Sa pamamagitan ng pananaliksik, nabibigyang solusyon ang mga problemang panlipunan
- mapateknikal, medikal, o iba pang aspeto. Buhat ng pananaliksik, ang pang-araw-araw na buhay ng
mga mamamayan ay napapadali at mas natutugunan ng maayos ang mga pangangailangan ng mga ito.
Isa sa konkretong halimbawa ay ang patuloy na pag-usbong ng makabagong teknolohiya na nagbigay
daan sa pagimbento ng iba't ubang kasangkapan at gadyet na kapaki-pakinabang sa anumang larangang
akademiko.

2. Ano-ano ang maaari mong matutuhan sa pagsasagawa ng pananaliksik? Isa-isahin.

Sa pagsasagawa ng pananaliksik, nadaragdagan ang aking kaalaman sa mga bagay-bagay.


Nahahasa rin kakayahan kong umusisa sa kredibilidad ng mga sangguniang maaring magpatibay sa aking
pananaliksik. Bukod dito, nag pananaliksik ay nagbibigay sa akin ng daan upang makapag-ambag ng
karunungan at impormasyon sa iba't ibang akademiko larangan. Pinagtitibay nito ang aking karunungan
at karanasan upang maging isang dalubhasa sa aking piling larangan. Higit sa lahat, ang pananaliksik ay
hinuhubog ako bilang isang mas mabuti at matapat na indibidwal.

3. Bakit sinasabing ang pananaliksik ay isang gawaing kapaki-pakinabang?

Ito ay kapaki-pakinabang dahil sa layunin nitong tumuklas ng bagong kaalaman at konsepto na


maaring mapagkukunan ng basehan at impormasyong kritikal sa pagbuo ng mga bagay at pagbigay
solusyon sa problem ng lipunan. Ang pananaliksik ay maaring maging daan upang makasagip ng buhay o
magbigay tulay sa pag-unlad at palutoy na pag-usbong ng isang bansa.

4. Para sa iyo, alin sa mga uri ng pananaliksik ang nais mong gawin? Bakit?

Ang mga empirical o mala-siyentipikong pananaliksik ang pinakamalapit sa aking kalooban. Ito
ay sa kagustuhan kong makalikha ng mga alternatibong bagay na maaring mapadali ang pamumuhay ng
mga mamamayan at maging lubhang kapaki-pakinabang. Sapagkat, naniniwala akong sa maingat na
pagkalap ng mga datos o pananaliksik sa isang partikular na isyu ng lipunan, maari itong magamit sa
paglikha na posibleng solusyon upang tugunan ang panlipunang isyu.
5. Maglista ng limang pamagat na maaaring gawan ng pananaliksik na ayon sa iyong interes at
isaalang-alang ang mga katangian ng mabuting pamagat. . Ilahad ang magiging awtput at bakit ito
kailangang saliksikin.

a. IPIL-IPIL (Leucaena leucocephala) LEAVES AND SEEDS AS AN ALTERNATIVE MOSQUITO COIL


- Ang pananaliksik na ito magbibigay daan upang magkaroon ng isang organik mosquito coil
upang mas maiwasang magkaroon ng komplikasyon sa kalusugan ang mga gumagamit ng komersyal na
mosquito coil.

b. EFFECTS OF MARITIME PIRACY EXPERIENCES TOWARDS THE PERCEPTION OF FILIPINO SEAFARERS’


CAREER
- Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, mas mauunawaan ng mga tao ang epekto ng
pamimirata sa mga marinong nakaranas nito, at maiwasan ang paglawak ng pagkakaroon ng trauma
dulot ng mga pirata sa susunod na mga dekada.

c. A FEASILIBILITY STUDY ON ROSE (Rosa chinensis) PETALS EXTRACT AS PERFUME.


- Ang pananaliksik ay naglalayong magbigay daan sa pagmanupaktura ng isang mas murang
kosmetikong produkto na palakaibigan sa pangangailangan ng masa.

d. MIXTURE OF POLYSTERENE AND DIESEL AS AN ALTERNATIVE RUBBER ADHESIVE


- Ang pananaliksik na ito ay naglalayong magkaroon ng isang alteranatibong pandikit na maaring
gawin sa bahay dahil madali hanapin sa bahay ang mga materyales sa paggawa nito. Ito rin ay
nagsusulong ng pagrerecyle ng mga polysterene o styrofoam na hindi na nagagamit.

e. UTILIZATION OF PLANT LEAVES AS A POTENTIAL SOURCE FOR SUPER HYDROPHOBIC COATING


PRODUCTION
- Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay ideya sa pag-usbong ng teknolohiyang nano na maaring
makapagawa ng isang waterproof na pantapal upang mas maging matibay at durable ang mga bagay lalo
na ang mga metal, gamit lamang ang mga ordinayong kakayahan ng mga dahon.

6. Paano maiiwasan ang plagyarismo sa pananaliksik?

Ang plagyarismo ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagkilala sa mga pinagkunan ng


impormasyon. Ito ay kadalasang ipinapakita sa paglalagay ng mga citations, footnotes at paglalagay ng
bibliograpiya sa lahat ng akdang gagawin. Ang mga mananaliksik din ay kadalasang ginagawa ang
paraphrasing upang mas maiwasan ang plagyarismo. Ang paraphrasing ay ang pagkuha ng pangunahing
ideya sa isang akda, at pagpapahayag nito sa sariling pananalita ng hindi binabago ang orihinal na ideya.
Samakatuwid, ang referencing at paraphrasing ay dalawa sa mga paraan upang maiwasan ang
plagyarismo.

7. Ano-ano ang mahahalagang puntos na dapat tandaan sa pagsasagawa ng layunin?

Sa pagsasagawa ng layunin, mahalagang tandaan ang mga katangian na nararapat taglayin ng


isang mabuting layunin. Ang mabuting layunin at tiyak o specific upang maiwasan ang paglawak ng
saklaw nito at maiwasan itong maging komplikado. Dapat din ang isang layunin ay makatotohanan at
naaabot. Sapagkat, ang labis na pagtaas ng antas ng isang layunin ay kadalasang may posibilidad na hindi
matupad. At panghuli, marapat din na ang isang layunin ay nasusukat at nakatali sa oras upang ito ay
maisakatuparan.

8. Bakit kailangang maglahad ng suliranin (Statement of the Problem)?

Ang paglalahad ng suliranin ay ang isa sa mga pinakamahalang bahagi ng pananaliksik. Ito ay
upang bigyang sentro ang suliranin ng pananaliksik at bigyang konteksto ang pananaliksik. Inilalahad dito
ang mga tanong na nararapat bigyang sagot sa pamamagitan ng pananaliksik. Sa bahagi ring ito
inilalahad ang panguhaning layunin ng pag-aaral na magsisilbing gabay ng mga mananaliksik. Dito
binibigyang pokus ang suliranin sa patanong na pamamaraan.

9. Ano ang dahilan kung bakit kailangan ng rebyu sa pag-aaral bago malaman ang halaga ng
pananaliksik

- Ang rebyu na pag-aaral ay importante upang mailarawan kung paano nauugnay ang
iminungkahing pananaliksik sa mga naunang pananaliksik. Ito rin ay upang pagkaroon ng pagtaas ng
antas ng pag-unawa sa suliranin at paksa at mabigyang diin kung papaano mas mapabuti ang
pananaliksik. Ito rin ay nagpapakita ng pagkaorihinal at at kaugnayan ng isang pananaliksik.

10. Ano ang konseptwal at teoretikal na balangkas? Bakit ito binansagang pumapagitnang teorya?

- Ang konseptwal o teoretikal na balangkas ay isang mapa na tumutukoy sa mga magkakaugnay


na konsepto, teorya, o kahulugan. Ang batayang konseptwal at batay sa ideya o konsepto ng
mananliksik, samantalang ang batayang teoretikal ay batay sa nauna nang pag-aaral o prinsipyo na
ginamit sa pag-aaral. Ginagamit ito bilang legal na batayan upang ilarawang mabutin ang proseso ng
pag-aaral. Ito ay nagsisilbing gabay sa pangkalahatang pag-iisip kaugnay sa pananaliksik. Ito ay
tinaguriang pumapagitnang teorya sapagkat ito ang nagbibigay ng matibay na pundasyon para sa
kaugnay na metodolohiya sa pagkuha ng mga datos at pangkalahatang pagsusuri.

11. Ano-ano ang mga pangunahing elemento at hakbangin sa pagbubuo ng konseptwal o teoretikal na
balangkas?

- Sa pagbuo ng teoretikal o konseptwal na balangkas, dapat isaalang-alang ang sumusunod:

1. PAGKILALA SA MGA KONSEPTO - kilalanin ang batayang konsepto at nga sumusuportang


konsepto sa ginawang pananaliksikat pagbukudin ang mga konseptong ito ayon sa kahalagahan ng
ginagawang panama liksik.

2. PAGKILALA SA PAGKAKAUGNAY AT PAG-UUGANY NG MGA KONSEPTO – kilalanin ang anyo ng


pagkakaugnay ng mga konsepto. Mahalagang tukuyin kung anu-ano ang mga magkakahanay at
magkakasamang konsepto.

3. PAGLALARAWAN SA PAGKAKABALANGKAS – paggamit ng mga dayagram sa pag-uugnay,


pagpapaliwanag, pagsasaayos ng mga konsepto. Mahalagang maging maliwanag ang paglalarawan sa
pagbabalangkas.
12. Bakit mahalagang tukuyin ang sakop at delimitasyon ng isang pananaliksik?

- Ito at mahalaga upang malimita ang saklaw ng isang pananaliksik. Samakatuwid, sa pagdelimit
ng isang pananaliksik nalalaman ng mananaliksik kung anu-anong baryabol lang ang nararapat na
talakayin. Ito rin ay nakaktulong sa mga sumunod na mananaliksik sa pagbibigay ng pahiwatig kung ano
pa ang mga dapat paunlarin at talakayin sa paksa ng naunang pag-aaral.

13. Ano ang konseptwal at operasyunal na depinisyon? Magbigay ng mga halimbawa.

- Ang konseptwal na depinisyon ay ang kahulugan na matatagpuan sa mga diksyunaryo. Ito ang
na pagpapakahulugan ng isang salita. Samatala, ang operasyunal na depinisyon ay ang kahulugan na
binabatay sa pagkagamit ng isang salita sa paksang pinag-aaralan. Sa pag-aaral na pinamagatang,
“UTILIZATION OF PLANT LEAVES AS A POTENTIAL SOURCE FOR SUPER HYDROPHOBIC COATING
PRODUCTION,” ang terminong superhydrophobic coating ay may pagpapakahulugang;

Konseptwal – isang manipis na kemikal na ginagawang pantapal sa kakayahan nitong magrepel ng tubig

Operasyunal - isang manipis na pantapal na ginawa mula sa dahon upang magrepel ng tubig.

14. Nararapat bang muling patunayan ng pananaliksik ang isang matagal nang pag-aaral?

- Nararapay na muling patunayan ng pananaliksik ang isang matagal nang pag-aaral upang
mapaunlad ang kredibilidad ng naunang pag-aaral. Sa pamamagitan nito, mas napapalawak ang saklaw
ng pananaliksik at mas nabibigyang diin ang kahalagahan ng paksa. Isa pa, ito ay upang makumpirma
kung ang resulta ng pag-aaral noon ay maari pang gamitin sa makabagong panahon. Ito ay dahil hindi
lahat ng napatunayang pananaliksik noon ay kagtanggap tanggap sa batayan at pag-aaral ng
makabagong panahon.
GEC-PPTP

Aktibi Blg. 3

Pangalan: Justeine Gee J. Montana Taon/Kurso: BSEE II – H Petsa: Abril 4, 2020 Marka:_____

Pangkatang GAWAIN*

Mga Membro: Colipano, Brixter


Montana, Justeine Gee
Ng, Kyle Philip
Pitogo, Niῆo
Rivero, Edlyn

Paksa: Ang referensya at dokumentasyon (Online Article from Library Database Citation)

1. Elemento ng Citation: Gamit ang inyong pinagkunan na gawa ng Pananaliksik


2. Uriin at isulat ang mga hinihingi sa ibaba
3. Ang paggawa ay ayon sa pangkat ng inyong pananaliksik

Awtor: Rizwan Ali Ansari


Article title: Conversion of Electricity from Sound Energy ( Noise Pollution)
Journal Title: Proceedings of 88th ISERD International Conference
Volume: 88th
Issue: 1st -2nd October
Year: 2017
Page number(s): 1-3
Persistent URL or DOI: http://www.worldresearchlibrary.org/up_proc/pdf/1114-15112624331-3.pdf
Reference list online article citation format example:

Author: Last Name, A. A. (Year). Pamagat ng Artikulo. Pamagat ng Dyornal, Volume(Issue), unanang
pahina – huling pahina. doi or Retrieved from URL of the article.

Article citation:

Ansari, R.A. (2017). Conversion of Electricity from Sound Energy (Noise Pollution). Proceedings of 88th
ISERD International Conference, 1st -2nd October, 1-3. Retrieved from
http://www.worldresearchlibrary.org/up_proc/pdf/1114-15112624331-3.pdf
In-text citation para sa online article:

3 elemento ang kailangan: Last name ng awtor; publication year; page number.

In-text online article citation format example: Jones and Edwards (2015, p. 209) concluded that
…O Jones and Edwards (2015) indicated that “insert quote here” (p. 209). Or

“Insert quote here” (Jones & Edwards, 2015, p. 209)

In-text citation para sa online article:

Ansari (2017) concluded that “this device can reduce the noise pollution and as well as the us
noise pollution from our atmosphere to run our daily life gadgets like mobile phones”(p.3).
GEC-PPTP

Aktibiti Blg. 4

Pangalan: Justeine Gee J. Montana Taon/Kurso: BSEE II – H Petsa: Abril 12, 2020 Marka:_____

Paksa: Mga Hakbang at Prinsipyo ng Pagsulat ng Saliksik

A. Ibat ibang bahagi ng Saliksik


B. Pagkilala sa Sanggunian

Layunin : a. makapagpaliwanag sa mga hakbang at prinsipyo sa pagsulat ng saliksik


b. makapagtalakay sa mga paraan sa pagbuo ng mga bahagi ng saliksik
c. makapaglalahad sa mga paraan sa pagkilala sa sanggunian

A. Tukuyin ang isinasaad ng sumusunod sa pamamagitan ng pagbilog sa titik ng tamang sagot.


Copy and answer.
1. Sa pangkalahatan ang papel saliksik ay binubuo ng mga bahaging ito;

a. Introduksyon, metodolohiya at kongklusyon c. introduksyon, katawan, nilalaman


b. Introduksyon, katawan, kongklusyon d. introduksyon, natuklasan, sipi

2. Dito kinapalooban ng mga impormasyon hinggil sa paksa, mahalagang isyu, layunin at lagom.

a. Introduksyon b. katawan c. kongklusyon d. abstrak

3. Kinapalooban dito ang sumusunod; buod ng ideya, pahayag, at iilang usapin kaugnay ng
nililinang na paksa para sa susunod na pananaliksik.

a. Introduksyon b. katawan c. kongklusyon d. rekomendasyon

4. May dalawang batayang pormat ng dokumentasyon sa estilong CMS- Turabian ang;

a. Sistemang tala-bibliograpiya at parentikal-talasanggunian


b. Chicago at Turabian c. APA AT MLA D.wala sa lahat

5. Ang pagsulat ay __________________ at mabisang paraan upang matutong sumulat ay ang


pagsisimula nito na matiyaga at masigasig ang sinomang nais sumulat ng pananaliksik.

a. maraming bahagi ito b. isang proseso c. komplikado d. yugto


6. Ito ang paghahanda bago ang aktuwal na pagsulat

a. Pre-writing b. composing c. rewriting d. writing

7. Ito ang pinakamatandang nangungunang pamantayan ng dokumentasyon.

a. Estilong MLA b. Estilong APA c. Estilong CMS d. wala sa lahat

8. Isinusulat ang pananaliksik sa paraang seryoso, obhetibo, pormal at may hiwalay na tono o
saloobin ng mananaliksik sa kaniyang paksa.

a. Inaasahang mambabasa c. itinalaga ng guro


b. itinakda ng kumbensyon d. wala sa lahat

9. Nararapat matamo sa bahaging ito ang full circle effect ng sulatin.

a. Introduksyon b. katawan c. kongklusyon d. rekomendasyon

10. Ito ang pinakaginagamit na paraan ng dokumentasyon sa larangan ng agham panlipunan.

a. Estilong MLA b. Estilong APA c. Estilong CMS d. wala sa lahat

11. Sa yugto ng composing, tumtuukoy ang teknik na ito sa tuloy-tuloy na pagsusulat ng


mananaliksik sa lahat ng ideyang pumapasok sa kaniyang isipan.

a. Drafting b. free writing c. brainstormimg d. heading

12. Mahalaga ang paggamit nito sa katawan ng sulatin upang ihudyat ang daloy o pagbabago ng
mga ideya sa isang sulatin.

a. Pamagat b. heading c. numbering d. writing

13. Ito ang pinakapopular na estilo ng dokumentasyon sa larangan ng malayang sining at


humanidades.

a. Estilong MLA b. Estilong APA c. Estilong CMS d. wala sa lahat

14. Tumutukoy ito sa hakbang na kinapapalooban ng pagtatasa sa sulatin sa pamamagitan ng


pagtitiyak sa kaisahan ng mga ideya at pahayag, pagsasaayos ng gramatika, pagkilala sa sangguni
at pagsipat muli sa tono at paraan ng pagsulat.

a. Pre-writing b. composing c. editing d. rewriting


15. Ito ang karaniwang pagkakasulat ng pananaliksik kung ang inaasahang mambabasa ay mga
praktisyoner sa larangan.

a. Naglalatag ng resulta sa pamagitan ng tsart at grap


b. Natutukoy ang pakinabang o implikasyon ng kinasapitan ng pag-aaral
c. Nabibigay ang mga depinisyon ng mga teknikal na termino.
d. Wala sa pagpipilian

B. Mula sa nabuong preliminaryong sulatin sa inyong Pangkatang Pananaliksik, gumawa ng isang


ppt presentation (10 slides) na naglalaman ng bahagi ng saliksik. Bawat pangkat ay
maghahanda ng 10 minuto presentasyon. Maging handa sa katanungan matapos ang
presentasyon.

C.
C. Maglahad ng mga listahan ng Sanggunian ayon sa ginawang pananaliksik. Alalahanin ang mga
Estilong ginamit. Isali ito sa gagawing ppt slides.
SANGGUNIAN
Aklat

Antonio Arnau “Piezoelectric Transducers and Applications", Springer – Verlag Berlin Heidelberg,
German and Spain.

Journal

Ankitagupta,vivekGoel and Vivek Yadav "sound to electrical conversion," International Journal of


Scientific & Engineering Research, Volume 5, Issue 1, January-2014.

Mohammed Ovaiz. ,Rajkumar, RajkumarRamprasad. "Generation of Electricity from Industrial Noise,"


volume03 may 5 2016.

Shalabh Rakesh Bhatnagar , "Converting Sound Energy To Electric Energy", International Journal of
Emerging Technology and Advanced Engineering.

Digital na Reperensiya

G. R. Ahmed Jamal, Hamidul Hassan, Amitav Das, JannatulFerdous and Sharmin A. Lisa , "Generation of
Usable Electric Power from Available Random Sound Energy" , IEEE Xplore .

-mula sa Unang Edisyon, Komunikasyon at Pananaliskisik sa Wika at Kultura, p 179-183: CM Recto Ave., Rex Bookstore, 2019.
GEC-PPTP
Aktibiti Blg. 5

Pangalan: Justeine Gee J. Montana Taon/Kurso: BSEE II – H Petsa: Abril 18, 2020 Marka:_____

Paksa: Pagsulat at Pagsusuri ng Saliksik

Panuto: basahin at suriin mo: narito ang isang sipi ng pananaliksik. Bigyang-pansin ang paksa,
pinagmulan ng datos, gamit ng wika, punto-de-vista, salitang ginamit at pangkalahatang reaksyon mo sa
pagbabasa nito. (pls see attached docs sa GC messenger) para sa pagbasa ng artikulo.
Pagsusuri:

Ang sipi ay nagpapakita ng kahusayan sa pagpapahayag ng paksa. Bagamat may kalumaan ang
sipi, dahil sa paraaan ng paglatag ng mga ideya at argumento, madali pa rin itong naiintindihan ng mga
ordinaryong mambabasa. Pagdating naman sa pinagkunan ng mga datos, may sapat naman itong
reperensiya. Mayroon itong mga citations na nagpapatibay sa mga argumentong binaggit at diniskurso.
Ngunit, mayroon lang ilang mga reperensya na masyado nang matagal na maaring makaaapekta sa
pananaw ng mga mambabasa. Ang puwang sa pinakabago at pinalumang citation ay masyadong malaki.
Mas mainam sana kung ang mga citation o reprensyang ginamit ay magkakalapit lang at napapanahon.

Sa kabilang banda, ang wikang ginamit sa sipi ay may kapayakan na nagging benepisyal upang
mas maintindihan ng mga mambabasa ang nais ipahiwatig ng sipi. Dahil dito, mas lumawak ang saklaw
ng mga indibidwal na maaring makaintindi sa sipi, sapagkat ito ay palakaibigan sa masa. Sa isang siping
akademiko, nararapat lang na ang punto-de-bista ay nasa third person upang maiwasang masing bias at
subhetibo ang akda, at ito ang ipinamalas ng sipi. Bagamat nagtatanong ito sa dulong bahagi, napanatili
pa rin nito pagka-akademiko. Sa pangkalahatan, ang sipi ay naisulat ng maayos at naipahayag ng mabuti
ang mensaheng nais iparating nito sa mga mambabasa.

Rubriks: tasahin an ginawang pagsusuri batay sa kategoryang nasa ibaba: x2

Kategorya Puntos

5 4 3 2 1
Nilalaman
 Malinaw ang pahayag
 Kritikal at orihinal ang pagsusuri
 Gumamit ng mga halimbawa
Gamit ng Wika
 Gumamit ng angkop na mga salita
 Maayos ang estruktura ng mga pangungusap
 Wasto ang gamit ng bantas
Estruktura
 Lohikal ang daloy ng kaisipan
 Sumusunod sa itinakdang pormat
Kabuuan : __________/30
mula sa Unang Edisyon, Komunikasyon at Pananaliskisik sa Wika at Kultura, p 179-183: CM Recto Ave., Rex Bookstore, 2019.
GEC-PPTP

Aktibiti Blg. 6

Pangalan: Justeine Gee J. Montana Taon/Kurso: BSEE II – H Petsa: Abril 22, 2020 Marka:_____

Pangkatang Gawain:

Mga Membro: Colipano, Brixter


Montana, Justeine Gee
Ng, Kyle Philip
Pitogo, Niῆo
Rivero, Edlyn

Paksa: Pagbuo ng isang Proposal na Pananaliksik

Layunin: 1. Natutukoy ang mga bahagi ng isang proposal na pananaliksik


2. naipapaliwanag ang kahalagahan nito
3. nasusuri ang mga halimbawa at nakabubuo ng isang proposal na pananaliksik

I. Alin sa mga sumusunod ang sa palagay mo ay bahagi o kasama ng isang proposal. Layan ng tsek ang
mga sagot.

Kasali Hindi kasali


1. Listahan ng mga interes ng mananaliksik ___________ _________
2. Budget na kailangan ng mananaliksik _________ __________
3. Listahan ng mga gustong magawa sa saliksik ___________ _________
4. Listahan ng mga gagamiting sanggunian o referensya _________ __________
5. Paraan sa pagkuha ng datos __________ _________
6. Impormasyon tungkol sa dati ng pananaliksik __________ _________
7. Balangkas ng pananaliksik __________ _________
8. Mga respondente _________ __________
9. Iskedyul sa pagbuo ng proposal _________ ___________
10. Impormasyon sa dati ng nagawa ng mananaliksik _________ ___________

II. Sa nabuong pangkat, pagkasunduan sa grupo ang gagawing pananaliksik. Pagkatapo kolektahin ang
isang pananaliksik, maaaring buuin ang bawat bahagi. Maaari ding magtalaga ng ilang bahagi ng
proposal sa bawat miyembro. Anoman ang pamaraan tiyakin na alam at nauunawaan ng bawat
miyembro ang kabuuan ng pinal na proposal.

Bahagi Nilalaman o paraan ng pagsulat


Introduksiyon Ang solar ay isang mahalagang enerhiya na laganap sa
atmospera. Marami naring mga pag-aaral ang naisasagawa
patungkol sa enerhiyang solar. Kadalasan sa mga aplikasyon ng
enerhiyang solar ay ang mga solar heater, solar cockers, at solar
panels na ginagamit sa mga bahay at komersyal na
establisimiento para tugunan ang pangangailangan ng kuryente.
Ang mga renewable energy gaya ng hydro, ind, nuclear, atbp. ay
ang mga pinakaimportanteng enerhiyang bigay ng kapaligiran.
Ngunit sa inaasahan, ang enerhiyang nuclear ay nag-eemit ng
mababang eneherhiya taliwas sa malaki at magastos nitong
kalikasan. Sa kabilang banda, ang mga mikropono at mga
piezoelectric na mga devices ay nagkakaroon ng malaking
kontribusyon sa pinamurang gastos, pagdating sa paggenerate
ng power supply.

Ang mga mikropono ay may natatanging katangian na


makasagap ng tunog at pakapagconvert nito sa elektrikal na
enerhiya sa diaphragm nito. Kapag ang mga sound vibrations ay
nakapaloob dito,, magkakaroon ito ng strain at stress na dahilan
upang makapagconvert ito ng enerhiyang elektrikal. Ang mga
piezoelectric na material ay nagtataglay ng crystalline structure
na direktang nagcoconvert ng enerhiyang mekanikal sa
elektrikal at vice versa. Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa
dalawang paraan ng pagconvert ng elektrikal na enerhiya gamit
ang mga walang kwentang ingay at tunog sa paligid upang ito ay
gawing kapaki-pakinabang na enerhiya. Ang mga pang-araw
araw din nating devices ay maaring makagamit ng enerhiyang
magagawa nito.

Paglalahad ng Suliranin Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri kung ang walang
kwentang ingay o tunog sa paligid ay maaring gamitin upang
makalikha ng enerhiyang elektrikal.

Partikular, naglalayon itong masagot ang sumusunod na mga


katanungan:
1.) May possibilidad bang makagawa ng elektrikal na
enerhiya gamit ang tunog sa paligid?
2.) Ano ang relasyon ng lakas ng ingay sa paligid sa sukat
ng boltahe at kuryenteng magagawa nito?

Rebyu na kaugnay na pag-aaral Ang pag-convert ng elektrikal galing sa tunog ay hindi bagong
konsepto ito ay iminungkahi ng Los Alamos Pambansang
Laboratory sa pakikipagtulungan ng mga Northrop Grunman
Space Technology, USA. At ginamit nila ang isang generator sa
gumagalaw na piston para sa kumbersyon. Ang enerhiya ng
tunog ay nai-convert sa elektrikal na enerhiya sa pamamagitan
ng transducer (Ansari, 2017). Ang transducer bilang isang
mikropono na kung saan ay may maraming aplikasyon na
maaring gamiton sa ibat-ibang pagtitipong sosyal. And
sinasabong mikropono ay ma-convery ang enerhiya ng tunog sa
enerhiya ng elektrikal sa mababang antas ng “capacitor bank
boost” at ang enerhiya ay magagamit sa pag-charged ng ating
mga gadget.

Sa siyentipikong pag-aanalisa, ayon kay Bhatnagar (2012), ang


tunog ay isang mekanikal na ay isang mekanikal na form ng
enerhiya enerhiya at dumadaloy sa anyo ng isangbalon. Ang
mekanikal na alon ay ang oscillation ng pressure at ang pressure
na ito ay dulot ng ingay o tunog ay maaring maconvert sa
kuryente. Ipinahayag din niya dito dalawang paraan kung
papaano maisasagawa ang pagpagkokonvert ng tunos sa
enerhiyang elektrikal. Ito ay sa pamamagitan ng paggamit rin ng
mga piezoelectric na materyal at ng mga transducer.

Sa isa pang pag-aaral sinasabing ang mga vibrations na dulot ng


ingay ay kinokonvert sa enerhiyang elektrikal sa prinsipyo ng
electromagnetic induction. Ang nasssagap na signal mula sa
transducer ay pinadaraan sa isang step-up transformer upang
makagawa ng enerhiyang elektrikal (Bansal et. al, 2015,
Rajkumar et. al 2016). Bagamat gumagamit ito ng ibang paraan
ng pagconvert ng ingay sa enerhiyang elektrikal, pinagbtibay ng
pag-aaral na ito ang possibilidad ng pagproduce ng elektrikal na
enerhiya gamit ang mga tunog sa paligid.

Ang isang epektibing paraan ng paggawa enerhiyang elektrikal


ay ang paggamit ng tunog o ingay. Ang piezoelectriv transducers
ang ginagamit upang maisakatuparan ito. Ang nalikom na
enerhiyang elektrikal ay iniimbak sa mga supercapacitors at
pinasummed up and iniamplify. Ang resultang power nito ang
nagcharge sa isang 9-volt na battery papra mastore ang
enerhiya. Sa paraang ito, mauutilize ang mga ingay o tunog sa
paligid sa pagpower ng mga compatible na maliit na loads
(Ahmed Jamal et. al, 2013).

Sa pangkalahatan, ang paggammit ng ingay o tunog ay isang


paraan upang magakagawa ng elenerhiyang elektrikal na
kapaki-pakinabang sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga
mamamayan. Ang pananliksik na ito ay may sapat na batayan sa
para maisakatuparan at mapaunlas pa ang mga nagdaanag
pananaliksik ukol sa paksang, paggamit ng ingaybo tunog upang
makapagproduce ng enerhiyang elektrikal.

Teoritikal/konseptwal na balangkas Ang pananaliksik na ito ay isang siyentipikong pag-aaral na


naglalayong makalikha ng enerhiyang elektrikal mula sa mga
ingay at tunog sa paligid. Inilahad dito na sa pamamagitan ng
pagkolekta ng ingay gamit ang transducer o piezoelectric na
materyal, maaring makalikom ng elektrisidad na
makakapagpagana ng mga gadyet at mga appliances. Sa input
na bahagi inilagay ang pagsagap ng ingay na maaring
mapagkunan ng enerhiya. Pagkatapos, ito ay ipinoproseso ng
mga transducer at inistore sa isang 9-volt na batterya. At ang
output ng pananliksik na ito ay ang enerhiyang elektrikal na
maaring magamit upang magpagana sa mga bagay na
nangangailangan ng kuryente.

INPUT PROSESO OUTPUT


Paglagay ng
mikropono o
Enerhiyang
piezoelectric
elektrikal na
Ingay o tunog material upang
maaring
na nagmumula maconvert ang
makapagpagana
tunog
sa paligid. ng anumang
Maginstall ng bagay na
battery upang nangangailangan
ng kuryente
maipon ang
enerhiyang
elektrikal

Metodo Sa unang bahagi, isang mikropono ay gagamitin upang


makasagap ng mga tunog sa paligid at para ang mga tunog na
nasagap ay e-convert ito sa enerhiyang elektrikal. Tulad
pagsasalita natin sa mikropono na kung saan ang mikropono ay
i-convert neto ang tunog sa signal ng elektrikal na hindi na
kailangan i-convert pa ulit sa orihinal na porma. Naka-install ang
9v dc batterya upang maiimbak ang elektrikal na signal at
gumamit ng maraming aplikasyon. Ito ay magiging isang bagong
konsepto dahil walang katulad ang applikasyon neto o isang
appliances ay ginawa upang magamit nang direkta muka sa
“sound to run”. Ang pangalawang paraan ay ang paggamit ng
piezoelectric na device. Sa paraang ito, ang tunog mula sa
paligid ay nagdudulot ng strain or stress sa sa ibabaw ng crystal
ng piezo-electric device. At dahil sa mekanikal na depormasyon
ng device, nakagawa ito ng enerhiyang elektrikal.

Ang pangunahing ideya ang ang tunog ay naglalakbay sa


anumang daluyan pagkatapos at nakakagambala sa mga
particle ng partikular na daluyan na kung saan naiidulot ang
isang tunog na maaaring magamit upang makabuo ng kuryente.
Sa pamamaraang ito ay maraming mga aparato ang ginawa at
naka-install sa maingay na mga lugar.

Diskusyon
Mahinuha sa larawang ipinakita na ang 120 dB ay nagdudulot
ng halos 2.0 na boltahe. Dito natin mahihinuha na habang
lumalakas ang ingay, mas mataas ang boltaheng nagagawa nito.
Bagkus, may direktang relasyon ang lakas ng tunog sa boltaheng
nagagawa nito. Patunay din ito na ang mga ingay sa paligid ay
may kalakasan at makapagdudulot ng enerhiyang elektrikal.

Analisis

Sa paglathala ng mga resulta, ang mananaliksik ay gumamit ng


mga dayagram at grapikal na representasyon upang mas
maipahayag at bigyang linaw ang resulta ng pananaliksik. Batay
sa mga datos, ang pinakamababang ingay na naitala ay 75 dB na
nakapagdulot ng 0.70 na boltahe at 0.7 mA. Sa patuloy na
pagtala ng mga datos, umabot ang paglathala sa labing-apat, at
sa panghuling resulta natala ang pinakamataas sa hanay. Dito,
ang pinakamataas naman na naitalang ingay ay 120 dB na
nakapagdala ng 2.0 boltahe at 2 mA.

Kongklusyon at Rekomendasyon May iba't ibang porma ng enerhiya na hindi natin napansin ang
tungkol dito pero ito ay maaaring magsilbi bilang gulong ng
ating pang araw-araw na buhay. Ang aparato na Ito maaaring
makabawas sa polusyon at pati narin sa polusyon natin na
nanggagaling sa kapaligiran upang magamit ang ating mga
gadget tulad ng selpon. Ito rin ay pwedeng gamiton kahit asang
maingay na lugar at DC na baterya ay kailangang nakakonek sa
tindahan at gamitin ito bilang mga kinakailangan namin.
Ang proyektong ito ay pweding magamit sa kahit na anong lugar
na sobrang maingay, gaya ng stadium, traffic light railways at
iba pa. Sa pang-hinarap, makakatulong din ito sa pagsusupply
ng kuryente. Maganda din itong gamitin dahil hindi ito
masyadong magastos, dahil gumaguna ito sa wasted energy. Sa
taong 2030, kung saan ang mundo ay inaasahang hindi na
magdedepende sa mga renewable resources, ang aparatong ito
ay mas magagamit para sa mga pangangailangan ng enerhiya.
Ang iba pang aplikasyon na maaring maitutulong ng nito sa
kalye ay yung mga ingay na naidudulot ng mga sasakyan ay
maeeconvert nito sa elektrisad na kung saan nagbibigay ilaw
nito. Gamit nito, mababawasan ang noise pollution sa ating
pampublikong daraanan ng dahil sa aparatong ito.

Sanggunian Aklat

Antonio Arnau “Piezoelectric Transducers and Applications",


Springer – Verlag Berlin Heidelberg, German and Spain.

Journal

Ankitagupta, vivek Goel and Vivek Yadav "sound to electrical


conversion," International Journal of Scientific &
Engineering Research, Volume 5, Issue 1, January-2014.

Mohammed Ovaiz. ,Rajkumar, Rajkumar Ramprasad.


"Generation of Electricity from Industrial Noise," volume03
may 5 2016.

Shalabh Rakesh Bhatnagar , "Converting Sound Energy To


Electric Energy", International Journal of Emerging
Technology and Advanced Engineering.

Digital na Reperensiya

Aman Bansal, Arpan Kumar, Devyani Gera, Mehul Garg, (2015).


“Generation of Electrical Energy from Sound Energy”, IEEE
Explore.

Ansari, R.A. (2017). Conversion of Electricity from Sound Energy


(Noise Pollution). Proceedings of 88th ISERD International
Conference, 1st -2nd October, 1-3. Retrieved from
http://www.worldresearchlibrary.org/up_proc/pdf/1114-
15112624331-3.pdf

G. R. Ahmed Jamal, Hamidul Hassan, Amitav Das,


JannatulFerdous and Sharmin A. Lisa, (2013), "Generation
of Usable Electric Power from Available Random Sound
Energy" , IEEE Xplore .

Rubriks: Gamitin ang sumusunod na gabay sa pagtatasa ng gawa.

Buong
Pamantayan Pagpupuntos
puntos
Introduksiyon
 Tinukoy ang paksa at suliranin
 Ipinaliwanag ang konsepto/susing konsepto
10
 Nailahad ang personal/panlipunang dahilan sa pagpili ng paksa
Paglalahad ng Suliranin
 Isang espesipiko bahagi ng paksa ang suliranin
 Ipinaliwanag ang susing konsepto na nakapaloob sa suliranin ng
10
pananaliksik
Rebyu na kaugnay na pag-aaral
 Tumukoy sa nagawa g pag-aaral na may kaugnay sa planong pag-
aaral
 Tinalakay ang nilalaman ng mga pag-aaral 10
 Tinukoy ang mga bagong ambag
Teoritikal/Konseptwal na Balangkas
 Naipaliwanag sa pamamagitan ng isang balangkas
 Magkakaugnay ang mga teorya ng pag-aaral 10
 Natumbok ang pangangailang sa pag-aaral
Metodo
 Tumukoy sa mga paraan ng pagsasagawa ng saliksik
 Ang paraan ng pagkuha at pagtipon ng mga datos ay nagawa 10
 Naipaliwanag kung ano at paano gagamitin ang paraan
Diskusyon
 natalakay ang mga impormasyon sa pag-aaral 10
 Nailahad ang pangangailangan at nasagot ang suliranin
Analisis
 Nailahad ang interpretasyon ng datos 10
 Naipaliwanag ng tahasan ang pag-aaral
Konklusyon at Rekomendasyon
 Nailahad ang lagom ng pangkalahatan at mahahalagang
10
natuklasan ng pananaliksik. At ang binubuo batay sa mga
natukoy na kongklusyon ng pag-aaral
Sanggunian
 Natukoy ang mga pinagkunan ng datos 10
 nagamit at naitala ang referensiya sa pag-aaral
Pangkatang pakikitungo
 alam at nauunawaan ng bawat miyembro ang kabuuan ng pinal 10
na proposal
Kabuuoan 100
puntos
Hinanda ni: JULIET O. MANDADO, Ed.D.

You might also like