Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 35

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

MAPEH
GRADE 1
“Tuklasin at
Pagyamanin”
Quarter 1 Week 4 Module 4

Most Essential Learning Competencies:


1. Maintains a steady beat when chanting, walking,
tapping, clapping and playing musical instruments.
2. Uses different drawing tools or materials-pencil, crayons,
piece of charcoal, a stick on different papers, sinamay,
leaves, tree bark, and other local materials to create his
drawing.
3. Creates shapes by using different body parts.
4. Tells the consequences of eating less healthful foods.
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang


lahat ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong
gagawing pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng
panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng


modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil
madali mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga
kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan
kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para
lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa
pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul
na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga
bagong kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan
ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga
dating kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang
pangkalahatang ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng
may kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan
mo ang bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin

1
UNANG PAGSUBOK

Lagyan ng tsek (/ ) kung wasto ang sinasabi ng


pangungusap, at (×) naman ang hindi wasto

1. Ang tunog ay naririnig natin sa katahimikan.


2. Ang ritmo ay nagbibigay ng ayos o porma sa daloy
o takbo ng musika.

Basahin ang nangungusap. Piliin at isulat ang titik ng


tamang sagot.

3. Alin sa mga kagamitan ang ginamit sa pagguhit ng


nasa larawan ?

https://co.pinterest.com/pin/553520610447582641/

A. krayola B. uling o charcoal C. pintura


4. Anong bagay ang ginamit upang mabigyang buhay
ang iginuhit na bulaklak?

https:// pinterest.ph/pin573294227537690186/

A. butil ng munggo B. balat ng itlog


C. tuyong dahon

5. Ano ang hugis na ipinapakita sa larawan.


A. simetriko B. di-simetriko

2
6. Ano ang hugis na ipinapakita sa larawan.
A. simetriko B. di-simetriko

7. Ang pagkain ng hindi masustansyang pagkain ay


nagdudulot ng _________ epekto sa katawan.
A. Maganda B. Masama C. Maayos
8. Sino ang nagpapakita ng tamang gawain upang
maging malusog?
A. Si Ana ay kumakain ng hotdog araw-araw.
B. Ang magkapatid na Cheska at Fatima ay
palaging kumakain ng matatamis kapag
nagmemeryenda.
C. Ang bunsong anak ni Aling Jane ay palaging
kumakain ng prutas at gulay.

3
Musika

Aralin 4 Metrong Tatluhan

Inaasahan:
Sa araling ito matututunan natin ang wastong pagsunod
sa ritmo sa pamamagitan ng pagpalakpak, pagpadyak,
pagpitik at iba pang galaw ng ating katawan.
Balik-tanaw:
Bilugan mo ang mga nagpapakita ng tunog at ikahon ang
nagpapakita ng katahimikan.

Pinagmulan:https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.shutterstock.com%2Fsearch%2Fclock%2Bcl
ipart&psig=AOvVaw22GmWrfUM53jyxfctRtFBC&ust=1592733160814000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFw
oTCIiK4s2PkOoCFQAAAAAdAAAAABAD
https://www.google.com/search?q=clipart+clapping&tbm=isch&hl=en&chips=q:clipart+clapping&tbs=sur:fmc&rlz=
1C1CHBD_enPH900PH900&hl=en&ved=2ahUKEwjHuojQ5Y_qAhWZe94KHQMCA8sQ3VZ6BAgBEBc&biw=1349&bih=65
7#imgrc=32ECFb_1kr3xPM
https://www.shutterstock.com/image-vector/snare-drum-side-musical-instrument-flat-581189683
https://www.shutterstock.com/image-vector/cute-cat-cartoon-263387039
https://www.shutterstock.com/image-vector/boy-sleeping-his-bedroom-illustration-370315466

4
Mga Tanong:
1. Alin sa mga larawan ang may paulit – ulit na tunog?
2. Maaari mo bang sundan ng angkop na kilos ang
mga tunog ng mga bagay sa larawan?
3. Ano-ano pa kaya ang mga bagayna may paulit-ulit
na tunog?

Pagpapakilala ng Aralin:
Isa sa pinakamahalagang elemento ng musika ay
ang rhythm o ritmo. Ito ay tumutukoy sa galaw ng katawan
bilang pagtugon sa tunog na narinig. Ang tunog ay
maaaring gayahin sa pamamagitan ng pag-awit,
paggamit ng katawan – halimbawa ay pagpalakpak,
pagpitik ng daliri at iba pa. Ang ritmo ay nagbibigay ng
ayos o pormasadaloy o takbo ng musika.
May mga tunog na paulit-ulit at magkakatulad na tagal
ng tunog. Sundan ang mga linya sa pamamagitan ng
pagpalakpak habang naririnig ang pantay-pantay na
ritmo.

Pinagmulan: Sidlak2 : Ang PaglalakbayTungosa Mundo ng Musika, Sinig, EdukasyonsaPagpapalakas ng Katawan at


Kalusugan, ph. 13,
20https://www.google.com/search?q=clipart+clapping&tbm=isch&hl=en&chips=q:clipart+clapping&tbs=sur:fmc&rl
z=1C1CHBD_enPH900PH900&hl=en&ved=2ahUKEwjHuojQ5Y_qAhWZe94KHQMCA8sQ3VZ6BAgBEBc&biw=1349&bih=6
57#imgrc=32ECFb_1kr3xPM

5
May mga ritmo na nasa tatluhang bilang. Tapikin ang
mesa o ipalakpak ang mga kamay habang sinusundan
ang guhit na may bilang sa ibaba.

1 2 3 1 2 3

Pinagmulan: Sidlak2 : Ang PaglalakbayTungosa Mundo ng Musika, Sinig, EdukasyonsaPagpapalakas ng Katawan at


Kalusugan, ph. 13, 20

https://www.google.com/search?q=clipart+clapping&tbm=isch&hl=en&chips=q:clipart+clapping&tbs=sur:fmc&rlz=
1C1CHBD_enPH900PH900&hl=en&ved=2ahUKEwjHuojQ5Y_qAhWZe94KHQMCA8sQ3VZ6BAgBEBc&biw=1349&bih=65
7#imgrc=32ECFb_1kr3xPM

Gawain:
Pinatnubayang Gawain 1:
Pakinggan nang mabuti ang pattern ng tunog na
gagawin ng guro o tagapatnubay. Sundan ito sa
pamamagitan ng:
1. Pagpalakpak ng mga kamay
2. Pagpadyak ng iyong paa
3. Pagtapik sa mesa

6
Pinatnubayang Gawain 2:
Awitin natin ang Bahay Kubo at ipalakpak ang mga
kamay upang maipakita ang ritmo sa metrong tatluhan.
Link: https://www.youtube.com/watch?v=TB63_-zitwM video ni Stephen J. Souza

Pinagmulan: Sidlak2 : Ang PaglalakbayTungosa Mundo ng Musika, Sinig, EdukasyonsaPagpapalakas ng Katawan at


Kalusugan, ph. 13, 20-22
https://www.pinterest.ph/pin/544091198713826843/
https://www.youtube.com/watch?v=1zltiVu94y4&feature=youtu.be&fbclid=IwAR1wRBS1hzWT5DjHg9nUoSDvPbwKBq
YuBx_1rRdFzlvh-dKLznXokkLAspo Bahay Kubo/Traditional Filipino Song/pddanger

7
Malayang Pagsasanay:
Tumayo ang mag-aaral, gayahin natin ang awit at
pagkilos ng guro o tagapatnubay.
Duyan umimbay, Pataas at Pababa
Duyan umimbay, Pataas at Pababa

Tandaan

• Ang tunog at katahimikan ay nasa ating


kapaligiran.

• Ang tunog ay maaaring gayahin sa


pamamagitan ng pag-awit, paggamit ng
katawan – halimbawa ay pagpalakpak, pagpitik
ng daliri at iba pa.

• Ang ritmo ay nagbibigay ng ayos o porma sa


daloy o takbo ng musika.

• May mga ritmo na nasa tatluhang bilang 3/4.

8
Isagawa
Kumembot habang bumibilang ng isa, dalawa, tatlo.
Maaari itong gawin habang nakikinig sa isang awiting pansayaw.

Pag-alam sa mga Natutunan


Lagyan ng / kung wasto ang sinasabi ng pangungusap, at
× naman ang hindi wasto.
1. Ang tunog ay naririnig natin sa katahimikan.
2. Ang ritmo ay nagbibigay ng ayos o porma sa daloy o
takbo ng musika.

9
Sining

Aralin 4 Likas Yaman

INAASAHAN
Pagkatapos ng araling ito inaasahang:
• Nakakaguhit ng hayop gamit ang mga bagay
na nakikita sa paligid.
• Nakakabuo ka ng likhang sining na may akmang
linya, hugis , malinis at maayos
• Naipagmamalaki mo ang nabuong likhang sining.

BALIK-TANAW

Panuto: Bilugan ang tamang sagot.

1. Alin sa mga hugis ang ginamit sa pagguhit


ng mata ng isda?

https://clipartion.com/free-clipart-fish-clipart-black-and-white/

2. Anong mga linya ang ginamit upang


maipakita ang panlabas na anyo ng
ampalaya?

https://clipartstation.com/bitter-food-clipart-black-and-

10
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Ang ating mga kamay ay makakabuo ng isang


magandang likhang sining sa tulong ng ating imahinasyon
gamit ang mga kagamitang makikita natin sa ating
paligid.

Tingnan ang larawan

https://www.pinterest.ph/pin/490681321887971644/

11
Nakikilala mo ba ang mga nasa larawan?
Ano ang mga ito?
Ano ang mga ginamit nila upang bigyang
buhay ang kanilang iginuhit na hayop?

Tingnan ang mga larawan

https://www.steemit.com/art/@diana88/creation-of-the-result-ofa-pencil-sharpener-793efd3315c
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcTGvk6GrP5xdo4-
9PapMH52BGiF2vn6mGYAO7EFxAzVwWGge786&usqp=CAU

12
https://www.steemit.com/art/@diana88/creation-of-the-result-ofa-pencil-sharpener-793efd3315c

Ano naman ang ginamit nila upang


mabigyan ng detalye ang kanilang iginuhit?

https://encryptedtbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcR6v2c3PEdZv1FohwTl96jWU-SoBHlbzjmXMpVWL-
https://pnterest.ph/pin/39688040442627093

13
Ang mga ito ay halimbawa ng mga likhang sining na
ginamitan ng imahinasyon gamit ang mga tangkay ng
halaman, dahon, mga bulaklak, buto, butones, tasa ng
lapis at marami pang iba na nakikita natin sa ating paligid.

https://www.google.com/amp/mybrightideasblog.com/make-leaf-art-easy-nature-project

Pinagsama-sama at idinikit sa papel upang


mabigyang kulay at detalye ang mga linya at hugis at
tekstura na iyong iginuhit.

GAWAIN

Mamulot ka ng laglag na berdeng dahon at balat ng


itlog na pula. Durugin ang balat ng itlog na pula
hanggang sa maging pino. Gupitin sa maliliit na piraso ang
berdeng dahon. Gamit ang uling ay gumuhit ka ng
pakwan at kulayan ang loob nito gamit ang dinurog na
balat ng itlog na pula. Gamitin ang dahon para sa balat
ng pakwan na iginuhit.

14
Mga Hakbang sa Paggawa
1. Ihanda ang mga kagamitan gaya ng papel,
pandikit(glue), dinurog na balat ng itlog na pula at uling.
2. Gumuhit ng pakwan sa isang malinis na papel gamit
ang uling.
3. Idikit ang dinurog na balat na itlog na pula sa pakwan
upang magkaroon ng kulay at tekstura ang
larawan.Lagyan ng ginupit gupit n dahon para sa balat ng
pakwan.
4. Tapusin ang gawain sa loob ng 5 minuto.
5. Patuyuin ito.

Mapulang Pakwan

15
TANDAAN MO

Sa pagguhit ng linya, mga hugis at paggawa ng


tekstura sa ating likhang sining maaari tayong gumamit ng
mga bagay na makikita natin sa ating paligid tulad ng
mga dahon, bulaklak at marami pang iba

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN


Subukan natin ang pagiging malikhain mo.Iguhit ang
iyong paboritong iulam na isda at lagyan ito ng kaliskis
gamit ang dinurog n balat ng itlog na puti.

Paksa: Isdang Malinamnam

Mga Hakbang sa Paggawa


1. Ihanda ang mga kagamitan gaya ng papel,
pandikit(glue), dinurog na balat ng itlog na puti.
2. Gumuhit ng isda sa isang malinis na papel gamit
ang uling.
3. Idikit ang dinurog na balat na itlog na puti sa
katawan ng isda upang magkaroon ng kulay at
tekstura ang larawan.
4. Tapusin ang gawain sa loob ng 5 minuto.
5. Patuyuin ito.

16
Isdang Malinamnam

17
Piliin ang tsek kung naisasagawa ang nasa bilang at
kung hindi.

KASANAYAN

1. Nakaguhit ako ng prutas at isda.

2. Naidikit ko ang balat ng itlog upang


malagyan ng kulay at detalye ang
aking gawa.

3. Nakatapos ako ng aking gawain sa


takdang oras.

4. Naipagmalaki ko ang aking likhang


sining sa aking pamilya.

KABUUAN

18
P.E.

Aralin 4 Iba’t-ibang Hugis ng Katawan

INAASAHAN:
Lumikha ng mga hugis sa pamamagitan ng
paggamit ng iba’t ibang bahagi ng katawan.

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Mayroong iba't ibang mga bahagi ng katawan na


makakatulong sa iyo na maka kilos at gawin ang mga
pang-araw-araw na gawain. Ang mga bahagi ng
katawan na ito ay nagbibigay-daan sa iyo upang
gumawa ng mga tukoy na paggalaw kahit na nakatayo
ka lang sa lugar o gumagalaw. Kailangan mong igalaw
ang mga bahagi ng katawan na ito nang lubusan upang
magawa mong maging aktibo at kapaki-pakinabang.

BALIK-TANAW

Panuto: Isulat ang I kung nagpapakita ng makitid na


hugis, o kung nagpapakita ng pabilog na hugis X kung
nagpapakita ng malapad na hugis. Isulat ito sa patlang.

19
______1. ______4.

https://images.app.goo.gl/bPD5CEj53oBjaKa96
https://images.app.goo.gl/8NRTkgb3pUWg2Btp9

______2. ______5.

https://images.app.goo.gl/ArQAcohtos1AjAaw6

https://images.app.goo.gl/MribLj56DqKq1ZTz6

______3.

https://images.app.goo.gl/zWV9Ysb4EZ258AQ58

20
GAWAIN
Gawain 1: Hugis ng katawan (Pagtutulungan, Pagbuo ng
Katauhan)
Inaasahan: Lumikha ng mga hugis sa pamamagitan ng
paggamit ng iba’t ibang bahagi ng katawan.
Panuto: Gayahin ang nasa larawan.
A B

Alin sa larawan ang nadalian kang gawin.


Alin sa larawan ang nahirapan kang gawin? Bakit?
Anong naramdaman mo nung nagawa mo ang mga
nasa larawan?
Alam mo ba na mayroon pang dalawang hugis Ito ay
simetriko na hugis at di-simetriko na hugis. Gayahin ang
nasa larawan.

21
Ang simetriko na hugis ay kung saan ang posisyon ng
magkabilang panig ng katawan ay pareho o balance.

Mga halimbawa ng simetriko na hugis.

Pansinin ang mga larawan. Kung mapapansin mo pareho


ang magkabilang bahagi ng katawan. Madaling gawin
dahil balanse ito. Gayahin ang nasa larawan

22
Ang di-semetriko na hugis kung saan ang
posisyon magkabilang panig ng katawan ay magkaiba at
ang pagbalanse ay mahirap gawin.
Mga halimbawa ng di-simetriko na hugis

Pansinin ang mga larawan. Kung mapapansin mo


magkaiba ang posisyon ng magkabilang bahagi ng
katawan, mahirap gawin dahil hindi magkapareho o hindi
balanse ang magkabilang bahagi ng katawan.

TANDAAN:
Ang iyong katawan ay makakabuo ng iba’t ibang
hugis ng simetriko at di-simetriko na hugis. Ang simetriko na
hugis kung saan ang posisyon ng magkabilang panig ng
katawan ay pareho o balanse. Ang di-simetriko na hugis
kung saan ang posisyon magkabilang panig ng katawan
ay magkaiba at ang pagbalanse ay mahirap gawin. Ang
mga hugis ay naisasagawa sa pamamagitang ng
paglalaro, pagsasayaw at pageehersisyo. Nakakabuti sa
ating katawan ang pagsasagawa ng mga hugis. Ang mga
hugis ay naisasagawa sa masayang pisikal na aktibidad.

23
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN:

Panuto: Isulat ang T kung tama ang bawat pangungusap


M kung mali. Isulat ito sa patlang.

_______1. Ang simetriko na hugis ay balanse ang


dalawang panig ng katawan.
_______2. Ang di-simetriko na hugis madaling gawin.
_______3. Naisasagawa ang mga hugis sa pamamagitan
paglalaro, pagsasayaw at pag eehersisyo.
_______4. Ang mga hugis ay naisasagawa sa masayang
pisikal na aktibidad.
_______5. Ang pagsasagawa ng mga hugis ay
nakakatulong sa ating katawan.

24
Health

Aralin 4 Tamang Pagkain

INAASAHAN
Sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga bata ay inaasahang:
• Masasabi ang mga maaaring epekto ng pagkain ng
mga mas masustansiyang pagkain
• Masusuri ang mga maaaring epekto ng pagkain ng
mas masustansiyang pagkain

Balik-Tanaw

Panuto: Isulat ang letrang T kung ang pangungusap ay


nagpapahayag ng wasto o letrang M naman kung mali.
_______1. Magiging sakitin ang taong kumakain ng hindi
masusustansiyang pagkain.
_______2.Ang pagkain ng masusustansiya ay
nakakapagpalakas ng katawan.
_______3. Maari kang magkakanser kung palagi kang
kumakain ng matataba at mamantika.
_______4. Masarap kainin ang hotdog at hamburger dahil
ito ay maustansya.
_______5. Kumain ng mga gulay at prutas upang maiwasan
ang pagkakasakit.

25
Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang pagkain ng mas masustansya ay malaki ang


epekto nito sa ating kalusugan. Ito ay isa sa mga kaugalian
na dapat nating isagawa sa ating pang araw-araw na
pamumuhay. Mahalaga ito dahil dito nakasalalay ang
kinabukasan ng ating kalusugan.
Sa yunit na ito ay tatalakayin ang maaring epekto ng
mga pagkaing mas masustanysa. Matutunan din dito ang
mga dulot nito.

Basahin ang tula.


Masustansyang Pagkain
Ni: Mary Jane C. Bo
from Google image

Masustansyang Pagkain ang dapat kainin


Upang mga sakit ay lumayo sa atin.
Prutas at gulay ang palaging ihain
Pagkaing matatamis iwasan natin.

Sa gatas at ilog ikaw ay bibilog


Isda at karne naman Ikaw ay lulusog.
Ang batang malusog ay batang masaya
Kaya ang Katawan ay laging malakas.

26
Sagutin ang mga tanong:
1. Anu-anong mga masusustansyang pagkain ang
nabanggit sa tula?
2. Ano ang mangyayari kapag masustansyang pagkain
ang ihahain?
3. Ano ang pwede mong maramdaman kung ikaw ay
malusog?

from Google images

Ang mga pagkaing katulad ng mga prutas at gulay


ay nakapagapapalusog ng katawan. Mayaman ito sa
bitamina at mineral. Ang gatas,itlog,isda, at karne naman
ay mayaman sa protina. Tinapay at kamote naman ay
mayaman sa carbohydrates na nagpapalakas ng ating
katawan.
Kabilang lamang ang mga ito sa mga pagkaing
masusustansya na dapat nating kainin upang tayo’y
maging malusog at malayo sa anumang sakit.
Magiging masigla ang ang ating katawan at
makakagawa ng mga Gawain

from Clipart library


from Pinterest images

27
Gawain
Panuto: Iguhit ang puso sa patlang kung ang
pangungusap ay epekto ng maustansiyang pagkain o
tatsulok kung hindi.

_______1. Magiging mabilis ka sa mga gawain.


_______2. Hindi ka dadapuan ng mga sakit..
_______3. Magiging malnutrisyon ang iyong katawan.
_______4. Lilinaw ang iyong mga mata at kikinis ang
balat.
_______5. Mahihirapan kang magsagawa ng mga
gawain.

Tandaan

Ang masusustansiyang pagkain ay


nakapagpapalusog ng katawan at
nagkapagpapalakas ng resistensya. Dahil dito
magagampanan mo ang iyong gawain sa araw-
araw.

28
Pag-alam sa mga Natutuhan
Panuto: Kulayan ng pula ang puso kung ito ay maaring
epekto ng pagkaing masustansya at kulayan ng itim
kung hindi.

from Clipart library


from www.freepik.com

1. 2.

from google clipart from Pinterest images

3. from Pinterest images


4.

5.

29
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Lagyan ng (/ ) kung wasto ang sinasabi ng pangungusap,


at × naman ang hindi wasto.
1. Ang tunog ay naririnig natin sa katahimikan.
2. Ang ritmo ay nagbibigay ng ayos o porma sa daloy o
takbo ng musika.

Basahin ang nangungusap. Piliin at Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

3. Alin sa mga kagamitan ang ginamit sa pagguhit ng


nasa larawan ?

https://co.pinterest.com/pin/553520610447582641/

A. krayola B. uling o charcoal C. pintura


4. Anong bagay ang ginamit upang mabigyang buhay
ang iginuhit na bulaklak?

https:// pinterest.ph/pin573294227537690186/

A. butil ng munggo B. balat ng itlog


C. tuyong dahon

5. Ano ang hugis na ipinapakita sa larawan.


B. simetriko B. di-simetriko

30
6. Ano ang hugis na ipinapakita sa larawan.
B. simetriko B. di-simetriko

7. Ang pagkain ng hindi masustansyang pagkain ay


nagdudulot ng _________ epekto sa katawan.
A. Maganda B. Masama C. Maayos
8. Sino ang nagpapakita ng tamang gawain upang
maging malusog?
A. Si Ana ay kumakain ng hotdog araw-araw.
B. Ang magkapatid na Cheska at Fatima ay palaging
kumakain ng matatamis kapag nagmemeryenda
C. Ang bunsong anak ni Aling Jane ay palaging
kumakain ng prutas at gulay

31
SANGGUNIAN

A. Aklat

Advincula-Dimalanta, Josefa. et. al. Enjoying Life through Music, Art,

DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grades 1-10 Curriculum Guide.
Pasig City: Department of Education

DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grade 1 Teachers Guide. Pasig City:
Department of Education

DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grade 1 Learners Mateials. Pasig City:
Department of Education

Music, Arts, Phycical Education and Health-LMCastro, H., Castro R.,


Fernandez, M.L.J., Nolasco, B., Quiling, R.,

Physical, Education and Health. Phoenix Publishing House Inc. 2014

Physical Education, and Health 2 Rex Book Store 2013

Ramos, G., Serafica, J.P., Living with Music, Art, Physical Education ang
Health:Vibal Group Inc., 2018

Sidlak2 : Ang PaglalakbayTungosa Mundo ng Musika, Sining,


EdukasyonsaPagpapalakas ng Katawan at Kalusugan, ph. 13, 20-22

Sinugbuha, Baby Jinky N. et.al.Radiance Work text in Music, Arts,

Sunshine3 A Journey through the World of Music, Arts, PE and Health, ph. 32-37

B.Internet

https://www.slideshare.net/kristinemarieaquino/mapeh-26261244

https://www.google.com/search?q=leron+leron+sinta+lyrics+with+duple+met
er&tbm=isch&chips=q:leron+leron+sinta+lyrics+with+duple+meter,online_chip
s:folk+songs&rlz=1C1CHBD_enPH900PH900&hl=en&ved=2ahUKEwi9lLvR-
8bpAhUTx4sBHfEkD-
4Q4lYoAXoECAEQFw&biw=1349&bih=657#imgrc=r1oI5E6whPps9M

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Sining_ng_mga_gawaing- kamay

https://mothernatured.com

32
Google.Handstand Clipart
https://images.app.goo.gl/8NRTkgb3pUWg2Btp9

Google.Boy sitting crying. Vector Stock

Google Clipart
https://images.app.goo.gl/MribLj56DqKq1ZTz6

Google.Kids Playing basketball. Vector Stock


https://images.app.goo.gl/zWV9Ysb4EZ258AQ58

Google.Clip Ar Clip For Boys-Kid Standing Clipart,HD Png Download


https://images.app.goo.gl/bPD5CEj53oBjaKa96

Google.Sleeping Deep Sleep Transparent & PNG Clipart Download


https://images.app.goo.gl/ArQAcohtos1AjAaw6

http://phildigest.jp/health-tips-2/

Pinagmulan:https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.shu
tterstock.com%2Fsearch%2Fclock%2Bclipart&psig=AOvVaw22GmWrfUM53jyxf
ctRtFBC&ust=1592733160814000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFw
oTCIiK4s2PkOoCFQAAAAAdAAAAABAD
https://www.google.com/search?q=clipart+clapping&tbm=isch&hl=en&chip
s=q:clipart+clapping&tbs=sur:fmc&rlz=1C1CHBD_enPH900PH900&hl=en&ved=
2ahUKEwjHuojQ5Y_qAhWZe94KHQMCA8sQ3VZ6BAgBEBc&biw=1349&bih=657
#imgrc=32ECFb_1kr3xPM

https://www.shutterstock.com/image-vector/snare-drum-side-musical-
instrument-flat-581189683
https://www.shutterstock.com/image-vector/cute-cat-cartoon-263387039

https://www.shutterstock.com/image-vector/boy-sleeping-his-bedroom-
illustration-370315466

33
BUMUBUO SA PAGSULAT NG MODYUL
Management Team:
Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS In Charge of LRMS
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, EPS In Charge of LRMS
MUSIC 1
Manunulat: Rowena V. SempioMT II
Editor: Luis M. Anchilo. PSDS & Supervisor – In Charge (MAPEH)
Tagasuri: Enrique T. Vallejo,Head Teavher VI, President Sergio Osmena
Sr. High School
Tagaguhit : Jenny G. Francisco MT I, Liezl Laton T III
Tagalapat: Femeller Lustre Fodador MT II, Maridel Ching MT I
ART 1
Manunulat: Jina Belle V. Prieto-MTII, Catherine DC. Alberto, Ronasa D.
Quiling, Christopher R. Millama
Editor: ADULFO S. AMIT
Tagasuri: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor
Tagaguhit : Minsie M. Diwa, Ronasa D. Quiling
Tagalapat: Catherine DC. Alberto, Christopher R. Millana
PHYSICAL EDUCATION 1
Writers: Maria Lourdes B. Magnaye, Marilou V. Lapid
Editors: Eileen Marie C. De Leon, HT-III
Reviewer: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-in-Charge (MAPEH)
Layout Artist: Maria Lourdes B. Magnaye, Marilou V. Lapid
HEALTH 1
Manunulat: Nelda O, Sabater, Mary Jane C. Bo,
Jovelyn C. Gallego, Sammera B. Santos
Editor: Christopher L. Lirio
Tagasuri: Christopher L. Lirio
Tagaguhit: Nelda O, Sabater, Mary Jane C. Bo, Jovelyn C. Gallego,
Sammera B. Santos
Tagalapat: Nelda O, Sabater, Mary Jane C. Bo, Jovelyn C. Gallego,
Sammera B. Santos
Tagapamahala:, : Malcolm S. Garma, Genia V. Santos, Aida H. Rondilla,
Dennis Mendoza, Dr. Lucky Carpio

34

You might also like