Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kate Trisha T.

Alana September 15, 2020


AC 301 FLIN01G
Bb. Paulyn Prudenciado

FAKE NEWS

Noong Enero nang nag-alburoto ang Bulkang Taal, may kumalat na chain message sa
Facebook na nagsasabing ang pundasyon ng SM Mall of Asia (MOA) ay nasira at dahil dito,
pinapasok na ng tubig mula sa Manila Bay ang ilalim ng gusali. Dagdag pa rito ay sinasabing
pumping system na lamang ang nagpapatayo sa MOA at kapag nasira pa ito ay tuluyan nang
babagsak ang gusali.
Ang mga nakalahad na impormasyon sa mensaheng ito ay walang katotohanan. Noong
Enero 12, 2020 ay naglabas ng opisyal na pahayag ang SM MOA na mababasa sa kanilang
Facebook page. Sa pahayag na ito ay makikita natin na walang basehan ang mensaheng
kumakalat tungkol sa pundasyon nito. Normal ang operasyon ng Mall of Asia Complex at wala
ring ipinatawag na pagpupulong para sa mga inhenyero nito. Dagdag pa rito ay ang isa pang
pahayag mula sa kanilang opisyal na FB page na nagsasabing matibay ang pundasyon ng
gusali at hindi ito basta-basta masisira. Nagbigay rin sila ng kasiguraduhan na mayroon silang
pagsusuri na pinagdadaanan taon-taon kung kaya’t walang dapat ikabahala ang publiko,
empleyado at mga nangungupahan sa kanila.
Kinumpirma rin ito ng SM MOA Police Community Precinct sa kanilang panayam sa
Rappler kung saan sinabi ni PO1 Edd Ranger Aganon na, “Wala naman pong [reported
incidents], wala rin pong visible na nakikita [na building damage]. Wala ring abiso ‘yung SM
MOA na i-deploy kami [for security reasons]”
MGA SANGGUNIAN:
 https://www.facebook.com/notes/sm-mall-of-asia-official/official-statement-sm-mall-of-
asia-complex/2707985729294851/
 https://www.facebook.com/notes/sm-mall-of-asia-official/second-official-statement-sm-
mall-of-asia-complex/2708908042535953/
 https://rappler.com/newsbreak/fact-check/chain-message-sm-moa-damaged-foundation

You might also like