Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Daluyong ni Lazaro Francisco

Kabanata 1 – May Bagong Umaga

 Pinagkalooban si Lino Rivera ng masaganang lupang-sakahan ni Pari Amando Echevaria sa


kondisyong babayaran niya ito ng maliit na bahagi ng
kanyang inaani sa loob ng dalawampung taon. Mamanahin ito ng kanyang anak na si Ernesto sakaling
siya ay mamatay nang wala nang anumang
utang na papasanin.
 Isang palaisipan kay Lino kung bakit pinagkalooban siya ni Pari Amando ng lupa at kung bakit
nagkusa si Bb. Loreto Sanchez, ang pamangkin ng pari
at punongguro sa Pinyahan, na ariing parang tunay na anak si Ernesto. Isa pang pinagkakautangan niya
ng loob si Koronel Roda na nang sukuan
niya ay naging dahilan ng pagpapawalang-sala sa kanya ng korte sa salang pagpatay sa isang kapatas
sa Piyer X ng Maynila.
 Naisip ni Lino na ang pinakamabisang paraan upang magantihan niya ang utang na loob kay
Koronel Roda ay ang tulungan itong mapaibig si Bb.
Sanchez. Sa pamamagitan nito’y mapapasalamatan din niya sina Pari Amando at kapatid nitong si Aling
Basilia (ina ni Bb. Sanchez) na gusto ang
batang koronel para sa kanilang anak.

Kabanata 2 – Ilang Alaala

 Inihatid ni Bidong si Ernesto upang makapiling ng ama niyang si Lino, kahit sa weekend lang.
Sakay sila ng kabayong kastanyo na padala raw ni Pari
Amando at marami rin silang dalang kung anu-anong mapapakinabangan para kay Lino.
 Nagtungo si Bidong kay Huli upang tulungan ito sa mga gawain sa lupa. Nirarayuma kasi si Aling
Barang, ang ina ng dalaga, samantalang maysakit
naman ang ama nitong si Mang Abeng. Pero ayaw kay Bidong ng mga magulang ni Huli dahil isa raw
siyang “hampaslupa”.
 Ibinilin ni Lino kay Ernesto na tawaging “Ka Bidong” si Bidong dahil itinuturing na niya itong
kapatid. Ulila na kasi si Bidong at tumutulong-tulong lang
dati kung saan may magpapakain. Naabutan siya noon ni Lino na binubugbog ng kalalakihan. Umawat
lang siya noong una ngunit nang hindi mapigil,
nakisuntok na rin siya. Nang mailigtas, nakiusap si Bidong na kupkupin na siya ni Lino at mula noon,
itinuring na siyang kapatid.
 Ayon kay Ernesto, nagpahiwatig na siya kina Pari Amando at Bb. Sanchez na babalik na siya sa
kanyang ama ngunit malulungkot daw ang mga ito.
Natutuwa si Lino dahil natatanaw niya ang utang na loob sa pari at punongguro sa pamamagitan ng
pagpapahiram ng kanyang anak ngunit
nakakalungkot ding hindi niya maipadama rito ang kanyang pagmamahal bilang ama.
 Nakiusap si Bidong kung maaaring kausapin ni Lino ang mga magulang ni Huli upang siya’y
matanggap. May pinag-aralan daw kasi si Lino at maayos
managalog.

Kabanata 3 – Bigong Kawanggawa

 Matindi ang tama ni Bidong kay Huli at ito raw ang dahilan kung bakit gusto na niyang
“magpakabuti”. Gayunpaman, dumating si Aling Barang at
isinauli kay Lino ang bayong ng mga padala nito. Naging dahilan daw ito ng “pagsasampal” niya sa anak
na si Huli.
 Naisalaysay ni Bidong ang kasaysayan ng buhay ng mag-anak ni Huli. Dati raw “mayroon” sa
Maruhat ang pamilya nito ngunit naghirap dahil sa pagpapaaral sa panganay na anak na si Tirso na
kumuha ng pagsasaka sa Los Banyos. Nang makatapos si Tirso ng kolehiyo, nagpakasal ito sa isang
anak ng may-ari ng tubuhan sa Nergos at ginamit ang natutunan upang magturo ng pagsasaka. Lalong
naghirap ang pamilya nina Mang Abeng at Aling Barang nang magpakasal ang kanilang anak sa laki ng
ginastos sa handaan.
 Nagsaka na lamang si Mang Abeng, sa kabila ng tumututol niyang kalooban, sa lupain ni Don Tito,
ang mayamang lalaking nagmamay-ari ng malaking bahagi ng Maruhat. Isa ang lupain nila sa nailit ng
don na maraming alagang agrimensor o tagasukat ng lupa.
 Nakita nina Lino at Bidong si Huli habang umiigib ito ng tubig. Nasabi ng unang ito’y maganda
ngunit marami palang kaagaw si Bidong dito. Una na sa mga iyon ang isang lalaking nakapasa sa
serbisyo sibil at nagtatrabahong bodyguard ng isang pulitiko na pinapaboran daw ni Aling Barang.

Kabanata 4 – Si Don Tito

 Pinakiusapan ni Pari Amando si Don Tito Sityar na buwagin na ang tenancy system na malaon na
nilang sinusunod na sistema sa kanilang mga pag-aaring lupa, gayunpaman hindi pumayag ang don sa
paniniwalang “nasanay na rin naman ang mga magsasaka na sila’y nagtitiis.” Ibinunyag din ng pari na
nasimulan na niyang ipamahagi ang kanyang mga lupa at pabayaran sa paraang hulugan. Isa sa mga
nakinabang dito si Lino na siya niyang pinagbigyan ng kapirasong lupa sa Maruhat. Laking-gulat naman
ni Don Tito dahil matagal na raw niyang gustong bilhin ang lupang iyon dahil mainam pagdaanan ng
patubig mula sa saluysoy.
 Ibinunyag ni Pari Amando na wala talaga siyang balak pabayaran ang lupa kay Lino dahil nakita
niyang isa itong matuwid na lalaki na mapagbigay sa
ibang nangangailangan.
 Tinalakay ni Don Tito ang pag-uwi ng anak niyang si Benigno na nagtapos ng medisina sa
Amerika. Pinalabas ni Don Tito na ayaw niyang pasukin ng anak ang pulitika dahil masikip na raw ang
dalawang pulitiko sa pamilya ngunit marami raw itong gustong ituwid sa sistema sa Pilipinas. Kinatigan
din daw ng Presidente ang pagpalaot ni Benigno sa lokal na pulitika. Para kay Benigno, lahat ng maka-
Amerika ay tama, matuwid at maganda ngunit kapag nagsasalita naman siya’y Tagalog ang kanyang
gamit bagamat mali-mali.

Kabanata 5 – Isang Mungkahi

 Tuturuan daw nina Pari Amando si Lino ng iba’t ibang karunungan, gaya ng kasaysayan ng
Pilipinas na nagsisimula sa pagdating nina Magallanes,
relihiyon kung saan susukatin kung hanggang saan ang naaabot ng pananampalataya ni Lino at batas sa
tulong ng abogadong si Ginoong Ligon.
 May mga nagreklamo sa Arsobispo laban kay Pari Amando dahil mahilig daw siyang makialam sa
mga usaping labas na sa relihiyon, gaya na lamang
ng isyu sa lupa. Binigyang-diin ng pari na mahal niya ang Simbahan at dito na siya mamamatay ngunit
una sa lahat ay alagad siya ng Diyos.
Naniniwala rin siya sa talino ng pagpapasya ng kanyang arsobispo.
 Ipinahayag ni Bb. Sanchez na may balak daw ang ina niyang si Aling Basilia na kunin si Lino bilang
katiwala ng isa nilang lupain. Tumutol naman dito
si Pari Amando dahil baka tumaliwas ito sa mga pagbabagong ipinapakilala niya. Baka rin lumikha ito ng
ibang impresyon kay Ernesto pag nakitang
katulong lamang ng “Nanay Luring” niya ang kanyang ama.
 Dumating na sina Lino upang ihatid ang kanyang anak na si Ernesto. Nagdulot naman ito ng
pighati sa kanya dahil parang siya mismo ang
naghihiwalay sa kanyang anak sa kanya.

Kabanata 6 – Hamog na Nakalalanta

 Ibinahagi ni Ernesto kay Ernestina ang mga pasalubong niyang bayabas na siya pa mismo ang
kumuha sa puno nila sa Maruhat. Nagdala naman si
Lino ng sariwang gatas ng kalabaw para sa ina ni Bb. Sanchez na si Aling Basilia.
 Si Lino ang naging kauna-unahang pag-ibig ni Bb. Sanchez. May nararamdaman din para sa
kanya ang binata ngunit pinipigil nito ang kanyang
damdamin sa paniniwalang mas may ibang lalaking nababagay sa dalaga, gaya ni Koronel Roda o
Benigno Sityar.
 Nahihiya si Lino sa tahanan nina Bb. Sanchez ngunit sinabi ni Aling Basilia na dapat daw siyang
pumanatag at ituring ang sarili niyang isang
“kapamilya”.

Kabanata 7 – May Dilim sa Langit

 Sa tahanan nina Don Tito nagpulong ang anak niyang si Benigno at mga bataan nitong sina
Pedrito na itinalaga niyang Press and Public Relations
Officer, Abundio na magsisilbing tagahanda ng kanyang mga talumpati at Estoy. Pinagplanuhan nila ang
mga pagkilos na gagawin kaugnay ng
pagtakbo ni Benigno na gobernador ng kanilang bayan.
 Lagi raw nilang pag-uukulan ng pagkilala ang matatanda (gaya ng kanyang tatay na si Don Tito).
Kapag nagtagumpay ang isang pagkilos, sasabihing
ito’y dahil sa matatanda samantalang kapag nabigo naman ay sasabihing dahil hindi sumunod sa kanila.
 Binago rin ang imahen ni Benigno na dapat maging “makamasa”. Sa halip na tawagin siyang
senyorito o Benny tulad ng palayaw niya sa Amerika o
Igno na negatibo ang konotasyon (ignorance, ignore, ignobility, etc.) o Manong Benog, tatawaging siyang
Benog na walang ibig sabihin. Hindi rin siya
talagang nagtapos ng medisina sa Amerika dahil nagpapabagu-bago ang ibig sabihin ng pagkadoktor
depense sa kausap.
 Kinaiinisan ni Benog si Pari Amando dahil may pagka-komunista raw ito at masyadong pumapapel
sa mahihirap. Hindi rin niya nagustuhan ang pagtanggi ni Linong maging katiwala ng lupa nila sa Maruhat
at maging pinuno ng kanyang mga badigard. (Ayaw ni Linong maging tau-tauhan lamang ng kanyang
kapwa.) “Maysakit” daw si Lino kaya dapat turukan ng anesthesia upang mamanhid na ang tinutukoy ay
“salapi” upang mawalan ito ng paninindigan.
 Dapat din daw busugin ang press upang i-build up ng mga ito si Benigno. Hindi rin daw dapat
makalimutan ang mga potograpo na siyang kukuha ng
mga kawanggawa ni Benog sa mahihirap at ng pangit na anggulo sa kanilang mga kalaban.

Kabanata 8 – Sigwa ng Simbuyo

 Hindi natuloy ang pananatili ni Lino sa tahanan nina Bb. Sanchez sa maghapon at magdamag na
iyon dahil ipinatawag daw ng Arsobispo ng Maynila
si Pari Amando at hindi matutuloy ang pagpapangalan sa kanya ng kabayong kastanyo. Nagpaalam
siyang uuwi na sa Maruhat, bagay na nagdulot ng
kalungkutan kay Bb. Sanchez.
 Napagtanto ni Lino na nais niyang magkaroon ng asawa ngunit isang asawang kauri lamang niya
at hindi mas mataas sa kanya upang hindi
masagasaan ang kanyang pagkalalaki. Napagpasyahan din niyang tulungan si Koronel Roda sa
panliligaw kay Bb. Sanchez ngunit kung hindi sila
magkakatuluyan, nais niyang manatili na lamang malinis na dalaga si Loreto sa panghabampanahon.
 Nag-usisa sina Aling Basilia at Bb. Sanchez tungkol sa pamilya nina Huli na nakatira rin sa
Maruhat. Mababakas sa tinig ni Bb. Sanchez na hinuhuli
niya si Lino kung may ugnayan na sila ni Huli.
 Binanggit ni Bb. Sanchez na iminungkahi niya sa kanyang Tiyo Amando na ipagbili na lamang ang
lupa sa Maruhat at bigyan na lamang si Lino ng lupang mas malapit sa Pinyahan upang mapalapit sa
anak niyang si Ernesto (at marahil ay pati sa kanya) ngunit tumanggi si Lino dahil nasa Maruhat daw ang
mga karaniwang taong naaapi at nais niyang matulungan ang mga ito. Nasabi rin ni Bb. Sanchez ang
pagbuwag ng tiyo niya sa tenancy system at ang pagpapatibay umano ng Kongreso ng isang batas na
nagtataguyod ng Land Tenure Administration na siyang mangangasiwa sa mga usapin sa pamamahagi
ng mga lupa sa mga karaniwang magsasaka.

Kabanata 9 – Ginto o Tanso


 Napagtanto ni Lino na iniibig siya ni Bb. Sanchez at gayundin naman siya sa dalaga ngunit hindi
sila magkauri. Ang tingin sa kanya ni Bb. Sanchez ay
taong kapantay at mamahalin; ang tingin naman niya sa dalaga’y isang diyosang sasambahin. Natatakot
siyang kung maging sila man ni Bb. Sanchez
ay dumating ang panahong mapahiya ito kapag hinamak na ng ibang tao si Loreto dahil sa pag-aasawa
ng “mahirap at kung sino lamang”.
 May mga nakaaway si Bidong dahil sa kanyang pagpapakabayani, gaya ng kaso ng isang
magbabalot na pinagsasampal ng dalawang lalaki nang
wala siyang maibigay na pera nang hingan nila ng pambili ng alak. Binigyan ni Lino si Bidong ng di-
lisensyadong baril habang siya nama’y may
lisensyado para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Ngunit di raw maaaring gamitin ni Bidong
ang kanya kung wala si Lino.
 Pinag-usapan nina Lino at Bidong kung tanso o ginto ba si Didang, isang babaeng maalindog
galing Maynila na nakatira kina Aling Huwanang balo.
Ayon kay Bidong, “kapag malinis ang tanso ay para na ring ginto at kapag marumi naman ang ginto ay
para na ring tanso.”

Kabanata 10 – Balisa si Bidong

 Itinuloy ni Lino ang tangkang panliligaw kay Didang. Ikinumpisal ng dalaga na noong una silang
magkita, gabi-gabi na niyang ipinalangin bago
matulog na magkita uli sila ni Lino. Inamin naman ni Lino na noong mismong sandaling iyon ay may
hinahanap siyang tao…isang kapilas ng buhay na
natagpuan niya kay Didang.
 Inihain ni Lino ang pag-ibig niya kay Didang ngunit hindi niya ito minadaling gumawa ng pasya
dahil kailangan daw muna nilang makilala nang lubos
ang isa’t isa, lalo na ang kanilang kahapon. Ayon naman sa dalaga, “may nakaraan” siyang dapat
malaman ni Lino ngunit ayon kay Lino, para sa
kanya, isinilang lamang si Didang noong hapong una silang magkita.
 Nakita nina Lino at Bidong na namumugto ang mga mata ni Huli. Para makabalita sila, dumalaw si
Lino kina Aling Barang at doon niya nalamang may
kanser pala sa bituka si Mang Abel. Nagpatingin sila sa tatlong doktor at tatlong iba’t ibang sakit din ang
nasumpungan sa matandang lalaki.
 Kaarawan ni Bb. Sanchez sa darating na Sabado at bilang handog, magdadala sina Lino at
Bidong ng mga itlog, gatas at iba pang matatagpuan sa
kanilang paligid.

Kabanata 11 – Nauyot sa Pag-ibig

 Napag-usapan nina Lino at Bidong kung gawin din nilang gulayan ang ilang bahagi ng kanilang
lupang-sakahan. Sumang-ayon dito si Bidong at nagkusa pang siya raw ang magpapatubo ng gulayan
ngunit nangamba ring kapag nakapagbunga sila ng masaganang taniman ay lagyan ng karatula ng
gobyerno at ariing kanila o sila ang nagsikap. Sinabi ni Lino na ipapakita nila sa mga kababayan nila sa
Pinyahan na ang magsasakang nagsisikap ay nakakapagbunga ng masaganang taniman na
makabubuhay sa kanila.
 Hiningi ni Lino ang opinyon ni Bidong kaugnay ni Didang. Sinabi ng ampon ni Lino na maganda si
Didang ngunit si Bb. Sanchez pa rin ang gusto niya para sa kinikilalang nakakatandang kapatid dahil
mabait ito, maganda at inaaring para na talagang anak si Ernesto. Naranasan kasi niyang magkaroon ng
malupit na madrasta noong maulila siya sa ina. Nahiling tuloy ni Bidong sana’y abogado na lang si Lino o
agreminsor di kaya, para maging bagay sila ng dalagang punongguro.
 Dumalaw si Lino kina Aling Huwana. Naikuwento ng matanda na ang asawa niya’y dinukot ng
mga kasapi ng Hukbalahap. Napagkamalan daw ito o nagmatigas sa pagsagot sa mga tinatanong sa
kanya o nagtangkang tumakas kaya pinatay. Wala na raw balak si Aling Huwana na mag-asawa pa.
 Nauyot ng pag-ibig si Didang na nangangahulugang naitulak siya ng pag-ibig na muling magmahal
kahit nangako siyang hindi na iibig. Hindi muna niya ibinigay ang matamis niyang “oo” kay Lino dahil
kailangan muna raw nitong malaman ang kanyang kasaysayan ngunit sinabi ng binatang hindi naman ito
mahalaga sa kanya at nangakong hindi magbabago anuman ang malaman. Sa huli, naguluhan si Didang.
Ayaw niyang pakasalan si Lino nang ito’y dinadaya ukol sa totoo niyang pagkatao ngunit nangamba
naman si Aling Huwana na baka maging delata siya na makaraang buksan ay di tiyak kung may kakain.
Binalaan ng matanda si Didang na kapag ito’y umamin kay Lino, baka mabago ang damdamin nito sa
kanya kaya mabuti pang huwag na lalo na’t wala naman pala itong pakialam sa kanyang nakaraan.

Kabanata 12 – Munting Sabwatan

 Kaarawan na ni Bb. Sanchez at dumating si Lino. Habang papasok sa bahay ang binata, palihim
na nag-usap-usap ang mga kaibigan ni Bb. Sanchez
na sina Gng. Mina Lavadia-Ablaña, Gng. Rosalinda Dolor-Villas at Gng. Genoveva Riegos-Ligon.
Magkakatulad na tutol ang tatlong ginang kay Lino
dahil wala raw itong pinag-aralan; ang sinusuportahan nila ay si Koronel Roda o sinumang lalaking may
sinasabi sa buhay.
 Itinuturing ng tatlong ginang na nababaliw na si Bb. Sanchez sa pag-ibig sa isang mahirap na
binatang si Lino. Ipinanukala ni Gng. Beba Riegos-Ligon na kakausapin niya ang asawa niyang si
Attorney Ligon upang magtalakay kay Lino tungkol sa pag-ibig at pahagingan ito na hindi siya ang
lalaking nararapat para kay Bb. Sanchez. Nagbanta naman si Gng. Salina Dolor-Villas na magbibitiw siya
sa pagtuturo (punongguro niya si Loreto) sakaling ang mapangasawa lang ni Bb. Sanchez ay si Lino. Sa
huli, nagkasundo silang huwag pansinin si Lino at iparamdam sa kanya kung gaano siya kahamak kung
ikukumpara sa kanilang mga katayuan.
 Nagtagumpay ang tatlong ginang sa kanilang munting sabwatan. Naramdaman ni Lino kung
gaano siya kaliit sa kanilang ginawa at palihim siyang
umalis sa kaarawan ni Bb. Sanchez. Nakita naman siya nina Pari Amando at Abogado Ligon ngunit
nagdahilan siyang naiwan ang kanyang baril sa
hindi-ligtas na lugar sa kanilang bahay kaya kailangan niyang makauwi agad.

Kabanata 13 – Iisa ang Landas

 Nagkatotoo ang pananahilan ni Lino sa pag-alis sa kaarawan ni Bb. Sanchez dahil tunay ngang
naiwan niya ang baril niya sa ibabaw ng baul.
Hinawakan ito ni Bidong at pinag-aralan kung paano isuksok at itutok kahit taliwas ito sa
napagkasunduang bawal hawakan ni Bidong ang baril pag
wala si Lino. Ayon kay Lino, dahil sa nangyari’y hindi siya mahihiyang bumalik kinabukasan sa Pinyahan.
 Kaswal na nagpaumanhin si Lino kay Bb. Sanchez sa pagtalilis kahapon sa kaarawan ng dalaga
at umasang nasabi na ni Pari Amando ang dahilan. Ang hindi niya alam, nagsaliksik pala sina Bb.
Sanchez at Aling Basilia sa tunay na dahilan ng kanyang pag-alis at natuklasang dahil pala sa
panghahamak ng mga kaibigang ginang ng punongguro. Ayaw raw ni Bb. Sanchez sa malalaking
pagtitipon dahil iniiwasan niya ang mga tsismisan ngunit di-inaasahang kahit pala sa maliit na salu-salo’y
may gayon.
 Ipinagtapat ni Bb. Sanchez na lagi niyang itinuring na kapantay si Lino. Ngunit inamin naman ni
Lino na isang panginoon ang tingin niya kay Bb. Sanchez. Sinabi ng dalaga na sa mata ng Diyos, lahat
ay pantay. Ngunit ayon kay Lino, hindi ganito sa paningin ng tao, gayunpaman, itinuturing niyang
napakalaking karangalan ang matatamis na salitang binitiwan ni Loreto. Hihintayin daw ni Bb. Sanchez
na dumating ang panahong maniwala si Lino na sila’y magkapantay. Hindi na niya natapos ang nais
niyang sabihin at nag-iiyak na sa kanyang silid.
 Dumating na sina Aling Basilia at muli na namang inungkat ang nangyari sa nakalipas na araw.
Mababakas sa kanya ang labis na pagsuporta kay Lino at binalikan pa ang isa sa mga nanghamak kay
Lino na si Gng. Rosalinda Dolor-Villas na kung hindi pa niya alam ay may itinatago ring baho.

Kabanata 14 – Suyuan sa Saluysoy

 Dumating ang kababata ni Lino na si Albino upang bigyan siya ng babala laban sa masamang
plano ni Don Tito. Sa saluysoy raw na nasa tabi ng lupa ni Lino kukuha ng patubig si Don Tito para sa
kanyang lupain ngunit maaaring dumating ang panahon na tahasan nang agawin sa kanya ng don ang
lupa dahil nasa gitna ito ng kanilang kaharian. Maaari raw maglunsad si Don Tito ng masasamang pag-
atake laban kay Lino, gaya ng pagwasak sa kanyang mga punla, pagpilay o pagpatay sa kanyang
kalabaw at pagsunog sa kanyang mandala.
 Balak nang umalis ni Albino kina Don Tito ngunit hindi niya magawa dahil naaawa siya sa mga
bakang kanyang maiiwan. Nais din niyang maniktik
kina Don Tito upang maihanda si Lino na itinuturing niyang higit pa sa tunay na kapatid.
 Ibinunyag din ni Albino na nais kunin nina Don Tito si Lino bilang pinuno ng mga badigard ni
Benigno dahil bukod sa walang makakagalaw sa doktor-doktorang anak ni Ginoong Sityar, magiging
malutong na sampal din daw ito kay Pari Amando. Gagawin daw nina Don Tito ang lahat upang maialis si
Pari Amando sa Pinyahan sa bintang na nakikialam ito sa mga usaping labas na sa simbahan. Binibigyan
daw ni Pari Amando ng pag-asa ang mga tao at ng ideya na mag-aklas laban sa mayayamang
panginoong pinagsasakahan nila sa pamamagitan ng mga pamamaraang isinusulong niya.
 Inuri ni Albino sa apat ang mga taong lagi raw magiging biktima nina Don Tito: una, ang mga
nakapailalim; ikalawa, ang mga umaasa; ikatlo, ang mga duwag; at ikaapat, ang mga maaaring pinsalain.
Sa ikaapat daw nabibilang si Lino. Nangako naman si Lino na hinding-hindi tatalikod kay Pari
Amando anuman ang mangyari at ipaglalaban ang lupang ipinagkaloob sa kanya.

You might also like