Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

FILIPINO 12: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT

KULTURANG PILIPINO

Banghay-Aralin sa KPWKP, UNANG SEMESTRE: MIDTERM


Modyul 1 – Ikalawang Linggo
Gamit ng Wika sa Lipunan
Agosto 10-14, 2020

I. Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural,


kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino

II. Pamantayan sa Pagganap: Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa
aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad

III. 21st Century Skills Integration:

 Communication  Collaboration
 Critical Thinking  Computing
 Creative Thinking  Career & Life Skills
 Cross-Cultural Understanding

IV. Pagsasanib ng Layunin ng SMS:

 C – Christ-centeredness  I – Innovativeness and Confidence


 H – Honor and Leadership S – Service and Joy
 R – Responsibility and Excellence  T – Temperance and Obedience

V. Pagpapahalaga sa pamamagitan ng:


Mensahe Mula Colossians 4:6 “Sikaping mawili sila sa pakikipag-usap sa inyo at pag-
sa Bibliya aralang mabuti kung paano tutugunin ang bawat isa.”
“Ito ang pangunahing pangangailangna ng kabanalan. Dapat taglay moa ng
paghahangad, pangarap at paninindigan na maging banal, na maging
perpekto, na maging katulad ng Panginoon at maging tulad ng mga Santo.
Mensahe ni
Kailangang makilala moa ng tunay na kalooban at huwad na kalooban.
Ven. Al
Hindi sila magkatulad. Ang tunay na kalooban ay yari sa bakal. Tulad ng
bakal, matibay ito. Malakas. Matatag. Volume 2, CD/Tape#580A/786B,
January 28, 1990

Ikalawang Linggo
Unang Araw (Agosto 10)

Paksa: Gamit ng Wika sa Lipunan


Mga Kasanayang Pampagkatuto:
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (Ayon kay M. A. K.
Halliday) (FK)
Kagamitan:
Tradisyonal
Digital Laptop, Tablet

Paglalahad
I. Panimulang Gawain (15 minuto)
A. Daily Routine
1. Panalangin (Ama Namin para sa unang klase sa umaga at Aba Ginoong
Maria para sa unang klase sa hapon.)
2. Pag-check ng attendance at uniporme ng mga mag-aaral. (Titiyaking
nakasulat ang tala ng mga mag-aaral sa pisara.)
3. Pagtiyak sa kalinisan at kaayusan ng silid-aralan.
SISTERS OF MARY SCHOOL – BOYSTOWN, INC 1
FILIPINO 12: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO

B. Pagbibigay ng Mensahe mula sa Banal na Kasulatan


II. Panlinang na Gawain: (35 minuto) (Acquisition of Knowledge)
Gawain 1. Unang Lagumang Pagsusulit: 15 minuto (tingnan ang nakalakip
na pagsusulit

UNANG SEMESTRE – MIDTERM


UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT

Gawain 2. Paglalahad (Pangklaseng Gawain) – 35 minuto


Ang Tungkulin at Gamit ng Wika

Ang wika ayon kay Gleason (1961) ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang
tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
nabibilang sa isang kultura. Sa makatuwid ang wika ang siyang nagiging tulay sa
pakikipagtalastasan upang magkaunawaan ang isang lipon ng mga tao sa isa pa.
Sinasabing ang wika ay buhay at nagbabago kung kaya’t tama ang tinuran ni G.
Patrocinio V. Villauerte na upang hindi mamatay ang ating wika ay isang mabuting
gawin ay gamitin ito at pagyamanin. Ngunit ang wika ay masalimuot, maraming
bagay na dapat isaalang-alang sa paggamit nito batay sa pangangailangan o
sitwasyon. Sa linggong ito ay matatalakay natin ang iba’t ibang tungkulin at gamit ng
wika sa ating lipunan at inaasahang magamit ito sa isang partikular na gawain na
paghahandaan ng klase sa hinaharap.

Note: Pagtalakay Gamit ang Power Point Presentation


PPT: Mga-Gamit-Ng-Wika-Ayon-Kay-Michael-Halliday-rev

Mga Tungkulin at Gamit ng Wika Ayon Kay Halliday


Mga Gamit Halimbawa Karanasan Pansilid-
aralan
Instrumental
Ginagamit ang wika para sa “Gusto kong…” Paglalahad ng solusyon,
pangangailangang pagkalap ng mga
pangkomunikasyon, mga kagamitan, pagsasadula,
pagpipilian, mga ninanais o paghihikayat
kagustuhan
Personal “Ang sa akin… Pagsasapubliko ng
Ginagamit ang wika upang ilahad “Sa aking palagay…” damdamin at pakikipag-
ang kasarinlan ugnayan sa iba
Interaksyonal
Ginagamit ang wika upang
makipag-ugnayan at magplano, “Ikaw at ako…” dula, dayalogo at
magpaunlad o magsagawa ng “Ako ang talakayan, pangkatang
isang dula o pangkatang gawain magiging…” talakayan
o ugnayang sosyal
Regolatori Pagbibigay ng panuto sa
Ginagamit ang wika upang “Gawin mo ang…” mga laro, talakayan, at
kumontrol o masunod ang mga “Kailangan mong pagtuturo
itinakda gawin ang…”
Representasyonal Paglilipat ng mensahe,
Ginagamit ang wika upang “Ang sabi ko…” paglalahad hinggil sa
magpaliwanag “Alam ko.” katotohanan ng mundo,
paglalahad ng

SISTERS OF MARY SCHOOL – BOYSTOWN, INC 2


FILIPINO 12: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO

proposisyon
Heuristiko “Sabihin mo…” Pagtatanong at pagsagot,
Ginagamit ang wika upang “Bakit mo ginawa pagsisiyasat at riserts
matukoy ang mga bagay-bagay, iyon?”
mga palagay o kuro-kuro “Para saan?”
Imahinatibo “Kunwari…” Mga kwento, dula, awit,
Ginagamit ang wika upang “Nagpunta ako kay tula, bugtong, dugtungan
makabuo, makapagsaliksik at lola kagabi.”
maglibang

Gawain 2B: Kaalama’y Sukatin Natin!


Matapos ang talakayan ng tungkulin at gamit ng wika sa lipunan ay magsagawa tayo
ng isang laro na may kaugnayan dito. Batay sa mga batayang pangwika ayon kay G.
Halliday ay magkakaroon tayo ng dugtungan.

Mekaniks ng Laro: (Pangkalahatang Gawain)


Paalala: Ang lahat ay dapat makisangkot sa gawaing ito.

Sitwasyon: Panahon nanaman ng tag-araw at hindi maiiwasan na ang lahat ay


uhaw sa iba’t ibang bagay. May ilang uhaw sa mga malalamig na pagkain at uhaw sa
papamasyal sa iba’t ibang beach! Kayo ano ang nagpapasabik sa inyo ngayong tag-
araw? Gusto kong gumawa tayo ng isang kwento tungkol sa mga magagandang
gawain ngayong tag-araw. Ngunit hindi karaniwan sa nakagawian, tayo ay gagawa
ng isang kwento gamit ang mga pinagtagni-tagning pangungusap ng bawat isa sa
klase. Ang bawat mag-aaral ay kailangang makapag-ambag ng kwento batay sa
dudugtungan niyang parirala na nakalagay sa pisara.(Ang mga parairalang
nakadikit/nakasulat sa pisara ay babatay sa mga tungkulin at gamit ng wika sa
lipunan ayon kay Halliday). Oras na nagamit na ng naunang mag-aaral ang isang
parirala ay hindi na ito maaaring gamitin ng sumusunod sa kanya. Kinakailangang
magamit ang lahat na nakatalang parirala. Ang mag-aaral na hindi kaagad
makapagdurugtong sa kwento gamit ang parirala ay mananatiling nakatayo. Maaari
lamang siyang umupo kung sakaling masalba niya ang isang kamag-aral na hindi rin
nakasagot.

“Gusto kong…” “Ang sa akin… “Sa aking palagay…”


“Ikaw at ako…” “Ako ang magiging…” “Gawin mo ang…
”“Kailangan mong gawin ang…” “Ang sabi ko…”
“Alam ko.” “Sabihin mo…” “Bakit mo ginawa iyon?”
“Para saan?” “Kunwari…” “Nagpunta ako kay lola
kagabi.”

Paunawa: Malaya ang guro na gumamit ng iba pang parirala liban dito. Tiyakin
lang na ito ay nakaangkla pa rin sa tinatalakay na tungkulin at gamit ng wika
ayon kay Halliday. Samahan ng sigla upang maging epektibo ang larong ito.

III. Panapos na Gawain:

SISTERS OF MARY SCHOOL – BOYSTOWN, INC 3


FILIPINO 12: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO

Takdang aralin: Magsagawa ng karagdagang pananaliksik at magbasa ng


panimulang kabatiran ng ilang halimbawa sa bawat uri ng cohesive devices
bilang paghahanda sa talakayan sa susunod na pagkikita.
Closing Routine
Panalangin (Luwalhati para sa pagtatapos ng huling klase sa umaga at
hapon.)

Ikalawang Araw (Agosto 11)

Paksa: Gamit ng Wika sa Lipunan


Mga Kasanayang Pampagkatuto:
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (Ayon kay M. A. K.
Halliday) (FK)
Kagamitan:
Tradisyonal Papel, panulat, rubrik
Digital Laptop, Tablet

Paglalahad
I. Panimulang Gawain (5 minuto)
Daily Routine
1. Panalangin (Ama Namin para sa unang klase sa umaga at Aba Ginoong
Maria para sa unang klase sa hapon.)
2. Pag-check ng attendance at uniporme ng mga mag-aaral. (Titiyaking
nakasulat ang tala ng mga mag-aaral sa pisara.)
3. Pagtiyak sa kalinisan at kaayusan ng silid-aralan.
II. Panlinang na Gawain: (35 minuto) (Transfer of Learning)
Gawain 3: Linawin sa Paliwanag! (Pangkatang Gawain) (50 minuto)

Gabay sa Talakayan

Madalas na nagiging sanhi ng hindi pagkakaunawaan sa


pakikipagtalastasan ay ang hindi paglalahad ng maayos ng pangungusap
sa kausap. Maaaring sa pagmamadali o sadyang nakasanayan na nating
putulin ang mga salitang nagpapahaba lamang sa ating mga sasabihin.
Mahilig tayong gumamit ng salitang “ano” bilang pamalit sa hindi natin
matukoy na salita tulad ng si ano, anuhin mo na ang ano atbp. Dahil sa
nakasanayang ito lagi tayong napapaisip ano ba ang ano na inaano nya?
Hindi ko siya maano? Sa araw na ito, bago natin simulan ang isang ano
ay maglalaro muna tayo ng “ Ano ang ano?”. Simple lang ang mekaniks.

“Ano ang ano?”

Panuto: Ang guro ay bubuo ng ilang pangungusap na maaaring nasa


karaniwang ayos o di karaniwang ayos na gagawing palabunutan ng
bawat pangkat. Ang nilalaman ng pangungusap ay mga impormasyon
tungkol sa buhay ng mga santo.

1. Hatiin ang klase sa apat.


2. Pabunutin ang bawat pangkat ng salitang magiging
panakip/pamalit sa salita o ekspresyon na nasa loob ng bawat
pangungusap na may salungguhit.(Maaaring maulit ang salitang
mabubunot).

Mungkahing salita: ano, ahm, kasi, ganito, di’ ba

SISTERS OF MARY SCHOOL – BOYSTOWN, INC 4


FILIPINO 12: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO

Halimbawa: Si Pedro Calungsod ay isang cebuanong martir. Siya ay


ganap na naging santo noong Oktubre 21, 2012.

3. Ang bawat pangkat ay magkakaroon ng kinatawan na siyang


bubunot at magpapahula sa mga kasapi gamit ang nakaatang na
salitang ipapanakip sa mga may salungguhit sa bawat
pangungusap na mabubunot.

Halimbawa ng pagbasa ng bawat kinatawan: Si ano ay isang


cebuanong martir. Siya ay ganap na naging ano noong oktubre
21, 2012.

Ang “anong” ito ang huhulaan ng bawat kasapi sa pangkat.

4. Paramihan ng mga pangungusap na masasagutan sa loob lamang


ng 2 minuto. Ang pangkat na may pinakamaraming pangungusap
na masasagutan ang siyang hihiranging panalo.

Paunawa: Ang guro ay maghanda ng hindi bababang 30 pangungusap na


kinapapalooban ng ilang impormasyon tungkol sa buhay ng mga santo.

Nakababagot marinig ang mga pangungusap na paulit-ulit na sinasambit


kaya’t dapat nating malaman kung ano ang mga wastong paraan ng
pagpapaikli sa mga ito gamit ang iba’t ibang cohesive devices.

Pagtalakay Sa Cohesive Devices at ang Gamit ng Wika:

Kohesyong Gramatikal

Ang Kohesyong Gramatikal ay ginagamit upang makaiwas sa pag-uulit ng


pangngalan o salitang ginamit sa pagpapahayag. Narito ang mga uri ng
Kohesyong Gramatikal.
A. Pagpapatungkol (Reference)
- Paggamit ng panghalip na tumutukoy sa mga nauuna o nahuling
pangalan.

1. Anapora (Sulyap na Pabalik)


- ang reperensiya kung binanggit na sa unahan ang salita.
- Mga panghalip na ginamait sa hulihan bilang panimula sa
pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap.

Halimbawa: Sina Raha Sulayman at Andres Bonifacio ang mga


bayaning Pilipino. Sila ay mga dakilang Pilipino.
2. Katapora (Sulyap na Pasulong)
- Reperensiya na binabanggit sa dakong hulihan na nagdudulot
ng kasabikan o nakapupukaw ng interes.
- Mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa
pinalitang pangngalan sa hulihan.

Halimbawa: Ito ay isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may


makulay na kasaysayan.
B. Elipsis
- pagtitipid sa pagpapahayag

SISTERS OF MARY SCHOOL – BOYSTOWN, INC 5


FILIPINO 12: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO

- mga salitang nawawala o hindi na inilalagay sa


kadahilanang naiintindihan na ito sa pahayag at magiging
paulit-ulit lamang.

Halimbawa:
Inuulit na pahayag: Nagpunta si Edna sa tindahan at bumili si
Edna ng suka.
Nasa anyong Elipsis: Nagpunta si Edna sa tindahan at
bumili(sino?) ng suka.

C. Pagpapalit (Substitution)
- Paggamit ng iba’t ibang salita sa pagtukoy ng isang bagay o
kaisipan.

1. Nominal – ang pinapalitan ay PANGNGALAN.

Halimbawa: Ang wikang Filipino ay makatutulong upang tayo’y


magkaunawaan at magkaisa. Kailangan lang natin pagyamanin
an gating wikang pambansa.
2. Berbal (Verbal) – ang pinapalitan ay pandiwa.

Halimbawa: Inaayos na nila ang sala, at ginagawa ng iba ang


kusina.
3. Clausal – ang pinapalitan ay SUGNAY

Halimbawa: Hindi mahabol ng mga tao ang magnanakaw.


Nagawa ba ng mga pulis na sila’y tugisin?
4. Pamalit sa Pangngalan

Halimbawa: Gusto mo ba nito?


` Oo bigyan mo ako ng isa.
Penge naman ako niyan.
Isama mo na sa listahan ang tatlo.

5. Pamalit sa Pandiwa

Halimbawa: Si Iva ay maagang gumising upang mag-


kompyuter. Pagkatapos niyon, siya ay gumayak na
upang pumasok sa paaralan.
6. Pamalit sa Pandiwa

Halimbawa: Binilinan ng guro ang mga bata na pumasok


nang maaga kinabukasan. Ganoon nga ang
ginawa nila.
D. Pag-uugnay
- Paggamit ng iba’t ibang pangatnig upang pag-ugnayin ang
dalawang pangungusap.

Halimbawa: Hindi magtatagumpay ang iyong plano sapagkat


masama ang layunin nito.
E. Mga Panandang Kohesyong Leksikal

Maraming mga salita , parirala, o sugnay ang mga panandang


kohesyong leksikal na ginagamit upang magbigay -linaw sa mga
mahahalagang detalye sa pagpapahayag at upang madaling
maunawaan ang mga kaalaman sa binasang teksto. 

SISTERS OF MARY SCHOOL – BOYSTOWN, INC 6


FILIPINO 12: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO

Nagkakaroon ng kohesyon ang isang teksto kung magkakaugnay


ang mga pangungusap sa isang talata at sa iba pang mga talata
nito.

Mga Uri ng Panandang Leksikal:


1. Pag-uulit sa salita: Muling paggamit ng parehong salita sa loob
ng pahayag.

Halimbawa: Mahalaga sa tao ang edukasyon. Ang edukasyon


ang nag-aangat sa kanya tungo sa magandang buhay.
2. Kasingkahulugan o sinonim: Tumutukoy sa mga salita o parirala
na may magkatulad na kahulugan na nakapaloob sa
pangungusap.

Halimbawa: Ang mga kapus-palad ay mga mahihirap na


kailangan ang pagkalinga ng mga taong nakaaangat sa
buhay sa lipunan.
3. Kasalungat o Antonim: Tumutukoy sa mga salita o parirala na
may kabaliktarang kahulugan sa kapwa nakapaloob sa
pangungusap.

Halimbawa: Habang bata pa ang tao, asahan mong di ‘to


marunong yumuko at parati itong nakatingala.
4. Kolokasyon: Tumutukoy sa mga salita na magkaparehas o
magkasama, madalas na ginagamit sa pangungusap tulad ng
urong-sulong, sistemag pangkabuhayan o panhik-panaog.

Halimbawa: Ayon sa senador, sipag at tiyaga ang nagging


puhunan niya sa pag-asenso.
5. Superordinate: Tumutukoy sa mga salitang naglalarawan sa
mga kategorya na kinabibilangan nito sa mas ispisipikong
bagay.

Halimbawa: Ang salitang paaralan ay superordinate ng mga


salitang estudyante, guro, punongguro, aklat, kwaderno.

Pagpapalawig: Ang bawat mag-aaral ay kailangang makapagbibigay ng


ilang halimbawa sa bawat uri ng cohesive devices na tinalakay ng guro.
Sa pagtatapos ng talakayan ay magpabuo ng panibagong kahulugan ng
bawat isa batay sa sariling pag-unawa.

III. Panapos na Gawain:


Pagkatapos ng pangkatang talakayan at limang minuto bago matapos ang
takdang oras atasan ang bawat pangkat na tumukoy ng isang kinatawan na
magbabahagi ng 1-2 pangungusap na magpapahayag ng mga natutunan mula
sa talakayan.
Closing Routine
Panalangin (Luwalhati para sa pagtatapos ng huling klase sa umaga at
hapon.)

Ikatlong Araw (Agosto 12)

Paksa: Gamit ng Wika sa Lipunan


Mga Kasanayang Pampagkatuto:
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:

SISTERS OF MARY SCHOOL – BOYSTOWN, INC 7


FILIPINO 12: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO

A. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (Ayon kay M. A.
K. Halliday) (FK)
Kagamitan:
Tradisyonal
Digital Laptop, Tablet

Paglalahad
I. Panimulang Gawain (5 minuto)
Daily Routine
1. Panalangin (Ama Namin para sa unang klase sa umaga at Aba Ginoong
Maria para sa unang klase sa hapon.)
2. Pag-check ng attendance at uniporme ng mga mag-aaral. (Titiyaking
nakasulat ang tala ng mga mag-aaral sa pisara.)
3. Pagtiyak sa kalinisan at kaayusan ng silid-aralan.
II. Panlinang na Gawain: (35 minuto) (Transfer of Learning)
Gawain 4: Tayo na’t Magsulat ng Iskrip! (Pangkatang Gawain) – 50 minuto
Panuto: Gamit ang sampung pangkat nang nakaraang linggo, ang bawat
grupo ay gagawa ng iskrip na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan na
ginagamitan ng angkop na cohesive devices. Ang tema ng iskrip ay tungkol
sa panghihikayat sa mga tao na maging banal sa napiling bokasyon.
( Bokasyon sa pagpapakasal, pagmamadre, pagpapari). Sa gawaing ito,
hindi lamang makikita ang inyong pagkatuto sa ating isinagawang
talakayan kundi mailalahad nyo rin ang inyong kahusayan sa pagbuo ng
isang makabuluhang video na ia-upload sa ating official facebook account.
Inaasahan na maipapakita ng bawat isa sa inyo ang pagiging malikhain at
responsable sa gawaing ito.

Ang iskrip na gagawin ay nakabatay sa kung anong paraan ng paglalahad


ang gagawin ng bawat pangkat. Narito ang mga nakaatang sa bawat
pangkat.

Bigyang tuon ang sumusunod na mga konseptong pangwika: Homogenous


at Heterogeneous
 Pangkat 1 at 2: News
 Pangkat 3 at 4: Patalastas
 Pangkat 5 at 6: Maikling Dula
 Pangkat 7 at 8: Talk Show
 Pangkat 9 at 10: Magazine Show Like Matang Lawin, AHA, Bilib
ka Ba, at iba pa.

Paunawa: Tiyaking makakabuo na ang bawat pangkat ng iskrip sa araw na


ito upang mabigyang tuon ang pagsasanay sa gagawing video sa susunod
na araw.

III. Panapos na Gawain:


Pagkatapos ng pangkatang talakayan at limang minuto bago matapos ang
takdang oras atasan ang bawat pangkat na tumukoy ng isang kinatawan na
magbabahagi ng 1-2 pangungusap na magpapahayag ng mga natutunan
mula sa talakayan.
Closing Routine
Panalangin (Luwalhati para sa pagtatapos ng huling klase sa umaga at
hapon.)

Ikaapat at Ikalimang Araw (Agosto 13-14)

SISTERS OF MARY SCHOOL – BOYSTOWN, INC 8


FILIPINO 12: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO

Paksa: PAGSASANAY SA PAGBUO NG VIDEO


Mga Kasanayang Pampagkatuto:
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Isabuhay: Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng
wika sa lipunan( MK)
Kagamitan:
Tradisyonal Papel, panulat, rubrik
Digital Laptop, Tablet

Paglalahad
I. Panimulang Gawain (5 minuto)
Daily Routine
1. Panalangin (Ama Namin para sa unang klase sa umaga at Aba Ginoong
Maria para sa unang klase sa hapon.)
2. Pag-check ng attendance at uniporme ng mga mag-aaral. (Titiyaking
nakasulat ang tala ng mga mag-aaral sa pisara.)
3. Pagtiyak sa kalinisan at kaayusan ng silid-aralan.
II. Panlinang na Gawain: (35 minuto) (Transfer of Learning)
Gawain 5: Pagsasanay sa pagbuo ng video: (Pangkatang Gawain) – 50
minuto
Bago simulan ng bawat pangkat ang pagsasanay sa iskrip ay isa-isahin
muna natin ang mga pamantayan na dapat masunod sa gawaing ito.

Paglalahad ng pamantayan:
4 3 2 1
Nakapaloob sa Nakapaloob Nakapaloob ang Hindi
iskrip ang sa iskrip ang ilang kaugnay nakapaloob
kumpleto at kumpletong na salitang ang mga
komprehensibo kahulugan nagbibigay kaugnay na
Mekaniks
ng kahulugan ng kahulugan sa salitang
(30%)
ng konseptong konseptong konseptong nagbibigay
pangwika pangwika pangwika kahulugan sa
konseptong
pangwika
Nakapaloob sa Nakapaloob Nakapaloob sa Hindi
iskrip ang sa iskrip ang iskrip ang nakapaloob sa
malinaw at malinaw na isang hindi iskrip ang
makabuluhang pananaw ng gaanong pananaw sa
Konseptong
pananaw ng konseptong malinaw na konseptong
Pangwika
konseptong pangwika sa pananaw ng pangwika sa
(30%)
pangwika sa kulturang konseptong kulturang
kulturang Pilipino pangwika sa Pilipino
Pilipino kulturang
Pilipino
Nakapaloob sa Nakapaloob Nakapaloob sa Hindi
iskrip ang tiyak sa iskrip ang iskrip ang nakapaloob sa
at tiyak na tiyak ngunit di iskrip ang tiyak
makabuluhang halimbawa malinaw na na halimbawa
Mga halimbawa ng ng halimbawa ng ng karanasang
halimbawa karanasang karanasang karanasang kaugnay ng
(20%) kaugnay ng kaugnay ng kaugnay ng konseptong
konseptong konseptong konseptong pangwika sa
pangwika sa pangwika sa pangwika sa kulturang
kulturang kulturang kulturang Pilipino
Pilipino Pilipino Pilipino

SISTERS OF MARY SCHOOL – BOYSTOWN, INC 9


FILIPINO 12: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO

Hayaan ang bawat grupo na magsanay ng kanilang iskrip para sa pag bi-
video.

Gawain 6: Lights, Camera, Action! (Pangkatang Gawain) – 50 minuto

Paunawa: Hayaang pumili ng angkop na lokasyon ang bawat pangkat


para sa gagawin nilang video. Muling ipaalala ang pamantayan dapat na
bigyang-pansin sa gawaing ito.

III. Panapos na Gawain:


Pagkatapos ng pangkatang talakayan at limang minuto bago matapos ang
takdang oras atasan ang bawat pangkat na tumukoy ng isang kinatawan na
magbabahagi ng 1-2 pangungusap na magpapahayag ng mga natutunan
mula sa talakayan at gawain.
Closing Routine
Panalangin (Luwalhati para sa pagtatapos ng huling klase sa umaga at
hapon.)

Evaluation:
A. Analytic Rubric (para sa pagmamarka sa pagganap)
B. Talahanayan ng Ispesipikasyon (para sa mga pagsusulit (summative))
C. Pagsusulit (bilang ebalwasyon)

Inihanda ni: Gng. Ma. Carmen P. Torcende Petsa ng Pagpasa: Agosto 5, 2020
(Subject) Teacher

Iniwasto ni: Bb. Susana M. Gonzales Petsa ng Pagwawasto: _________


Subject Area Coordinator

Iniharap kay: Bb. Analyn N. Cavan Petsa ng Pagwawasto: _________


Assistant Principal

Pinagtibay ni: Sister Eva R. Aringo, SM Petsa ng Pagtanggap: _____________


School Principal

SISTERS OF MARY SCHOOL – BOYSTOWN, INC 10

You might also like