Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Dela Torre, Jude Allen B.

BS Biology – Zoology III Modyul 2

Pagsasanay Blg.1
Panuto: Ilagay ang sarili na nasa gitna ng masukal na kagubatan. Pumili ng isang hayop na
nakita sa gubat na sa tingin mo ay sumisimbolo ng iyong pagkatao. Iguhit ito sa inihandang
kahon sa ibaba. Gumawa ng isang komposisyon paglalahad bilang pagpapaliwanag kung bakit
ito ang napili mong hayop sa 5 pangungusap lamang.

Maaari kong ihambing ang aking sarili sa isang kuwago dahil tulad ng hayop na ito ay
mas aktibo din ako sa gabi. Mas nakakapag-isip ako at mas gumagana ang utak ko kapag gabi
kumpara sa umaga’t hapon. Ang kuwago ay sumasagisag din sa pagiging matalino at ito ay
hinahangad kong makamit balang araw. Mas gusto ng mga kuwago na mag-isa sa kanilang
teritoryo, at maihahalintulad ko ito sa pagiging introvert ko. Higit sa lahat hinahangad kong
magkaroon ng isang kalmadong pananaw sa buhay ngunit may direksyon at layuning makamit
ang mga pangarap.

Pagsasanay Blg. 2
Panuto: Pumili ng iyong paboritong kanta na pasok sa Original Pilipino Music (OPM). Mula sa
napiling kanta, kumuha ng mga linya na nagsisilbing handog mo sa isang taong hindi mo
makakalimutan. Maaring ilagay ang larawan ng taong napili kalakip ang mga linya sa kanta.
Pagkatapos, ipaliwanag ang kuwento sa likod ng napiling kanta.
Pamagat: Sol at Luna – Geiko
Linya ng Kanta: “Tayo ba ay ipinagtadhana ng sansinukob? Ngunit, tayo ay ipanaglayo”
Paliwanag:
Naaalala ko ang dati kong relasyon na tumagal ng 3 tao. Nagkakilala kami noong huling
taon sa senior high school. Sa kasamaang palad, natanggap kami sa iba't ibang paaralan,
siya sa Bacolod at ako sa Cebu. Pinagpatuloy namin ang aming relasyon sa kabila nito at
madalang kaming magkita nang personal dahil abala kami sa pag-aaral at dahil din sa
distansya. Noong magkasama pa kami, madalas akong nakikinig sa kantang ito at
napagtanto ko na para kaming araw at buwan, nakikita lamang ang bawat isa sa panahon
ng isang solar eclipse. Sa huli ay naghiwalay kami dahil nagkasundo kaming unahin ang
aming pag-aaral.

You might also like