Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SA MGA KADALAGAHAN NG MALOLOS: RIZAL

“Unang-una. Nagiging taksil ang ilan dahil sa kaduwagan at kapabayaan ng iba.”

“Ikalawa. Ang taong nagpapaalipusta ay kulang ng pagmamahal sa sarili at labis na nasisilaw sa


umaalipusta.”

“Ikatlo. Ang kamangmangan ay pagkaalipin; sapagkat kung ano ang isip ay ganoon ang tao: ang taong
walang sariling isip ay taong walang pagkatao; ang bulag na tagasunod sa isip ng iba ay parang hayop na
susunod-sunod sa tali.”

“Ikaapat. Kapag nagtago ka, para mo na ring hinimok ang ibang magtago rin, dahil kung pabayaan mo
ang iyong kapwa ay pababayaan ka rin naman; madaling baliin ang nag-iisang tingting, pero mahirap
baliin ang isang bigkis na walis.”

“Ikalima. Kung hindi magbabago ang babaeng Tagalog, hindi siya dapat magpalaki ng anak, at sa halip ay
gawing paanakan lamang; dapat alisin sa kaniya ang kapangyarihan sa bahay, sapagkat kung hindi ay
walang-malay niyang ipapahamak ang asawa, anak, bayan, at lahat.”

“Ikaanim. Ipinanganak ang tao na pare-parehong hubad at walang tali. ‘Di sila nilikha ng Diyos upang
maalipin, ‘di binigyan ng isip para magpabulag, at ‘di biniyayaan ng katwiran upang maloko ng iba. Hindi
pagmamataas ang hindi pagsamba sa kapwa-tao, ang pagpapaliwanag ng isip, at pagiging tuwid sa
anumang bagay. Ang mapagmataas ay ang nagpapasamba, ang nambubulag sa iba, at ang ibig panaigin
ang kaniyang gusto sa matuwid at tama.”

“Ikapito. Pagnilayan ninyong maigi kung ano ang relihiyong itinuturo sa atin. Tingnan ninyong mabuti
kung iyan ba talaga ang utos ng Diyos o ang pangaral ni Kristong panlunas sa hirap ng mahirap, pang-aliw
sa dusa ng nagdurusa. Alalahanin ninyo ang lahat ng itinuturo sa inyo, ang pinatutunguhan ng lahat ng
sermon, ang nasa kaibuturan ng lahat ng misa, nobena, kuwintas, eskapularyo, larawan, milagro, kandila,
sinturon, at iba’t iba pang iginigiit, inihihiyaw at idinidiin araw-araw sa inyong loob, tainga, mata.
Hanapin ninyo ang puno’t dulo at ihambing ninyo ang relihiyon sa malinis na relihiyon ni Kristo. At
tingnan kung ang inyong pagka-Kristiyano ay kapareho ng inaalagaang gatasang hayop o kaya ng
pinatatabang baboy, na pinatataba hindi dahil sa pagmamahal sa kaniya, kundi upang maipagbili nang
mas mahal at nang lalong pagkakitaan.”

You might also like