Gelfil Dolce Amore

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Valdez, Jazehl Joy G.

Kung susumahin ang teleseye na pinamamagatang Dolce Amore (Sweet Love) na


ipinalabas noong taong 2016 sa direksyon nina Mae Cruz-Alviar, Cathy Garcia-Molina at
Richard Arellano, ay talaga namang makikita kung paano itinaguyod ng palabas ang kultura,
tradisyon, lengwahe at kinaugalian ng banyagang bansa na Italya. Makikita rin sa mga naunang
kabanata nito kung gaano kababa ang tingin ng mga dayuhan sa mga ordinaryong Pilipino kung
saan pinagbabawalan ng kanyang ina na magsalita ang bida, na si Serena, ng wikang Tagalog.

Kung akin naman itong ihahambing sa aking nabasa na pinamamagatang “Ciao! Ciao!:
Pagsusuri sa mga Pananda ng Negosasyon sa Pabuo ng Transnasyonal na Identidad ng mga
Pilipino sa Venezia, Italya,” aking mapapansin ang kabalintuunan ng dalawa. Pagkat sa palabas
na Dolce Amore, kanilang ipinapakita kung paanong minamaliit tayong mga Pilipino ng mga
dayuhan pero sa huli ay ipinapakita pa din kung gaano kaganda ang ating lahi. At kung sa aking
nabasa naman, ay makikita kung paano pumapasok ang usaping pang-identidad at migrasyon
ng mga Pilipino para magtrabaho sa ibang bansa. Sa palabas ay makikita na pinahahalagahan ng
mga banyaga ang kanilang sariling identidad ngunit sa “Ciao! Ciao!” naman ay ipinakita na ang
mga Pilipino ay halos walang sariling identidad dahil alos lahat ng parte ng kultura, lengguwahe
o tradisyon ay naka-ugat pa rin sa mga banyaga. Isa na ring dahilan nito ay ang pagsakop,
ngunit kahit na ganoon ay mayroon pa rin tayong sariling mga kinaugalian at kinasanayan na
malayo sa mga banyaga na maari nating maipagmalaki.

Maari ring i-konek ang pag-dayo ng mga Pilipino sa ibang bansa para lamang mag-
trabaho; tulad na lamang ng nangyari sa Dolce Amore. Sa teleserye ay ipinakita na ang kanilang
mga kasambahay o katulong ay mga kapwa natin Pilipino. Marahil ay sasalamin din sa ating
isipan ang pagkababa ng tingin ng mga banyaga sa atin dahil sa mga ganitong sitwasyon. Sa
“Ciao! Ciao!” naman ay sumalamin sa nais nitong iparating. Kung oobserbahan ay hindi lamang
iisang katulong na Pilipino ang mayroon sila, ay dahil sa pagsasama-samang ito ay napanatili
nila ang kanilang pagkalapit sa kulturang Pilipino.

Tulad na lamang ng idiniskusyo ng “Ciao! Ciao!,” hindi na malabo ang pagpapanatili ng


ating kultura at identidad kahit na ikaw ay nasa malayong lugar pagkat maiuugnay na rin dito
ang pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya at internet na nakatutulong sa atin na
manatiling konektado sa ating mga kamag-anak at mahal sa buhay dito sa Pilipinas. Nang dahil
na rin sa mga ito ay hindi na tayo nalilimitahan sa mga posibilidad at sa pagpapakahulugan sa
transnasyonal na identidad. Sa ngayon, ang mga migrante na nasa malayong lugar ay hindi na
tuluyang malalayo sa bansang pinaggalingan pagkat maari pa rin siyang maging bahagi sa
maraming antas ng bansang Pilipinas.

You might also like