Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

FILIPINO 6

Pangalan: ___________________________________ Lebel:____________


Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsagot sa Tanong na Bakit at Paano

Panimula
Mababakas sa tono o intonasyon ng pagtatanong ang damdaming taglay ng
nagtatanong.

Marahil, ilan sa mga pinakamahalagang tanong na dapat nating itanong ay ang


“Bakit at Paano.” Ang kahalagahan nito bilang mga tanong ay nagbibigay ng layunin sa
anumang bagay na gusto mong malaman.

Ang tanong na “Bakit” ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa dahilan. Sa pagsagot


sa tanong na ito ang mag-aaral ay nagagamit ang kanyang kasanayang magpaliwanag at
makapagbigay ng malalim na kukuro batay sa kanyang naunawaan sa paksang
tinatalakay. Karaniwang nagsisimula sa kasi, dahil, sa, mangyari, paano, kung hindi ko
gagawin ‘yon e ‘di…

Halimbawa:

 Bakit pinayagang makauwi ang mga OFW sa ating bansa sa kalagitnaan ng


pandemya?
 Bakit hindi agad nakarating ang kanilang ayuda?

Samantala, ang tanong na “Paano’ ay ginagamit naman sa pagtatanong tungkol sa


pamamaraan.

Halimbawa:

 Paano kumalat ang Corona Virus?


 Paano natin malabanan ang sakit na ito?

Ang Pabula ay isang maikling kwento/kathang isip na ang mga hayop o bagay na
walang buhay ang gumaganap sa kwento.

Ang Tekstong Pang-impormasyon ay naglalayong magbigay ng tiyak na


impormasyon o kaalaman hinggil sa isang bagay, tao, lugar o pangyayari.

Ang Usapan ay ang pagpapalitan ng dayalogo ng mga nagsasalita.

Ang Kwento ay isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring


kinasasangkutan ng mga tauhan.

Ang Talaarawan ay kalipunan ng mga bugto-bugtong o baha-bahaging sulatin na


nakasulat at nakaayos sa sunod-sunod na petsa o araw.

Ang Ulat ay naglalayong magbigay ng impormasyon sa napapanahong isyu o nauukol na


paksa.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 1


Nasasagot ang mga tanong bakit at paano tungkol sa napakinggang/nabasang:
pabula; kwento; tekstong pang-impormasyon (procedure), usapan, talaarawan; anekdota:
ulat

Koda: F6PN-Ia-g-3.1,

Panuto: Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang mga Gawain na lilinang sa iyong
kaalaman sa pagsagot sa na “bakit at paano.”

Gawain 1

Basahing mabuti ang kwentong “Oo Nga’t Pagong” at sagutin ang mga sumusunod na mga
tanong pagkatapos.

“Oo Nga’t Pagong”

Matagal-tagal ding hindi umahon ang Pagong. Natatakot kasi siyang muling magkita
sila ni Matsing. Nang inaakala niyang matagal nang panahon ang lumipas, naglakas-loob
siyang umahon sa ilog at maglakad-lakad naman sa dalampasigan. Nakarating si Pagong
sa isang taniman ng mga sili. Marahang-marahang naglalakad si Pagong sa paligid ng
taniman. Natutuwang minamasdan ni Pagong ang mga puno na sili na hitik na hitik sa
bungang pulang-pula dahil sa kahinugan. Wiling-wili siya sa panonood sa mga
mapupulang sili at hindi niya namalayan ang paglapit ni Matsing. “Aha! Nahuli rin kita!
Hindi ka na makakaligtas ngayon sa akin,” ang sabi ni Matsing sabay sunggab sa nagulat
na pagong. “Kung naloko mo ako noon, ngayon ay hindi na. Hinding- hindi na,” nanggigigil
na sigaw ni Matsing. “Teka, teka, Ginoong Matsing, hindi ko kayo naiintindihan sa
pinagsasabi ninyo,” ani Pagong. Ano? “Hindi ba’t ikaw ang Pagong na nagtanim ng saging?
Ikaw ang Pagong na inihagis ko sa ilog?” sabi ni Matsing. “Aba! Hindi po. Hindi kop o
nalalaman iyon. At hindi ko rin kilala kung sino mang Pagong iyong inihagis nyo sa ilog,”
tugon ni Pagong.
“Hindi nga ba ikaw iyong damuhong Pagong na iyon?” tanong ni Matsing na
pinakasipat-sipat ang hawak ng Pagong.
“Talaga pong hindi!” ani Pagong. “Matagal napo ako rito. Ang Gawain kop o ay
magbantay ng mga mapupulang bungang ito,” dugtong pa ni Pagong.
“Bakit, ano ba ang mga mapupulang bungang iyan?” ang tanong ni Matsing. “A, e,
ito po ay gamut sa mata ng lola ko. Inilalagay niya po ito sa mata kapag kumakati. Pero
hindi po kayo maaaring kumuha nito, para sa lola ko lamang ito,” sabi ni Pagong. “Makati
rin ang mata ko. At sa ayaw mo’t sa gusto, kukuha ako nito,” ani Matsing at namitas agad
ng maraming pulang sili. Piniga niya’t niligis ang mga sili sa dalawang palad at kanya itong
ipinahid sa kanyang mga mata. “Kra-kra-kra…” natataranta na sigaw ni Matsing pagkat
halos umusok ang dalawang mata niya sa hapdi at kirot. Mainit na mainit ang mga mata
niya. Kinapa-kapa ni Matsing si Pagong. Subalit wala na ito at nakalayo nang nagtatawa.
Naisahan na naman ang hangal na Matsing.
Maraming araw ding nangapa-ngapa ng mga bagay sa kanyang paligid si Matsing.
At si Pagong naman ay malayang nakapamamasyal. Isang araw, nasa isang bakuran si
Pagong. May handaan doon at nagkatay ng baboy. Sa malapit sa kinalalagyan ni Pagong ay
may mga taong nagpapakulo ng tubig sa isang malaking kawa. Tahimik na nagmamasid-
masid doon si Pagong. Nagulat siya. Bigla kasi siyang sinunggaban ni Matsing. “Nahuli na
naman kita. Niloko mo ako noon. Hinding-hindi na kita paliligtasin ngayon,” ang sabi ni
Matsing. “Dahil sa iyo, matagal akong hindi nakakita.” Ako po ang dahilan? Bakit po?”
tanong ni Pagong. “E, ano po pa! Hindi ba’t ikaw ang Pagong na kinunan ko ng sabi mo’y
gamut sa mata ng lola mo? E iyon pala’y nakabubulag,” ang sabi ni Matsing.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 2


“Aba, naku! Hindi po. Ako po’y matagal na rito sa pwesto kong ito. Ako po’y
nagbabantay ng kawang iyon na paliguan ng aking nanay,” ang sabi ni Pagong. Itinuro kay
Matsing ang tubig na kumukulo sa kawa.
“Opo! Pero sekreto po naming iyan. Huwag po ninyong sasabihin kahit kanino. Iyan
pop ang pampapula ng pisngi ng Nanay ko,” paliwanag ni Pagong.
“ibig ko ring pumula ang pisngi ko,” sabi ni Matsing. “Ay hindi po maaari ito para sa
inyo. Talagang para sa nanay ko lamang po iyan,” sabi ni Pagong. “A, basta! Gusto ko ring
pumula ang pisngi ko,” sabi ng hangal na Matsing at tumakbong mabilis at lumundag sa
loob ng kawa ng kumukulong tubig. At doon natapos ang makulay na buhay ng hangal na
Matsing.

Mga katanungan:
1. Bakit matagal-tagal ding hindi nagpakita si Pagong?
a. upang makapagpahinga
b. magtago upang hindi siya makita ni Matsing
c. upang makapag-ipon siya ng lakas

2. Paano hinuli ni Matsing si Pagong sa puno ng mga sili?


a. Nakita niya ito habang pinagmamasdan ni Pagong ang mga hinog na sili.
b. Sa pamamagita ng isang kaibigan
c. Itinali ni Matsing si Pagong sa puno ng sili
3. Paano inilagay ni Matsing ang sili sa kanyang mga mata?
a. Sa pamamagitan ng tulong ni Pagong
b. pumitas ng maraming pulang sili. Piniga niya’t niligis ang mga sili sa dalawang
palad at kanya itong ipinahid sa kanyang mga mata.
c. Isa-isa niyang ipinahid ang sili sa kanyang mga mata upang maibsan ang
pangangati ng kanyang mga mata.

4. Paano nagtapos ang buhay ni Matsing?


a. Nagtapos ang buhay ni Matsing dahil sa sakit na COVID-19
b. Hinuli siya ng mga iba pang hayop at ikinulong hanggang sa malagutan ng
hininga.
c. Nagtapos ang buhay ni Matsing nang sinubukan niyang tumalon sa kawa na
may laman na kumukulong tubig.

5. Bakit kaya gustong-gusto ni Matsing na gawin ang mga sinasabi ni Pagong?


a. Sapagkat sa kanyang palagay ay tama ang mga sinasabi ni Pagong.
b. Gusto niya ring magamot ang pangangati ng kanyang mga mata.
c. Ibig din itong pumula ang kanyang pisngi kapag maligo sa kawa na may
kumukulong tubig.

6. Kung bibigyan mo ng bagong pamagat ang kwento, anong pamagat ang ibibigay mo?
Bakit?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
_________________

7. Kung babaguhin ang wakas ng kwento, paano mo ito wawakasan?


___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
_________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 3


Gawain 2
Basahin at intindihing mabuti ang tekstong pang-impormasyon sa ibaba.
Pagkatapos sagutan ang mga katanungan.

Maging Ligtas sa Paghuhugas ng Kamay!

Alam mo ba na mahalaga ang paghuhugas ng kamay? Ang paghuhugas ng kamay


ay isang mahalagang pansariling kalinisan sa katawan upang maiwasang makakuha at
magpalaganap ng mga nakahahawang sakit.
Kailangan nating maghugas ng ating kamay bago hawakan ang ating mga mata,
ilong at bibig, bago kumain o humawak ng pagkain at pagkatapos gumamit ng palikuran.
Gayundin, kapag ang kamay ay kontaminado ng sekresyon sa paghinga, halimbawa
pagkatapos umubo o bumahing. Pagkatapos humawak ng mga pampublikong kagamitan
gaya ng mga hawakan ng escalator, mga pindutan ng elevator o mga hawakan ng pinto.
Dagdag pa dito kailangan ding maghugas ng kamay pagkatapos magpalit ng mga lampin o
humawak ng mga bulok na bagay kapag nag-aalaga ng ng bata o may sakit.
Narito ang ilang hakbang para sa mabuting paghuhugas ng kamay.
1. Basahin ang mga kamay sa tumutulong tubig.
2. Maglagay ng likidong sabon at kuskusin ang mga kamay upang bumula.
3. Kuskusin ang mga palad, likod ng mga kamay, pagitan ng daliri, likod ng
mga daliri, mga hinlalaki, dulo ng mga daliri at pupulsuan. Gawin ito ng
20 segundo.
4. Banlawan nang mabuti ang mga kamay sa tumutulong tubig.
5. Patuyuin ang mga kamay nang mabuti gamit ang malinis na pamunas.
6. Hindi direktang hawakan ng mga malinis na kamay kapag isara ang
gripo.
* Gumamit ng malinis na pamunas kapag isasara ang gripo,
* Pagkatapos sabuyan ng tubig ang gripo upang luminis bago gamitin ng iba.

Mga katanungan.
1. Tungkol saan ang tekstong binasa?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Kailan dapat maghugas ng kamay?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

3. Bakit mahalaga ang paghuhugas ng kamay?


____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

4. Paano ang tamang paghuhugas ng kamay ayon sa teksto?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 4


Gawain 3

Basahin ang Usapan nina Pagong at Matsing:

“Aha! Nahuli rin kita! “Teka, teka, Ginoong


Hindi ka na makakaligtas Matsing, hindi ko kayo
ngayon sa akin,” “Hindi naiintindihan sa
ba’t ikaw ang Pagong na pinagsasabi ninyo,” Aba!
nagtanim ng saging? Ikaw Hindi po. Hindi ko po
ang Pagong na inihagis ko nalalaman iyon. At hindi ko
sa ilog?” rin kilala kung sino mang
“Bakit, ano ba ang
Pagong iyong inihagis nyo
mga mapupulang
sa ilog,”
bungang iyan?”
“Opo! Pero sekreto po namin iyan.
“A, basta! Gusto ko Huwag po ninyong sasabihin kahit
ring pumula ang kanino. Iyan po ang pampapula ng
pisngi ko,” pisngi ng Nanay ko,”

Larawan ni Matsing Larawan ni Pagong

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Bakit nalinlang muli ni Pagong si Matsing sa pangalawang pagkakataon?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________
2. Paano nagawa ni Pagong na linlangin si Matsing?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________
3. Mula sa binasang usapan nina Pagong at Matsing, gumawa ng isang awit na
sumasagot kung bakit at paano muling nalinlang ni Pagong si Matsing. Bigyan ito
ng pamagat.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 5


Rubric sa Pagtataya ng Gawain
Level Ng Pagsasagawa (Performance)

Mga krayterya 1 2 3 4
Organisasyon Hindi May lohikal na Maayos ang Mahusay ang
maayos ang organisasyon organisasyon, pagkakasunod-
organisasyon ngunit hindi at may angkop sunod ng mga
ng mga ideya masyadong na ideya sa ideya sa kabuuan
mabisa ang kabuuan at may malakas
ideya na kongklusyon
batay sa
ebidensya.
Nilalaman Hindi May bahagi ng Malaking Ang kabuuan ng
naayon sa awit na bahagi ng awit awit ay naaayon
usapan ang naaayon ang ang naaayon sa sa usapan
nilalaman ng nilalaman sa usapan
awit usapan

Gawain 4
Basahing mabuti ang kwento at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Pagtatapos sa Gitna ng Pandemya


ni: Cherryl C. Abiqui

Malungkot si Ramil sa araw na iyon habang hinahaplos ang kanyang uniporme na


susuotin sana sa kanilang pagtatapos sa elementarya. Kung hindi dahil sa pandemya na
kinahaharap ng mundo marahil ay suot-suot na niya ito at taas noong tinatanggap ang
mga karangalan na maipagmamalaki at maibabahagi niya sa kanyang mga magulang.
“Ngayon ang nakatakdang araw ng aming pagtatapos ngunit kailanman ay hindi na ito
mangyayari dahil sa sakit na talamak na kumakalat” sambit ni Ramon sa kanyang sarili.

Nakita ni Aling Minda ang kanyang anak sa kanyang silid. Hindi lingid sa kanyang
kaalaman ang malaking panghihinayang ng anak. Nilapitan ni Aling Minda ang anak
“Ramon anak, alam kong mabigat sa iyong kalooban ang anunsyo na hindi maidadaos ang
pagtatapos sa taong ito, wala tayong ibang dapat gawin kundi sundin ang mga alituntunin
na ibinaba ng pamahalaan upang mailayo tayo sa tiyak na kapahamakan” paliwanag nito
kay Ramon.

Batid ni Ramon ang mga kaganapan sa paligid at pilit na tinatanggap ang mga
pangyayari. Ibinaling niya ang lungkot na nadarama sa pagbabasa ng mga aklat.
Nakibahagi din siya sa pagsagot ng mga aralin sa Deped Commons, isang hakbang ng
kagawaran ng edukasyon upang patuloy na matuto ang mga mag-aaral.

Sa paglipas ng araw, itinuon ni Ramon ang kanyang sarili sa pagbabasa at


pagtulong sa kanyang mga magulang sa gawaing bahay at bukid. Tuwing hapon, nalilibang
siya sa pagsama sa kanyang tatay sa pagpapainom at pagpapaligo ng kanilang kalabaw sa
ilog. Habang nakatanaw sa malayo, pilit na sumisiksik sa kanyang imahinasyon na sila ng
kanyang mga kamag-aral ay masayang nagmamartsa suot-suot ang kanilang uniporme.
“Anak, tara uwi na tayo” sambit ng kanyang ama habang tila nagulat si Ramon ng marinig
ito.

Masayang sinalubong ni Aling Minda ang anak at asawa na paparating galing sa


ilog. Halos wala siyang mapagsidlan ng tuwa habang ibinabalita kay Ramon na
magkakaroon sila ng Mobile Graduation kinabukasan. Hindi makapaniwala si Ramon sa
kanyang narinig. Sa wakas matutupad na rin ang kanyang pinakahihiling. Ipinaliwanag ng

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 6


ina kung ano ang mga alituntunin na dapat nilang gawin at kung paano nila ito isasagawa.
Maluwag naman na inintindi ni Ramon ang lahat.

Kinaumagahan, suot ang uniporme at ang pantakip sa ilong at bibig ay masayang


naghihintay si Ramon. Hanggang sa naulinigan niya ang tugtugin sa pagtatapos. Tanaw
niya mula sa malayo ang sasakyan ng barangay na nilagyan ng payak na palamuti. At nang
ito ay matapat sa kanilang bahay, si Ramon at ang kanyang mga magulang ay naglakad
papalapit sa sasakyan. Iginawad kay Ramon kasabay ang pagsunod sa mga alituntunin ng
GCQ ang mga sertipiko at medalya bilang karangalan. Higit naman ang kanyang
pasasalamat sa mga magulang sa lahat ng kanilang sakripisyo sa kanya.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Bakit malungkot si Ramon sa kwentong iyong binasa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Paano isinagawa ang pagtatapos nila Ramon?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________

Gawain 5
Basahin at intindihin ang talaarawan sa ibaba.
Sagutin ang mga tanong. Lagyan ng ang patlang kung ito ay
S
sumasagot sa tanong na Paano at kung ito sumasagot sa tanong na
Bakit.
Marso 12, 2020

Maganda at maayos naman ang aking umaga ngayon dahil maaga akong nakapunta sa
paaralan. Pero bago ako pumasok sa paaralan, naligo muna ako, nagbihis ng maayos,
nagsuklay ng buhok, kumain at nagsipilyo ng ngipin. Pagkatapos kong magbihis hinatid
na ako ni papa ko sa paaralan. Pagdating ko sa paaralan ay ay naging abala na ang lahat
para sa huling markahang pagsusulit.
Sa tanghali naman ay masaya kaming kumain ng tanghalian ng aking mga kaibigan sa
kantina ng Paaralan. Nang tumunog na ang “buzzer” ito ay hudyat na naman ng
pagsisimula ng aming pagsusulit kinahapunan. Tutok sa pagsagot sa pagsusulit ang
lahat. Nakasisiguro ako na mataas ang markang aking makukuha sapagkat
pinaghandaan ko ito. Masaya akong umuwi sa bahay sa hapong ito.

_____1. Sumusulat tayo ng talaarawan upang itala ang mga pangyayaring


nagaganap sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
_____2. Ipinakikita ng may akda sa talaarawan na siya ay masigasig sa
kanyang pag-aaral.
_____3. Isinusulat natin ang talaarawan ayon sa pagkakasunod-sunod nito.
_____4. Ayon sa talaarawan, nakasisiguro siya na makakukuha ng mataas
na marka sa pagsusuli.
_____5. Pumasok ang mga mag-aaral sa klase ng marinig ang “buzzer”.

Gawain 6

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 7


Basahin at intindihin ang ulat sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong.
Lalawigan ng Nueva Ecija, Sasailalim pa rin sa GCQ
Patuloy na sasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang
lalawigan ng Nueva Ecija mula Hunyo 1-15, 2020 bilang hakbang sa patuloy na
pag-iwas at pagdami ng mga maaapektadong indibidwal sa sakit na COVID 19.
Iminungkahi ito ng mga Inter-Agency Task Force (IATF) upang masiguro ang
kapakanang pangkalusugan ng mga mamamayan sa ibat-ibang bayan sa lalawigan
Ipinatutupad ang GCQ sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng mga
alituntunin na dapat sundin ng mga mamamayan tulad ng pasuot ng face mask sa
labas ng bahay, pagpapanatili ng social distancing sa pagpunta sa pampublikong
lugar, hindi paglabas ng mga senior citizen at edad bente-uno pababa kapag hindi
kinakailangan.
Pinahintulutan na rin ang mga pribadong sasakyan sa pagbiyahe ngunit
patuloy pa rin ang umiiral na number coding sa mga pampasaherong traysikel.
Ipinatutupad din ang “No Face Mask, No Ride” at isa lamang ang pasaherong
maaaring isakay nito.
Patuloy naman ang pagpapaalala ng mga nasa kagawaran ng kalusugan sa
kahalagahan ng paghuhugas ng kamay at pagpapanatili sa kalinisan ng katawan
upang makaiwas sa naturang sakit.

1. Tungkol saan ang binasang sa ulat?


___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Bakit patuloy pa rin na sasailalim ang lalawigan sa General Community


Quarantine (GCQ)?
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Paano ipinatutupad ang General Community Quarantine (GCQ) sa lalawigan


ng Nueva Ecija?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Pangwakas

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 8


Binabati kita, naisagawa mo ng mahusay ang layunin ng gawaing ito.
Mahalaga ang pagsagot ng bakit at paano upang malaman ang dahilan at
pamamaraan ng isang pangyayari.

Mga Sanggunian
Curriculum Guide Grade 6
Manwal ng Guro - Lesson Plan I Filipino 6
Formative, Summative, Table of Specification and
Periodic Test, 2012 Edition
A. Olivervaz, Hap S. Reyes Love A. Aragon

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 Gawain 2
1. B 1.Ang tekstong pang-impormasyon ay tungkol sa
2. A paghuhugas ng kamay.
3. B 2. Mahalaga ang paghuhugas ng kamay upang
Note:
4.Practice
C Personal Hygiene protocols
maiwasan atmakakuha
ang all times at magpalaganap ng sakit. 9
5. A 3. Kailangan nating maghugas ng ating kamay bago
Gawain 3
A
1. Muling nalinlang ni
Pagong si Matsing dahil sa
labis na pagnanais sa
lahat ng bagay.
2. Nalinlang ni Pagong si
Matsing sa pamamagitan
ng pagbabalat kayo at
pagpain nito kay Matsing.
B. Gamitin ang rubriks na
basehan sa pagbibigay ng
marka.

Gawain 4
1. Malungkot si Ramon
dahil hindi nila maidadaos
ang kanilang pagtatapos
dahil sa pandemya
2. Isinagawa ang
pagtatapos nila Ramon sa
pamamagitan ng mobile
graduation

Gawain 5

1.
2.

3.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 10
4.

5.
Gawain 6
1. Ang ulat ay tungkol sa patuloy na pagsasailalim sa lalawigan
ng Isabela sa General Community Quarantine o GCQ.
2. Patuloy paring sasailalim sa GCQ ang Isabela upang maiwasan
ang pagdami ng mga maaapektohang indibidwal sa talamak na
sakit COVID 19.
3.Ipinapatupad ang GCQ sa pamamagitan ng patuloy na
pagbibigay ng mga alituntuning dapat sundin ng mga
mamamayan.

Inihanda nila:

RITA L. CACAL
CHERRYL C. ABIQUI
Mga May Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 11

You might also like