Mga Bantas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mga Bantas

TranslateBlanko -
  Minsan, papel,
Madalas, tuwing nakikita kita.

Ganyan ang nangyayari:


  Nagiging blanko ang pag-iisip,
Nawawala sa sarili,
  Nagbubuntong hininga.

Pero, blanko.
  Blanko, blanko, blanko, blanko.

Mga letra -
  Pagmalalaki:
  Minsan, ginagamit sa umpisa ng mga pangungusap;
  Kadalasan, ang pagsisigawan natin sa isa't isa

  Pagmaliliit:
    Minsan, itinatabi sa mga malalaking titik;
    Kadalasan, ang mga pagbulong mo sa 'kin ng "mahal kita."
    "Mahal kita, hindi kita iiwan,"
    Na tangina, sa sobrang hina ng bulong mo,
    Akala ko sabi mo, "mahal kita, pero panahon na para ika'y aking iwan."

Mga kuwit -
  Minsan, ginagamit sa pagputol putol ng mga ideya.
Madalas, ang mga panahong nagkakalamigan tayo't kinakailangang dumistansya.

Hindi sa lahat ng panahon, dapat gumagamit ng kuwit.


  Minsan, may mga salitang hindi na dapat nilalagyan ng kuwit, kundi tinutuldukan na.

Tuldok -
  Minsan, ginagamit para tapusin ang isang pangungusap.
  Kadalasan, ang pagsuko mo sa mga bagay na hindi mo na kaya.
  Ang pagsuko ng mga bagay na ayaw mo na
  Ang pagsuko sa mga bagay na wala nang kararatingan.

Minsan na rin nating tinuldukan kung anong meron tayo.

Teka lang,
  Wala pa lang tayo.

Pero, sa bawat kapit ng tinta sa mga blankong linya, blankong espasyo ng blankong papel,
minsan, nagagawa nating magkamali.
Tuldok - kuwit -
  Minsan, ginagamit kapag gusto nang itigil ang isang pangungusap, pero sa huli:
nagdesisyon na ituloy pa.
  Kadalasan, ipinapalit mo sa mga tuldok na pilit mong binura,
  Pilit mong kinalimutan, pero 'di mo nagawa.
  Pilit mong tinanggal, pero may bahid pa rin ng sakit sa mga bagay na tinuldukan ng wala
sa oras.

Mga panipi't panaklong -


  Sino bang nakakaalam kung anong gamit neto?
Hindi naman masyadong pinapansin.
  'yan na rin dapat siguro ang dapat gawin ko sa mga pang-aasar nila,
  Sa mga pagpipilit nilang balikan kita
Sa mga sabi - sabing mahal mo pa ako.

Mahal mo pa nga ba?

Tandang pananong -
  Naguguluhan na 'ko.
  Ayoko nang bumalik sa mga bagay na minsan nang sumira sa 'kin.
  Ayoko nang yakapin ang mga bagay na pakakawalan ko lang rin sa huli.
  Ayoko nang nawala ulit ang mga bagay na minsan nang nawala sa piling ko:

  Ikaw.

Tandang padamdam -
  Ang hirap-hirap mong basahin!
Tangina ka, kahapon lang nilalayuan mo 'ko,
  Ngayon ipinagsisigawan mong mahal mo 'ko.

ANO BA TALAGA?

Elipsis -
  Ginagamit kapag sobrang dami nang sinasabi, pero wala nang saysay.
  Ginagamit ko kapag naghihintay ako sa'yo at sa mga susunod na pakulo mo.

Tatlong tuldok. Tatlong tuldok ulit; Tatlong tuldok.

Nakakainip, nakakabitin, nakakabwisit.

NAKAKAPUNYETA.

Ngayon, balikan natin 'yang mga panipi't panaklong na 'yan.

Gabi-gabi nila akong ginugulo,


  Pero unti-unti nilang nasasagot ang mga malalaking tandang pananong kung bakit
pangalan ko ang pinararatingan ng mga tandang padamdam mong ang pahiwatig ay,
"mahal kita."

Siguro, naguguluhan ka din.


  Pero sa mga gitling na unti-unting kumukunekta sa mga katotohanang hinahanap natin.

Isang katotohanan lamang ang pinaniniwalaan ko,


Isang katotohanan lamang ang meron ako,
Isang katotohanan lamang ang kinikilala ko.

Tututuldok: mahal kita.


021417 - Para sa kanya, Kabanata 2

You might also like