Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Tagalog text

ANDRES BONIFACIO
       MAYPAGASA
P. ng K. Kapulungan

M. Emilio Jacinto Pinkian

Minamahal kong kapatid: tinangap ko ang inyong sulat, taglay ang


kabilangang araw na ika labingsiyam ng umiiral at nabatid ko ang lahat ng doo’y
nasasabi.

Magbuhat ng mapasok ang bayan ng Silang ng kaaway at magpahanga


ngayong mga araw na ito ay wala kaming ibang inaatupag kundi ang pag tatangol
sa guipit na kalagayan ng bayan; ito ang kadahilanan ng di ko pagsulat dian; nguni’t
bago ko tinangap ang inyong sulat ay ako’y nagpadala sa inyo ng sulat sa
pamaguitan ni M. Antonino Guevara na taga S. Pedro Tunasan na ngayo’y inaakala
kong sumapit na sa inyong kamay; doo’y akin ibinabalita sa inyo ang mga
nangyaring napagsapit nitong mga bayan sakop nitong Tangway na nakuha ng
Kastila ang Silang, Dasmarinas, Ymus, Bakood, Kawit, Noveleta, Malabon, Salinas at
Tanza; tatlo o apat ang mga bayang ito ay nakuha ng kaaway ng walang laban at
marahil ay makukuha pa ang nangatitirang bayan kung ang pag sasarilinan at
kakulangan ng pagkakaisa ay mananatili, ito’y siyang tanging kadahilanan ng
ikinapapahamak ng mga bayan dito tungkol sa pulong na guinawa dito ng ika 22 ng
buang nagdaan, yao’y ginawa sa kadahilanan may tinangap na sulat sa isang Jesuita
at isang Kastila na nagngangalang Pio Pi at Rafael Comenge na ipinadala kay
Kapitan Emilio Aguinaldo sa sulat na ito’y, nasasabi na tayo’y bibigyan ng laganap
na kapatawaran (Yndulto mas amplio) o kaya makipagusap sa kanila at sabihin kung
ano ang ibig natin.  Yto’y kapwa ipinadala ng taga Ymus sa mga pinuno ng
Magdiwang na may kalakip ng mga condiciones na ibig hingin sa Kastila na
pakikipagyari. Ang taga Magdiwang ng ito’y hindi sangayunan sa kadahilanang
ako’y wala sa Tangway at na sa sa Look (Batangan) ng mga araw na yaon bukod pa
sa niwawalan nilang kabuluhan ang mga katauhan ng Jesuita at ni Comenge na di
makapakikialam sa mga bagay na ito.

Sa matanto ng taga Ymus ang kasagutan ng taga Magdiwang si Capitan


Emilio ay lihim na sumulat sa mga Pangulong bayan sakop ng Magdiwang ng
tungkol sa nasabing pakikipagyaring gawin sa Kastila;  ito’y ng mabatid ng
Presidente ng Magdiwang ay karakarakang nagpatawag ng Pulong at sampung
ako’y ipinasundo sa Look at guinawa na nga ang nasabing Pulong. Doo’y halos ang
lahat sa akin pagpapaaninao  ng kasamaan ng pakikipagyari sa Kastila ay wala na
hindi ang ibig ay laban.

Sa pagka’t ang karamihan sa Pulong na ito ay minagaling na itayo ang isang


Pamahalaan (Gobierno), bagama’t ipinaunawa ko na ito’y hindi mangyayari
sapagka’t wala doon ang pinakakatawan ng taga ibang hukuman at bukod pa sa
rito’y ipinagsabi ko na mayroon ng pinagkayarian sa Pulong na guinawa sa bayan
ng Ymus; ang lahat ng ito’y niwawalan kabuluhan ng karamihan at di umano’y sa
kaguipitan tinatawid ng mga bayang ito’y ay wala ng panahon ay makapag
aantabay pa na dumating ang taga ibang bayan at yaong Pulong na guinawa sa
Ymus ay winala rin kabuluhan sapagka’t di rao magawa ang acta.  Gayon ma’y akin
ipinagsabi sa lahat na kaharap sa Pulong na yaon na kung kalooban ng mga taung
bayan ang siyang masusunod na makapangyayari sa paghahalal ng mga Pinuno
ako’y sumasangayon.

Ng gawin ang paghahalal ay lumabas na Presidente de la Republica ay si M.


Emilio Aguinaldo, Vice presidente ay si M. Mariano Trias, General en Jefe si M.
Artemio Rikarte, Director de grra. M. Emiliano R. de Dios, ito’y isinigaw na lamang
sapagka’t gabi na gayondin naman isinigaw akong pinagkaisahan Director del
Ynterior na ipinag viva pa na gaya ng ibang nahalal; datapwa’t ng ito’y matapos na
at sinisimulan ang pag hahalal ng Director de Hacienda si M. Daniel Tirona ay
nagsabing may sumisigaw na ihalal sa katungkulan Director del Interior si M. José
del Rosario; tuloy ipinagsabi na ang katunkulan Director del Interior ay totoong
mabigat at kinakailangan ang isang marunong ang tungkulan nito, ito’y sinabi
kapagkatapos na ipagturing na hindi sa pag hamak niya sa akin.  Ang kasagutan ko
sa kanya ay sa lahat ng katungkulan yaon ay kinakailangan ang taung marunong,
datapwa’t sino ang wika ko sa nangag si labas ang kanyang maituturong marunong?
gayon ma’y sumigaw rin ng ganito: Isigaw ninyo anya ¡Director del Interior José del
Rosario, Abogado! Wala rin sumunod sa kanya hangan sa makaapat na ulitin kun di
mangilanngilan at sigaw rin ay ako. Sa kaguluhang ito ang Presidente ng
Magdiwang ay ipinahayag na yao’y hindi kapulungan ng mga taung mahal, kaya’y
sinabi niya na walang kabuluhan ang doo’y mga pinagusapan. Bukod dito’y bago
sinimulan ang paghahalal ay matuklasan ko ang mga panguupat ng ilan taga Ymus
na di umano’y di nararapat na sila’y pamunuan ng taga ibang bayan. Kaya’t
ipinahahalal na maguing Presidente ay si Capitan Emilio.  Kapagkarakang ito’y
mabatid ko ay akin sinabi rin na ang kapulungang yaon ay totoong marumi
sapagka’t gayon ang ipinamamarali ang isiahihibo [?] sa tawo at itanong ko na kung
ibig nilang isaisahin kong ituro ng daliri ang gumagawa ng gayon ang aking ituturo
ang karamiha’y sumagot ng huag na. Sinabi ko rin naman na kapag hindi nasunod
ang talagang kalooban nang bayan ay hindi ako makakikilala sa kanino pa mang
Pinuno lumabas at kapag di ako kumilala ay di rin naman kikilalanin ng mga taga
rian sa atin. Ang lumabas na general na si M. Artemio Rikarte ay isinigaw rin sa
kapulungang yaon na ang kanyang pagkahalal ay sa masamang paraan.

Ang mga taga Ymus ay ng kinabukasan sila sila ay nagkapulong sa Convento


ng Tanza at doo’y pinilit na isaisang pinapanunumpa ang nangahalal at siya ninyong
mapagkikita sa kalakip nitong isang kasulatan ni M. Artemio Rikarte.

Ang taga Magdiwang lalong lalo ang mga taga Malabon ay gumawa [?] ng
isang protesta sa ipinatawag si Kapitan Emilio at Daniel Tirona at sa isang pag
haharap ay pinabitiwan sa kanya ang kapangyarihang ibig niyang kamkamin;
kaya’t sa gabi ring yaon ay gumawa siya ng isang Circular na ipinahayag niya sa
lahat ng bayan sakop ng Tangway na ang kapulungan guinawa na pagkahalal sa
kanya ay wala ng kabuluhan at malagay na muli sa dating kalagayan ng Magdiwang
at Magdalo.

Ako at sampu ng ating mga kawal na ma’y mga dalawang pung na baril na
Remington at mga dalawang pung baril na de piston na may katampatan
kasangkapan ang nagsi labas na nang bayan ng Indang sa nayong Halang na
talagang gayak sa pag uwi diyan.  Kaakbay rin naman namin ang makapal na
sandatahan na may mga isang libo, kaya’t wala kaming ibang inaantay kun di ang
inyong pagkakayarian ni M. Antonino Guevarra ayon sa aming salitaan nito. Antay
ko sa madaling panahon ang inyong marapatin pagkasunduan diyan tungkol sa
amin binabalak ng nasabing M. Guevarra.

Tungkol sa armas na ating inaantay ay tila hindi maaasahan sapagka’t sa


sulat ni Jokson ay humihingi ng dalawang pung libo; dito’y ang salaping na iipon ay
halos naubos na sa kagugugol ng mga Pinuno sa kailangan nila at Panghihimagsik.

Kalakip din nitong sulat na ito na inyong tangapin ang salin ng “Manifiesto
Revolucionario” namin sanang ilalathala ito’y nasusulat din sa wikang ingles
datapwa’t sa pagka’t tila totoong mahaba ay kayo na ang bahalang maghusay upang
magamit natin kapagkarakang tayo’y magkaayos-ayos; gayon din kalakip nito ang
alfabeto de numero na guinagamit sa pakikipagsulatan sa Hong Kong; ito’y
kinakailangan ipaglihim sa kay Vnvqrtc Llntñbqdnd [Mamerto Natibedad].

Ang Hukuman ng Batangan ay nagbangon ng isang Gobierno Provincial at


ito’y isinusukob sa akin kapangyarihan na pinatutunayan ng apat na sulat na sa aki’y
ipinadala at doo’y ipinadala kong saklolo ang dalawang pung baril at dalawang pu’t
limang sandatahang Balara; gayon din si Lucino na may kasamang ilan barilan
upang sila’y makatulong sa kasalukuyang paglusob doon ng mga taga roon sa
walong bayan sabay-sabay.

Tungkol sa balitang napatay si Procopio ito’y hindi totoo kahit nanganib ng


malaki.

Kayo’y ibinalita rin naman dito ng buang katatapos na pinatay ng mga


Carabineros sa kadahilanang di umano’y kayo’y nagbigay ng isang masamang
kautusan, ito’y sapagkat balita ng taga Ymus ay hindi ko pinaniwalaan at itinuring
kong isang kasukaban dating gawa ng mga taung ito.

Tungkol sa pagiipon ng salapi ay inaakala kong hindi kailangan ang tayo’y


magpalimos kundi ang nararapat ang tayo’y magpumilit na pumasok ng mga bayan-
bayan at humingi o sumamsam sa kanino pa mang mayaman.  Ang K. na si M.
Nakpil ay sumulat sa akin na itinatanong na kun ang salaping may mga apat na raan
mahiguit na kanyang naaipon ay kung nararapat na ibigay sa kay Vnvqrtc
Llntñbqdnd [Mamerto Natibedad], ito’y huag ninyong pahintulutan mangyari,
sapagka’t iya’y hindi tapat ang pakikisama sa atin at iya’y malaki ang hilig sa taga
Magdalo.
Isang kasuklam suklam na balita ang akin maipapasabi sa inyo tungkol sa
kasukaban gawa ng mga pinuno ng S. Magdalo na nag si sukob sa indulto o umayon
sa Kastila ito’y si Daniel Tirona, Mtro. de Guerra, Jose del Rosario, Ministro del
Interior, José Caelles, teniente Gral., gayon din halos lahat ng mga taga Tanza sampu
ng Cura doon; ang lahat ng ito’y pawang kabig o partidos ni Capitan Emilio; kaya’t
malabis ang hinala ng marami na kun kaya’t malabis na nagpumilit na sila’y
maguing Gobierno ay ng upang maisuko ang boong Revolucion.  Ng lingong nagdaan
ay ipinagapos ko sa ating mga kawal ang isa rin sa mga Ministro ni Capitan Emilio
sa kadahilanang nahuling magtatanan, kaakbay ang dalawang Kastila bihag at
isang señora isa sa mga Kastilang ito ay nagsabi ng totoo na sila ay magtatanan;
ito’y pinaghatulan sa Sangunian Digma at ang kinalabasan ay ang dati rin palakad
dito ng pag tatakipan o favoritismo; datapwa’t ang espediente na tinalaan na ng
nasabing Ministro na si M. Cayetano Topacio ay naiwan sa akin ay gayon din ang sa
Kastila. Yto’y isa sa manga kadahilanan ng aming pagpupumilit na mapaalis dito
sapagka’t hindi lamang sa kaaway na Kastila nanganganib ang amin buhay kun di
lalo’t higit pa sa mga pinuno dito na ang karamiha’y may masasamang kilos.

Ang limbagan mga librong kailangan, mapang malaki at mga kasangkapan sa


paggagawaan ng kapsula ay aming dalang lahat.

Ang mga Cuchara na inyong ipinadadala sa kapatid ni Dimas ay hindi


maibigay sa kanila sapagka’t sila’y nagsialis na, na tumungo sa dakong Silangan
(Laguna).  Ang inyong ina na na sa Marigondong ay aming ipinatawag at
magpahangangayo’y siya naming inaantabayanan.

Tangapin ang mahigpit na yakap na pahatid ko buhat dito.

Limbon 24 Abril 1897

Ang Plo. ng H. B.
And Bonifacio
.
..

Maypagasa 

[Seal – “Haring Bayang Katagalugan – Kataastaasang Kapulungan”]

You might also like