Ano Ang Banghay? - Gabay

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Ano ang banghay?

Ang banghay o outline ay tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkakasunod-


sunod ng mga pangyayari sa kwento o paksa. Nakalahad dito ng maayos ang
mga pasalaysay na pangyayari tulad ng kung ano at ano ang kahulugan ng mga
pangyayari sa paksa.

Maaari rin itong matawag na balangkas.

Mayroong tatlong bahagi ang isang banghay:


 Simula – dito nakasaad at makikita ang kilos, paglinang sa tao, at maging
ang hadlang at suliranin.
 Gitna – tinatalakay dito ang masisidhing pangyayari na kakaharapin ng
tauhan na kailangan nitong pagtagumpayan.
 Wakas – ito ang pinakahuling bahagi ng banghay at nakasaad dito ang
magiging resulta ng isang pangyayari.
Mga elemento ng banghay:

 Panimulang Pangyayari - Dito pinapakilala ang mga tauhan at tagpuan


ng isang kwento.
 Pataas na Aksyon - Dito pinapakita ang pagtindi o pagtaas ng kilos o
galaw ng mga tauhan na maaaring humantong sa sukdulan. Ito ay
nahahati sa dalawang bahagi, saglit na kasiglahan at tunggalian, kung
saan mayroong suliranin na lulutasin ang isang tauhan.
 Kasukdulan - Pinapakita sa bahaging ito ang mataas na bahagi ng
kapanabikan na maaaring dulot ng damdamin o pangyayaring maaksyon
sa buhay ng tauhan.
 Pababang Aksyon - Sa bahaging ito makikita ang paunti-unting paglilinaw
ng mga pangyayari. Ito ang hudyat nang pagbaba ng aksyon na
nagbibigay-daan sa nalalapit na pagtatapos ng kwento.
 Wakas at Katapusan - Nakalahad dito ang kahihinatnan ng mga tauhan
batay sa mga pangyayaring naganap.

You might also like