Professional Documents
Culture Documents
LESSON 3 Komunikasyon
LESSON 3 Komunikasyon
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
MODYUL SA FILIPINO (3)
Inihanda ni: Bb. Baby Mae Veriña
ARALIN 3
BILINGGUWALISMO, MULTILINGGUWALISMO AT
FILIPINO MGA BARAYTI NG WIKA
Layunin sa Pagkatuto:
Pagkatapos sa araling ito ikaw ay inaasahang;
Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-
unawa sa mga konseptong pangwika
Napahalagahan ang mga konsepto ng bilingguwalismo at multilingguwalismo sa pagsulong ng
wikang Filipino
Nakapagpapahayag ng magandang halimbawa ukol sa barayti ng wika.
BILINGGUWALISMO
PAGKAKATULAD
MULTILINGGUWALISMO
BILINGGUWALISMO
Ang patakarang bilingguwal ayon sa KWF, ay isang pagtupad sa Artikulo XV, Seksiyon 2-3 ng 1973
Konstitusyon hinggil sa Pilipino at Ingles bilang mga opisyal na wika ng komunikasyon at pagtuturo.
Ang pangyayaring ito ay ipinagpatuloy sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng 1987 Konstitusyon. Gayunman,
nakasaad din sa ikalawang talata ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng kasalukuyang saligang-batas na:
“Subject to the provisions of law and as the Congress may deem appropriate, the Government shall
take steps to initiate and sustain the use of Filipino as a medium of official communication and as
language of instruction in the educational system.” Itinaguyod ng Pangulong Corazon C. Aquino ang
diwa ng probisyong ito ng 1987 Konstitusyon sa pamamagitan ng Executive Order No. 335 na “Nag-
aatas sa Lahat ng mga Kagawaran/Kawanihan/ Opisina/ ng Pamahalaan na Magsagawa ng mga
Hakbang na Kailangan para sa Layuning Magamit ang Filipino sa Opisyal na mga Transaksiyon,
Komunikasyon, at Korespondensiya.
Sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal ng 1974, ang mga asignatura sa elementarya at sekundarya ay
hinati upang ang isang pangkat ay ituro sa Pilipino at ang isang pangkat ay ituro sa Ingles. Bukod sa
asignaturang wika at panitikang Filipino, ang mga klase sa Araling Panlipunan ay gumagamit ng
Pilipino bilang wikang panturo. Bukod naman sa asignaturang wika at panitikan sa Ingles, ang mga
klase sa Matematika at Agham ay Ingles ang wikang panturo.
MULTILINGGUWALISMO
Kung ang bilingguwalismo ay nauukol sa paglinang sa kahusayan ng mga mamamayan ng isang bansa
sa dalawang wika, tuLad ng Pilipinas, ano naman ang konsepto ng multilingguwalismo?
Ito ay patakarang pangwika kung saan nakasalig sa paggamit ng pambansang wika at wikang
katutubo bilang pangunahing midyum sa pakikipagkomunikasyon at pagtuturo bagama’t hindi
kinalilimutan ang wikang global bilang mahalagang wikang panlahat. Layunin nitong pakinisin at
gamitin ang mga wikang katutubo at/o wika ng tahanan (unang wika) bilang pangunahing wika ng
pagkatuto at pagtuturo mula sa una hanggang ikationg baitang sa elementarya, susundan ito ng
Filipino o ng wikang pambansa bago simulan ang pagtuturo sa wikang ingles. Samakatwid,
kinakailangang maging bihasa muna ang isang bata sa kanyang unang wika, sa pangalawang wika, at
kung mayroon pa, ikatlong wika upang maituring siyang multilingguwal.
Dayalek
Ito ang pinakakaraniwang Barayti ng wikang alam at tanggap sa bansang tulad ng Pilipinas. Ang
dayalek o dialect ay uri ng pagsasalita na nabubuo ayon sa heograpikong kinabibilangan ng mga
mamamayan. Karaniwang ang pagtanggap sa wikang dayalek ay ayon sa rehiyon, lalawigan, o bayan
na kinaroroonan.
Halimbawa ng Dayalek
Ang pangungusap na “Anong pangalan mo” ay maaaring sabihin sa iba’t ibang dayalek.
Tagalog: Anong pangalan mo?
Kapampangan: Nanong lagyu mo?
Cebuano: Kinsay imong ngalan?
Idyolek
Kahit mayroong pamantayang itinuturo sa pagsasalita, nagkakaroon pa rin ng pagkakaiba ang bawat
indibidwal ng kanilang paraan para bigkasin ang mga ito. Ganito ang konsepto ng idyolek.
Karaniwang naririnig ito sa mga sikat na personalidad na nag-iiwan ng marka sa pagbitaw ng
kanilang linya sa mga programa at pelikula nila.
Halimbawa ng Idyolek
“Hindi kita tatantanan!” -Mike Enriquez
“May tama ka!” -Kris Aquino
“Walang himala!” -Nora Aunor
Sosyolek
Naipapangkat din ang mga tao ayon sa kanilang personalidad, kasarian, at katayuang socio-
ekonomiko. Ang pagkakapangkat na ito ay nagbubunga rin ng kanilang sariling paggamit at pagbigkas
ng mga salita na tinatawag na sosyolek o sosyalek. Ito ay tinatawag ding pansamantalang Barayti
lamang dahil ginagamit lamang ito ayon sa uri ng taong kausap at sisiguruhing kaya niyang intindihin
at unawain ang ginagamit na wika.
Halimbawa ng Sosyolek
Mga repa, nomo na. Walwal na! (Jeproks/ balbal)
Eow pfouh? Muztah nah? (Jejemon)
So haba naman ng pila. I am so inip na. (Conyo language)
BTW, JWU. Need something to do. BRB. (Millennial online language)
Ekolek
Ang pamilya ang pinakamaliit at pinakamahalagang yunit ng isang pamayanan. Ang Barayting ekolek
ay tumutukoy sa mga salita at wikang ginagamit sa loob ng tahanan at kadalasang tumatatak sa mga
bata. Ito rin ay ang ginagamit sa pakikipag-usap araw-araw.
Halimbawa ng Ekolek
Mom, dad/ Nanay, tatay/ Mommy, daddy/ Ma, pa
pamingganan/ platuhan/ lagayan ng kubyertos
mamam/ tubig
am-am/ kain
Etnolek
. Ang tawag sa Barayting nabuo nila ay etnolek. Batay ito sa mga etnolonggwistong pangkat sa
Pilipinas. Ang mga salitang ito ay kadalasang likas sa kanila ngunit naging tanyag na rin para sa ibang
lahi o pangkat.
Halimbawa ng Etnolek
Banas – mainit, maalinsangan, pagkayamot
Batok – tradisyonal na paraan ng pagta-tattoo mula sa Kalinga
Dugyot – marumi
Creole
Kasama rin sa Barayti ng wika ang pagkakahalo ng wika o salita ng mga indibidwal mula sa
magkaibang lugar o bansa. Nag-umpisa raw ang konsepto ng mga wikang creole noong ika-17
hanggang ika-18 siglo kung saan laganap ang pagsakop sa iba’t ibang bansa. Sa Pilipinas, ang wikang
Kastila ang pinakamaimpluwensiya sa lahat dahil 333 taon tayong nasakop ng mga ito.
Halimbawa ng Creole
“Adios!” (Paalam)
“Buenos dias!” (Magandang umaga!)
Gracias!” (Salamat)
Pidgin
Mayroon namang Barayti ng wika na walang pormal na estruktura. Tinatawag na pidgin ang mga wikang
ginagamit ng dalawang indibidwal mula sa magkaibang bansa upang magkaintindihan.
Halimbawa ng Pidgin
“Ikaw bili sa kin daming tikoy…” (Chinese na sumusubok mag-Filipino)
“I am… you know!” (English carabao)
“What’s up, madrang piporrrr…” (Koreanong si Ryan Bang sa kaniyang programa)
3. Pangmadlang Literasi
Ang pagbasa ay nagiging natural at awtomatiko sapagkat malinaw ang isa-sa-isang tumbasan
ng tunog at letra sa alpabeto ng wikang Filipino. Gayundin, magagamit ang internasyonal na
pagkakilala ng mga salita para sa higit na mataas na antas ng pagbabasa tulad ng iskiming at
iskaning. Lalo pang umunlad ang pangmadlang literasi dahil napadadali ang pagkatutong
bumasa at sumulat.
PANGALAWANG GAWAIN:
Panuto: Tukuyin at hanapin sa kahon ang tamang sagot.
1. Ito ay karaniwang ginagamit sa loob ng tahanan.
6. Naipapangkat din ang mga tao ayon sa kanilang personalidad, kasarian, at katayuang socio-
ekonomiko.