Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KAYARIAN NG PAKSA

Paksa

 Ito ay maaari ring buuin ng isang salita, isang parirala o isang sugnay. Tulad sa panaguri ang
paksang iisahing salita ay ginagamitan ng isang pangngalan, panghalip, pang –uri, pang-abay,
pandiwa, o pawatas.

Paksang iisahing salita

Halimbawa : Sila ay bibigyan ng seminar tungkol sa pagpaplano ng pamilya.

Maaari ring buuin ng pariralang pang-ukol o pawatas ang paksa.

Paksang pariralang pang-ukol

 Pinangungunahan ng mga pang-ukol na na, sa, ng, para kay, alinsunod kay/hinggil sa.

Halimbawa: Ang para sa amin ay sa inyo na.

Paksang pariralang pawatas

 Binubuo ng pawatas ng pandiwa.

Halimbawa : Nakawiwili ang paghuni ng ibon sa parang.

Paksang sugnay: di makapag isa

Halimbawa : Na mayaman sa likas na kayamanan ang Pilipinas ay hindi mapasusubalian.

You might also like