Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pag ang ilaw ng tahanan ay wala—Pat Sto.

Tomas | ABS-CBN

Sa November 24 issue ng Time Magazine ay may tatlong pahinang artikulo na ang pamagat ay
“The Motherless Generation.” Sa artikulong ito ay tinalakay ang mga negatibong epekto sa
paglaki ng mga bata na malayo sa pagkalinga ng kanilang mga magulang, lalo na ng kanilang ina
dahil ito ay migrant worker at nagtatrabaho sa ibang bansa. Nabanggit sa nasabing artikulo na
ayon sa pag-aaral ng United Nations International Children's Emergency Fund (UNICEF)
lumalabas na kadalasan ang mga batang teenagers na ang isa o ang parehong mga magulang ay
nasa ibang bansa at nagtatrabaho ay nag-iiisip at naniniwala na ang kanilang kinabukasan ay
hindi magiging kasing buti o kasing ayos kung ihahambing sa kinabukasan ng mga teenagers na
ang mga magulang ay kapiling o kasama nila sa araw-araw.

Ang kaisipang ito ay namamalagi sa mga bata na ang mga magulang ay nasa ibang bansa sa
kabila ng kanilang maayos na kalagayan sa pag-aaral at pagkakaroon ng supisyente o higit na
allowance. Sinasabi rin sa iba pang pag-aaral na ang mga bata na ang ina ay nasa ibang bansa ay
hindi kasing masayahin kung ihahambing sa mga bata na ang mga ama ang siyang nasa ibang
bansa. Ito ay nagpapatunay lamang kung gaano kahalaga sa mga bata ang patnubay ng isang ina.

Dahil sa mga pag-aaral na ito, sinasabi sa naturang artikulo na napakabigat ang “social cost” ng
labor migration o ang pagkawala ng mga magulang habang lumalaki ang mga anak. Ang ilan sa
mga ito ay ang maaring maagang pagkabuntis ng mga anak na babae, depression, drug abuse,
incest at exposure to violent crimes katulad ng physical assault at rape.

ang ilaw sa bahay ay nakasindi subalit ang ilaw ng tahanan ay wala.

You might also like