S CRIPT

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang pinakagampanin ng panitikang ito ay magsilbing daan patungo sa magandang

pakikipagtalastasan at ugyanan sa kapwa, gaya na lamang sa usaping pangsambahayan,


pangkaibigan at pamilya maging sa mga taong hindi kilala o sa mga malalaking pagtitipon gaya ng
piyesta, babang luksa o sa paghuhukay ng buto ng yumao. Ang Ambahan ay ginagamit din ng mga
magulang upang pangaralan at magbahagi ng mga makataong prinsipyo sa kanilang mga anak.
Hindi kagaya ng ibang katutubong sining na naglaho na, ang Ambahan ay patuloy na kanilang
napapanatili hindi lamang sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga Hanunuo. Ayon kay Postma likas
na sa mga Hanunuo Mangyan ang kopyahin ang mga Ambahan na nakaukit sa mga kawayan na
likha ng kanilang mga ninuno. Karamihan sa mga Ambahan na mayroon ang mga Hanunuo
Mangyan ngayon ay nagpapasalin salin na mula sa mga ninuo, magulang at sa kanilang mga apo. Sa
kabila ng kanilang pagpapanatili ng sinaunang Ambahan, hindi parin maiaalis sa mga Hanunuo
Mangyan sa panahon natin ngayon ang patuloy na gumawa ng mga bagong Ambahan. Upang
malaman ang haba ng panahon na ginagawa ang Ambahan nakabatay ito sa kung saan patungkol
ang Ambahan at sa pagpili ng mga salitang gagamitin. Sa pagpili ng tema ng Ambahan kailangan na
ito ay pangkalahatan at totoo sa lahat ng pagkakataon. Sa pagpili ng salitang gagamitin, kailangang
ito ay kapanipaniwala at kadalasang ginagamit ng mga eksperto. Ang paggamit ng malalalim na
salita sa Ambahan ay nmasusukat kung gaano na katanda ito. Mas malalim na salitang ginamit mas
matanda na ang Ambahan kabaligtaran naman ito kung mabababaw na salita ang gagamitin.
(Postma, Mangyan Heritahe Center). May tatlong kategorya upang malaman ang klase ng Ambhan.
Una, ang Ambahan ay gumagamit lamang ng patulang pagsasalita na may kakaunting salitang
malalalim at hindi nilang karaniwang nasasambit sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan sa
kanilang kapwa katutubo sa loob ng kanilang komunidad. Ito ang pinakamatandang uri ng
Ambahan. Pangalawa, ang Ambahan na binubuo ng mga hiram na salita buhat sa karatig
katutubo/tribo gaya ng Buhid Mangyan. Panghuli ay ang Ambahan na binubuo ng iba’t ibang salita
o lenguwahe mula sa iba’t ibang wika kagaya ng tagalog, bisaya o maging ang wika ng ibang bansa
na espanyol. Ang Ambahan ay binibigkas ng matanda maging ng mga bata. ang mga batang
Hanunuo Mangyan ay may sariling uri ng Ambahan na maihahalintulad sa mga awit pambata na
mayroon tayo. Ang mga batang lalaki at babae ay gumagamit ng pambatang Ambahan at ito ay
magbabago kapag sila ay nag-asawa na. (Postma, Mangyan Heritahe Center). Katulad ng ibang tula,
ang Ambahan ay isang pamamaraan upang maiparamdam o maibahagi ang mga ideya o
nararamdaman sa maganda at magiliw na pamamaraan. Ang Ambahan ay isang tula na nagpapakita
ng katangian ng isang komunidad. Ginagawa ito ng mga Hanunuo Mangyan upang maipakita ang
komunidad na mayroon sila at magkaroon ng koleksyon ng pagkakasunod-sunod ng siklo ng
kanilang pamumuhay. (Pastma, Mangyan Heritage Center).

You might also like