Tara Na at Puntahan Ang Ating Mga Pamanang Pook

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

TARA!

PUNTAHAN
NATIN ANG
MGA
PAMANANG
POOK
SA ATING
BANSA
ANG BANAUE RICE TERRACES, HILAGANG LUZON
Napag-aralan mo na nabuo ng mga Ifugao ang hagdanghagdang palayan gamit ang
kanilang mga kamay lamang. Kahanga-hanga hindi ba?
Mahigit 200 taon nila itong ginawa. Alam mo ba na matatarik at matataas na bundok ang
makikitang tanawin sa Hilagang Luzon?
Ngunit sa kabila ng mga katangiang ito, nalikha ng mga Ifugao ang hinahangaan ng
buong mundo sa ngayon na hagdanhagdang palayan. Nang makita ito ng mga Amerikano,
tinawag nila itong rice terraces at isinalin natin sa wikang Tagalog na hagdan-hagdang
palayan.
Ang hagdan-hagdang palayan ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Luzon sa Pilipinas.
Ito ay may habang 18,500 milya. Ang bawat andana ng lupa ay may taas na dalawa
hanggang tatlong metro. Tinuturing na mas mataas ito sa pinakamataas na gusali sa
buong mundo.
MGA LUMANG ESTRUKTURA SA VIGAN
Matatagpuan ang Vigan sa bukana ng ilog ng Abra, hilagang kanluran ng baybaying Luzon.
Dahil sa magandang lokasyon nito, naging mahalaga ang bahaging ginampanan ng Vigan sa
kalakalan noong panahon ng katutubo hanggang ikalabingsiyam na siglo.
Makikita sa pagkakaayos ng bayan ng Vigan ang malaking impluwensiya ng mga Espanyol.
Magkakalapit o magkakatabi ang simbahan, munisipyo, at plasa, palatandaan na nasakop ito ng
mga Espanyol. Kitang-kita rin ang pagtatangitanging panlipunan noong panahon ng Espanyol.
Ang bahay ng mga ilustrado at mestiso ay nakatayo malapit sa simbahan, munisipyo, at plasa.
Makikita sa lalakarang kalye ang mga brick na mahigit isang siglong taong gulang na. Taglay ng
bayan ng Vigan ang pinag-isang disenyo at konstruksiyon ng mga estruktura sa ibang bansa.
Kapansin-pansin ito sa mga bahay na matatagpuan dito.
Isa itong modelo ng pagpapanatili ng pagkakakilanlan at kasaysayan ng bansa. Paano nga ba
nabuo ang mga bahay rito? Noong panahon ng mga katutubo, ang mga bahay ay yari sa kahoy,
kawayan, kogon, at nipa. Ngunit, madali itong nasisira kapag may bagyo. Ikalabing-pitong siglo
nang ituro ng mga Espanyol ang paggawa ng bahay na yari sa bato at lime mortar.
SIMBAHAN NG SAN AGUSTIN
Ang simbahan ng San Agustin na matatagpuan sa Intramuros ay maihahalintulad sa
naggagandahang mga simbahan sa ibang bansa.
Ang kasalukuyang simbahan ng San Agustin na itinayo noong 1598 kasama na ang
monasteryo, ay kumakatawan sa pagkamaharlika at katatagan noong panahon ng mga
Kastila. Bawat makakita ay humahanga sa marilag at malaking gusali ng simbahan.
Ang pinto sa harapan nito ay puno ng dibuhong bulaklak ng rosas. Malapit sa altar ay
makikita ang pulpito na may disenyong pinya, malaking organo, at upuan ng mangaawit
na gawa sa nililok na molave na pinalamutian ng ivory. Kaakit-akit ding masdan ang
labing-anim na pares ng malalaki at maniningning na aranya na nagmula pa sa Paris.

SIMBAHAN NG PAOAY
Ang simbahan ng Paoay sa Ilocos Norte ay isa sa mga simbahan na kilala sa
ibang bansa. Ito ay gawa sa mga hinubog na korales at bricks.
Ito ay natapos sa loob ng isang daan at siyamnapung taon.
Sinimulan ito noong 1704 at natapos noong 1894.

You might also like