Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

1.

Tagumpay sa Mactan
Petsa: Abril 27, 1521
Lokasyon: Mactan, Cebu
 Natalo ng hukbo ni Lapulapu ang mga kawal na Kastila sa pamumuno ng Portuges na kapitan at
eksplorador na si Fernando Magallanes.
 Napatay ng mga tribung sundalo si Magellan na naging dahilan kung bakit nagkaroon ng alitang
pampolitika at pagkakaribal kasama si Lapulapu.

2. Pagkamartir ng GomBurZa
Petsa: Pebrero 17, 1872
Lokasyon: Cavite
 Ang Gombúrza ay daglat para sa pangalan ng talong paring Filipino—sina Mariano Gómez,
José Burgos, at Jacinto Zamora.
 Sila ay binitay pagkatapos idawit ng pamahalaang kolonyal at mga fraile sa nabigong pag-aalsa sa
Cavite noong 1872.
 Ang kanilang pagkamartir ay nakapagpaalab sa nasyonalismo ng mga Pilipino at nagdulot, sa
huli, ng Himagsikang 1896.

3. Sigaw ng Pugad Lawin


Petsa: Agosto 23,1896
Lokasyon: Balintawak
 Kilala din sa orihinal na tawag na “Sigaw ng Balintawak” ay ipinahayag ng Katipunan at naging
simula ng Himagsikang Pilipino laban sa Imperyong Kastila upang makamit ang kasarinlan.
 Ang mga kasapi ng Katipunan (Katipunero) sa pamumuno ni Andres Bonifacio ay naghimagsik
sa isang lugar na tinatawag na Kalookan
 Tumukoy ang sigaw sa pagpunit ng sedula (cédulas personales) bilang pagsuway sa batas at
kautusan ng Espanya.

4. Kabayanihan ni Jose Rizal


Petsa: Disyembre 30, 1896
Lokasyon: Bagumbayan
 Si Jose Rizal ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago
sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.
 Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at itinala bilang isa sa mga pambansang
bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.

5. Paglikha ng Watawat ng Pilipinas


Petsa: Hunyo 12, 1898
Lokasyon: Hongkong
 Ang watawat ay unang naisip gawin ni Emilio Aguinaldo. Si Marcela Agoncillo, ang kanyang
anak na si Lorenza, at ang pamangkin ni Jose Rizal na si Delfina Herbosa de Natividad ang
nagtahi ng unang watawat sa Hong Kong.
6. Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas
Petsa: Hunyo 12, 1898
Lokasyon: Kawit, Cavite
 Inihayag ng puwersang rebolusyunaryong Pilipino sa ilalim ni Heneral Emilio Aguinaldo ang
kalayaan at soberenya ng kapuluan ng Pilipinas mula sa pamumunong kolonyal ng Espanya.

7. Ang Huling Pagtatanggol sa Tirad Pass


Petsa: Disyembre 2, 1899
Lokasyon: Tirad Pass, Ilocos Sur
 Mahigit 100 sundalo ang nakipaglaban sa mga amerikanong sundalo na tinatawag na
"sharpshooters" dahil sa galing nilang humawak at gumamit ng armas tulad ng baril.
 Mahigit 50 sundalo naman ang namatay kasama na si Hen. Gregorio del Pilar.

8. Digmaang Pilipino-Amerikano
Petsa: Pebrero 4, 1899 – Setyembre 25, 1903
Lokasyon: Pilipinas
 Ang armadong hidwaan sa pagitan ng Unang Republikang Pilipino at ng Estados Unidos.
 Ang naturang digmaan ay pagpapatuloy ng pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan na
nagsimula noong 1896 sa pagsiklab ng Himagsikang Pilipino.
 Pinamunuan ito nina Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Antonio Luna, Miguel Malvar, at
Gregorio del Pilar.

9. Pagtatatag ng Komonwelt ng Pilipinas


Petsa: 1935
Lokasyon: Maynila
 Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng komonwelt. Si Sergio Osmeña ang ikalawang
pangulo ng komonwelt. Si Manuel Roxas ang naging huling pangulo nito. Tuluyan nang
ibinuwag ang Komonwelt noong 1946 at naging republika ang Pilipinas.

10. Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Petsa: Setyembre 1, 1939 - Setyembre 2, 1945
Lokasyon: Europa, Pasipiko, Atlantiko, Timog-Silangang Asya, Tsina, Gitnang Silangan, Mediteranyo at
Aprika, Hilaga at Timog sa panandaliang panahon
 Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng
sangkatauhan.

11. Rebolusyon EDSA


Petsa: Pebrero 22-25, 1986
Lokasyon: Kalakhang Maynila sa EDSA
 Ito ay isang mapayapang demonstrasyong nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga
kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong
napaslang si Ninoy Aquino noong 1983.
 Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad ni
Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong
Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos.

Submitted By:

Casao, Shelley E.
BSITTM 1-A

You might also like