Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

LEAH L.

LIDON --------- COT 1 JULY 31,2019


I.Layunin
Pagkatapos ng isang sesyon, inaasahang:
A.Nakikilala ang mga tauhan at kanilang mga katangian sa dulang binasa;
B.Naiuugnay ang mga katangian ng mga tauhan sa dula at sa tunay na buhay;
( Integrasyon sa asignaturang VAL.ED)
C.Nabibigyang halaga ang dula sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga
saloobin gamit ang iba’t ibang kakayahan.( Integrasyon sa asignaturang MAPEH)
II.Paksang Aralin
Paksang Pampanitikan: Dula sa Panahon ng Hapon:Sa Pula,Sa Puti ni Soc
Rodrigo
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8,pp.98-115
Kagamitan:Kopya ng dula,kagamitang biswal,larawan at laptap
Estratehiya:Multiple Intelligence ,Pangkatang pagkatoto,Pangkatang gawain
Pagpapahalagang Nakapaloob:Walang maidudulot na mabuti ang pagsusugal.
III.Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
a) Panalangin
b) Pagbati
c) Pagsaayos ng upuan at pagpulot ng basura
d) Balik-aral
- Ano ang ating nakaraang leksyon?
B.Pangganyak/Motibasyon
a) Bawat mag-aaral ay aatasang tingnan ang ilalim ng kanilang mga upuan at kunin
ang mga tinuping papel kung meron man.
b) Ang mag-aaral na nakakuha ng papel ay siyang pupunta sa harapan at gagawin
ang nakasulat sa papel.
c) Tatawag ng isang mag-aaral at hahayaang ilahad sa klase kung ano ang kanyang
interpretasyon sa ginawa ng mga kaklaseng nasa harapan.
C.Talasalitaan
Panuto:Tatawag ng limang mag-aaral na sasagot sa talasalitaan.Gamit ang kahon ng
kaalaman,bubunot sila at ididikit ito sa katumbas nitong mga salita na nasa
pisara.Pagkatapos ay ibigay ang kahulugan ng salita at gamitin sa pangungusap.
 Grasya-Biyaya . Sultada- bitaw/labanan ng manok
 Kuwarta-Salapi . Tinali- manok na pansabong
 Haplusin-Himasin . Tupada- tawag sa illegal na sabong
 Ungkatin-Balikan . Dehado- talunan/higit na mahina kaysa kalaban
 Duda-Hinala . Pintakasi- iba pang tawag sa labanan ng manok o sabong
 Pusta- taya sa magkabilang panig . Liyamado- higit na malakas ang kalaban
 Kristo- tawag sa tagakuha ng taya . Tari- pantali na ikinabit sa paa ng
manok
D.Paglalahad sa Klase
* Magpapakita ng dalawang papel na naglalaman ng dalawang kulay .Mula
doon,ipapakilala ang paksang tatalakayin.
E.Talakayan
a) Papangkatin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat.
b) Bawat pangkat ay bibigyan ng kopya ng dula at may panonooring dulang “ Sa
Pula Sa Puti “ang mga mag-aaral.
c) Pagkatapos,pangkatang sasagutan ang mga tanong na nakabatay sa
pamantayan.
TANONG: ( Integrasyon sa asignaturang VAL.ED)
 Pangkat 1-Sinu-sino ang mga tauhan sa dula?
- Sa anong paksa umiikot ang akdang Sa Pula sa Puti?
- Bakit nahilig sa pagsasabong si Kulas?
 Pangkat2 -Ano ang ginawa ni Celing upang mabawi ang natalong salapi ni
kulas sa sabong?Ito ba ay mainam na solusyon?Ipaliwanag.
- Ano ang dahilan ng pagpusta ni Celing sa sabungan? Tama baa
ng kanyang dahilan? Pangatwiran.
- Sa inyong palagay,magaling ba ang naisip ni Castor na paraan
upang mabawi ni Kulas ang kaniyang talo?Bakit o bakit hindi?
 Pangkat 3- Ano kaya ang mangyayari sa buhay nina kulas at celing kung
hindi nagsusugal si kulas?
- kung ikaw si kulas, susundin mo ba ang ipinayo ni castor?
bakit?
- bilang kabataan, paano ka makakaiwas sa laganap na bisyo sa
lipunan?
 Pangkat 4- Paano napatunayan sa kuwentong ang pagsusugal at
pandaraya,kailanma’y hindi magiging tama?
-May sitwasyon bang masasabing nakabubuti ang sugal sa tao?Ipaliwanag.
- Kung sakaling yayain ka ng iyong kaibigang sumubok ng isang gawaing
illegal gaya ng pagsusugal o pagbibisyo,sasama ka ba? Ano ang gagawin o
sasabihin mo?
PAMANTAYAN:
Kaayusan,kaisahan ng idea at kalinisan - 20pts
Kahusayan sa paglalahad- 20pts
Orihinalidad- 10pts
Kabuuan= 50pts
F.Paglalapat/Malikhaing Gawain: Integrasyon sa asignaturang MAPEH
Panuto:Bawat representanteng pangkat ay may bubunuting papel.Ang bawat
papel ay naglalaman ng isang gawaing kinakailangang pangkatang gawing
nakabatay sa ibinigay na pamantayan.Bibigyan lamang sila ng limang minuto
upang maghanda.
Pangkat 1- Kinesthetic-Gawan ng sayaw ang galaw ng manok
Pangkat 2- Musical-Gumawa ng maikling kanta na patungkol sa dulang
tinalakay.Kantahin ito sa klase.
Pangkat 3- Visual-Iguhit ang eksina sa isang sabungan
Pangkat 4- Interpersonal-Gumawa ng maikling dula mula sa tinalakay na
paksa. ( Ang paksa ay patungkol pa rin sa sugal)
G.Paglalahat
Babalikang muli ang layunin at titingnan kung ang mga ito ba ay nakamit.

 Ano ang inyong napupuna sa kuwento sa dula?


 Ano ang gintong kaisipan sa dula na maari nating dalhin o isapuso habang
buhay?
 Paano nagwakas ang dulang “ Sa Pula Sa Puti “?
 Ano ang aral na hatid ng dula para sa lahat?
IV.Ebalwasyon: ¼ na papel
Panuto:Basahin ang sumusunod na pahayag. Isulat sa papel ang titik na may tamang
sagot.
1.Sino ang asawa ni Kulas? A.Celing B. Cella C. Carla
2.Ano ang humahabol kay kulas sa kanyang panaginip?
A.Kabayo B.Kalapati C.Kalabaw
3.Ano ang kulay ng hayop na humahabol kay kulas? A. Puti B.Itim C.Pula
4.Sino ang asawa ni Celing? A.Teban B.Kulas C. Castor
5.Ano ang pinag-aralang mabuti ni Kulas? A.Kaliskis at
tainga ng manok B.Pakpak ng manok C.Tainga at pakpak ng manok
6.Ano ang hiningi ni Kulas kay Celing? A.Pera B.Panyo C. Sapatos
7.Ano ang napanaginipan ni Kulas noong isang buwan?
A.Ahas at daga B.Ahas at numero 8 c.Ahas at papel na pula
8.Ilang piso ang ibinigay ni Celing kay Kulas?
a. Anim na peso B.Pitong peso C.Limang Peso
9.Saan papunta si Kulas? A. Sabungan B.Sunog C. Sapa
10.Sino ang taong masunurin ngunit may kahinaan sa ulo?
A.Castor B. Teban C.Sioning
V.Takdang-Aralin
Panuto:Gamit ang story ladder ,ibuod ang dulang “Sa Pula,Sa Puti” ni Soc
Rodrigo.Ibatay sa pamantayan at isulat sa isang buong papel.

WAKAS

KATAWAN

PANIMULA

VI- Pagninilay-nilay/ Refleksyon:


a. 85% na bahagdan ng mga mag-aaral ang natuto sa leksyon ng guro.
b. 15% na bahagdan ng mga mag-aaral ang nangangailangan ng pagbabalik-
aral patungkol sa leksyon ng guro.

Inihanda ni Gng. LEAH L. LIDON

You might also like