Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

UNIVERSITY OF SOUTHERN PHILIPPINES FOUNDATION

Mabini Campus

Semi- Final na Pagsusulit (2nd Half)

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
S.Y. 2019-2020

BASAHIN, UNAWAIN, AT SUNDIN ANG BAWAT PANUTO.

BAWAL MAGBURA!

Pangalan: ____________________Baitang at Pangkat: ______________Iskor: _____

I. Malayang Pagpipili

Panuto. Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Isulat ang MALAKING TITIK ng
iyong sagot sa patlang. (10 pts.)

____1. Anong isyung moral sa buhay ang tumutukoy sa pagpapalaglag ng isang fetus o
sanggol na hindi maaring mabuhay sa pamamagitan ng kanyang sarili sa labas ng bahay-
bata ng ina?

A. Pagpapatiwakal C. Alkoholismo

B. Euthanasia D. Aborsyon

____2. Isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga

panig o posisyon na magkasalungat at nangangailangan ng mapanuring pag- aaral
upang malutas.

A. Balita C. Kontorbersiya

B. Isyu D. Opinyon

____3. Sa pahayag na “Limitado lamang ang bilang ng mga lifeboat at hindi lahat ng
mga pasahero ay makagagamit nang sabay-sabay. Nangangahulugan na may maiiwan at
di-tiyak ang kanilang kaligtasan”, ano ang dapat na maging kaisipan ng taong may
hawak ng lifeboat?

A. Mahalaga ang oras sa pagsagip lalo na kung nasa panganib.

B. Mahalaga ang kontribusyon ng mga tao sa lipunan sa pagpili ng sasagipin.

C. Mahalaga ang buhay anuman ang katayuan o kalahgayan ng tao sa lipunan.

D. Mahalaga ang edad sa pagsaalang-alang sa pagpil ng sasakay sa lifeboat.

____4. Bakit hindi maituturing na halimbawa ang lifeboat exercise kung iuugnay sa
kasagraduhan ng buhay?

A. Dahil susi ito tungo sa mabuting pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay.

B. Dahil nagbibigay ito ng positibong pagtingin sa kasagraduhan ng buhay.

C. Dahil balakid ito upang mabawasan ang halaga ng pagtingin sa buhay.

D. Dahil daan ito upang maisantabi ang pagpapahalaga sa buhay.

____5. Dahil sa isip at kilos-loob, inaasahan na ang tao ay makabubuo ng mabuti at

matalinong posisyon sa kanila ng iba’t- ibang isyung moral na umiiral sa ating lipunan.
Ang pangungusap na ito ay:

A. Tama, dahil ginagabayan ng isip ang kilos-loob tungo sa kabutihan.

B. Tama, sapagkat ang tao ay may isip na nagbibigay ng kakayahang gumawa, kumilos,
pumili, at magmahal.
C. Mali, dahil ang tao ay malayang mamili at mamuno sa kaniyang paghusga, gawa, at
kilos.

D. Mali, dahil ang tao ay may kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang
katotohanan sa kanyang paligid.

____6. Ang sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag-inom ng alak maliban sa:

A. Nagpapabagal ng isip

B. Nagpapahina ng enerhiya

C. Nagiging sanhi ng iba’t-ibang sakit

D. Nababawasn ang kakayahan sa pakikipagkapwa

____7. Anong proseso ang isinagawa sa modernong medisina upang wakasan and buhay
ng taong may malubhang sakit na kailanman ay hindi na gagaling pa?

A. abortion C. miscarriage

B. mercy killing (euthanasia) D. Pagpapatiwakal

____8. Ang gawaing pakiipagtalik bago ang kasal ay may kinalaman sa

A. pang-abusong sekswal C. pang-aabusong pisikal

B. pornograpiya D. pre-marital sex

____9. “Ang pagpapakatao ay pagiging maingat sa paghuhusga”. Ano ang kahulugan ng

pahayag na ito?

A. Mahalaga ang maingat na paghuhusga upang maiwasan ang mga maling pagpapasya
na makakasama sa ating sarili.
B. Ang maingat na paghuhusga ang nagbibigay hudyat ng matalinong pagpapasya na
mnangalaga sa kapakanan ng tao.
C. Laging tandaan na ang unang hakbang sa paggawa ng kabutihan ay maingat na
pagpapasya
D. Naging ganap ang pagkatao kapag hindi nanghuhusga ng kapwa kahit may matibay
na katibayan.

____10. . Alin ang hindi kabilang sa pagpapahalagang dapat linangin upang tuwirang
maisabuhay ang pagmamahal sa bayan?

A. paggalang at pagmamahal C. katahimikan at kapayapaan

B. katotohanan at pananampalataya D. katarungan at pagkakaisa

II. Pagtutukoy

Panuto: Isulat sa patlang ang PL kung ang isinasaad sa pangungusap ay Pro- Life at PC
kung ito ay Pro-Choice. (10 pts.)

____11. Ang aborsiyon ay ligtas na pamamaraan.

____12. Ang bawat bata na isinilang sa mundo ay dapat mahalin at alagaan.

____13. Ang fetus ay hindi maituturing na ganap na tao.

____14. Ang lahat ng sanggol ay may mahusay na potensyal.

____15. Ang sanggol ay tao mula sa sandal ng paglilihi.

____16. Dapat harapin ng ina ang kahihinatnan ng pagbubuntis.

____17. Hindi tanggap ng lipunan ang aborsyon.

____18. Maraming relihiyon ang hindi nag-eendorso ng pagpapalaglag.

____19. Sa kasong rape o incest, ang sanggol ay tagapagpaalala ng trauma.

____20. Walang kapasidad ang bahay-ampunan na magbigay ng mga pangunahing

pangangailangan ng mga bata.

III. Sanaysay

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Bilang isang teenager sa makabagong panahon, naniniwala ka pa ba sa Purity Before

Marriage? Paano mo mapapatunayan ang iyong paninawala? (10 pts.)

_______________________________________________________________________

2. Kung ikaw ang papipiliin, sa anong paraan mo wawakasan ang mga katiwaliang
nangyayari nangyayari sa ating bansa? Bakit? (10 pts.)

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Bilang isang anak, paano mo isasakatuparan ang pangakong pagpapahalaga sa buhay

na banal? (10 pts.)

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

4. Kung ikaw ay magiging isang magulang, paano mo ituturo sa iyong mga anak ang
mga pagpapahalagang moral nang hindi naaapektuhan ng iyong nakaraan? (10 pts.)

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

“Mas kumikinang ang ginintuang puso kaysa sa maperlas na panlabas na anyo”

- Letlie Zoilo Semblante 

You might also like