Panimula TSK

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Epekto ng sobrang paggamit ng gadyet sa kalusugan ng mga estudyanteng

kumukuha ng kursong BSA sa CSAB


Panimula
Ang patuloy na pagusbong ng teknolohiya sa panahon ngayon ay nakakapag-padali ng
ating mga gawain sa pang-araw-araw. Isa sa mga teknolohiyang ito ay ang mga gadyets tulad ng
cellphones, tablets at laptops, kung saan ginagamit ng nakakarami lalo na ng mga estudyante na
tumutulong sa kanila sa pagsagawa ng mga takdang-aralin at iba pang proyektong pampaaralan.
Naging maswerte ang mga mag-aaral sa panahon nagyon dahil marami at madali silang
makakahanap ng iba’t-ibang impormasyon tungkol sa mga bagay na gusto nilang malaman.
Ayon kay Bertillo (2011) sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang naiambag ng
teknolohiya. Sa katunayan, ito ay isa sa mga pangunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay
nagiging madali at mabisa kung kaya naman napakaraming mag-aaral ang sumasangguni sa
teknolohiya para sa kanilang pag-aaral.
Ngunit sa kabila ng malaking tulong nito sa mga mag-aaral, mayroon din itong
masamang dulot at epekto sa kanilang kalusugan. Kadalasan sa mga mag-aaral ay hindi lang sa
para sa pag-aaral ginagamit ang gadyets, tinuturing din itong libangan ng iba pero sobra na ang
paggamit nito bilang libangan. Ang sobrang paggamit ng gadyets ay maghahantong sa obsesyon
at pagkawala na ng oras na pangalagaan ang sarili.
Ang pag-aaral na ito ay may layuning maipabatid at mapalawak ang kaalam kung ano
ang epekto o naidudulot ng sobrang paggamit ng gadyets sa kalusugan ng mga mag-aaral.
Makakatulong din itong maging gabay kung paano malilimitahan ang paggamit ng gadyets.
Katuturan ng mga Terminolohiyang Ginamit

Ang mga sumusunod ay ang mga terminolohiyang ginamit sa pag-aaral:

Operasyonal na Kahulugan:
Teknolohiya – sa pag-aaral na ito, ang teknolohiya ay isang makabagong makina na
awtomatikong tumutulong na mapadali ang gawain ng mga tao lalo na ng mga mag-aaral.
Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng
mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin
ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.
(Teknolohistang Pinoy mga imbensiyon ni Juan dela Cruz)

Cellphone – sa pag-aaral na ito ang cellphone ay isang maliit na uri na gadyets na


ginagamit ng mga mag-aaral na mayroon lamang tiayk na gamit upang mapadali ang gawain.
Tablets- sa pag-aaral na ito, ang tablets ay pinalaking uri ng cellphone ngunit may
malawak na gamit.
Laptop – sa pag-aaral na ito, ang laptop ay uri ng gadyets na gingamit ng mag-aaral may
malawak na gamit kaysa sa cellphone. Sa laptop ay mas mapapadali ang gawain lalong-lalo na sa
pangangalap ng impormasyon at paggawa ng mga presentasyon.

Konseptwal na Kahulugan:
Teknolohiya - Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng
mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin
ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.
(Teknolohistang Pinoy mga imbensiyon ni Juan dela Cruz)
Cellphone - ay isang uri ng teleponong walang kawad na gumagamit ng mga sityong
selular (Ingles: cell site) para sa pakikipagtalastasan. Marami ring serbisyo ang sinusuportahan
ng mga teleponong selular, tulad ng mabilisang pagmemensahe (text messaging), elektronikong
liham, paggamit ng internet, at iba pa. (Wikipedia)
Tablets - Ang tablet ay gaya ng isang napakalaking smartphone, na may malaking iskrin
at kakayahang magpatakbo ng apps. Parang kompyuter din ito, pero sa halip na kontrolado ng
isang mouse at keyboard, makokontrol mo ito sa pamamagitan ng pagsalat ng mga bagay sa
iskrin. (TechSavvy Intro to Tablets Tagalog)
Laptop – Ang isang laptop ay isang portable na pinapalakas ng isang baterya o AC
kurdon na nakasaksak sa isang de-kuryenteng outlet, na ginagamit din upang singilin ang
baterya. Ang mga laptop ay may nakakabit na keyboard at isang touch pad, trackball, o isometric
joystick na ginagamit para sa mag-navigate. Ang isang laptop ay may manipis na display screen
na nakakabit at maaaring nakatiklop para sa transportasyon. (Routes to Finance)

You might also like