Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Head Start Play & Learn Montessori

SUBJECT & GRADE LEVEL: FILIPINO-GRADE II


TEACHING GUIDE #2
FOR THE WEEK OF:

I. Paksang Aralin
A. Aralin 2: Pagtamo ng Pangarap
B. Sanggunian: Vinta Paglalayag sa Filipino 2
C. Pahina:
II. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Napapayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pababasa ng kwento na
may kinalaman sa pangarap
B. Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng ngalan ng tao, lugar,
hayop, at mga bagay
C. Napahahalagahan ang pagsisikap sa pagtamo ng pangarap
III. Pamamaraan
Unang araw
A. Panimulang gawain [5 Minuto]
1. Pagganyak
a. Pakinggan at panoorin ang “Bawat bata” youtube.
https://www.youtube.com/watch?v=RL31hI0ykv0
Ayon sa awitin ay lahat ng bata ay mayroong karapatan na
maglaro, magsaya at mangarap.
b. Itanong sa mag-aaral kung ano kanyang pangarap.
2. Balik-aral
➢ Magbigay ng tatlong paraan ng magalang na pagbati sa
magulang.
B. Pagtalakay sa Aralin [15 minuto]
1. Bantayan at tulungan ang mag-aaral sa babasahin.
2. Si Aga ang pangunahing tauhan sa kuwento.
Itanong sa mag-aaral
Sa anong paraan tumutulong si Aga sa kanyang ama?
Tumutulong si Aga sa pangingisda ng kanyang ama.
Head Start Play & Learn Montessori
SUBJECT & GRADE LEVEL: FILIPINO-GRADE II
TEACHING GUIDE #2
FOR THE WEEK OF:

Itanong sa mag-aaral
Sino sino ang pusit boys?
Ang pusit boys ay ang mga kaibigan ni Aga na sina Bino, Egoy, at Ferdi.
Sila ay mayroong mataas na pangarap.
Itanong sa mag-aaral
Ano ang pangarap ng Pusit boys?
Pangarap nilang makapagtapos ng pag-aaral.
Sa huling bahagi ng kuwento ay nagbigay ng paalala si Ka Ninoy. “Huwag
kayong pakatatagal sa laot at ayon sa PAGASA ay may namataang
namumuong sama ng panahong parating na sa Pilipinas. Magiingat
kayo!” ang pahabol na paalala ni Ka Ninoy.
Ang PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and
Astronomical Services Administration ay ang sumusubaybay,
nasasaliksik, at nagbabalita sa kalagayan ng panahon sa ating
bansa.
C. Paglinang sa Gawain [10 minuto]
1. Inaasahang masasagot ng mga mag-aaral ang sumusunod na
katanungan:
➢ Bakit mahalaga ang pag-aaral?
➢ Pangap mo rin bang makapagtapos ng pag-aaral?
➢ Ano ang maaari mong gawin upang matupad ang iyong
pangarap?
2. Ipaliwanag ang mga sumusunod sa mag-aaral.
• Kahit bata pa lamang ay kailangan na matutong magsikap sa
pamamagitan ng paggawa ng kapaki-pakinabang na bagay.
• Ang ginagawa ni Pepe at ng kanyang mga kaibigan na pagtulong
sa mga magulang at pagpasok sa eskwela ay mabuting gawain na
makatutulong upang makamit nila ang kanilang pangarap.
Head Start Play & Learn Montessori
SUBJECT & GRADE LEVEL: FILIPINO-GRADE II
TEACHING GUIDE #2
FOR THE WEEK OF:
• Lahat ng tao ay may karapatang mangarap at may kakayahang
tuparin ang mga ito. Pakatatandaan na huwag kalimutan na
magsaya sa pagtupad ng pangarap.
3. Ang mag-aaral ay inaasahang iugnay ang paksang inaral sa pagsagot ng:

Ikalawang araw
A. Panimulang gawain [5 Minuto]
1. Pagganyak
• Subukang ayusin ang mga letra upang makabuo ng isang salita.

2. Balik-aral
• Itanong sa mag-aaral kung ano ang mensahe ng kuwentong
“Matayog na Pangarap”
Head Start Play & Learn Montessori
SUBJECT & GRADE LEVEL: FILIPINO-GRADE II
TEACHING GUIDE #2
FOR THE WEEK OF:

B. Pagtalakay sa Aralin [15 minuto]


Paggamit nang Wasto ng Pangngalan sa Pagbibigay ng Pangalan
ng Tao, Hayop, Lugar, at mga Bagay na Pambalana at Pantangi
1. Pangngalan
➢ Ito ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa
ngalan ng tao, bagay, hayop, at pangyayari.
Halimbawa: lapis, kaarawan at pusa
2. 2 Uri ng Pangngalan
Pangngalang Pantangi
➢ Ang tawag sa pangngalang tumutukoy sa tiyak na
ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari. Ito ay
nagsisimula sa malaking titik.
Halimbawa: Jane, Kitty, Mongol, Manila at Pasko
Pangngalang Pambalana
➢ Ang tawag sa pangngalang tumutukoy sa karaniwang
ngalan ng tao, bagay, lugar, at pangyayari. Ito ay
nagsisimula sa maliit na titik.
Halimbawa: lola, aso, lapis, palengke at kaarawan.

C. Paglinang sa Gawain [15 minuto]


1. Inaasahang masasagot ng mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan:
➢ Magbigay ng 3 halimbawa ng pangngalang pantangi.
➢ Magbigay ng 3 halimbawa ng pangngalang pambalana.
2. Ipaliwanag ang mga sumusunod sa mag-aaral.
• Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop
pook at pangyayari.
• Ang pangngalang pantangi ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng
tao, bagay, hayop, pook at pangyayari.
• Ang pangngalang pambalana ay tumutukoy sa karaniwang
ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, at pangyayari.
Head Start Play & Learn Montessori
SUBJECT & GRADE LEVEL: FILIPINO-GRADE II
TEACHING GUIDE #2
FOR THE WEEK OF:

3. Ang mag-aaral ay inaasahang iugnay ang paksang inaral sa pagsagot ng:

IV. Ebalwasyon

A. Hikayatin ang mag-aaral na aralin muli ang paksa kung may hindi
naiintindihan.
B. Tignan kung nakamit ang bawat layunin ng aralin.

You might also like