Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

Konsepto ng Asya 7

Modyul sa ARALING PANLIPUNAN 7


Quarter 1 ● Module 1

JUDICA B. DASCO
Tagapaglinang
Kagawaran ng Edukasyon. Rehiyong Administratibo ng Cordillera

NAME:________________________ GRADE AND SECTION __________


TEACHER: ____________________ SCORE: _____________________
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF BAGUIO CITY
Military Cut-off, Baguio City

Published by the
DepEd Schools Division of Baguio City
Curriculum Implementation Division

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI


COPYRIGHT NOTICE
2020

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work is
created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum through
the DepEd Schools Division of Baguio City - Curriculum Implementation Division
(CID). It can be reproduced for educational purposes and the source must be
acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an
enhancement or a supplementary work are permitted provided all original work is
acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from this
material for commercial purposes and profit.
.

ii
PANIMULA

Ang modyul na ito ay proyekto ng DepEd Schools Division ng Baguio City sa


pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID) bilang tugon sa
pagpapatupad ng K to 12 Curriculum.

Ang kagamitang pagkatuto na ito ay pagmamay-ari ng Kagawaran ng


Edukasyon, Dibisyon ng Baguio. Nilalayon nitong mapabuti ang akademikong
pagganap ng mga mag-aaral partikular sa asignaturang Araling Panlipunan.

Petsa ng Pagkakagawa: Hulyo 2020


Lokasyon: DepEd Schools Division of Baguio City
Asignatura Araling Panlipunan
Baitang 7
Uri ng Materyal Modyul pang Mag-aaral
Wika Filipino
Markahan/Linggo Una/1
Kasanayang Pampagkatoto Code: AP7HAS-1a-1
Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya sa
paghahating-heograpiko: Silangang Asya,
Timog Silangang Asya, Timog Asya,
Kanlurang Asya, Hilaga/Gitnang Asya.

iii
PASASALAMAT

Ang manunulat ay nagpapasalamat sa kanyang mga kapwa-guro at mga mahal


sa buhay na nagsilbing inspirasyon upang mabuo ang kagamitang pampagkatuto
Lubos na nagpapasalamat ang manunulat sa Baguio City National High School
at sa Dibisyon ng Lungsod ng Baguio sa kanilang suporta upang mabuo ang modyul
na ito. Nawa ang puhunang pagod at panahon sa paghahanda ng modyul na ito ay
makatulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Development Team
Tagapaglinang: Judica B. Dasco
Tagapagguhit: Dianne P. Lucban (Mapa)

School Learning Resources Management Committee


Brenda M. Cariǹo School Head / Principal
Remedios U. Andrada Subject / Learning Area Specialist
Marissa D. Laplana
Sherwin L. Fernando School LR Coordinator

Quality Assurance Team


Marina D. Tabangcura EPS – Subject
Niño M. Tibangay PSDS – District

Learning Resource Management Section Staff


Loida C. Mangangey EPS – LRMDS
Education Program Specialist II - LRMDS
Christopher David G. Oliva Project Development Officer II – LRMDS
Priscilla A. Dis-iw Librarian II
Lily B. Mabalot Librarian I

CONSULTANTS

JULIET C. SANNAD, EdD


Chief Education Supervisor – CID

CHRISTOPHER C. BENIGNO
Asst. Schools Division Superintendent

MARIE CAROLYN B. VERANO, CESO V


Schools Division Superintendent

iv
TALAAN NG NILALAMAN

Paunawa Hinggil sa Karapatang Sipi………………………………………… ii


Panimula……..…………………………………………………………………. iii
Pasasalamat.…………………………………………………………………… iv
Talaan ng Nilalaman……………….………………………………………….. v
Title page (pahina ng titulo)…………………………………………………… 1
Alamin ………………………………………………………………………….. 2
Subukin…………………………………………………………………………. 4
Balikan………………………………………………..………………………… 5
Tuklasin…………..…………………………………………………………….. 6
Suriin………….………………………………………………………………… 6
Talakayan……………………………………………………………………… 7
Pagyamanin…………………………………………………………………….. 9
Gawain 1………………………………………………………………… 9
Gawain 2………………………………………………………………… 10
Gawain 3………………………………………………………………… 11
Isaisip……………………………………………………………………………. 11
Isagawa………………………………………………………………………….. 12
Tayahin………………………………………………………………………….. 12
Karagdagang Gawain………………………………………………………..... 13
Susi sa Pagsagot………………………………………………………………. 14
Sanggunian…………………………………………………………………….. 16

v
Konsepto ng Asya
Modyul sa ARALING PANLIPUNAN 7
Quarter 1 ● Module 1

JUDICA B. DASCO
Tagapaglinang

Department of Education. Cordillera Administrative Region


Alamin
Tayo ay nakatira sa Pilipinas na nasa kontinente ng Asya. Kaya maliban sa
pagiging Pilipino natin ay bahagi din tayo ng mas malaking komunidad. Nararapat
kung ganoon na ating pag-aralan ang mga konsepto tungkol sa kontinenteng ating
kinabibilangan upang higit nating maintindihan ang mga kapwa nating Asyano. Sa
kabila ng ating pagkakaiba, ano ba ang mga magkakaparehas natin na siyang
nagbibigkis sa atin upang magkroon ng pagkakakilanlan?

Sa modyul na ito ay magkakaroon ng panimulang pagsusulit upang mataya


natin kung ano na ang mga nalalaman mo tungkol sa mga konsepto ng Asya.
Magkakaroon din ng pagbabalik-aral upang ating mai-ugnay ang kasalukuyang paksa
sa mga napag-aralan ninyo noon sa Araling Panlipunan. Pagkatapos ng balik-aral ay
tatalakayin ang mga paksang may kinalaman sa kontinente ng Asya at ang mga
rehiyon na bumubuo nito. May mga pagsasanay na kailangan mong tapusin upang
mahasa ang iyong kaalaman at makita ang antas ng iyong natutunan sa ating aralin.

Tatalakayin sa modyul na ito ang pinanggalingan ng salitang Asya,


kahalagahan ng pag-aaral ng Asya at batayan ng pagkakahating heograpikal ng Asya.

Layuning pangmag-aaral:

1. Naisasalaysay kung saan galing ang salitang Asya.


2. Natatalakay ang kahalagahan ng pag-aaral ng Asya.
3. Naipaliliwanag ang mga batayan ng pagkakahati ng mga rehiyon sa Asya.
4. Nakikilala ang mga bansang bumubuo ng mga rehiyon ng Asya.
5. Nakaguguhit ng isa sa mga rehiyong makikita sa Asya.

2
Narito ang iba’t ibang bahagi ng modyul at ang kanilang simbolong icon. Ang
mga paglalarawan sa mga icon ang magsisilbing gabay sa nilalaman ng bawat bahagi
ng modyul.

Icon Pamagat Paglalarawan


ALAMIN Sa bahaging ito malalaman mo ang mga
layuning pagkatuto na kaillangan mong ipamalas
bilang tanda ng iyong pagkaintindi at pagkatuto.
Ang bahaging ito ay may pagususulit para
SUBUKIN
masukat ang iyong nalalaman tungkol sa
tatalakaying paksa. Kung tama ang lahat ng
iyong kasagutan, maaari mo nang hindi
ipagpatuloy ang pagsagawa sa modyul.
Sa bahaging ito, magkakaroon ng pagbabalik-
BALIKAN
aral sa nakaraang paksa.
Dito, mailalatag ang bagong aralin sa
TUKLASIN
pamamagitan ng isang gawain.
Naglalaman din ito ng mga katanungan tungo sa
SURIIN
pag-unawa mo ng mga konsepto ng aralin.
Naglalaman ang bahaging ito ng maikling
TALAKAYIN
pagtalakay sa paksa ng modyul, ito ay
nagsisilbing lektura ng aralin.
Ito ay mga gawain para mataya ang iyong
PAGYAMANIN
pagkatuto at mailapat ang iyong mga natutunan
sa aralin.
ISAISIP Dito mo maipapahayag ang paglalahat ng iyong
natutunan sa aralin ng modyul na ito.
Dito mo naman ipapamalas ang aplikasyon ng
ISAGAWA
iyong natutunan sa mga sitwasyon sa tunay na
buhay.

TAYAHIN Dito, magkakaroon ng pagsusulit para sukatin


ang iyong natutunan matapos isagawa ang
modyul.

KARAGDAGANG Sa bahaging ito, magkakaroon ng mga gawain


GAWAIN para mas lalo pang mapalalim at mapalawak ang
natutunan mo sa modyul.

3
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Ito ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo.


A. Asya C. Australya
B. Europa D. Aprika
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kahulugan ng katagang Asu na
siyang pinagmulan ng salitang Asya?
A. “Lugar na sinisikatan ng araw” C. “Silangan”
B. “Bukang Liwayway” D. “Kanluran”
3. Sa anong wika galing ang salitang Asu?
A. Aegean C. Italyano
B. Hebrew D. Espanyol
4. Sino ang Italyanong misyonero na unang nagdala ng salitang Asu sa Asya?
A. Matthew Richi C. Mateo Ricky
B. Matteo Ricci D. Matthew Ricci
5. Kung sa salitang Tsino ay unang ginamit ang katagang Asu bilang Ashiya, paano
naman ito unang ginamit ng mga Hapon?
A. Ajiya C. Adjah
B. Ahijah D. Hadja
6. Kung ang Asiancentric ay pananaw ng mga Asyano, ano naman ang
tawag sa pananaw ng mga Europeo?
A. Eurocentric C. Oreocentric
B. Panacentric D. Europeancentric
7. Sa pananaw ng mga Europeo ay nahati sa tatlong rehiyon ang Asya.
Alin ang hindi kasama sa rehiyong ito?
A. Near East (Malapit na Silangan) C. Middle East (Gitnang Silangan)
B. South East (Timog na Silangan) D. Far East (Malayong Silangan)
8. Anu-ano ang mga katangian na isinaalang alang ng mga mananalaysay sa
paghahating heograpiko ng Asya?
A. Heograpikal, pisikal, historikal at kultural
B. Heograpikal, sosyal, historical at kultural
C. Heograpikal, pisikal, sikolohikal at kultural
D. Heograpikal, sosyal, sikolohikal at historikal
9. Lahat ng mga sumusunod ay mga rehiyon ng Asya maliban sa isa. Ano to?
A. Silangang Asya C. Timog Kanlurang Asya
B. Timog Silangang Asya D. Kanlurang Asya
10. Bakit kailangang pag-aralan ang kontinente ng Asya?
A. Ito ang pinakamaunlad na kontinente sa mundo
B. Dito makikita ang nawawalang lupain sa mundo
C. Iisa o pare-pareho ang kultura ng mga taong nakatira dito.
D. Dito matatagpuan ang pinakamatandang kabihasnan at lungsod.

4
11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na hindi lamang pisikal na
heograpiya ang tiningnan ng mga mananalaysay sa paghahati ng Asya sa mga
rehiyon?
A. Hindi nahadlangan ng bulubundukin ng Himalayas ang pagkakasama ng India,
Nepal at Bhutan.
B. Pinagsama sama nila ang mga bansang tinitirhan ng mga taong
magkakaparehas ang lahi.
C. Isinama sa mga bansang kasapi ng Timog Silangang Asya ang Taiwan.
D. Lahat ng mga rehiyon ay nilagyan nila ng mga bansang may makikitang
disyerto.
12. Sa paanong paraan nakikita ang impluwensiya ng katangiang heograpikal sa
pangkalahatang pamumuhay ng mga tao?
A. Pananalita, pag-uugali at trabaho
B. Pananamit, tirahan at pagkain
C. Pagkakaroon ng mga bagyo, lindol at tsunami
D. Relihiyon, kayamanan, at kasipagan
13. Lahat ng mga sumusunod na bansa ay kabilang sa Timog Silangang Asya,
maliban sa..
A. Pilipinas C. Singapore
B. Indonesia D. Iraq
14. Sa anong rehiyon ng Asya kabilang ang Japan?
A. Timog Asya C. Silangang Asya
B. Hilaga/Gitnang Asya D. Kanlurang Asya
15. Alin sa mga sumusunod na bansa ang kasama sa Kanlurang Asya?
A. Mongolia C. Saudi Arabia
B. India D. Thailand

Aralin 1-Heograpiya ng Asya: Konsepto ng Asya

Balikan
Noong nasa elementarya kayo ay napag-aralan ninyo ang heograpiya ng
Pilipinas. Ang heograpiya ay ang pagsusulat at paglalarawan ukol sa katangiang
pisikal at pantao ng daigdig. Kasama sa pinag-aaralan dito ang panahon, klima, at
mga anyong lupa at anyong tubig. Ang mga ito ang mga natalakay ninyo noon sa pag-
aaral ng Kasaysayan ng Pilipinas. Nabatid ninyo na ang ating bansa ay binubuo ng
maraming pulo. Madami din itong mga bundok kagaya ng Apo, Banahaw, Makiling at
iba pa. Napapaigiran ito ng mga dagat gaya ng Philippine Sea at West Philippine Sea.

Mula sa tradisyonal na pagkakahati ng mga isla na Luzon, Visayas at


Mindanao, ang Pilipinas ay hinati sa 17 rehiyon. Sa Luzon ay ang mga rehiyon I, II, III,
IV-A, Mimaropa, V, CAR at NCR. Rehiyon VI, VII, VIII naman sa Visayas at sa
Mindanao ay ang mga rehiyon ng IX, X, XI, XII, XIII at BARMM). Sa paghahati ng mga
rehiyon na ito ay isinaalang alang nila ang heograpiya, lokasyon, at kultura ng mga
nakatira dito.
5
Tuklasin

Gawain: Asya, Ano Ka?

Panuto: Mula sa mga nakakahong letra ay hanapin ang mga salita o pariralang
naglalarawan sa Asya. Ang mga salita o parirala ay maaaring nakasulat ng
pababa, pahalang o padiagonal. Gumamit ng marker o bilugan ang nahanap
na salita.
C D F G Q A W S C I D O T N K R O W A M
B M A L A K I N G K O N T I N E N T E I
I Y S A I N I I N T A G N A A U W O N D
M A H A S D A Y A E P R E I C R E S S D
S I I N L U A R N A T G O A N O R S A L
P A Y A L A W O N B E A N A I C B A N E
N E A R E A S T A A N A K T U E W I H E
A M B U O K A D L A W M A B A N A Y A A
K U N O S I Y A M A G S C Y H T O O L S
D A S I L A N G A N G A S Y A R M A H T
I N A A W A N Y M A N A N C H I N A N A
A G N N A T S A K I G T A I N C A O N T
M A I S I A P P A N D A N B G D F T S Y
T I M O G S I L A N G A N G A S Y A Y Y
M D A O V B A R A P A H Y R E V E S G A
I N M O F T U H E W A F T E N R A Y A N
A I B H I L A G A N G A S Y A R E S K U
T E R D N M G R O J P G F F A F G A Y P
W A T A V B N M R P I L I P I N A S C V
B U K A N G L I W A Y W A Y U F G B N M

Suriin

Panuto: Basahin at pag-isipan ang mga sumusunod na tanong. Sagutin ang mga
ito. Ang mga katanungang ito ang sisikapin nating sagutin habang patuloy
mong binabasa ang iyong modyul.

1. Bilang mga Asyano, mahalaga bang pag-aralan natin ang Asya? Bakit?
2. Totoo kayang ang nagyayari sa ibang bansa ay may epekto sa atin? Bakit?
3. Bakit kaya hinatihati sa iba’t ibang rehiyon ang Asya?
4. Anu-ano kaya ang mga batayan ng mga mananalaysay sa pagkakahati nito?
5. May impluwensiya kaya ang kinaroroonan ng isang bansa sa kanyang
pamamaraan ng pamumuhay? Ipaliwanag.

6
Talakayan

Yunit 1: Heograpiya ng Asya- Konsepto ng Asya

Ang Konsepto ng Asya


Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo. Ang katagang Asya
ay hango sa salitang “Asu” na nangangahulugang “lugar na sinisikatan ng araw”,
“bukang liwayway” o “silangan”. Ito ay nagmula sa wikang Aegean, ang wika ng mga
tao sa Greece at ng mga kapuluang malalapit dito bago ang 1600 B.C.E (Before
Common Era). Pinaniniwalaang ang katagang Asu ay dinala ng isang Italyanong
misyonero na si Matteo Ricci sa China kung saan ito unang ginamit bilang “Ashiya” o
sa mga Hapones bilang “Ajiya”. Ang mga katawagang ito ay transliterasyon o direkta
at literal na pagsasalin lamang ng salitang Aegean para sa Asya.
Sa eurosentrikong pananaw (euro-centric) ay nahati sa tatlong bahagi ang
Asya: Near East (Malapit na Silangan), Middle East (Gitnang Silangan) at Far East
(Dulong Silangan). Sa loob ng mahabang panahon ang kasaysayan ng Asya ay Euro-
centric o mula sa pananaw ng mga Europeo. Pinalalabas nila na ang kanilang
sibilisasyon ay mas mataas ang antas kaysa sa sibilisasyon ng mga Asyano. Naging
hamon ito sa mga Asyano kaya binibigyang diin sa kasalukuyan ang pananaw na
Asian-centric kung saan mas pinahahalagahan nito ang papel ng mga Asyano sa
paghubog ng sarili nitong kabihasnan at sa kabihasnan ng mundo sa pangkalahatan.

Asya

7
Mga Dahilan Kung Bakit Kailangang Pag-aralan ang Asya

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo. Ito ay isa sa mga
dahilan kung bakit kailangan nating pag-aralan ang Asya. Maliban diyan, kalahati sa
mahigit anim (6) na bilyong populasyon ng daigdig ay matatagpuan dito. Maagang
nanirahan ang mga tao rito batay sa labi ng proto-human na natagpuan ng mga
arkeologo sa rehiyon. Dito din matatagpuan ang pinakamatandang kabihasnan at
lungsod, pinagmulan ng mga dakilang relihiyon at pilosopiya sa mundo. Dagdag pa
ang mga kakaibang arkitektura na kamanghamangha at sa kasalukuyan, nandito ang
ilang mga industriyalisadong mga bansa sa mundo kagaya ng Japan, South Korea,
China at Singapore.

Limang Rehiyon ng Asya


1. Kanlurang Asya

Ito ay binubuo ng mga bansang


Saudi Arabia, Lebanon, Jordan,
Syria, Iraq, Kuwait, Yemen, Oman,
United Arab Emirates, Qatar,
Bahrain, Iran, Israel, Cyprus, at
Turkey.

2. Timog Silangang Asya

Kinabibilangan ito ng Myanmar, Thailand,


Vietnam, Laos, Cambodia, Pilipinas, Indonesia,
Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor.
Binansagang “farther India” at “little China”
dahil sa impluwensiya ng mga naturang bansa
sa mga kultura nito.

3. Silangang Asya
Kasama sa rehiyong ito ang
Mongolia, China, Japan, North
Korea, South Korea, at Taiwan.

8
4. Hilaga o Gitnang Asya

Binubuo ito ng Kazakhstan, Kyrgyzstan,


Armenia, Tajikistan, Azerbaijan,
Turkmenistan, Uzbekistan, at Georgia

5. Timog Asya
Dito naman makikita ang India,
Nepal, Bhutan, Sri Lanka, Maldives,
Bangladesh, Pakistan at Afghanistan.

Batayan ng Pagkakahati ng mga Rehiyon ng Asya


Ang pagkakahati ng mga rehiyon ay ayon sa pagkakaugnay ng katangiang
heograpikal, pisikal, historikal at kultural. Ang katangiang heograpikal ng isang lugar
ay may malaking impluwensiya sa paghubog ng kabuuang pamamaraan ng
pamumuhay ng tao. Makikita ito sa katangian at pananamit, tirahan, pagkain,
transportasyon, gawaing pangkabuhayan, tradisyon at paniniwala. Bagama’t
napakahalaga ng gampanin ng heograpiyang pisikal sa pagbuo ng mga bansa sa
rehiyon, ang kasaysayang kultural at politikal na pinagdaanan ng mga bansa ay
matibay na batayan ng pag-uugnay at pagbibigkis ng mga bansa upang mapabilang
sa isang rehiyon na may kaisahan at pinagkasamahan. Pangkalahatan, ang mga
bansa ay karaniwang pinagsasama-sama batay sa pagkakahawig ng kanilang lahi,
kultura, tradisyon, paniniwala, relihiyon at kasaysayan.

Pagyamanin
Gawain 1. Alisin ang Naiiba

Panuto: Ang mga sumusunod na grupo ng mga salita ay magkakaugnay maliban sa


isa. Piliin kung alin ang hindi dapat kasama sa grupo. Isulat ang titik ng iyong
tamang sagot.

Halimbawa:
Relihiyon at Pilosopiya na nagmula sa Timog Asya.
A. Kristiyanismo C. Hinduismo
B. Budismo D. Jainismo
Sagot: A

9
Magsimula dito.

1. Katagang pinanggalingan ng salitang Asya.


A. Asu C. Ajiya
B. Ashiya D. Ayeya
2. Kontinente sa mundo
A. Asya C. Europa
B. Aprika D. India
3. Dating pagkakahati ng Asya
A. South West C. Middle East
B. Near East D. Far East
4. Kahalagahan ng pag-aaral ng Asya
A. Natagpuan dito ang mga labi ng sinaunang tao.
B. Ito ang pinakamaliit na kontinente sa mundo
C. Sa Asya nagmula ang mga pinakadakilang relihiyon at pilosopiya
D. Makikita sa Asya ang malawak na biodiversity o kaurian ng mga hayop at
halaman.
5. Batayan ng pagkakahati ng mga bansa
A. Historikal C. Kultural
B. Pisikal D. Sosyal
6. Rehiyon ng Asya
A. Timog Kanlurang Asya C. Silangang Asya
B. Timog Silangang Asya D. Kanlurang Asya
7. Bansa sa Hilaga/Gitnang Asya
A. Kazakhstan C. Kyrgyztan
B. Yemen D. Uzbekistan
8. Bansa sa Timog Asya
A. India C. Nepal
B. Thailand D. Sri Lanka
9. Bansa sa Kanlurang Asya
A. Saudi Arabia C. Bangladesh
B. Kuwait D. Israel
10. Bansa sa Timog Silangang Asya
A. Pilipinas C. Singapore
B. Indonesia D. Afghanistan

Gawain 2: Bakit Nga Ba?

Panuto: Pumili ng isa sa mga dahilan kung bakit natin kailangang pag-aralan
ang Asya. Ipaliwanag ito sa loob ng 2-3 pangungusap (5 puntos)
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

10
Gawain 3: Bansa, Saan ka Kasama?
Panuto: Magbigay ng tiglilimang (5) bansa na makikita sa bawat rehiyon ng Asya.
Isulat ang sagot sa kahon.

Timog 1. ___________________4. ________________


Silangang 2. ___________________5. ________________
Asya 3. _______________________

1. ___________________4. ________________
Timog
2. ___________________5. ________________
Asya
3. _______________________
A
S Kanlurang
1. ___________________4. ________________
2. ___________________5. ________________
Asya
Y 3. _______________________

A Hilaga/ 1. ___________________4. ________________


Gitnang 2. ___________________5. ________________
Asya 3. _______________________

Silangang 1. ___________________4. ________________


Asya 2. ___________________5. ________________
3. _______________________

Isaisip
Gawain: Simulan Ko, Tatapusin Mo

Panuto: Dugtungan ang mga nasimulan ng pangungusap upang makabuo ng


paglalahat. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang Asya ay nahahati sa_______________________________________


2. Ang paghahati sa mga bansa sa Asya ay nakabatay sa _______________
___________________________________________________________
3. Mahalagang pag-aralan ang Asya dahil ____________________________
___________________________________________________________

11
Isagawa
Gawain: Sana Mapasyalan Kita

Panuto: Bilang isang Asyano, anong bansa ang gusto mong pasyalan balang araw?
Ipaliwanag kung bakit ang bansa na iyon ang iyong napili.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Tayahin
Panuto: Suriin ang mga pangungusap kung ito ay tama o mali. Kung ang isinasaad
ng pangungusap ay wasto, isulat ang TAMA. Kung hindi wasto, isulat ang
salita na nagpamali sa konsepto.

Halimbawa:

1. Ang salitang Asya ay mula sa katagang Asu na wikang Aegean.


Sagot: TAMA
2. Ang Asya ang pinakamaliit na kontinente sa buong mundo.
Sagot: Pinakamaliit
*Pinakamaliit ang sagot dahil ito ang nagpamali sa konseptong isinasaad
ng pangungusap.

Magsimula dito.

_______________ 1. Ang pinanggalingan ng salitang Asya ay sa kontinente ng


Europa.
_______________ 2. Unang ginamit ng mga Hapones bilang Ashiya ang katagang
pinanggalingan ng Asya.
12
_______________ 3. Ang “Asu” ay nangangahulugang lugaw na nilulubugan ng araw.
_______________ 4. Sa eurosentrikong pananaw, tinitingnan ng mga Europeo ang
kabihasnan ng Asya bilang mas mataas sa kanila.
_______________ 5. Ayon sa pananaw ng mga Europeo, ang Asya ay nahati sa
rehiyong “Malapit na Silangan, Gitnang Silangang at Malayong Silangan.
________________6. Sa Asiancentric na pananaw, tinitingnan ng mga Asyano ang
kanilang kontribusyon sa paghubog ng kanilang kabihasnan at buong mundo.
________________7. Makikita sa Asya ang mga industriyalisadong bansa kagaya ng
Afghanistan, Japan, South Korea at Singapore.
________________8. Ang mga rehiyon ng Asya ay kinabibilangan ng Silangan,
Timog, Kanluran, Hilaga, at Timog Silangan.
________________9. Kasama sa rehiyon ng Kanlurang Asya ang Pilipinas.
________________10. Ang Japan at China ay kasama sa rehiyon ng Silangang Asya.
________________11. Sa Timog Asya kabilang ang Saudi Arabia, Israel, Iraq at
Kuwait.
________________12. Ang pisikal na heograpiya ng mga bansa ay naging batayan
ng paghahati ng mga rehiyon.
________________13. Ang kultura ng mga tao sa isang bansa ay hindi kinilala bilang
batayan sa pagkakahati ng Asya sa rehiyon.
________________14. Malaki ang impluwensiya ng pisikal na heograpiya ng isang
bansa sa uri ng pamumuhay ng mga tao.
________________15. Pinagsasama ang mga bansa batay sa pagkatulad ng
kanilang lahi, kultura, tradisyon at kasaysayan.

Karagdagang Gawain
Gawain: Pagkilala sa mga Bansa sa Asya

Panuto: Mamili ng isa sa mga rehiyon ng Asya at iguhit ito. Lagyan ng label o
pangalan ang mga bansang kasama dito.

Rubrics sa pagbibigay puntos:


Nilalaman Kumpleto ang mga Kulang ng 1-2 na Kulang ng 3 o mas
(10 puntos) bansa na mga bansang mababa pang bansa
matatagpuan sa makikita sa naiguhit sa naiguhit na
naiguhit na rehiyon na rehiyon rehiyon
(10 puntos) (9 puntos) (6 puntos)
Kawastuhan Akma ang hugis ng May 1-2 na hindi May 3 o mas
(10 puntos) rehiyon at mga akma sa ginuhit mababa pang hindi
bansa (8 puntos) akma sa ginuhit
(10 puntos) (6 puntos)
Kalinisan Malinis na malinis Medyo marumi ang Marumi ang
(5 puntos) ang pagkakaguhit ginawang pagguhit ginawang pagguhit
(5 puntos) (4 points) (3 points)
Kabuuan (25 puntos)

13
________________________
Rehiyon

14
15
SUBUKIN
1. A 6. A 11. A
2. D 7.B 12. B
3. A 8. A 13. D
4. B 9. C 14. C
5. A 10.D 15. A
TUKLASIN
M
M A L A K I N G K O N T I N E N T E I
S A U D
H E R D
I G O L
Y E C E
N E A R E A S T A E E
A N A
Y T S
S I L A N G A N G A S Y A R T
Y A C H I N A
S G C T
A N S
T I M O G S I L A N G A N G A S Y A
O R E
M U R
I H I L A G A N G A S Y A
T N F
A P I L I P I N A S
B U K A N G L I W A Y W A Y
PAGYAMANIN
Gawain 1
1. D 6. A
2. D 7. B
3. A 8. B
4. B 9. C
5. D 10. D
Susi sa Pagsagot
16
Gawain 2
Kahit alin sa mga sumusunod na dahilan na may pagpapaliwanag ang
kasagutan.
 Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo
 Kalahati sa mahigit anim (6) na bilyong populasyon ng daigdig ay
matatagpuan sa Asya.
 Maagang nanirahan ang mga tao rito batay sa labi ng mga proto-human
na natagpuan ng mga arkeologo sa rehiyon.
 Nakikita dito ang pinakamatandang kabihasnan at lungsod
 Pinagmulan ng mga dakilang relihiyon at pilosopiya sa mundo.
 May mga kakaibang arkitektura
 nandito ang mga industriyalisadong bansa.
Gawain 3
Timog Silangang Asya - Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia,
Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor.
Timog Asya - India, Nepal, Bhutan, Sri Lanka, Maldives, Bangladesh, Pakistan
at Afghanistan.
Kanlurang Asya- Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, Kuwait, Yemen,
Oman, United Arab Emirates, Qatar, Bahrain, Iran, Israel, Cyprus, at Turkey.
Hilaga/Gitnang Asya - Kazakhstan, Kyrgyzstan, Armenia, Tajikistan,
Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan, at Georgia
Silangang Asya - Mongolia, China, Japan, North Korea, South Korea, at Taiwan
ISAISIP
… nahahati sa limang (5) rehiyon
… nakabatay sa pagkakaugnay ng katangiang heograpikal, pisikal, historical at
kultural.
… dahil sa laawak ng nasasakupang lupain, laki ng populasyon, kahalagahang
historical, pangrelihiyon at pilosopiya, kaalaman sa sining at mauunlad na mga
bansa.
ISAGAWA
Limang (5) puntos para sa makabuluhang sagot.
TAYAHIN
1. TAMA 9. TAMA
2. Hapones/Ashiya 10. TAMA
3. Nilulubugan 11. Timog
4. Mataas 12. TAMA
5. TAMA 13. Hindi
6. TAMA 14. TAMA
7. Afghanistan 15. TAMA
8. Timog Kanluran
SANGGUNIAN
Blando, Rosemarie C, et al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Pasig City:
Kagawan ng Edukasyon, 2014.

Lozanta, Alfredo Jr. A., et al. Araling Panlipunan sa Makabagong Siglo: Araling
Asyano 7. Makati City: Don Bosco Press, 2014.

Mateo, Grace Estela C., et al. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan. Quezon City: Vibal
Publishing House, Inc., 2008.

17
For inquiries or feedback, please write of call:
Department of Education – Cordillera Administrative Region
Schools Division of Baguio City
No. 82 Military Cut-off Road, Baguio City
Telefax: 442-7819
Email Address: depedbaguiocity@gmail.com
Social Media: facebook.com/DepEdTayoBaguioCity

18

You might also like