Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PANITIKANG PANLIPUNAN – LIT 1

ARALIN 1 – PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO


LAYUNIN

 Pambansa: Matukoy ang mga pahiwatig ng paglabag sa karapatang pantao sa akdang binasa.
Makilala ang karapatan ng bawat isa sa lipunang ginagalawan.
 Panrelihiyon: Masuria ng rehiyong kinabibilangan kung mayroon nangyayaring paglabag sa
karapatang pantao.
KASANAYAN
 Masuri ang akdang binasa gamit ang angkop na teorya.
 Mabuod ang mahalagang pangyayari sa akdang binasa.
 Makabuo ng patalastas na nakapagpapabatid ng iba’t ibang karapan.

TUKLASIN
Panoorin at pakinggan ang awitin ni Bamboo na Tatsulok na orihinal na awitin ng Buklod
https://www.youtube.com/watch?v=hI3T_D8TCUk sa youtube.com.

Panoorin ang isang dokumentaryong palabras ni Jay Taruc na pinamagatang “Sa Ngalan ng Karapatan”
https://www.youtube.com/watch?v=NiyDuMfJ9tQ na kung saan tila nawawalan ang mga Pilipinong
ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa kanilang pagkakasala na mabuhay.

TALAKAYAN
Ang karapatang pantao ay isang genre ng panitikan na tumutukoy sa mga isyu ng lipunan, samakatuwid
ito rin ay nagpapaunlad ng kahalagahan ng karapatang pantao. Ang layunin ng karapatang pantao ay ang
pagsamahin ang pagpapalago ng panitikan kaakibat ng paggawa ng aksyon tungkol sa mga isyu, kung saan ito
ay pangunahin at kinakailangang element ng pakikipaglaban sa karapatang pantao. Ang genre ng panitikang ito
ay hinango sa konsepto ng “Engaged literature” ng manunulat at pilosopong si Jean-Paul Sartre.

Ang karapatang pantao ay nakapokus sa lipunan at naniniwala na ang bawat isa ay may tungkuling
moral, at magkaroon ng kakayahang magpabago sa lipunan. Ito ay hango sa paniniwalang ang panitikan ay may
malawak na kapangyarihan na makapagpabago, at tungkulin ng isang manunulat sa mga mambabasa ay
makapag-impluwensya sa aspetong di lamang sosyal kundi rin sining.

URI NG KARAPATAN

1. NATURAL RIGHTS – ito ang mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipinagkaloob ng Estado.
2. CONSTITUTIONAL RIGHTS – ito ang mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado.
3. STATUTORY RIGHTS – ito ang mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa
pamamagitan ng panibagong batas.

INDIBIDWAL O PERSONAL NA KARAPATAN – ito ay ang mga karapatan na pag-aari ng mga indibidwal
na tao para sa pag-unlad ng sariling pagkatao at kapakanan.

PANGGRUPO O KOLEKTIBONG KARAPATAN – ito ang mga karapatan ng tao ng bumuo ng pamayanan
upang isulong ang panlipunan.

Sa Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights o


UDHR) ay nabuo at nilagdaan noong 1948. Ang Pilipinas ay nakalagda sa deklarasyon ito kaya’t ang
instrumentong ito’y dapat ipatupad sa ating bansa.

MGA ARTIKULO SA SALIGANG BATAS NG PILIPINAS NA KUMILALA SA KARAPATANG


PANTAO

Ang karapatang pantao ng mga Pilipino ay maliwanag na nakasulat sa Saligang Batas ng 1987. Sa
dokumentong ito, ang mga karapatang pantao ay nasa Bill of Rights (Art III); Pagboto (Art. V); Deklarasyon ng
mga Prinsipyo at Patakaran ng mga Estado (Art. II); Katarungang Panlipunan at Karapatang Pantao (Art. XIII);
PANITIKANG PANLIPUNAN – LIT 1

Pambansang Ekonomiya at Patrimonya (XII); Edukasyon, Agham, at Teknolohiya , Sining, Kultura at Isports
(Art. XIV).

Ang karapatang pantao na nasusulat sa Deklarasyon ng mga Prinsipyo at Patakaran ng mga Estado (Art.
II) ay ang mga sumusunod:

 Pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao at paggagarantiya ng buong respeto sa karapatang pantao;


 Pagkilala sa karapatan ng pamilya at pagpapalakas ng pamilya;
 Pagsulong at pagbigay ng proteksyon sa pisikal, moral, ispiritwal ay panlipunang kapakanan ng mga
kabataan;
 Pantay-pantay na karapatan sa harap ng batas ng mga kababaihan at kalalakihan;
 Pagsulong sa kalayaan at pag-unlad ng buwis; at
 Pagkilala at pagsulong ng mga karapatan ng mga pamayanan Kultural.

KONSEPTO NG PAGLABAG NG KARAPATAN

Anumang karapatan na hindi tinatamasa o naisusulong ng tao ay isang uri ng paglabag sa karapatang
pantao. Ang pagsikil sa kalayaan ng tao ay isang pag-aalis sa karapatan ng taong mabuhay nang malaya.

Sa pangkalahatan, ang paglabag sa karapatang pantao ay makikita kapag nilabag ng tao at ng estado ang
Saligang-Batas ng Pilipinas at ang mga Pandaigdigang instrument sa karapatang pantao.

Pisikal na Paglabag sa Karapatang Pantao – pisikal na paglabag ang turing kapag ang nasaktan ay ang
pisikal na pangangatawan ng tao. Ang pambubugbog, pagkitil ng buhay, pagputo ng anumang bahagi ng
katawan ay ilan sa mga halimbawa ng pisikal na paglabag. Maging ang sekswal na pananakit tulad ng
paghahalay at pagsasamantala ay isang pisikal na paglabag sa karapatang pantao.

Sikolohikal at emosyonal na Paglabag sa Karapatang Pantao – ang pisikal na pananakit ay nagdudulot ng


trauma sa isang tao. Ito ang nagiging dahilan kaya nawawalan ng kapayapaan ng loo bang isang tao at
bumababa din ang pagtingin niya sa kanyang sarili. Maging ang pagsasalita nang masama sa tao.

TALAKAYAN

BUOD
Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Macros na sukdulan ang galit sa mayamang asenderong
si Don Teong.  Si Son Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit
namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si
Anita, anak ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay Don Teong. Kung hindi
lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni
Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at
pagkatao.

                Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito’y kanilang
minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggal ang kanilang karapatan, napilitan
silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari iyang ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang
kapatid. Namatay silang punung-puno ng sama ngloob kay Don Teong na matagal nilang pinagsisilbihan.
Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang dahilan ng pagkamamatay ng
kaniyang kasintahan na si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang kinamatay nito. Sa
dami nang mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang
malungkot na tunog ng kampana. Hindi pa naman humuhupa ang galit niya, siya naming pagdating ng isang
kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis na sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang
palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit
upang lisanin ang lupang kanilang tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay
kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong.

                Dahil sag alit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano siya
makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang
bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong ng hapong iyon. Pinakawalan
niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw
na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang
PANITIKANG PANLIPUNAN – LIT 1

balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana,
hindi tulad niyang ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kanyang matapang na
kalabaw.

MGA TAUHAN AT GINAMPANAN

MARCOS
Siya ang pangunahing tauhan sa kwento na punung-puno ng galit sa asenderong si Don Teong.
 
DON TEONG
Si Don Teong ang mayamang asendero na sinisisi ni Marcos sa pagkamatay ng kaniyang ama, dalawang
kapatid at ni Anita.

INA NI MARCOS
Siya ang ina ni Marcos na palaging nagpapakalma sag alit na nararamdaman ng kaniyang anak para kay Don
Teong.

TAGPUAN AT PANAHON

KABUKIRAN
Lupang tinitirhan nina Marcos at kaniyang ina na pilit na inaangkin ni Don Teong. Tulad sa ibang kwento, ang
kabukiran ay lupang sinasaka ng mga kadalasang magsasakang bida. Ayon sa aking pagsusuri, ang kabukirang
ito ang kumakatawan sa ating bansa kung saan ang buhay ng mga mahihirap at mayayaman ay
nagkakasalubong. Sa mga bagay na nangyayari sa ating bansa, mas naapektohan ang mga mahihirap at ang mga
mayayaman naman ay hindi ganoo kaapektado.

Istilo ng Pagkakasulat ng Akda

Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa isang sitwasyon ,pangyayari o karanasan sa buhay. Ito ay
angkop sa antas ng pag-unawa ng mga mambabasa.

Mga kaisipan/Ideyang taglay ng akda

Ang Akda ay nagtataglay at nagpapahiwatig ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. And akda ay isang
paniniwalang kumokontrol sa buhay.

 Uri ng Panitikan
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay nang tuloy-tuloy ng isang pangyayaring
hango sa tunay na buhay. Ito'y may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang
kasukdulan at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.
Ang kasukdulan ang bahagi ng kwento na nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapananabikan o
interes sa mambabasa.

Ang kakintalan o impresyon naman ang kaisipang naiiwan sa isipan ng


mga mambabasa. Ito ay matatapos sa isang upuan lamang, maari itong
magpakita ng iba't ibang damdamin at bumabase sa buhay ng isang tao,
mayroon namang kathang isip lamang.

Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan na ang mga


pangyayari ay umiinog sa buhay na mga pangunahing tauhan.
Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa isang sitwasyon,
pangyayari o karanasan sa buhay. Ito ay angkop sa antas ng pag-unawa
ng mga mambabasa.

Dekada’70
Pamagat: Dekada’70

May Akda: Lualhati Bautista
PANITIKANG PANLIPUNAN – LIT 1

Mga Tauhan:

Amanda
– Isang tipikal na ina noong dekada 70 na sunud-sunuran sa mga ninanais at panuntunan ng kaniyang
asawa,ngunit may itinatago siyang pang sariling pangarap. Iyonay ang maging malayang maipahayag ang
kanyang sarili atikarangal ang sarili sa kaniyang sariling pagsisikap atlayunin sa buhay.
Julian
– Tipikal na Pilipinong ama ng tahanan natumatayong haligi ng pamilya. Hindi niya ninaisnamagtrabaho ang
asawa dahil ang panuntunan niya ay siyaang dapat bumuhay sakanilang pamilya bilang ama. Isarin siyang
mapagrespetong ama sa kaniyang mga anak.
Jules
– Pangany na anak nila Amanda at Julian na naggingpinuno ng pangkat ng rebeldeng samahan.
Em 
– Isa sa mga anak nila Amanda at Julian na maysariling pamamaraan ng pagpapakita ng kaniyang idelohiyasa
lipunan.
Jason
– Pinaka masayahing anak nila Amanda at Jules.
Binggo
– bunsong anak nila Amanda at Jules na mapang-asarkay Jason.

Tagpuan:

Ang tagpuan ng Dekada ’70 ay nangyari noong kapanahunanng rehimen ni Presidente Marcos noong na
nagsimula noonghulihan ng dekada ’60 hanggang 1983.
BUOD:

Ang Dekada 70 ay tungkol sa pangarap ng isang babae namagkaroon ng sariling katangi-tanging pagkatao
atpagkakakilanlan.Si Amanda Bartolome, sa simula ng nobela, ay isangkaraniwang maybahay at ina, na walang
inatupag kundipangalagaan at asikasuhin ang kanyang mga anak at asawa.Nakita ni Amanda ang mga
pagbabago ng mga anak habanglumalaki ang mga ito, lalo na si Jules. Ang pagkahilig niJules sa mga awiting
nagsasaad ng pagkamakabayan aynagtulak dito upang sumapi sa mga kilusang laban sakatiwalian ng gobyerno.
Sinabi niya ito kay Julian ngunitnagwalang bahala lamang ito. Hindi nakatiis si Amanda.Sinigawan niya si
Julian na takang-taka sa inasal niya.

Unang linggo ng Mayo, taong 1974, nang nag-empake siJules. Pupunta raw siya ng Bikol. Napasigaw si
Amandanang itinanong niya kung ano ang gagawin nito sa Bikol.Napatanga si Jules. Nagulat ito sa pagsigaw ng
ina.Kinutya nito ang ina na makabubuting sumama ito at bakasakaling mamulat ito. Nasampal ni Amanda si
Jules.Nahuli si Jules at dinala sa Kampo Crame. Dinalaw nilaito at doon narinig ni Amanda ang mga
kabuktutangginagawa ng mga sundalo sa kanilang mga nahuhuli.Nagpasya si Jason na huminto na sa pag-aaral.
Dahil sawala itong pinagkakaabalahan, halos nagpapa-umaga ito sakalye. Isang gabi, ay nakatanggap ng tawag
sina Amanda atJulian. Nahulihan si Jason ng marijuana. Nagtanung-tanongsila sa mga presinto. Nalaman nilang
pinalaya na itongunit hindi umuwi sa kanilang bahay. Pinaghahanap siyani Em, na isa pa rin sa mga anak ni
Amanda. Lasing naumuwi si Em at ibinalita sa mga magulang na napatay siJason.Ilang gabi nag-iiyak si
Amanda. Napagtanto niyang walangsilbi ang kanyang buhay. Nagpasiya siyang humiwalay nakay Julian.
Ngunit hindi siya umalis. Naisip niyangmarami pa silang dapat pag-usapan ni Julian. Simula iyonng ng
kanilang pag-uusap, ng kanilang pagkakaunawaan.Pinalaya si Jules. Ngunit ang kanyang pagkakalaya ayhindi
nagpabago ng kanyang simulain. Ibinalik siya saKampo Crame. Nang ideklara ang pagbawi ng martial
law,sabay-sabay rin pinalaya ang maighit sa tatlong daangbilanggong pulitikal.May kani-kanya nang buhay ang
kanyang mga anak, mula kayJules hanggang kay Binggo. Ngunit ngayon, hindi na siyangnag-aalalang hindi
magtatagal at maiiwan na sila ni Julian.

You might also like