Professional Documents
Culture Documents
1111 Esp10 - Activity - Week 1 4 2
1111 Esp10 - Activity - Week 1 4 2
1111 Esp10 - Activity - Week 1 4 2
Isip at kilos-
loob
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Adapted from: Paano Magpakatao (Batayan at Sanayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao)
B. Isulat sa patlang ang I kung ang pahayag ay naglalarawan ng paggamit ng isip at KL
kung ito ay naglalarawan ng paggamit ng kilos – loob.
1. Magkaroon ng pagpupunyaging magbago upang mapaunlad ang sarili.
2. Pagtugmain ang mga naoobserbahan sa paligid sa ibang lugar.
3. Malayang piliin ang gustong gawin o inisip.
4. Tinitimbang nang mabuti kung ang isasagawang kilos ay tama o mali.
_ 5. Magninilay at magsasaliksik bago isagawa ang plano.
6. Tumulong sa kapatid na nahihirapan.
7. Huwag patatalo ng kilos sa pagkahilig sa masarap o madali.
8. Gamitin ang kalayaan nang may pananagutan sa kalalabasan ng pasiya o kilos.
9. Magpasiya batay sa moral na pamantayan.
10. Tiyakin ang kilos na tama para sa kabutihan ng lahat.
Adapted from: Ginintuang Gabay sa Pagpapakatao
GAWAIN 3
A. Pag-aralan ang sitwasyon. Isulat sa pangalwang hanay ang mga maaari mong isiping
gawin at bakit mo gagawin ang mga ito. Sa ikatlong hanay, kung ano ang dahilan na may
kasamang paliwanag.
Mga Sitwasyon Ano- ano ang maaari mong Ano ang pipiliin mong
gawin at bakit mo gagawin gawin at bakit mo ito
ang mga ito? napili?
1. Hindi ka kasali sa graduation
dahil hindi ka pumasa sa isang
asignatura.
2. Nahuli ang iyong barkada na
kumuha ng pera sa canteen.
Sinabing kasama ka niya sa
gawaing ito.
3. May nag- text sa iyo ng
masasakit na salita.
4. Nakita mo kung paano
lagging ginugulo o sinasaktan
ang isang kamag- aral.
5. Inaya ka ng iyong
boyfriend/girlfriend na
magtanan.
B. Paano itataas ang antas ng paggamit ng isip at kilos- loob tungo sa katotohanan at
kabutihan, sa paglilingkod at pagmamahal? Isipin ang mga sariling kahinaan sa
pagpapasiya. Pagnilayan ang maaaring gawing tiyak na hakbang upang malagpasan ang
mga ito. Isaisip na kinakailangang maisagawa ang mga hakbang na ito upang masanay ang
isip at kilos- loob na magsuri, gawin ang mabuti, at umiwas sa masama sa araw- araw na
pamumuhay.
GAWAIN 4
A. Lagyan ng tsek ang kahon sa tapat ng pahayag na nagpapakita ng pamamaraan sa
paghubog ng konsiyensiya.
1. Pagninilay sa salita ng Diyos
2. Pagsunod sa uso
3. Masidhing pagtatalaga ng sarili sa kung ano ang totoo, wasto, at mabuti
4. Palagiang pagsuri ng mga nagawang kilos o pasiya
5. Pagtanggap ng ano mang impormasyon na galing sa media nang hindi nilalapatan
ng moral na alituntunin
6. Pagiging mapanuri sa ano mang impormasyong nakalap
7. Pagiging mapagkumbaba at mapagpatawad sa mga taong nakagawa ng kamalian
8. Pagdadasal bago magsagawa ng tiyak na kilos
9. Pagsupil sa ano mang ipinagbabawal ng mga awtoridad na pinaniniwalaan mong
nakalalabag sa karapatang pantao
10. Paninindigan sa kabutihang- asal at pag- uugaling ipinamulat ng mga magulang
B. Gumawa ng isang web map na may pamagat na “Dikta ng Aking Konsiyensiya”.
Maaaring gamitin ang organizer sa ibaba bilang gabay.
Pamayanan
Diyos