Shattered Glass

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Reflection

Lyka Linneth R. Apostol

Ang pelikula ay pumapaksa sa totoong istorya ng isang manunulat na si Stephen Glass.


Siya ay kilala bilang ang manunulat na nameke ng kaniyang mga akda. Sa pelikula, makikitang
ang kaniyang huling tala na pinamagatang “Hack Heaven,” ay ang nagbunsod ng pagkakasiwalat
ng kaniyang kasinungalingan. Kasinungalingang pilit niyang itinanggi na umabot pa sa puntong
kinwestiyon ng kaniyang mga katrabaho ang kaniyang katinuan.

Ipinahihiwatig lamang sa pelikula ang malaking gampanin ng etika sa kredibilidad ng


isang awtor. Hindi sapat at hindi kailanman sasapat ang kagustuhan nating maging patok upang
mameke ng impormasyon. Gaya ng pangunahing karakter sa pelikula, hindi lamang ito kasiraan
sa kaniya bagkus sa kumpanyang kaniya ring pinagtatrabahuhan. Dagdag pa rito, ang pamemeke
ay maituturing ding isang paraan ng pagpapakain ng kasinungalingan sa mga mambabasa.

Sa ating buhay, tayo ay dapat maging katulad ng karakter na si Chuck. Patuloy nating
hanapin ang katotohanan sa likod ng lahat ng mga pagpapanggap at kasinungalingan. Huwag
tayong bibigay at magpapadala sa kasikatan o anumang komportableng dulot nito dahil nariyan
lamang ang mga iyan upang tayo ay tuksuhin, lokohin, at linlangin. Sa huli, ang lahat ng iyan ay
kathang-isip lamang at hindi ang realidad.

You might also like