Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Lorenzo I.

Escaler Repleksyon 12-Legionary

1. Ano ang pangunahing suliranin ng persona ng sanaysay?


Ang pangunahin sularinan ng persona ay ang kanyang takot sa opinyon ng lipunan o ng
ibang tao. Hindi niya maisaad ng wasto at malinaw ang kanyang mga saloobin o opinion, ang
kanyang mga hinaing, at ang kanyang saloobin, sapagkat siya ay natatakot sa reaksiyon at sa
sasabihin ng iba tungkol dito.

2. Ano ang naging daan sa reyalisasyon ng persona na magsilbing tsanel


ang internet upang maipahayag niya ang nais n'yang sabihin: saloobin, opinyon
atbp.?
Ang naging daan sa realisasyon ng persona ay ang mga salita at pahayag ng kanyang ina
at ang internet o social media. Sa pamamagitan nito, malaya niyang napahayag at nasabi ang
kanyang mga sariling opinyon, ito ang naging tulay sakanya upang marinig siya ng iba at
maipakita ang kanyang sariling saloobin.

3. Tukuyin ang kaugnayan ng salitang ''Mendiola'' sa paggamit ng internet ng persona


ng sanaysay upang maipahayag ang kaniyang saloobin, opinyon atbp.
Ang Mendiola o kilala bilang Mendiola Street ay isang pampublikong lugar sa Maynila
malapit sa University belt at sa Malacanang Palace. Nakilala ang lugar o daan na ito dahil sa
paggamit ng mga aktibista at pagkakaroon ng madudugong rally at maraming pag
proprotesta. Inihantulad ito sa internet bilang ang Mendiola ng makabagong panahon,
sapagkat ito na ang nagsisilbing daan ng karamihan ng tao upang magsabi ng kanilang
opinyon, at mabigyan boses ang iba’t ibang mga isyu sa lipunan.

4. Kailan masasabing ''nagkakaroon ng deskriminasyon sa pagsasalita?'' Ipaliwanag.


Masasabing nagkakaroon ng deskriminasyon sa pagsasalita kung hindi nabibigyan ng
kalayaan o pagkakataon makapagsalita o magbigay ng opinyon ang isang indibidwal. Kung
hindi napapakinggan o kung palaging inaapila ang isang tao nag reresulta ito ng pagkakaroon
ng takot sa paghahayad ng sariling saloobin.
5. Tama na gawin nating behikulo ang internet upang maipahayag natin ang ating mga
saloobin. Ngunit anong parametro ang maaari nating pagbatayan sa paggamit nito sa
pagpapahayag? Mayroon o wala? Bakit?
Ang internet ay isang napaka lawak at malayang behikulo ng pagpapahayag ng opinyon
at kailangan nito ng parametro o pagbabatayan upang maiwasan ang mga di-kaayaayang ugali at
mamonitor ang wastong paggamit ng plataporma. Ito ay mahalaga sapagkat hindi lahat ng tao ay
pare-pareho, may mga taong sasang-ayon sa iyo at meron namang aapila, kailangan maging
mapanuri at pag-isipan muna ng mabuti ang bawat salitang ipapakita sa publiko upang hindi
makasakit ng ibang tao.

6. Ano ang pinakaangkop na estruktura ng tekstong akademiko ang higit na inilapat


sa sanaysay? Ipaliwanag.
Makikita sa sanaysay ang estruktura ng tekstong akademiko na problema at solusyon. Sa
simula ng istorya ay naipahatid na ng persona ang kanyang problema, ang pagkakaroon ng takot
maglahad ng sariling saloobin. Sa pagpapatuloy ng istorya unti-unti na nakikita ang solusyon sa
kanyang problema, ang solusyon na ito ay ang internet o social media na nagbigay sakanya ng
daan o tulay upang ilahad at sabihin ang kanyang sariling saloobin o opinyon ng malaya.

You might also like