Ang Lobo at Ang Kambing

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Lobo At Ang Kambing

May isang lobo na nahulog sa tuyong balon. Sinikap niyang tumalon ng


mataas upang makaahon ngunit ito’y bigo. Lubhang malalim ang balon na
kanyang kinahulugan.

Maya-maya’y dumating ang isang kambing na uhaw na uhaw. Narinig nito


ang tinig ng lobo kaya siya’y agad na lumapit sa balon.

“Marami bang tubig sa loob ng balon?” tanong ng kambing sa lobo.

“Oo, napakarami!” ang pagsisinungaling naman na sagot ng lobo.

Dahil dito’y agad na tumalon ang kambing sa balon at doon niya nalaman
na siya’y niloko lamang ng lobo.

“Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng tusong


lobo.

“Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito,” ang sabi ng kambing.

“Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip
na paraan kung papaano nating gagawin iyon,” wika ng lobo.

“Papaano?” tanong ng kambing.

Ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing.

“Ako muna ang lalabas. Kapag nakalabas na ako, saka kita hahatakin
pataas upang ikaw naman ang makalabas,” pangako nito.

“Sige,” ang sabi naman ng kambing.

Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Noong


pagkakataon na ng kambing para tulungan ng lobo ay agad itong tumawa ng
malakas. Sabay sabi ng, “Walang lobong manloloko kung walang kambing na
magpapaloko.”
Pagdaka’y naiwanan ang kambing na malungkot sa malalim na balon.

You might also like