Kahulugan NG Klima

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Klima

Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili


ng buhay. Ang malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-ayang
atmospera at sapat na sinag ng araw, init at tubig upang matustusan ang
pangangailangan ng mga halaman at hayop sa balat ng lupa. Mahalaga ang
papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o
lugar sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga
klima sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa
latitude at gayon din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula
sa sea level.
Ang mga Kontinente
Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng
daigdig.May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay
napapalibutan ng katubigan.

Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift


Theory, dati ng magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente
na Pangaea. Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato
kung saan nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at
nabuo ang kasalukuyang mga kontinente.

Karagdagan sa natutuhan mo tungkol sa mga kontinente ng daigdig,


ipinaliliwanag sa ibaba ang mala-jigsaw puzzle na hugis ng South America at
Africa, at ang bahaging ginagampanan ng daan-daang bulkan sa rehiyong
tinatawag na Pacific Ring of Fire.

Kung susuriin ang isang mapa, mapapansing ang mga baybayin ng silangang
bahagi ng South America at kanlurang bahagi ng Africa ay tila lapat at akma sa
isa’t isa na parang mga piraso ng isang malaking jigsaw puzzle. Ito ay sa
kadahilanang dating magkaugnay ang dalawang lupaing ito. Habang
tumatagal, patuloy pa rin ang proseso ng paglawak ng karagatan sa pagitan
nito at ang paglayo ng dalawang nasabing kontinente. Ang paliwang na ito ay
batay sa Continental Drift Theory.

Karagdagan sa natutuhan mo tungkol sa mga kontinente ng daigdig,


ipinaliliwanag sa ibaba ang mala-jigsaw puzzle na hugis ng South America at
Africa, at ang bahaging ginagampanan ng daan-daang bulkan sa rehiyong
tinatawag na Pacific Ring of Fire.

Ang malawakang hangganan ng Asya, North America, at South America ay


matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. Saklaw nito ang kanlurang hangganan ng
South America at North America patungong hilaga sa Aleutian Islands ng
Alaska, pababa sa silangang hangganan ng Asya hanggang New Zealand sa
Timog Oceania. Tinatawag itong Ring of Fire dahil matindi ang pagputok ng
bulkan at paglindol sa rehiyong ito bunga ng pag-uumpugan ng mga tectonic
plate o tipak ng crust ng daigdig kung saan nakapatong ang mga naturang
kontinente.

You might also like