Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Pangangatwiran – isang anyo ng pagpapahayag na naiiba sa paglalahad, paglalarawan at

pagsasalaysay

Layunin nitong hikayatin ang mga tagapakinig/tagabasa na tanggapin ang kawastuhan o


katotohanan ng isang paninindigan o di kaya’y maimpluwensyahan ang kanilang
pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pahayag.

Ito’y isang paraan ng paglalahad na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang


ang isang panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala.

Ang pangangatwiran ay pagpapakahulugan. ( Alejandro,1970 )

Mahalaga sa pangangatwiran ang mga argumento na siyang bumubuo dito


Argumento – isang lohikal na paraan ng pagpapasang-ayon
Lohika – agham na nagtuturo na makaalam at makaunawa

LOHIKA – AGHAM
PANGANGATWIRAN – SINING

Uri ng Pangangatwiran

1. Pangangatwirang Pabuod
Nagsisimula sa mga halimbawa o maliliit na kaisipan at nagwawakas sa
isang panlahat na simulain

A. Pangangatwirang nagwawakas sa konklusyong panlahat o paglalahat


B. Pangangatwirang gumagamit ng pagkakaugnayan ng sanhi

Ayon kay Alejandro , ang konklusyon ay isang pagpapahayag na sa


dalawang magkaugnay na pangyayari, ang isa sa kanila ay siyang sanhi ng
pangalawa
C. Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad

2. Pangangatwirang Pasaklaw

Ang isang masaklaw na katotohanan ay ikinakapit sa isang tiyak na


pangyayari
Ang ganitong uri ng pangangatwiran ay naipapahayag sa pamamagitan ng
silohismo

Silohismo – isang payak na balangkas ng pangangatwiran na malaki ang naitutulong sa


pagtiyak ng kabisaan ng pagmamatuwid
- ito ay dapat na maging totoo at mabisa

Binubuo ito ng :
Pangunahing Batayan
Pangalawang Batayan
Konklusyon

Halimbawa :

Pangunahing Batayan : Pararangalan ang lahat ng tumulong sa mga nasunugan


Pangalawang Batayan : Tumulong si Andrew sa mga nasunugan
Konklusyon : Samakatwid, pararangalan si Andrew.

Pagmamatuwid at Pagtatalo

Pagmamatuwid – ay isang anyo ng diskors na may layuning makahikayat ng iba sa


pamamagitan ng pangangatwiran upang paniwalaan o gawin ng mga tagapakinig o
mambabasa ang nais niyang paniwalaan o gawin nila.

- maaaring pasalita o pasulat


- mahalagang sangkap nito ang paggamit ng katwiran at ang layuning
mapaniwala o mapakilos ang iba ayon sa ibig nating mangyari

Pagtatalo – ay binubuo ng pagbibigay-matwid ng dalawang magkasalungat na panig


tungkol sa isang paksang pinagtatalunan

Mahalaga sa isang pagtatalo ang mga sumusunod : iba’t ibang ayos ng pagmamatuwid at
pagpapabulaan at pagharap ng ganting matuwid

Pagtatalo ( Arrogante, 2000 ) – isang sining ng gantihang katwiran o matuwid ng dalawa


o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersyal na paksa

Isinasagawa ito sa isang pagpapahayag na ang mga katwiran ay naaayon sa itinatakdang


alituntunin at pamantayan.

Ang gawaing ito ay nakasalalay sa masining at maingat na pagbibitiw ng mga salita,


gayundin kung pasulat.

Pagtatalo at Pakikipagtalo

Pagtatalo - Debate
Pakikipagtalo - Argumentation
Pakikipagtalo – isang pang-araw –araw na gawain ng tao sa pakikisalamuha niya sa
kapwa

- ito’y karaniwang pagpapalitan ng kuru-kuro o palagay at iba pang mga


personal na pangangatwiran tungkol sa isang paksa

Pakikipagtalo - impormal
Puno’t dulo ay madalas na hindi namamalayan

Pagtatalo - pormal
Binubuo ng dalawang panig ( sang-ayon at di sang-ayon )
Bawat panig ay binubuo ng dalawa o tatlong kasapi
Pinaghahandaang mabuti

Dapat Tandaan sa Pagdaraos ng Isang Pagtatalo :

1. Pumili ng napapanahong paksa at kawili-wiling pagtalunan


Kailangang ilahad sa anyong proposisyon. Ang isang proposisyon ay
maaaring may layuning magpalaganap o magpatotoo

2. Ang paksang pagtatalunan ay kailangang talakayin sa pamamagitan ng tatlong


buod :

A. kabutihan ( kapakinabangan )
B. Pangangailangan
C. Pagsasakatuparan ( praktikalidad )

3. Ang paksa ay kailangang tiyak at malinaw sa mga kalahok


4. Ang paglikom ng mga kaalaman, impormasyon o materyales sa pagtatalo ay
mahalaga.
5. Malaki ang magagawa isang talumpating maayos na binuo o isinulat upang ang
paglalahad ng mga ideya ay may kaisahan.
6. Mahalaga ang wastong pagbigkas sa pagtatalo.

Uri ng Debate

Debateng Oxford
Debateng Oregon
Debateng Oxford – Oregon
Debateng Oxford ( Rufino Alejandro )

Unang Tagapagsalita
Sang-ayon - maikling panimula
Paglalahad, patotoo sa unang isyu
Pagtatapos – lagom ng kanyang napatunayan
Babanggitin ang gagawin ng susunod na
kasama

Unang Salungat – maikling panimula


Patotoo sa unang isyu
Lalagumin ang mga matwid ng panig ng
Salungat

Pangalawang Sang-ayon – maglalahad ng patotoo


Nilalagom ang pangunahing matwid ng
panig ng sang-ayon

Pangalawang Salungat – maghaharap ng isang tuligsa sa balak ng


panig ng sang-ayon o naghaharap ng pamalit
ng pangunahing matwid ng panig ng
salungat

Pangatlong Salungat – talumpati ng ganting matwid-sinusuri niya


ang mga hindi pinagkakaisahan ng panig ng sang-
ayon at panig ng salungat at pinabubulaanan ang
pangunahing matwid ng sang-ayon
- sa pagwawakas , maaaring gumawa siya ng isang
nakahihikayat na panawagan

Pangatlong Sang-ayon – pagsusuri ng mga pangunahing puntos ng


ipinagkakaibang kuro ng dalawang panig
- maghaharap ng isang pagpapabulaan
- magwawakas sa isang mapanghikayat na panawagan
Debateng Oregon

Unang Tagapagsalita ng dalawang panig – maghaharap ng


pagmamatwid ng kani-kanilang panig

Pangalawang Tagapagsalita – magtatanong upang maipakilala ang


karupukan ng mg matwid na panig ng katalo

Pangatlong Tagapagsalita – maghaharap ng pagpapabulaan bago


lalagumin ang mga matwid ng kani-kanilang panig

Mga Paalala :

1. Ang ibibigay na tanong ay masasagot sa ilang pananalita


lamang.
2. Isipin na agad ang maaaring isagot sa mga itatanong upang
mapaghandaan
3. Sa pagtatanong , sikaping maipakilala ang kawalan ng
awtoridad at ang karupukan ng matwid o ang
pagkakasalungatan ng mga matwid ng kalaban
4. Magsimula sa tiyak patungong masaklaw
5. Iwasan ang pagbibigay ng tanong na wala sa matwid, walang
kaugnayan o walang gaanong halaga
6. Huwag gelatin ang kalaban sa pamamagitan ng pagpipilit na
siya’y sumagot ng “oo” o “hindi”

Debateng Oregon – Oxford

A. Pagpapakilala ng bawat koponan ( Pagtukoy sa mga


tuntunin )
B. Paglalahad ng proposisyon
C. Pagbibigay ng katuturan
D. Paglilinaw sa mga isyu o buod ng pangangatwiran
E. Pagtatalo
Unang Tagapagsalita ( Sang-ayon ) - maglalahad ng buod ng
talumpati

Unang Tagapagsalita ( Salungat ) - Magtatanong sa buod ng


talumpati unang tagapagsalita ( sang-ayon)

Maglalahad ng buod ng
talumpati

Ikalawang Tagapagsalita ( Sang-ayon )- magtatanong sa buod ng


talumpati
Maglalahad ng buod ng
talumpati

……………….

( Lima – sampung minutong pagitan )

Unang Tagapagsalita ( salungat ) - tutuligsain ang buod ng


unang tagapagsalita ( sang-ayon )

Unang Tagapagsalita ( sang-ayon ) - tutuligsain ang buod ng


ikalawang tagapagsalita ( salungat )

……………….

Lider ng panig ng sang-ayon - magbubuklod ng katwiran


ng pangkat

Lider ng panig ng salungat - magbubuklod ng katwiran


ng pangkat
F. Paghahatol ng Lupon

Sa sandali ng panunuligsa, tukuyin ang sumusunod :


1. mga maling katwiran
2. walang katotohanang batayan
3. kahinaan ng katibayan
4. mga pahayag na labas sa buod na pinagkasunduan

Sa oras ng paghatol , ang panig ng sang-ayon ang siyang may bigat


ng pagpapatibay at ang panig ng salungat ang siyang may bigat ng
pagtuligsa.

You might also like