Ibat Ibang Paraan Upang Maging Organikong Pataba Ang Dayami PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Iba’t-ibang Paraan upang maging Organikong

Pataba ang Dayami


1 Direktang paghalo sa lupa na may organismong pampabulok

Ikalat agad ang dayami sa palayan pagkatapos umani. Sa unang pag-


aararo o 30 araw bago ang lipat-tanim, ihalo ang dayami sa lupa. Sa
unang pagsuyod, lagyan ng EM-based na organismong pampabulok
(EMBI) ang lupang sinabugan ng dayami sa timpladang 1 litrong EMBI
sa bawat 10 kg na dayami upang mas mapabilis ang pagbubulok.

2 Direktang paghalo sa lupa ng walang organismong


pampabulok

Ikalat agad ang mga dayami sa bukid pagkatapos umani.


Sa unang pag-aararo o 30 araw bago ang lipat-tanim,
ihalo ang dayami sa lupa.

3 Gamitin muna ito sa pagpapatubo ng kabute bago ihalo sa lupa

Gamitin muna ang dayami bilang materyal sa pagpapatubo ng kabute. Pagkatapos anihin ang mga kabute,
diretsong ihalo ang bahagya nang nabubulok na mga dayami sa lupa.

4 Muling paggamit ng dayami para sa pagpaparami ng bulate (vermiculture), bago ang paghalo sa lupa

Ang mga dayaming ginamit sa pagpaparami ng kabute ay gawing pagkain muna ng mga bulate. Kaya,
sa halip na mga dayaming bahagyang nabulok, ang mga dumi o tae ng mga bulate ang gamitin bilang
organikong pataba sa mga halamang palay.

5 Pasalansang Pagbubulok

Isalansan nang masinsin ang mga dayami.


Ihalo ito sa mga dumi ng hayop. Diligan
at haluin araw-araw upang mapalabas
ang init na nasa ilalim. Pagkalipas ng
isang buwan, husto na ang pagkabulok ng
dayami at pwede nang gamitin.

Pinaghalawan: Q&A on Organic Fertilizer, No.19, PhilRice

You might also like