Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

.

Pananaliksik na Iniharap sa
Jose Rizal University

Bilang parsiyal na kahingian para sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino tungo sa Pananaliksik (Fil S111)

ni:
Acebedo, Kylene Cassandra N.
Bustillo, Gina A.
Caneba, Jahna Victoria S.
De Guzman, Jayrielle C.
Perez, Etchel Leinne
Tamba, Jan Arvie P.
Vasquez, Kate B.

2018
Abstrak

Pamagat:
Mananaliksik:
 Acebedo, Kylene Cassandra N.
 Bustillo, Gina A.
 Caneba, Jahna Victoria S.
 De Guzman, Jayrielle C.
 Perez, Etchel Leinne
 Tamba, Jan Arvie P.
 Vasquez, Kate B.
Institusyon: Jose Rizal University
Taon: 2018-2019
Guro: Katherine B. Ignacio
Mga Layunin ng Pag-aaral:
 Upang lubos na maintindihan ng iba pang Pilipino ang wika at kultura ng kanilang
mga kababayan na Ilonngo.
 Upang malaman ng tao partikular ng mga kabataas na ang Hiligaynon at Ilonggo
ay magkaparehong wika lamang.
 Upang magbigay ng ilang kultura na ginagawa ng mga tao na gumagamit ng
wika na Hiligaynon.
Paglalahad ng Suliranin:
1. Ano-ano ang Varayti at Varyason ng Wikang Hiligaynon?
2. Paano nakaapekto ang modernisasyon sa wikang Hiligayon?
3. Ano ang naitutulong ng Kultura at Wika ng Hiligaynon sa mga sumusunod:
a. Indibidwal
b. Lipunan
3. Relasyon sa isa't-isa
Mga Natuklasan:
Natuklasan ng aming grupo na ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa kultura at
tradisyon ng bawat isa at mamamayan ay naisasabuhay pa rin ng bawat isa. Karamihan
sa mga respondente ay naniniwala na ang wika ay ang pundasyon ng isang bansa –
iba’t-iba man ang lenggwaheng ginagamit sa isang bansa ay maituturing pa rin itong
parte ng pundasyon na kung saan ay mas nagiging makapangyarihan ang bansa.
Panimula
Ang wikang Hiligaynon at ang mga taga Iloilo ay may makulay na kasaysayan,
tradisyon, kultura, may samu’t saring termino, at katawagan sa kanilang wika na
nagiging dahilan upang maging mas makulay pa ito. Ang wikang Hiligaynon o Ilonggo
ay isang austronesyanong panglalawigang linggwahe na tumutukoy sa wika at kultura
na may kaugnayan sa Negros Occidental, Bacolod, Capiz at lalo na sa lalawigan ng
Iloilo. Ginagamit din ito ng mga grupo sa panay, at sa probinsya ng Aklan, Capiz,
Antique, Guimaras at sa ibang parte ng Mindanao tulad ng Koronadal at Cotabato.
Mayroong mahigit labing isang milyong na bihisa sa linggwaheng ito, pitong milyon rito
ay tinuturing ito na kanilang unang wika o ‘”mother tongue” at may karagdagang apat na
milyon naman para sa mga taong naging ikalawang linggwahe na rin ito. Kabilang ang
wikang ito sa pamilya ng Wikang Bisaya na kung saan ay kabilang din ito sa mga
pangunahing diyalekto ng ating bansa; at pinangangasiwaan ito ng Komisyon sa
Wikang Filipino. Ang wikang Hiligaynon ay kilala sa pagiging malumanay at may
ritmong diin sa pagsasalita ng mga gumagamit nito, kaya nga sinasabing hindi mo raw
mahahalata o malalaman kung ikaw ba ay isinusumpa na o di kaya naman ay nagalit
mo ang iyong kausap kapag hindi ka marunong mag salita nito. Ang Hiligaynon din ay
maraming hiram na salita mula sa wikang Espanyol mula sa mga pangngalan,
pantukoy, pang-ukol, at pangatnig; halimbawa na lamang ang santo mula sa santo at
kambiyo o cambio sa espanyol. Bagama’t ang Ilonggo o Hiligaynon ay tumutukoy sa
wika, ito rin ay tumutukoy sa mga taong gumagamit nito at sa lalawigan ng Iloilo. Ang
mga Ilonggo ay mestizo o ang mga ito ang may halong kastilang dugo. Ang Iloilo din ay
sentrong panrehiyon at pangunahing sentrong pang-ekonomiya ng Western Visayas
Region. Ito ang ikasiyam na pinakamataong lungsod sa Pilipinas.
Ang mga kaugalian at tradisyon ng mga Ilonggo tulad ng sa panganganak,
pagbibinyag, sa panliligaw ng mga kalalakihan at sa kasal, at kamatayan pati sa
pagburol ay kanilang napanatiling buhay sa pagdaan ng mga nakalipas na taon. Sa
pagbubuntis ng mga kababaihan sila ay naniniwala sa ilang pamahiin tulad na lamang
ng pag iingat ng mga kababaihang nagdadalang tao sa pagiging mapanghusga sa
pisikal na anyo ng mga tao dahil raw maaari itong mangyari o makuha ng anak na
kanyang dinadala. Naniniwala rin sila na ang plasenta o pusod na nakakonekta sa ina
at sanggol ay dapat ilagay sa mga pang-akademikong libro para matutunan ng bata ang
lahat ng ito; sinasabi din nila na dapat din itong ilagay sa isang lalagyanan at
pagkatapos ay ilibing o ibaon sa lupa upang maging malakas ang loob ng sanggol
kapag lumaki na ito at para bumalik sa kanyang lugar na sinilangan sa paglaki nito. Isa
pang kanilang pinaniniwalaan kapag nagbubuntis ay iniiwasan at pinagbabawalan ang
mga nagdadalang tao na kumain ng mga maiitim na pagkain upang maiwasan na
maging maitim rin ang kulay ng balat ng bata. Ang mga Ilonggo ay naniniwala rin sila sa
katolikong pagbibinyag, isa rito ay pinipili ng mabuti ng mga magulang ng bata kung
sino ang magiging ninong at ninang dahil sa paniniwalang makukuha nito ang mga ugali
ng kanyang mga magiging ninong at ninang. Pinaniniwalaan din nila na dapat
mabinyagan ang sanggol pagkatapos ng isang linggo mula sa pagkapanganak nito o di
kaya’y hindi lalampas sa ikatlong buwan. Sa panliligaw naman ng mga kalalakihan, ang
mga ito ay nanliligaw sa pamamagitan ng palagiang pagbisita nito at pagtulong sa
bahay ng kanyang nililigawan. Sa paghingi naman ng kamay ng babae upang
pakasalan, karaniwan pa ring ginagawa ang pamamanhikan o pag hingi ng kamay ng
babae sa mga magulang nito kasama ang mga magulang ng lalaki at mga regalo nito
sa pamilya ng babae. Hindi matatapos ang mga paniniwala at tradisyon ng mga Ilonggo
sa mga buhay dahil pati sa pagkamatay at paglibing ay meron pa rin silang sinusunod.
Isa rito ay ang mga pamilya at kaibigan ng namatay ay nag tutulong tulong sa
pamamagitan ng pagbibigay ng pera at serbisyo. Habang binuburol naman ang patay,
ang mga namatayan ay hindi naliligo at nagwawalis para maiwasan na may sumunod
na mamamatay; iniiwasan din nila ang pagsuot ng kulay pulang kasuotan dahil
sumisimbolo ito sa kasiyahan at ito ay isinasagawa para respetuhin ang namatay.
Pagkatapos naman ng libing, ang mga kamag-anak ng namatay ay pumupunta sa ilog
kinabukasan upang roon ay maligo at doon din lalabhan ang mga gamit ng namatay
para mawala daw ang malas na kumakapit dito.
Sa pangkahalatan, dahil sa patuloy na paggamit, pagpapayabong, at paglinang
ng wikang Hiligaynon nagiging pagkakakilanlan na ito mga taga Iloilo na susi upang
maipagpatuloy pa ito ng mga susunod na henarasyon at ng susunod pa sa kanila. Ang
wika at tradisyon ng mga Ilonggo din ay halos may kaugnayan din sa iba’t ibang kultura,
ngunit mas nagiging kakaiba ito dahil sa mas makulay at walang katulad na paraan ng
mga ilonggo sa pagsasagawa nito, at dahil sa mas natatangi at namumukod nilang
linggwahe – ang wikang Hiligaynon.

https://www.everyculture.com/wc/Norway-to-Russia/Hiligaynon.html
http://www.livinginthephilippines.com/culture-and-people/philippine-culture/culture-and-
traditions/1327-ilongos-culture-customs-and-traditions
https://tl.wikipedia.org/wiki/Iloilo
https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Hiligaynon
Layunin ng Pag-aaral

Ang pag aaral na ito ay isinigawa upang lubos na maintindihan ng iba pang
Pilipino ang wika at kultura ng kanilang mga kababayan na Ilonngo. Naglalayon din ito
na malaman ng tao partikular ng mga kabataas na ang Hiligaynon at Ilonggo ay
magkaparehong wika lamang. Ang pagaaral na ito ay hindi lamang tumingin sa wika
kundi pati na rin sa paraan ng kanilang pagsasalita na sinasabing kalmado at
kontrolado. Bukod sa wika at paraan ng pagsasalita, ang pag-aaral na ito ay naglalayon
din na magbigay ng ilang kultura na ginagawa ng mga tao na gumagamit ng wika na
Hiligaynon. Karamihan ng kanilang tradisyon ay may koneksiyon sa panliligaw,
pagpapakasal at pagbubuntis. Sa makatuwid, ang pananaliksik na ito ay isinagawa
upang malaman ng maraming kabataan ng napakaraming tradisyon ang nakapaloob sa
isang grupo na gumagamit ng isang wika. Ipinapakita nito na wika ang nagbubuklod sa
isang komunidad dahil kapag ang isang komunidad ay may sariling wika nasisigurado
na mayroon din silang sariling tradisyon o kultura katulad na lamang ng nangyari sa
mga Ilonggo.

Paglalahad ng Suliranin

Sa pangkalahatan, ang pag aaral na isinagawa ay tungkol sa natatanging kultura


at wika ng Hiligaynon. Susubukan ng pananaliksik na ito na sagutin ang mga
sumusunod:

1. Ano-ano ang Varayti at Varyason ng Wikang Hiligaynon?

2. Paano nakaapekto ang modernisasyon sa wikang Hiligayon?

3. Ano ang naitutulong ng Kultura at Wika ng Hiligaynon sa mga sumusunod:

a. Indibidwal

b. Lipunan

3. Relasyon sa isa't-isa
Konseptuwal na Balangkas

Katuturan ng mga katawagan

•Wikang hiligaynon o Wikang Ilonggo - ay tumutukoy sa wika at kultura na may


kaugnayan sa Negros Occidental, Bacolod, Iloilo at Capiz.
•Mestizo - ay tawag sa isang taong halong Espanyol o Tsino at Pilipino.
•Mother Tongue - ay ang unang salita o wika na ating natutunan mula sa pagkabata.
•Ritmong Diin - ito ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
•Plasenta - ay isang pansamantalang organong matatagpuan sa karamihan ng mga
babaeng mamalya habang nasa panahon ng pagbubuntis.

You might also like