Moving and Falling

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Prologue

Tangina!!! Kung hindi ka naman ba isa't kalahating bobita, alam


mo ng masakit tinitingnan mo pa.

Bakit nga ba, masokista yata ako. Alam ko namang masasaktan


ako sa pagpunta ko dito, pero ito kasing puso ko. Sobrang lakas
sakin, sumilay daw kami saglit sa lalakeng mahal niya. Itong
utak ko naman, dakilang marupok. Payag agad. Tsk.

Matalino ako eh. Pero bakit pagdating sa kanya ang bobo ko.
Simple lang naman ang kailangan kong maintindihan, hindi niya
na ko mahal. Pero bakit loading lang ng loading tong tengeneng
utak na to.

Wala ako dapat dito eh, hindi ko dapat pinapanuod na gawin ng


iba yung dating ako ang gumagawa. Bastos din, hindi ba nila
alam na may nasasaktan dito. Heyeppp.

Akin dapat yung yakap na yun eh, yung halik na yun. Yung mga
ngiti na puno ng kasiyahan, yung titig niya na puno ng
pagmamahal. Para sakin yun dati eh. Dati. Nakaraan na.
Tangina.

Sabi nila, iba-iba ang paraan ng tao sa pagmo'move on.

Siguro ito yung paraan ko, ang saktan ang sarili ko hanggang sa
mamanhid ang puso ko sa sakit. Hanggang sa matanggap ko na
hindi na maibabalik yung dati, na hindi na siya babalik sakin.

For almost 7 years, nasanay ako na nandyan lang siya. Kamusta


naman yun di ba? Kaya ngayon para akong bata na nawawala
sa mall, hindi alam kung saan magsisimulang maghanap ng
daan palabas.

"Misssss..."

Ang unfair lang kasi, hindi na siya sakin. Pero bakit ako sa kanya
pa rin.

"Omygosh..."
Siya yung mapa ko kapag naliligaw ako eh. Pero siya kasi
magaling sa directions, kaya hindi siya naliligaw. Sa sobrang
galing nga niya, nahanap niya ang daan papunta sa iba. Haha

"watch out..."

Siguro kailangan ko ng itigil ang paggamit ng mapa at simulang


gumamit ng waze. Haha. Lord, give me a sign. Charrrrr. Hahaha

"shocksss..."

..and everything went black.

You might also like