Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Sanaysay

Ang Wika
Wika ang pinakamagandang regalo ng
Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang
tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-
ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa
institusyon at maging sa dakilang Bathala.
Malaki ang nagagawa ng wika sa
pagkakaroon ng magandang unawaan,
ugnayan at mabuting pagsasamahan.

Kung wala ang wika, paano kaya


magkakaintindihan ang mamamayan, paano
kaya mapabibilis ang pagsulong ng kaunlaran
at paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t
isa? Sa bawat isang tanong at marami pang
kasunod na katanungan, hindi sapat ang
senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang
ingay o anumang paraang maaaring likhain
ng tao upang matugunan ang lahat ng mga
katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao
ang wika.Kahit na anumang anyo , pasulat o
pasalita, hiram o orihinal, banyaga o
katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap
sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa
pagpapanatili sa madali o mahabang panahon
ng mga naliko na tala, pangkasaysayan o
pampanitikan, pampolitika at panlipunan,
pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa
larangan ng siyensya o ng iba pang displina.
Maging ang kultura ng isang panahon, pook o
bansa ay muling naipahayag sa pamamagitan
ngwika.

Naipadarama ng wika ang sidhi ng


damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak
ng galak, ang kahalagahan ng katwiran, ang
kabutihan ng layunin, ang nakapaloob na
katotohanan sa isang intensyon, ang
kaibuturan ng pasasalamat at paghanga at ng
iba pang nais na iparating ng sinuman.

Alamat Ang Alamat Ng Saging


Sa isang malayong lugar ay my dalawang
mag kasintahan na tunay na nag iibigan, sila
Aging at Juana ngunit sa kabila nito ay tutol
ang magulang ni Juana na si Mang Juan,
kaya’t lihim lamang siyang nakikipagtagpo
kay Aging.
Ngunit minsang nakipagtagpo siya kay
Aging ay nasundan siya ni Mang Juan kaya’t
ng makita ni Mang Juan ay nag siklab siya sa
galit, at bigla niyang binunot ang itak na nasa
kanyang tagiliran at sinugod ni Mang Juan si
Aging at sa pagkabigla ay hindi agad na
gawang umiwas ni Aging kaya inabot ng itak
ni Mang Juan ang braso ni Aging at naputol.
Sa sobrang takot ni Aging ay napatakbo
siya papalayo sa mag amang Juana, at labis
ang kalungkutan ni Juana dahil sa mga pang
yayaring wala na siyang magagawa dahil wala
na si Aging. Kaya’t pinulot nalang niya ang
naputol na braso ni Aging at inilibing sa
kanilang bakuran.
At sa paglipas ng mga araw ay wala parin
si Aging ni wala na siyang balita kung ano na
ang nangyari kay Aging, subalit sa pag labas
ni Mang Juan sa kanilang bahay ay napansin
niya ang isang uri ng halaman  na noon
lamang niya nakita kaya dali-dali niyang
tinawag si Juana at itinanong kung anong uri
ba ng halaman iyon.
At laking gulat ni Juana nang makita niya
ang tinutukoy ng kanyang ama, dahil sa lugar
mismo ng pinag libingan niya ng braso ni
Aging tumubo ang halaman. At ito’y kulay
luntian, may mahahaba at malalapad na
dahon, may bunga itong kulay dilaw na
animo'y isang kamay na my daliri ng tao.
Kaya naalala nanaman niya ang kanyang
kasintahan, at nasambit niya ang pangalang
Aging. At sinabi niya na iyan si Aging,  kaya
mula noon ay Aging ang tinawag nila sa
halamang iyon. At sa paglipas ng panahon ay
nabago na ang Aging at itoy naging Saging...
Tula Paalam
Natutulala, nababalisa
Hindi alam ang magagawa
Bakit ganon nalang ba ang pasya?
Bakit pag-asa’y walang-wala.

Pagkakaibiga’y ayaw mawala,


Kaya pagkagusto’y nabalewala.
Sana nama’y iyong pakinggan
Na kahit saglet ay iyong pagkaabalahan.

Bawat pagkurap ika’y naiisip


Pagtanaw,pag-unawa at sa munting pagsilip;
Pagsilip sa saradong pinto na pilit binubuksan
At sa pag-asang tuluyan mong winawakasan.

Dating tayo? Malayo sa ganto


Na sa bawat pintig,bawat hikbi ay sadyang
namimiss ko;
Ngunit wala na nga pala ang lahat ng ‘yon.
Parang tubig, hinahangin,umaalon at u
maayon.
Kwentong
Ang Pagkainteres
Makabanghay
y
Upang maging magaling na
basketball player ay kailangang mag ensayo
ng mabuti at kumain ng tama upang maging
malusog.

Nang nagsisismula palang ako maglaro,


hindi pa ako gaanong marunong mag dribble
at mag shoot sa ring. Isang araw nang may
palaro sa aming barangay, habang nanonood
ako bigla nalang ako nag ka interes dito.
Mula noon ay araw-araw na ako nag eensayo
nito.

Pakatapos nito ako ay naging isang


magaling na basketball player.
Nilalaman:

SANAYSAY

ALAMAT

TULANG NAGLALARWAN

KUWENTONG
MAKABANGHAY

You might also like