Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG ALAMAT NG ITIM NA BATO

“Para maramdaman mo kung paano maapak-apakan.”

Maraming taon na ang nakalipas mula ng mapasailalaim ang bayan ng San Agustin Kay Haring
Felipe III. Mabuti siyang lider kaya naging matiwasay ang bayan sa kanyang pamumuno. Subalit matanda
na ito at may sakit kaya napagdesisyonan niyang ihanda na ang Prinsipe upang pumalit sa kanya sa
pagiging Hari.

Hindi ito sinang-ayunan ng mga tao dahil nababahal sila sa kinabukasan ng bayan sapagkat
malayo ang taglay na kabutihan ng Prinsipe sa kayang ama. Makasarili siya at walang awa. Lahat ng
gusto niya ay nais niyang masunod. Matanda man o bata ay gusto niyang magtrabo para sa kanya.
Pinahihirapan nito at sinasaktan ang sino mang hindi sumunod sa kanya.

Isang araw, bilang paghahanda sa kanya bilang Hari ay inutusan siya ng kanyang ama na
tumungo sa pagawaan upang pangasiwaan ang mga manggagawa. Sa kanyang pagdating doon ay
naabutan niya ng ang mga matatanda at babaeng manggagawa na nagpapahinga. Nagalit ito at inatasan
silang bumalik sa trabaho. “Hoy! Kayo! Aba, aba, bakit kayo nagpapahinga gayong hindi niyo pa tapos
ang inyong ginagawa? Balik sa trabaho!”, sigaw ng Prinsipe. “Pero mahal na Prinsipe, oras po ngayon ng
aming pahinga. Nasa kalagitnaan po sa tirik ang araw, hindi kakayanin ng aming katawan ang
magtrabaho. Parang-awa niyo nap o, huwag niyo kaming saktan.”, pagmamakaawa ng isang matanda.
“Magtatrabaho o masasaktan?”, tanong ng Prinsipe. “Maawa po kayo sa amin. Kailangan din po namin
ng pahinga”, sumbat ng matanda. Nagmakaawa rin ang marami dahil sobrang pagod na sila sa
daretsong pagtattrabaho mula ng ang Prinsipe na ang nangangasiwa sa kanila.

Naiinis at nagalit ang hari kaya sinipa nito ang matanda. “Saktan lahat ng ayaw magtrabaho!”,
utos nito sa mga kawal. Walang awang pinagsasaktan ng mga kawal ang mga matatanda at babaeng
hindi na kaya ang magtrabaho pa dahil sa pagod.

Sa mga sumunod pang mga araw ay lalong nagging malupit ang Prinsipe. Hindi nito ibinigay ang
mga pagkain at tubig na ipinadala ng Hari para sa mga manggagawa. “Mahal na Prinsipe, uhaw, gutom
at pagod na ang marami sa amin. Nanghihina na po kami. Pakainin niyo na kami at painumin o
pagpahingain man lang. Nagmamakaawa kami.”, ika ng matanda. Hindi niya ito pinansin kaya inulit ulit ng
matanda ang magmakaawa. Naiinis at nagalit ang Prinsipe kaya sinipa at pinagtatadyakan na naman
niya ang matanda. “Wala kang karapatang utusang ang iyong Prinsipe na pakainin at painumin kayong
mga alipin!”, galit na sigaw nito.

Lalo pa niyang linakasan ang pagtadyak sa matanda hanggang sa manghina ito. “Tama na
Prinsipe! Hindi ka karapat-dapat na maging Hari naming.”, wika ng matanda at siya’y nagging diwata.
Laking gulat ng Prinsipe kaya’t hindi nito alam ang kanyang gagawin. “Labis na ng pagpapahirap mo sa
mga tao. Wala kang awa! Wala kang puso! Makasarili ka! Kaya’t ikaw mismo at ng mga kasama mo at
ang sino pang mang-aapak sa kanyang kapwang walang kasalanan ay magiging itim na bato para
maramdaman nyo kung paano maapak-apakan!”, wika ng diwata. Sa pagkumpas ng kanyang mga
kamay ay unti unting napasigaw ang Prinsipe at mga kawal, at sila’y naging itim na bato.

Mula noon nagkalat na ang mga itim na bato sa kapuluan. At bawat lider at kawal na manakit sa
mga taong walang kasalanan ay nagiging itim na bato. Namatay na rin si Haring Felipe kaya’t lumikas na
ang mga tao sa bayang iyon. Hanggang sa ngayon, kapag nakakakita ang mga tao ng maitim na bato ay
hindi na ito pinapansin at inaapakan na lamang sapagkat naaalala nila ang noo’y masama at malupit na
Prinsipe at mga kawal.

You might also like