Ang Kalayaang Ipinaglaban NG Ating Mga Bayani Noong Panahon Nila Ay Atin Nang Natatamasa at Nakikita Ngayon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani noong panahon nila ay atin nang natatamasa at

nakikita ngayon. Sa katunayan ay ang ating wikang filipino ginagamit natin ito sa araw-araw kahit na
hindi natin ito nabibigyang atensyon. Karamihan sa mga mamamayang Pilipino ay nahihirapan. Ito ang
pundasyon ng ating sariling bansa, ang nagpapatunay na ito ay sariling atin. Ngunit sa patuloy na paglaon
ng panahon, unti-unting natatabunan ang kahalagahan ng wikang Filipino sa atin. Isang patunayan 'ito ang
pagpapatupad ng CHED memorandum order no. 20 series of 2013 o ang pagbago sa General Education
Curriculum (GEC) na magtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.
Dahil dito nagkaroon ng mainit na pagtalakay kung dapat nga bang alisin o hindi ang
asignaturang Filipino, marami ang hindi sang-ayon sa pagalis at may ilan naman ay pabor sa
kadahilanang mabawasan at mapadali ang kanilang pagaaral. Bilang isang estudyante at Pilipino hindi
ako sang-ayon sa pag-alis ng asignaturang Filipino dahil ang wikang filipino ay sumisimbolo sa ating
identitad bilang isang Pilipino at maraming kritiko at propesor ng Departamento ng Filipino at Panitikan
ng Pilipinas ay matinding tumututol sa pagbabago at naniniwalang ang panukala ng CHED Memorandum
Order No. 20, Series of 2013 ay paglapastangan sa pagpapahalaga sa kasaysayan, karunungan, at diwa ng
kasarinlang mahabang panahong ipinaglaban at nilinang ng mga naunang salinlahi ng mga Filipino.
Marami man ang sang-ayon sa pag-alis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo aminin natin na ang
ating wikang pambasa ay may malaking ambag sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Kaya’t ang
wikang Filipino kailangan nating pagyabungin, bigyang pansin at mahalin sapagkat dito tayo mas
nakikilala bilang isang Pilipino.

Reference o Pinag-kuhanan ng ideya


https://news.abs-cbn.com/life/11/24/18/pagtanggal-ng-filipino-subject-sa-kolehiyo-bakit-tinututulan
https://news.abs-cbn.com/news/05/27/19/pag-alis-sa-filipino-panitikan-sa-kolehiyo-muling-iaapela
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/05/27/1921329/pagtatanggal-sa-filipino-
panitikan-bilang-rekisitos-sa-kolehiyo-tinutulan

You might also like