Balangkas Konseptwal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BALANGKAS KONSEPTWAL

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay upang magkaroon ng


kaalaman sa maistratehiyang pagdedesisyon at mabisang pamamahala ng negosyo sa
kumukuha ng kursong Business Management. Makikita sa Balangkas Konseptwal na ito
ang suliraning kinakaharap at mga prosesong ginamit upang matugunan at mabigyan
ng kaukulang kasagutan ang nasabing suliranin.

INPUT

MAISTRATEHIYANG PAGDEDESISIYON AT MABISANG


NG NEGOSYO SA KUMUKUHA NG KURSONG
BUSINESS MANAGEMENT

PROCESS

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng serbey kwestyuner at


gumamit ng random selection sa bawat antas at pangkat upang maging
maganda at maayos ang pag-aaral.

OUTPUT

Gaano ang may pinakamataas na porsyento sa ibinigay na mga


istratehiya sa negosyo.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang mananaliksik ay nagsumikap na ilahad ang mga sumusunod na saklaw sa


pamanahong papel na ito.

1.

2.

3.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik ay nagtataglay ng kahalagahan sa bawat pag-aaral. Ang


pangangalap ng mga pananaw sa mga respondent ay makatutulong upang matukoy
ang mga maistratehiyang pagdedesisyon at mabisang pamamahala ng negosyo sa
kumukuha ng kursong Business Management. Maghahatid din ng kabutihang-dulot ang
pag-aaral na ito sa mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Business Management
upang magka-ideya sa mga panahong nais na nilang magtayo ng isang negosyo.

Sa pananaliksik na ito, magkakaroon ng kaliwanagan kung ano ang mga


nararapat na istratehiyang pagdedesisyon sa pamamahala ng negosyo. Bukod ditto,
magkakaroon pa ng kaalaman sa positibo at negatibong epekto na maaari pang
magkaroon ng solusyon.

PARA SA MGA ESTUDYANTE NG BUSINESS MANAGEMENT, ipapaalala ng


mananaliksik sa pag-aaral na ito ang mga dapat isaalang-alang lalo’t higit na patungkol
sa mga istratehiya ng pagnenegosyo. Mas ma-eenganyo din ang isang estudyante ng
Business Management sapagkat ito ay bahagi ng kanilang kinukuhang kurso.

PARA SA MGA RESPONDENTE, inirerekomenda ng mga mananaliksik sa


pag-aaral na ito, na maaari nilang magamit ang mga pinili nilang kasagutan sa bawat
saklaw lalo’t higit na sila ay mga estudyante rin na kumukuha ng kursong Business
Management. Maaari nilang magamit ito sa mga panahon na naiisipan na nilang
magtayo ng isang negosyo.

PARA SA MGA MANANALIKSIK, sa pananaliksik na ito ma-eengganyo nang


mga mananaliksik ang kapwa mananaliksik na patuloy na magsagawa ng pag-aaral
lalo’t higit sa mga importanteng bagay na makatutulong sa hinaharap ng mga
estudyanteng katulad nilang kumukuha ng kursong Business Management.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang sakop ng pag-aaral na ito ay tumutukoy sa “MAISTRATEHIYANG


PAGDEDESISYON AT MABISANG PAMAMAHALA NG NEGOSYO SA KUMUKUHA
NG KURSONG BUSINESS MANAGEMENT”. Sa pangangalap ng impormasyon ,
kinakailangan ng mananaliksik ang partisipasyon ng piling mag-aaral ng kursong
Business Management mula una hanggang ika-apat na taon. Ang saklaw na edad ay
mula labing anim (16) hanggang dalwampu’t limang (25) taong gulang.

Saklaw ng pag-aaral na ito ang animnapu’t walong (68) mag-aaral na


kumukuha ng kursong Business Management sa Unibersidad ng Batangas, Lipa
Campus. Apatnapu’t isa (41) sa mga respondente ay mga babae at dalwampu’t pito
(27) ang mga lalaki. Ang pagkuha ng datus ay isinasagawa ng “randomly selection”.

KATUTURAN NG MGA KATAGANG GINAMIT


 BUSINESS MANAGEMENT – ito ay isang kursong tumatalakay ukol sa
pamamahala ng isang negosyo. Ito rin ay isang masasabing larangan na
nangangailangan ng dedikasyon at pagpupursige. Ito rin ang kurso ng mga
respondent ng pamanahong papel na ito.
 ISTRATEHIYA – ito ay ang maingat o masusing pagpaplano ng mga maaksyong
bagay para makamit ang ninanais na mangyari at gabay upang malampasan ang
mga tatahaking problema. Higit sa lahat ito ay ang pinakasentro ng pag-aaral na
ito.
 MARKETING STRATEGY – pagkakaroon ng kaalaman kung paano, kalian, at
saan magkakaroon ng maayos at matagumpay na negosyo.

You might also like