Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Maagang pumasok si Ana.

Ito ang unang araw nya


sa kanyang bagong
paaralan. Kinakabahan
sya. Wala pa syang
kakilala. Bagong lipat kasi
sila sa kanilang lugar.
Maya maya pa ay dumating na
ang kanilang guro.
“ Mga bata mayroon kayong
bagong kamag-aral si Ana.”
Tumayo si Ana at nagpakilala.

Magandang umaga po!


Ako po ay Ana E. Lopez.
Ang kaarawan ko po ay
Hulyo 10, 2014.
Ako po ay anim na taong
gulang.
Ako po ay anak nina Katrina
Enano Lopez at Mario Lopez.
Ang nanay ko po ay isang
Pilipino ang tatay ko naman
ay isang Pilipino kaya ako ay
isang Pilipino.
Ako po ay nakatira sa Block 2
Lot A Barangay San Nicolas
Dasmarinas Cavite.
Nagpalakpakan ang mga kamag-
aral ni Ana. Masayang masaya si
Ana.
Nang araw na iyon ay pinag-
aralan nila ang kanilang pisikal na
katangian.
Sumagot si Ana.

Inilarawan nya ang kanyang sarili.


Ako po ay may katamtamang taas, mahaba ang
itim na buhok, payat, may bilugang mukha at
kayumanggi ang balat,
Masayang masaya si Ana sa
kanyang bagong paaralan.
Ibinahagi nya ang kanyang
baon sa mga bagong kamag-
aral. Nakipaglaro din sya sa
kanyang mga kaklase sa oras
ng rises.Nagkaroon sya ng
maraming mga bagong
kaibigan.

You might also like