Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

QUENNIE ANN C.

AGUINALDO BSA-2
Sinesosyedad / Pelikulang Panlipunan (PAN 2)
1:00 PM – 2:00 PM (MWF)

“MURO-AMI”
I. Tauhan
 Cesar Montano bilang Fredo Obsioma
 Pen Medina bilang Diyos-Dado Lacar
 Jhong Hilario bilang Botong Maldepena
 Amy Austria bilang Susan Bacor
 Rebecca Lusterio bilang Kalbo Kee
 Jerome Sales bilang Filemon Dolotallas
 Teodoro Penaranda Jr. bilang Tibor Lague
 Walter Pacatang bilang Tibo
 Ranilo Boquil bilang Kokoy
 Ariel Estoquia Mijos bilang Bahoy Ballasabas

II. Buod
Ipinakita ng pelikulang Muro-Ami ang iligal na gawain na nagaganap sa
dalampasigan ng Bohol. Nakasentro ang kwento sa isang mangingisdang
nagngangalang Fredo o mas kilala sa tawag na “Maestro” na namumuno sa
barkong Aurora. Si Fredo ay marahas na pinuno ng barko at ang mga taong
pinamumunuan niya ay unti-unting nagagalit sa kanya. Pati na rin ang matalik
niyang kaibigan na si Botong ay nawawalan na ng tiwala sa kanya.
Dahil sa malaking quota na kailangang maabot, pinupwersa ni Fredo ang mga
maninisid, na karamihan ay mga bata, na sumisid hinidi bababa saw along beses
kada araw. Ang mga batang ito ay pinapatulog sa tulugang pinamamalagian rin ng
mga daga at sila’y pinapakain lamang ng dalawang beses kada araw. Ang buhay
nila sa ibabaw ng tubig ay tila mas masahol pa kaysa sa peligrong dinaranas nila
sa ilalim ng dagat.

III. Banghay ng mga Pangyayari


 Simula
Bawat taon, ang walang awang mangingisda na si Fredo ay nagrerekrut
ng dalawang daang bata para sa kanyang barkong pangingisda, ang
Aurora. Sila ay kinukuha niya upang matulungan siyang makahuli ng
tatlong daang basket ng mga isda bago ang Pasko, gamit ang paraan ng
muro-ami, kung saan tinatakot ng mga bata ang mga isda upang pumasok
sa loob ng lambat sa pamamagitan ng paggawa ng ingay habang
hinahampas ang mga coral reef- isang proseso na hindi lamang
mapanganib para sa mga bata na sumisisid, ngunit mapaminsala rin para sa
mga coral reef. Sa panahong ito, ang kapaitan at kasakiman ni Fredo, na
nawalan ng asawa at anak dahil sa isang aksidente sa bangka, ang nag-
udyok sa kanya upang taasan ang quota sa limang daang basket.
 Gitna
Hindi lahat ng batang manggagawa ni Fredo ay sang-ayon sa kanyang
abusadong pagmamataas at maging ang kanyang amang si Dado at malapit
na kaibigang si Botong ay napapagod na sa kanyang pamamalakad. Dahil
dito, nagplano si Botong at ilan sa kanyang mga tauhan na patayin si
Fredo. Binugbog nila ito at itinapon sa dagat, kasama na rin ang tatay
nitong si Dado.
 Wakas
Si Botong ang pumalit kay Maestro bilang pinuno ng barko, at sa
kaniyang pagkagulat, bumalik si Fredo sa kanyang barko. Naglaban ang
dalawa at ito ang naging sanhi ng pagkasunog ng barkong Aurora.

IV. Paksa o Tema


Pinapaksa ng pelikulang Muro-Ami ang ilan sa mga problema ng ekonomiya
ng ating bansa. Ipinapakita sa ang totoong hindi maitatangging sitwasyon ng ating
bansa na ang kahirapan ang unang dahilan kung bakit may mga batang
nagtatrabaho sa hindi tamang edad. Kumbaga ay “kapit sa patalim” para
makatulong sila sa kani-kanilang pamilya. Ang pagdami ng mga nagtatrabahong
bata o child workers ay inidikasyong lumalala pa ang kahirapan sa bansa. Inilahad
din dito ang pag-abuso ng mga tao sa ating kalikasan. Ipinakita ang maling estilo
ng pangingisda kung saan nasisira ng ating karagatan na siyang pangunahing
kabuhayan ng mga taga-gilid ng dagat.

V. Kabuuang Mensahe
Epektibong iminulat ng pelikulang ito ang mata ng mga manonood sa tunay na
nangyayari sa ibang miyembro ng lipunan. Ang pelikula ay malinaw na
repleksyon ng totoong imahe ng lipunan ng Pilipinas. Mapanuyang isipin na ang
mensahe ng pelikula ay kumatawan sa mga taong gumagawa ng masasamang
gawain upang kumita ng pera. Tulad ng isdang takot at isinasaalang-alang ang
buhay, ang tao ay nahuhuli rin sa peligrosong lambat. Mensahe rin ng pelikula na
dapat nating pagyamanin ang kalikasan dahil sa kalauna’y tayo rin lang ang
magdudusa.

You might also like