Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Posisyong Papel

Pangalan: Ranz Christian Naquila

Paksa: Teknolohiyac(Limitadong paggamit ng internet sa mga mag-aaral)

Pamagat: Internet dapat limitahan sa mga mag-aaral

Bilang isang mag-aaral pribilehiyo naming mag-aral sa isang maayang kapaligiran. Na

kung saan magiging epektibo ang paraan ng pagkatuto. Alinsunod madaliang paglawak at

pagbabago ng teknolohiya, hindi maipagkakaila na ito ay lubos na makakatulong sa pagkuha ng

mga makabagongimpormasyon. Mula sa lumang konsepto na nasa libro nagbago ito sa mga

kagamitang mas makapagpapadali ng pagkalap ng impormasyon sa isang click. Isa ang Internet sa

pangunahing dahilan ukol dito. Kasabay sa aking nalalaman, ang mag-aaral na walang personal na

gadgets upang makapag-internet ay magsisislbing hadlang sa epektibong pagturo sa panahon

ngayon.

Hindi natin maitatangi na lubos na makakatulong ang Internet sa pakalap ng nilalaman

ngunit aking lubos na isusulong ang paglimita nito sa mga mag-aaral. Ang dahilan kung bakit

dapat limitahan ang paggamit ng Internet ay upang magkaroon ng patas at sabay-sabay na

pagkatuto at mas lalong mapupukaw ang pansariling kaalaman at hindi binabase sa internet. Ang

internet ang dahilan kung bakit tinatamad ang mga estudyante sa pagbuo ng sariling konsepto. Ang

pagkakaroon ng hindi limitadong internet ang magdudulot ng pangongopya ng ideya sa ibang

awtor. Mas pinagtutuunan din nila ng halaga ang mga ideya sa internet kaysa sa kanilang sariling

kaalaman at kakayahan.

Ang paglimita ng internet sa mga mag-aaral ang makakatulong upang makapaglikha at

makabuo ng bagong epektibo na mga lider na may paniniwala sa sarili at hindi theoretical-based
na katalinuhan. Hindi man tayo makakagawa ng makabagong Einstein, Hawking, Galileo at iba

pa ngunit sa maiging pag-aaral at pagtitiwala sa sariling ideya makakabuo tayo na mas magandang

konsepto na walang internet. Ang paglilimita ng internet ay makakatulong sa mga mag-aaral

upang maging dynamic at sistematiko sa pagbuo at pagtuklas ng kakayahan upang panatilihan ang

kapayapaan at kaunlaran sa bans


Pictorial Essay

Pangalan: Ranz Christian Naquila

Pamagat: Karanasang di-magbabago

Isa sa mga hindi ko malilimutang karanasan, ay ang manirahan sa probinsya. Naalala ko

ang kubo na kung saan tuwing hapon, doon kami natutulog, nagkukwentuhan, at naglalaro. Nang

ako ay bumalik makalipas ang madaming taon, marami na ang nagbago at hindi na tulad noon.

Ang kubong aking tinutukoy ay puno na ng mga luntiang dahoon at halaman.


Lakbay-Sanaysay

Pangalan: Ranz Christian Naquila

Pamagat: Madaliang Pagbisita sa Temple of Leah

Sa nakaraang bakasyon kasama ang aking pamilya naisipan naming na pumunta sa iba’t-

ibang tanawin na matatagpuan sa Cebu. Nang kami ay papauwi na sana, aming naisipan na

pumunta sa binansagang “Cebu’s Taj Mahal” o ang Temple Of Leah na matatgpuan sa Barangay

Busay, Cebu City. Mahapon-hapon na kaming nakaabot sa Temple of Leah ngunit tamang-tama

lamang upang aming masaksihan ang napakagandang paglubog ng araw.

Hindi madali ang pagpunta sa Temple of Leah sapagkat ito ay nasa tuktok ng bundok at

minsan na nga kaming naligaw buti nalang sa Google Maps. Sa labas pa lamang ng Temple of

Leah iyo nang makikita ang malapalasyong pasukan at naggagandahang hardin na napupuno ng

mga bulaklak. Sa aking nalalaman, ang Temple of Leah ay ang templo ng lola ng sikat na artista

na si Ellen Adarna. Ipinagawa ito ng asawa ni Leah para sa kaniya lamang. May malaking estatwa

si Leah Adarna sa loob ng templo at nakasaad din doon ang kaniyang mga nakamit sa buhay.

Nakakapanhanga talaga ang laki ng templo na ipinagawa para kay Leah. Maayos rin ang pag-

organisa ng mga kagamitan sa loob ng templo. Sa labas makikita ang dalawang malalaking gintong
leon na nakaharap sa dagat. Isa ito sa nagpapadagdag ng atraksyon sa mg turista. Meron ring mga

upuan at lamesa na kung saan pwedeng magpahinga at bumili ng pagkain habang nanonood at

nagmamasid sa mgandang tanawin na masasaksihan. Hindi masyadong madami ang tao nang

kami ay bumisita doon kaya mas lalo naming makikita ang kagandahan ng templo. At marami

kaming pagkakataon upang pagkunan ito ng larawan. May mga istruktura pa na di pa natatapos

nang kami ay bumisita doon ngunit napakaganda na nang templo lalo na kaya pag natapos ito.

Isang magandang karanasan ang makabisita sa nasabing lugar sapgkat Malaya kang makapag-iisip

sa malinis, mahlimuyak at payapang lugar tulad ng Temple of Leah.


Replektibong Sanaysay

Pangalan: Ranz Christian Naquila

Pamagat: Pag-ibig ba kaya?

Sa paglipas ng maraming taon mula noong unang panahon, marami nang pagbabago ang

makikita tulad ang pag-iiba ng kultura at paraan ng pamumuhay. Isa sa pinakamalaking isyu

ngayon ay ang pag-ibig, isa ito sa pinakakomplikadong paksa na hanggang ngayon ay tinatalakay.

Ito ay isa sa mga pinag-uusapan ng mga milenyal sapagkat sila ay nasasangkot sa ganitong uri

nang sitwasyon. Gusto kong ipaliwanag ang pananaw ko sa pag-ibig na tinatalakay.

Iba ang pagkagusto sa pagmamahal sa isang tao. Ito ang madalas na mapagkamalian nang

karamihan. Marami ang nabibiktima sa maling akala. Halimbawa, nakakita ang isang lalaki nang

isang dilag at sinabi nya agad na minamahal na nya ito kahit sa unang pagkita lamang. Masasabi

mong nagmamahal ka sa isang tao kung nakikita moa ng kanyang kamalian subalit ang

pagmamahal mo ay hindi naglaho. Masasabi mong nagmamahal ka kung handa kang makasama

sya kahit sino man ang makakita. Masasabi mong nagmamahal ka kung masaya ka kasama sya at

komportable ka sa gilid nya.

Maraming paraan ang pagmamahal at maraming dahilan ang pagkagusto. Ang tanging

bagay na naiiba sa kanila ay ang pagkagusto ay naglalaho ang pagmamahal hindi. Kapag gusto

moa ng isang bulaklak pipitasin mo ito ngunit kung mahal mo ang isang bulaklak ito ay iyong

didiligan araw-araw at aalagaan ng tunay.


Agenda

Pangalan: Ranz Christian Naquila

Supreme Student Government


Pagpupulong para Brigada Eskwela

Mayo 25,2019
Minglanilla Science High School
9:00 am

Agenda Tinatayang Oras

1. Pagbubukas ng pagpupulong

1.1. Panalangin 9:00-9:20


1.2. Tagadalo/ Apologies
1.3. Kompirmasyon sa nakaraang pagpupulong
1.4. Mga bagay/paksa na pag-uusapan
1.5. Pagdeklara ng mga suliranin

2. Ulat ng Pangulo

2.1. Pag presenta ng ulat 9:20-9:30

3. Mga plano na tatalakayin

3.1. Mga bagay na kinakailangan o mga kagamitan


3.2. Badyet na kakailanaganin
3.3. Paghahanda 9:30-10:10
3.4. Iskedyul ng Paghahanda
3.5. Paggawa ng daloy ng programa

4. Pagkukunan ng Badyet 10:10-10:30

5. Pagtatapos ng Pagpupulong

5.1. Pagsususri sa nangyaring pagpupulong 10:30-11:00


5.2. Kompirmasyon ng mga resolusyon
5.3. Pagsusuri sa agenda
5.4. Petsa sa susunod na Pagpupulong
5.5. Panalangin

You might also like