Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TEKSTO: Lucas 13:22-30; Mateo 7:13-14,21-23 (part 2)

PAKSA: ANG PAGDALO SA MGA PAGTITIPON SAPAT NA BA?

Paunang Salita
Ating ipagpatuloy ang ating inaral noong linggo na tumatalakay tungkol sa makipot
na pintuan, na maraming nagpupumilit na pumasok subalit kakaunti lamang ang
makakapasok. Atin ding alalahanin na karamihan sa mga taong nakikinig sa
pagtuturo ng Panginoon ay mga religious leaders na ipinapalagay sa kanilang mga
sarili na sila ay may karapatang pumasok sa kaharian ng langit sapagkat sila ay mga
inapo ni Abraham. Sa huling bahagi ng ating pag-aaral gusto ko lamang balikan
muna ang talatang 24.

“Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan. Sinasabi ko sa inyo,


marami ang magpipilit na pumasok ngunit hindi makapapasok.”
Sa pananalita ng Panginoon ay may puntong pamanhik na kailangan nilang
magpursigi upang makapasok sa makipot na pintuan.

“Strive” in Greek word agonizesthe. Word used of athletic contests and of war.
Obiously, it implies a great deal of effort. We don’t win wars or athletic contest by
being passive. Every athlete who wins strives to win. He invests great energy and
effort into winning. It is not an accident if he wins. It is the result of deliberate and
sutained effort. Not everyone receives the prize. Only a few are winners

Ang pamanhik ay agaran at pagsikapang makapasok. Bagaman ang pinto ay bukas


para sa lahat subalit hindi lahat ay makakapasok. Ang bantay pinto ay nagbibigay ng
pagkakataon upang makapasok ang lahat subalit sadyang pinili ng marami ang
pumasok sa maluwang na pintuan at malapad na daan, gayong tuloy-tuloy ito sa
kapahamakan.

Jesus contrasts the narrow gate that leads to life with a wide gate and easy road that
lead to destruction. Like physical conditioning, and spiritual conditioning requires
discipline, and many people unwilling to pay the price.
Nabubuhay tayo sa panahong halos lahat ng tao ay nainiwala na ang lahat ng
relihiyon ay daan patungo sa Diyos. Na ang lahat na paniniwala ay pare-pareho lang
at hindi na mahalaga kung ang pinaniniwalaan ay tunay o hindi basta sumunod ka na
lang.

Lucas 13:25 “Kapag ang pinto ay isinara na ng pinuno ng sambahayan, magtitiis


kayong nakatayo sa labas at katok nang katok.Sasabihin ninyo, ‘Panginoon,
papasukin po ninyo kami.’27 Sasabihin naman ninyo, ‘Kumain po kami at uminom na
kasalo ninyo, at nagturo pa kayo sa aming mga lansangan.’

Mateo 7:21 “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon.’ ay papasok


sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang sumusunod sa kalooban ng aking Amang
nasa langit. 22 Pagdating ng huling Araw, marami ang magsasabi sa akin,
‘Panginoon, nangaral po kami at nagpalayas ng mga demonyo, at gumawa ng mga
kababalaghan sa inyong pangalan!’

Sino ang mga taong ito? Sila ang mga hindi nakapasok sa makipot na pintuan. Sila
ang mga nagsasabing relihiyoso, mga nagsasabing mga Kristiyano, subalit hindi
marunong sumusunod sa kalooban ng Diyos. Hindi sila karapat-dapat na pumasok
sa Kaharian ng Diyos, sapagkat gumagawa sila ng masama.
Sasabihin sa kanila ng Panginoon, Mateo 7:23 ‘Kailanma’y hindi ko kayo nakilala.
Lumayo kayo sa akin mapaggawa ng masama!’
Lucas 13:25 ‘Hindi ko alam kong tagasaan kayo!’ V.27 ‘Hindi ko alam kong tagasaan
kayo! Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na nagsisigawa ng masama!

Ang kaligtasan ay nangangailangan ng ating maagap na atensyon dahil:

MAY KAIBAHAN ANG MAGKAKAKILALA SA MAGKA-RELASYON


May hindi magandang kinakaharap ang mga nagmamalaking makakapasok sila sa
Kaharian ng Diyos dahil mga inapo sila ni Abraham. Walang kinalaman sa kanilang
kaligtasan ang kanilang nunong si Abraham. Kung babalikan ang kwento ni
Abraham, siya ay naging kaibigan ng Diyos at ibinilang na matuwid dahil sa kanyang
pananampalataya sa Diyos. Nangangahulugan nga na mayroon siyang pakikipag-
relasyon sa Diyos.

Ikakagulat ito ng maraming umaasam at nagpapalagay sa kanilang mga sarili na


may karapatan silang pumasok sa Kaharian ng langit sapagkat sinasabi nila na kilala
naman nila ang Diyos. Ipinagmalaki nila sila ay gumagawa din sa ngalan ng
Panginoon.

Anjg sabi nila: “Panginoon papasukin po ninyo kami…kumain po kami at uminom na


kasalo ninyo, at nagturo pa kayo sa mga lansangan namin (Lucas 13:25-26).
“Panginoon, nangaral po kami at nagpalayas ng mga demonyo, at gumagawa ng
mhga kababalaghan sa inyong pangalan (Mateo 7:22)

Ang kanilang mga ginawa ay di hamak na mas maka-Diyos kaysa pagdalo lamang
sa mga pagtitipon. Ngunit bakit hindi sila pinapapasok ng bantay pinto?
‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo! Kailanma’y hindi ko kayo nakilala. Lumayo kayo
sa akin mapaggawa ng masama.

If you have a genuine personal relationship with Jesus, you will not continue in your
evil deeds. Salvation is God’s free gift, apart from works, but those who are truly
saved will make progress in holiness, apart from which no man will see the Lord
(Hebrews 12:14).
“Magpakabanal kayo at sikaping makasundo ang inyong kapwa, sapagkat hindi
ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay ng ganito.”

Ang kaligtasan ay nangangailangan ng ating masusing pagsusuri dahil sa:

KAKILA-KILABOT NA KABAYARAN SA MASASAMANG GAWA


“Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na gumagawa ng kasamaan!’
“Tatangis kayo at magngangalit ang inyong ngipin kapag nakita ninyong nasa
kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac at Jacob, at lahat ng propeta, at kayo nama’y
ipinagtabuyan sa labas.

Kung ang mga Judiong sinasabi ng Bibliya na malapit sa Diyos ay umaasang


makakapasok sa Kaharian ng langit, ngunit hindi naman, gaano pa tayong mga
Hentil, na sinasabi ng Bibliya na walang Diyos ay makakapasok sa Kaharian ng
langit. Katulad ng mga Judio, marami din ang nagpapalagay sa kanilang mga sarili
na makakapasok sa langit dahil sila naman daw ay mga relihiyoso, walang
inaapakan na tao, mabait at tumutulong sa kapwa. Ang ibig lamang sabihin dito ay
umaasa sa sariling galing.
“Magngangalit ang inyong ngipin” ay hindi magandang pakinggan, lalo’t ito ay walang
katapusan. Ang ayaw magpasakop sa Panginoon ay isang masamang gawain at ito
nga ang mabigat na problema ng karamihan. Sa kabila ng alam naman nila kung ano
ang ibig ng Panginoon sa kanila. Sinasadya ang pagbabale-wala. Alalahanin lamang
natin na may nakaabang na kakila-kilabot na kabayaran sa anumang masasamang
gawa.

Silang mga nagmamagaling na tulad ng ilan sa mga Judio, na ipinangalandakan may


karapatan na pumasok sa langit ay mag-isip-isip na habang may pagkakataon pa.
Bukas pa ang pintuan na makipot, nabibigay pa ng palugit ang bantay pinto para sa
lahat. Ang pamanhik ay “Pagsikapan na makapasok sa makipot na pintuan…at
makiktid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon.”\

Paglalagom
Ang kaligtasan ay nangangailangan ng masusing pagsusuri sarili dahil may kakila-
kilabot na kabayaran sa masasamang gawa. Ang kaligtasan ay nangangailangan ng
masusing pagsusuri sa sarili dahil may dalawa lamang kalalagyan ng tao, ang
makakapasok at ang ipagtabuyan sa labas. Ating suriing mabuti ang ating mga sarili
at huwag ipalagay sa sarili na magaling.

You might also like