Buhay Na Kalugud-Lugod (CPM 10072020)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TEKSTO: Mateo 7:21-23 (CPM 10072020)

PAKSA: BUHAY NA KALUGUD-LUGOD

Paunang Salita
Hindi lahat ng uri ng buhay ng isang tinatawag na Kristiyano ay kaaya-aya sa
Panginoon. Ito ay malinaw na matutunghayan sa Luma at Bagong Tipan. May
malaking pagkakaiba ang paglilingkod na ayon sa Kanyang kalooban kaysa
naglilingkod lamang. Kaya nga, maaari nating sabihin na sinumang tinawag ng Diyos
ay lingkod Niya subalit hindi lahat ng naglilingkod ay tinawag Niya. Sa kadahilanang
ito ay kailangang laging susuriin ng isang mananampalataya ang kanyang puso at
motibo ang bawat hakbangin niya bilang tinawag na alagad ng Panginoon.

Balangkas
Sapagkat hindi lahat ng paglilingkod ay nakalulugod sa Diyos, marapat na tanungin
natin ang mga sumusunod na katanungan: Bakit hinihingi ng Panginoon ang
paglilingkod? Paano tayo dapat na maglingkod? Paano ba tayong naglilingkod? Ano
ba ang dapat ganapin ng paglil;ingkod?

ANG PAGLILINGKOD AY PAGGANAP SA KALOOBAN NG DIYOS v.21


“kundi yaon lamang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit…”

Hindi na ito isyo kung maglilingkod tayo sa Panginoon o hindi. Lahat ay tinawag na
maging lingkod at kung magkagayon ay marapat na maglingkod sa Diyos. Yaong
hindi naglilingkod ay labas na sa usapang iuto. Subalit yaon namang naglilingkod sa
Panginoon ay marapat na ganapin ang kalooban ng Diyos.

Ang problema ng palso o maling paglilingkod.


Ang pakukunwari, pagpapanggap, at pagpapaimbabaw ay ang kasalanan ng maling
paglilingkod. Hindi ito dumadaloy mula sa puso ng Panginoon na pinagmumulan
ng pag-ibig, ang ganitong pag-ibig ay makasarili.

Ang dami ng mga ginagawa ng tao ay hindi sukatan ng pagganap sa kalooban ng


Diyos.
Hindi natin pwedeng suhulan ang Diyos. Gaano man kaganda ang ating ginagawa
at tawagin natin itong “ministry” ay hindi pa rin tayo sumusunod sa Kanya, maliban
na ito ay ayon sa Kanyang kalooban at hayag ng mga Salita.
Illustration: Ano kaya ang ginagawa ng isang “hard working employee” kapag wala
na
ang kanyang boss?

ANG PAGLILINGKOD AY PAGPAPAHAYAG NG ATING UGNAYAN SA


DIYOS V.23a
“Kailanma’y hindi ko kayo nakilala.”
Ang tunay na paglilingkod ay nakasandig sa ating ugnayan o relasyon sa Panginoon.
Dumadaloy ito mula sa tamang motibo -- mula sa puso. At kung ang puso ay
nakakilala at umiibig sa Panginoon ay makagaganap siya ng matapat na paglilingkod
sa Panginoon (honest and faithful service).

Samakatuwid baga, ang matapat at nakalulugod na paglilingkod sa Diyos ay patotoo


ng dalisay na layunin na nagmumula sa kanyang pagmamahal at tamang relasyon
sa ating Diyos. At dahil hindi na tayo nabubuhay para sa ating sarili lamang ay hindi
na natin ginagawa ang mga bagay na makalulugod lamang sa atin (kahit gaano pa
sila kaganda at kahusay) kung yaong mga bagay na nakalulugod lamang sa
Panginoon.
Ang matapat na paglilingkod ay taliwas sa gawa ng laman.
Kamangha-manghang matuklasan natin na hindi lahat ng paglilingkod (gaano
man kaganda ang ating mga intensyon) aay masasabi nating gawa ng Espiritu.
Maaaring ito ay gawa rin ng laman. Ang tunay na paglilingkod ay kalaban ng
mga gawa ng laman. At dahil dito ay walang paglilingkod na comfortable.

Ang tunay na pag-aalagad ay buong buhay na pagpapasakop sa Kanya magdulot


man ito ng paghihirap o kamatayan. Kung ang layunin lamang natin ay ang
ingatan ang ating mga sarili, ay huwag na nating pag-usapan pa ang isyu ng
paglilingkod na nakalulugod sa Panginoon.

Ang matapat na paglilingkod ay nagpapaganap (matures) sa mananampalataya


At dahil ito ay matapat na paglilingkod, ang tumutupad nito ay tiyak na lalago.
Illustration: Ang paglilingkod sa Diyos at sa tao ay humihingi ng “complete
unselfishness”

ANG PAGLILINGKOD NA NAKALULUWALHATI SA DIYOS


At dahil ang tunay at matapat na paglilingkod ay nakapundasyon sa ating pag-ibig sa
Panginoon, dahil sa ating tunay na ugnayan o relasyon sa Kanya, ang paglilingkod
na ito ay nakalulugod at nakaluluwalhati sa Diyos. Nilikha tayo para sa Kanyang
kaluwalhatian at ang hinihintay na tugon ng Diyos mula sa atin ay ang mga bagay na
makaluluwalhati sa Kanya. Ang paglilingkod ay hindi dapat na maging korona
(crowning glory) natin kundi ang kaluwalhatian ng Diyos.

Paglalagom
Ang matapat na paglilingkod na kalugud-lugod sa Panginoon ay yaong naggagaling
mula sa taong nagsuko na ng kanyang buhay sa Diyos. Isang paglilingkod na bunga
ng pag-ibig sa Kanya dahil sa ginawa na ng Panginoon sa ating mga buhay. Hindi
interesado ang Panginoon sa magagawa natin para sa Kanya kundi sa magagawa
Niya sa pamamagitan natin. Bagaman, hindi lahat ng naglilingkod sa Kanya ay
kinaluluguran Niya, ang lahat naman ng kinaluluguran Niya ay naglilingkod sa Kanya.

You might also like