Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Menil, Sarah Jane E.

GE Fil 3
BSED FILIPINO 3D October 4, 2020

Ang Kaniyugan

Matagal na panahon na ang nakalipas sa isang baryo malapit sa kabisera ng


Hilagang Surigao, may isang lupain na napapalibutan ng nagtatayugang puno ng niyog.
Mapa-silangan man o kanlurang bahagi ay makikita ang kalaguan ng mga puno ng
niyog. Hitik ang bawat puno sa bunga. Ayon sa ilan, masabaw at masarap ang bawat
bunga ng niyog. Maraming tao ang nagpupunta sa bahaging iyon ng baryo upang
makakuha ng bunga niyon. Kapag may bagong panganak ay sabaw ng niyog mula sa
lupaing iyon ang ipinaiinom upang lumakas kaagad ito. Sa tuwing may bisita naman
ang ilang taga baryo ay doon din nangunguha ng kanilang inihahain na murang niyog at
sabaw nito. Tunay ngang napakahalaga ng mga niyog para sa mga taga baryo.
Isang araw, may mga kalalakihan sa baryo ang nag usap-usap upang manguha
ng mga puno ng niyog. Nagpulong-pulong sila kung paano nila puputulin ang mga puno
ng niyog sa silangang bahagi ng lupain upang gawing mga bahay. Kinabukasan din ay
isinagawa nila ang kanilang balak. Nagpunta sila sa silangang bahagi ng lupain kung
saan maraming puno ng niyog ang matayog na nakatayo. Hindi naglipat araw ay
marami ng puno ng niyog ang nangatumba. Masaya ang mga tao sapagkat
makapagtatayo na sila ng kanilang mga bahay.
Hindi naglaon ay unti-unting dumami ang nanirahan sa baryo. Dumami rin ang
nangailangan sa mga puno ng niyog. Hind lamang sa pagkain at paggawa ng bahay
ang iniaasa nila sa puno ng niyog, maging sa kanilang mga hanap-buhay ay doon din
nila inaasa. Marami ang nanguha ng mga bunga upang ibenta sa lungsod. Ang iba
naman ay ginawang walis ang mga dahon nito. Iba-iba ang kanilang ginawa upang
mapakinabangan ang mga niyog. Hindi naglaon ay naubos ang mga puno ng niyog.
Ang ilang natirang puno ay nawalan ng bunga at ang iba naman ay nangatimbuwal.
Ngunit hindi ito binigyan ng pansin ng mga taga baryo. Lumipat lamang sila sa
kanlurang bahagi upang mamutol at manguha ng mga bunga ng puno ng niyog.
Hindi nagtagal, nagalit ang naninirahang diwata sa lugar na matagal na palang
nagmamatyag sa nangyayari. Pinarusahan niya ang mga tao sa baryo. Nagpadala siya
ng malakas hangin at ulan. Nangatimbuwal ang mga natitirang puno ng niyog at inanod
ng baha ang mga bunga. Walang natirang puno ng niyog sa silangan at maging sa
kanlurang bahagi ng lupain. Nalungkot ang mga tao dahil nawalan sila ng ikinabubuhay
at nasira pa ang lupain. Labis-labis ang pagsisisi nila. Kung inalagaan lamang nila ang
mga puno ng niyog at hindi nilapastangan disin sanay hindi nagalit ang diwata. Mayroon
pa sanang puno ng niyog na kanilang maaasahan.
Tunay ngang nasa huli ang pagsisisi. Sinikap ng mga tao sa baryo na maibalik
sa dati ang kayabungan ng mga puno ng niyog sa silangan at kanlurang bahagi ng
lupain ngunit sa malas ay hindi na ganoon karami ang tumubong mga puno ng niyog.
Sa tuwing maaalala ng mga taga baryo at ibang hindi taga roon ang lupain na hitik sa
bunga ng niyog ay sasabihin na lamang nila na “Manguha tayo ng niyog sa Kaniyugan.”
At maaalala nilang nasira na pala at hindi na ganoon karami ang mga puno doon. Sa
katagalan ang Kaniyugan na bukam-bibig ng marami ay naging Kaniyog na sa kalaunan
ay naging Barangay Cagniog.

Kayarian ng Pantig

1. P= abot—/a●bot/
2. KP= marami-- /ma●ra●mi/
3. PK= alsa-- /al●sa/
4. KPK= barat-- /ba●rat/
5. KKP= grasa-- /gra●sa/
6. PKK= engkuwentro-- /eng●kwen●tro/
7. KPKK= norm-- /norm/
8. KKPK= glam-- /glam/, kwento-- /kwen●to/
9. KKPKK= transportasyon- /trans●por●tas●yon/
10. KKPKKK= shucks-- /shucks/

You might also like