Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Si Rizal Noon, Ako Ngayon

Paano ako magiging Bayani sa Modernong Panahon

Kapag tinanong mo ang batang nasa elementary kung sino ang ating pambansang bayani
isa lang ang isasagot niya, Dr. Jose Rizal. Kahit noong kabataan natin, ang paghanga natin kay
Rizal ay hindi mapantayan dahil sa mga kwentong ating nababasa sa ating mga aklat. Na siya ay
matalino mabait na bata, masunurin at marami pang iba.

Subalit bakit nga ba kailangan nating hangaan si Rizal? Dahil ba sa siya ay matalino?
Dahil ba sa siya ay isang bayani? Ano nga ba ang naging ambag niya sa pagkamit natin ng
kalayaan ng Pilipinas?

Ano ba si Rizal noon?

Nang siya ay bata pa, napakasipag niyang mag-aral sapagkat pangarap niyang maging
isang magaling na doctor. Nang siya ay nagbinata, marami siyang naisulat na mga tula na
tumutuligsa sa pamamahala ng mga paring prayle. Pagsusulat ang ginamit na sandata ni Rizal
upang maipaabot niya ang mga pang-aabusong ginagawa ng mga paring prayle. Nagsilbi siyang
pag-asa para sa mga pilipinong nangangarap na maalis galing sa pagkakabilanggo sa espanya.

Paano naman ako magiging bayani sa modernong panahon ngayon?

Nasisiguro kong maraming mga tao ngayon ang nahihirapan lalo na sa kinakaharap na
suliranin hindi lamang ng Pilipinas kundi maging ng buong mundo. Ang hirap na kinakaharap ng
mga magulang sapagkat nawalan sila ng trabaho dahil sa pandemyang ito. Ang hirap na
kinakaharap ng mga kabataan dahil sa “online classes.” Walang mga gadgets na magamit o kung
may gadgets man, walang mga internet connection at umaasa lamang sa mobile data.
Nahihirapang makisabay sa tinatawag na “new normal.”

Bilang isang isang estudyante na nagsasanay maging guro, ang maitutulong ko ay ang
maging inspirasyon sa bawat isa sa kanila. Bagamat nag-aaral ako ay nagtatrabaho ako bilang isa
ring guro ng mga batang “out of school youth” na pinapaaral ng aming simbahan. Nagtitiis
akong malayo sa aking pamilya upang masuportahan ko sila at mapaaral ko ang aking sarili
gayundin ang mga kapatid ko. Karamihan sa mga batang kasama ko rito ay hiwalay sa kanilang
mga magulang o di kaya’y ulila na at ang simbahan lamang ang nagging kanlungan nila. Sa
kabilang banda ay naiintindihan ko ang kanilang pinagdadaanan sapagkat maging ako man ay
broken family. Hiwalay na ang mga magulang ko at tanging ang ina ko lang ang mag-isang
nagtaguyod sa aming magkakapatid.

Ngayong semester aymayroon akong tinatawag na “on-the-job training” alam ko na


mahairap dahil sa pandemyang ito ngunit gagawin ko ang lahat ng aking makkaya upang
makapagbigay ng inspirasyon sa aking magiging mga estudyante sa elementarya.

Nagkaroon kami ng tinatawag na “dry run” noong nakalipas na tatlong araw at masasabi
ko na napakahirap dahil sa maraming balakid na nagiging dahilan upang maantala ang pagkatuto
ng mga bata ngunit kakayanin ko sapagkat mahal ko ang pagtuturo at ito ang na nais ko simula
pa man noong ako’y magkaisip. Nais ko na makapag-iwan ng magandang bakas sa aking mga
naging estudyante at magiging mga estudyante na madadala nila at magsisilbing gabay nila
hanggang sa sila ay magkaisip at tumanda.

You might also like