Professional Documents
Culture Documents
Fil8 Q1 W7
Fil8 Q1 W7
Fil8 Q1 W7
Region III
Division of City of San Fernando
SAN JOSE PANLUMACAN INTEGRATED SCHOOL
City of San Fernando (P)
I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards):
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga
Katutubo, Espanyol at Hapon
III. PAMAMARAAN:
1 |Page12
B. Establishing a purpose for the lesson (Paghahabi sa layunin ng aralin)
Gawain 1:
Magbasa o manood o makinig ng isang balita at sagutin ang sumusunod.
Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saan ang balitang iyong nabasa, napakinggan o napanood?
_______________________________________________________________________
Bago ka magsimula sa pagbabasa ng araling ito, sikaping hanapin sa diksiyonaryo o sa iba pang
sanggunian ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa sumusunod na pangungusap
Gawain 1: Panuto: Magbigay ng mga salita o ideya na may kaugnayan sa salitang – Pananaliksik.
PANANALIKSIK
2 |Page12
Gawain 2: Basahin ang maikling kwento na “Agam-agam ng Isang Historyador.”
Mayroon, mayroong kakaibang elementong nasagap ang aking mga himaymay. Kakaiba
itong nararamdaman ko. Para akong nakalunok ng daga na gusto ko mang isuka ay hindi na
maaari, pagkat ginutay-gutay na ng bituka. Kumalat na ang sustansya sa katawan. Nag-iiba,
nagbabago ang aking pananaw sa kapaligiran. Ano itong sa dilim ay naging matatakutin? Gayong
datirati’y ako ang pinapangilagan kung dumidilim. Pugad daw ako ng multo’t maligno. Mata ng
aswang ang nagliliyab na pagmamasid ng aking alagang musang sa balikat. Bahaw na ungol ng
prayleng pugot ang awit ng kuwagong namumugad sa aking batok. Papalapit na diyablo ang
kaluskos ng bayawak na namamahay sa mga dapo sa aking dibdib. Kaya naman, tuwang-tuwa
ang mga ito tuwing dumarating si Lakay Ose, ang albularyo ng bayan, na may dalang dumalagang
puti na may itim ang kaliskis, tabako at malagkit upang ihain sa aking paanan nang sa gayo’y maalis
ang engkanto sa kung sinong kinakabagan. Sa dumalaga’y nag-uunahan sina musang at bayawak,
at si Lakay Ose na bumabalik tuwing takip-silim, lingid sa kaalaman ng kanyang mga pasyente,
upang kunin ang pangunahing sangkap ng tinolang nais ulamin sa hapunan. Kadalasan,
balat-buto na lamang ang kanyang nadadatnan. Kaya tuloy, nagsususpetsa na rin siyang may
halimaw nga sa aking bakuran. Ngunit ngayon, ako itong kinakabahan tuwing dumidilim.
Nakararamdam ng kung anong takot tuwing humahawan ang talahiban, na kadalasan pala’y
naligaw na kalabaw. Ngunit sino ba naman ang di mababahala’t mangangamba kung anong
signos itong biglang pagdating ng sanlaksang alitaptap? Mula noon, nang gabing iyon, para akong
higanteng may koronang apoy. Marahil nga’y nananawagan lamang ng pansing ang mga alitaptap.
Ngunit sa aking reputasyon, sino ang may lakas-loob na lalapit?
Pagbabanta ng unos noon ay aking tinatawanan lamang. Ang bagyo ay panggulo lamang,
‘ika nga, sa ayos ng aking buhok. Makailang beses ko nang sinalo ang ulos ng kidlat, at liban sa
mga nalagas na sanga’t napasong balat ay di ako natinag. Ang tanging nakagambala sa akin ay ang
ilog sa di kalayuan. Para bang lagi kaming nagtatantiyahan. Nakatala sa akin ang ilang beses
naming pagsusubukan. Ang pinakahuli ay noong 1972. Sinugod niya ako hanggang alulod.
Halos lunod na noon ang buong bayan. Tinangka ng kanyang mga daluyong na kalagin ang
kawing ng mga ugat sa lupa. Ngunit hindi ganoon kadaling kalasin ang mahigit dantaon kong
kawing sa lupa. Para bang pumaparada sa aking harapan ang mga kubong tinangay ng baha’t
ragasa. Nais ko man silang sagipin, ngunit hindi iyong bahagi ng aking tungkulin. Ako, ang
pinakamatandang akasya ng bayan, ay historyador lamang. Ako’y tagamasid at tagatala lamang.
Hindi ko dapat panghimasukan ang takbo ng kasaysayan at panahon. Umusbong ako sa panahong
papalubog na ang kapangyarihang Kastila. Saksi ako nito. Pagkat sa bakuran mismo ng
Campana de Tabacalera Filipinas ako nag-inat ng murang dahon. Noon ay halos nakahimpil na
laman ang mga bagon na pinagkakargahan ng pinatuyong tabako patungo sa tisang pantalan kung
saan naghihintay ang mga bangkang naghahatid sa produkto sa galyong nag-aantabay sa malalim
na bahagi ng ilog. Dito ko nakilala si Julian Baldonado, ang pendehong utusan ni Senor Carlos
Salazar na tagapamahala ng Compana. Madalas kong nakikita si Julian na parang asong
susunod-sunod tuwing nagpapatrulyang parang guwardiya sibil ang kanyang amo. Istrikto ang
Kastila sa mga trabahador. Ngunit higit na mabagsik si Julian. Kadalasan, siya ang pinapayantok
ng Senor sa mga trabahador na nahuhuling namamahinga. Limang hambalos sa puwit ang
madalas na utos ng Senor ngunit ginagawa niyang pito. Ang dalawang huling hambalos ay
pinatatama niya sa baywang.
Maraming gustong pumaslang kay Julian. Hindi nga lamang siya natitiyempuhan. At totoo
rin naming may awtoridad na si Julian sa Compana, hindi dahil sa malakas siya sa Senor kundi dahil
kay Mercedes, ang kanyang asawang mayroon din namang kagandahan. Halos buong bayan ang
nakaaalam na si Mercedes ay parausan ni Senor Salazar. Maraming beses kong nasaksihan ang
kanilang pagtatagpo, at alam kong maraming beses na rin silang nahuhuli ni Julian. Hindi nga
lamang siya kumikibo. Ang totoo nito, madalas ko siyang nakikita na pinapanood ang
pagpependeho sa kanya, at sa wari ko’y gustong-gusto pa niya. Kalat na ang balita na si Julian ay
baog, pagkat wala siyang naging kamukha sa walo nilang anak. Ang mga ito’y mapuputi’t
matatangos ang ilong. Inutil, hindi baog, si Julian. Hindi niya kayang mairaos ang pananakit ng
puson. Ganunpaman, masuwerte pa rin itong si Julian. Hindi inabot ng rebolusyon ang bayan,
at kusang umalis ang mga Kastila nang nabalitaan nilang parating na ang mga sundalong Norte
Amerikano. Kay Julian inihabilin ang Compana. Ang kasunduan ay bantay laman siya habang
nakikipagnegosasyon ang mga Kastila sa mga Norte Amerikano sa Maynila. Ngunit tuso at mautak
din itong si Julian. Ikinalat niya sa buong bayan na awtorisado siyang pangasiwaan ang mga
3 |Page12
natitirang ari-arian ng Compana. At hind biru-biro ang mga naiwanan sa bodega ng Compana,
bukod sa malawak na lupain nito. Sa madaling salita, tumipak si Julian. Lalong tumampok, ang
katusuhan ni Julian nang dumating ang unang pangkat ng Norte Amerikano. Mayabong na noon
ang aking bulsa at makailang beses nang pinamugaran ng martines ang aking mga sanga.
Tag-ulan na noon. Kaya naging problema ng pangkat ang masisilungan. Sinunggaban kaagad ni
Julian ang pagkakataon. Pinatuloy niya ang pangkat sa bakuran ng Compana upang doon
humimpil, bagama’t siniguro muna niyang wala nang natirang bulto ng tabako sa mga bodega.
Siyempre pa, nakagiliwan kaagad siya ng mga dayuhan. Tulad ng inasal niya kay Senor Salazar,
halos hindi humiwalay si Julian sa tabi ni Major Donaldson, ang pinuno ang ekspedisyon ng mga
Norte Amerikano. Pati si Mercedes ay ibinoluntaryo niyang personal na tagasilbi ng opisyal. At
lihim siyang umasa na tulad ni Senor Salazar, pag-iintresan din ng Norte Amerikano si Mercedes.
Sa silid na ginamit ng Kastila niya pinatuloy ang dayuhan, at tuwing pumapasok dito si Mercedes ay
nakapuwesto na siya sa lugar na may siwang ang dingding kung saan niya pinapanood ang
pagtatalik ng kanyang asawa at among Kastila. Ngunit iba ang nakagiliwan ng Major. Si Fernando,
ang nagbibinatilyong panganay niyang bastardo.
Ang pagmamasid ko kay Julian ang nagbunsod sa akin na magpasiyang maging historyador
ng bayan. Totoo, dahil ako ang historyador ng bayan, kilala ko ang lahat ng angkan sa bayang ito.
Ngunit aaminin ko na kakaibang interes ang naibuhos ko sa pamilya ng inutil, pendeho ngunit tusong
si Julian Baldonado. Nakatitiyak ako na kahit sinong may interes o masinop na magmasid ng
kasaysayan ay di iiwanan ang istorya ni Julian. Marami pa rin namang ibang karakter sa bayang ito.
Tulad ni Maestro Gregorio, ang intelektwal at pilosopo ng bayan na tulad ko’y mapagmasid din sa
kasaysayan. Bago pa man nangyari’y alam na ng maestro na pabagsak na ang kapangyarihang
Kastila, at kaunting panahon na lamang ay maitataboy na ng mga rebolusyonaryong Pilipino ang
mga dayuhan. Sa katunayan, nakahanda na ang diskurso ng maestro kung ito ay magaganap.
Nakikinita na niya ang kanyang sarili sa plasa, nagtatalumpati sa nagbubunying mamamayan na sa
wakas ay nakalaya sa mga dayuhan. Sa kanyang nakahandang diskurso, ibubunyag niya ang
pinakakaingatang lihim – na siya ay isang Mason, tulad ni Bonifacio. Sasabihin din niyang may
kamag-anak siya sa tropa ni Aguinaldo. Bukod dito, may nakahanda siyang plano kung paano,
lulusubin ng mga rebolusyonaryo ang munisipyo, ang kwartel ng mga guwardiya sibil, at kung paano
isasabutahe ng mga manggagawa ang Tabacalera. Lamang, napag-isip-isip niyang hindi nga pala
siya sundalo, hindi manggagawang manwal kundi isang intelektwal. Kaya nang dumating ang mga
Norte Amerikano, natuwa na rin ang maestro. Lalo pa’t sa buong bayan ay siya lamang ang may
nalalaman sa lenggwahe ng mga bagong dating na dayuhan. Pinaghandaan na niya ang
pagsalubong kay Major Donaldson. Balak niyang pasikatan ang mga ito sa kaalaman sa Ingles, at
nakikinita na niyang gagawin siyang kanang-kamay at posible pang administrador ng bayan. Ngunit
naunahan siya ni Julian. Hindi nga naglaon ay ginawang administrador ng bayan si Julian.
Ang isa pang makulay na pamilya ay ang kay Emilio Aguilar, ang angkan na may mahabang
tradisyon sa panunulisan at pagrerebelde. Tulisan ang turing ng mga Kastila’t mayayaman kay
Emilio, pagkat di niya sinasanto ang mga ito. Si Emilio ay nakatira sa paanan ng kabundukan, at ang
totoo’y bihira siyang mapasyal sa bayan. Gabi pa kung siya ay napapadaan. Ngunit sa kanyang
bibihirang pagsipot, kinabukasan ay magrereklamo kaagad ang kura paroko na may nadambong sa
kanyang kumbento’t tinangay ang sambuwang indulhensya ng mga tao. O kaya’y magsusumbong
si Procopio Bustamante, ang kolektor ng buwis ng munisipyo, na inumangan siya ng iskupeta ni
Emilio at inagaw umano ng tulisan ang salaping dapat sanang iintrega sa kaban ng bayan. Pero
lihim na umaasa’t nagdarasal ang dalawang ito na dalasan ni Emilio ang pagdalaw sa bayan. Dahil
hindi naman totoong palaging dinadambong ni Emilio ang indulhensya’t buwis na tangan nila. Sa
kaso ng kura paroko, dumadagsa ang koleksyon sa misang kasunod ng kanyang ulat na inakyat ni
Emilio ang kumbento. Si Procorpio naman ay may ipinapagawang malaking bahay. Sa tantiya
niya ay matatapos ito sa dalawang beses pang makikita sa bayan ang sinasabing tulisan. Kung
tutuusin, ang mga karaniwang mamamayan, lalo na ang mga magsasaka, ay hindi natatakot kay
Emilio. Sa katunayan, nakikinabang sila kahit papaano dahil di na napapadako sa malalayong
baryo si Procopio upang mangolekta ng buwis. Si Julian ay kabilang sa mangilanngilang natatakot
kay Emilio, dahil totoong pinagbalakan siyang paslangin nito dahil sa kalupitan at pang-aabuso nito
sa mga manggagawa ng Compana. Ang gayong tradisyon ng pamilya ni Emilio ay tumuhog at
umabot hanggang sa kasalukuyang panahon. Noong dumating Major Donaldson, isa sa
kauna-unahang ginawa ng mga ito sa udyok ni Julian, ay ang paghahanap kay Emilio. Nahuli siya
matapos ang dalawang buwan, kasama ang panganay na binatang anak na si Ramon. Dinala si
Emilio sa plasa at pinugutan ng ulo. Si Julian pa ang nagboluntaryong gumawa nito, at maghapon
4 |Page12
pang ipinabilad sa araw ang bangkay upang umano’y magsilbing aral sa mga mamamayan. Si
Julian din ang yumantok kay Ramon, na ibinilanggo pagkatapos. Ngunit makaraan ang ilang
buwan, nakatakas ang binata. At isinilang ang isang pangkat na naging tinik sa lalamunan ng mga
Baldonado hanggang sa panahong ito. Ang nangyari sa aking paanan noong gabing iyon ay bahagi
lamang ng dantaong tunggalian ng dalawang pamilyang ito. Ngunit hindi ko akalain na pati ako ay
masasangkot, ngayon ay naaapektuhan, ng kanilang makasaysayang hidwaan.
Ang kapangyarihan ay halos hindi na umalis sa kamay ng mga Baldonado, mula nang
maging administrador ng bayan ang inutil, ang pendehong si Julian. Bagama’t hindi niya mga tunay
na anak, nalaman ng walong bastardo ni Senor Carlos Salazar ang katusuhan ni Julian at ang
kanyang kakayahang lumutang at magpatangay sa agos ng panahon. Sa pagkatanda namatay si
Julian, kaya maraming nagsabi na ang mananagot ng kanyang mga kasalanan ay ang kanyang
angkan. Nang dumating ang mga Hapones, Baldonado ang nakaupong alkalde. Totoong nakatikim
siya ng sampal sa opisyal ng sundalong Hapones. Ngunit ang ipinagtaka ng marami ay kung bakit
nanatili siya sa puwesto. Kung sabagay, sa bakuran din ng Compana nagkampo ang mga
Hapones. Ginawa nila itong garrison dahil tunay na istratehiko ang lugar na ito. Bukod sa
matitibay na gusali’t bodegang tisa, ito ay nasa tabi ng ilog na isang mahalagang daluyan ng
transportasyon. Nalalambungan ng akasya ang kabuuan nito, at tiyak na mahihirapang matiktikan
ng eroplano ng mga Amerikano ang nangyayri sa loob nito. Ang tunay na dahilan kaya nanatili sa
puwesto si Alkalde Justo Baldonado, pang-apat sa walong bastardo, ay ang kanyang dalawang anak
na dalaga, sina Teresa at Corazon. Pinasiping niya si Teresa kay Koronel Sumamoto, ang pinuno
ng mga Hapones. Si Corazon naman kay Tinyente Abe, hepe ng Kempetai. At ang panganay
niyang si Eduardo ay naging ahente ni Tinyente Abe. Hindi naging madali ang pangungumbinsi ni
Justo sa kanyang dalawang dalaga. Kinakailangan pa niyag sabihin na hindi lamang ang
pagkaalkalde niya ang namimiligro, kundi ang buhay niya. Natatandaan ko noong unang ihatid niya
si Teresa sa silid ng Koronel, sa silid na tinirahan ni Senor Carlos Salazar at pagkaraan ay ni Major
Donaldson. Nanginginig noon ang kawawang dalaga, at kamuntik na itong nagpakamatay matapos
pagsawaan ng Hapones. Si Corazon naman, na 16 na taong gulang, ay natulala ng dalawang lingo.
Ngunit sa bandang huli, tinanggap nila ang kapalaran na ayon sa kanilang ama, ay makabubuti rin
sa kanilang angkan.
Naging malaking problema ni Alkalde Justo Baldonado at mga kakamping Hapones ang
aktibong kilusang gerilya sa bayan na pinangungunahan ni Kumander Dimas, bunsong anak ng
tulisang si Emilio Aguilar. Sa katunayan, hindi na sana kinakailangang paulanan ng bomba ng mga
Amerikano ang Compana na ginawang garrison ng mga Hapon, pagkat napaligiran na ito noon nina
Kumander Dimas. Sa pagbobomba ng mga Amerikano, maraming akasya ang nasunog at
natumba. Maraming gusali ang nagiba. Sa kabutihang palad, walang bombing bumagsak na
nakapinsala sa akin. Sinamantala nina Kumander Dimas ang pagkataranta ng mga Hapones
matapos ang bombahan. Sinalakay nila ang garrison. Pagkatapos ng maghapong labanan,
sumuko ang mga Hapones. Sa bilis ng mga pangyayari, hindi nakaisip ng paraan si Alkalde
Baldonado kung paano niya iligtas ang sarili dahil itong pangkat ni Dimas ay mabagsik sa mga
makapili. Inaresto ng mga gerilya si Akalde Baldonado at kanyang anak na si Eduardo. Pinugutan
ng ulo sa plasa ang mag-ama. Naging usap-usapan nuon sa bayan na naiganti rin ni Pablo Aguilar,
alyas Kumander Dimas, ang pagkamatay ng kanyang ama sa kamay ni Julian Baldonado. Ngunit
saglit lamang nawala ang kapangyarihan sa pamilyang Baldonado. Nang matapos ang digmaan,
bumalik mula sa Estados Unidos si Abraham Baldonado, ang panganay sa walong bastardo na
isinaman ni Major Donaldson sa Amerika. Nagtayo ito ng negosyo sa Maynila na may kinalaman
sa pamimili ng bakal. Nang nagkaroon ng halalan, tumakbo siya bilang diputado. At siya nama’y
nanalo hindi lamang sa siya ay Baldonado kundi dahil siya ay tubong Amerika na noon, at hanggang
ngayon, ay dinidiyos ng maraming Pilipino. Sa kongreso, naupo si Diputado Abraham Donaldson sa
komite ng reparasyon. Sa ngalan ng isang kamag-anak, nagtayo siya ng isang korporasyon na ang
negosyo’y konstruksyon. Dito lalong tumipak ang mga Baldonado dahil halos lahat ng kontrata ng
gobyerno sa program ng reparasyon ay napunta sa nasabing kumpanya.
Bilang pulitiko, itong si Abraham ay tunay na Baldonado. Tumakbo siya sa Partido Liberal,
dahil iniwasan niang mapabilang sa Partido Nacionalista na naging malapit sa mga Hapones.
Ngunit sa sumunod na halalan, lumipat na siya sa Nacionalista na hindi na niya iniwanan
hanggang si Marcos ay naging pangulo ng bansa. Totoong nagbalak muli siyang bumalik sa
Liberal, matapos bombahin ang mga kandidato ng naturang partido sa Plaza Miranda. Alam niya
na dahil sa nangyari, tiyak na ilalampaso sa halalan ang kanyang partido. Ganunpaman, hindi
5 |Page12
natuloy ang kanyang balak dahil idineklara ni Marcos ang batas militar. Saglit siyang nanahimik at
nakiramdam, hanggang sa isinilang ang Kilusang Bagong Lipunan. Doon niya isinampa ang
kinabukasan ng kanyang pagiging pulitiko. Sa halalang pansenado noong 1987, ilulunsad sang ng
matandang Abraham ang kandidatura ng kanyang anak na si Winston sa Senado. Malaki ang
tsansang mananalo si Winston dahil naging prominente siya sa EDSA Rebolusyon. Nakunan siya,
at ang prominenteng inilabas ito sa mga dayuhan at local na pahayagan, na kasama ang mga taong
humarang sa tangke ng mga loyalistang sundalo. Ang totoo naipit lamang siya sa rumaragasang
tao at nadala siya papalapit sa tangke. Kaya parang itinukod niya ang kanyang mga bisig dito
upang hindi gaanong maipit ng mga taong nasa kanyang likuran. Pero masuwerte na rin dahil ayon
sa isang propesyunal na propagandista, isang napakagandang poster at polyeto ang maaari nilang
gawin sa naturang larawan. Sabagay, ilang araw bago pumutok ang rebulusyong EDSA ay
inanunsyo na ng pamilya Baldonado na kanilang puputulin na ang kanilang relasyon kay Marcos, at
pumanig sa lumalawak nang oposisyon. Tumama rin ang tiyempo nila, dahil totoong pabagsak na
noon si Marcos. At napili pa nga ni Winston na tumakbo sa Senado sa tiket ni Cory Aquino.
Samantala, hindi na nakita sa bayan si Pablo Aguilar. Napabalita na siya daw ay inambus sa
Bulacan matapos ang digmaan. Ang tanging Aguilar na naiwan ay itong pamilya ni Iding.
Kailanman ay hindi nasangkot sa kung anumang usapin. Ngunit hindi si Fidel, ang kanyang bunso.
Nasa dugo ng binata ang tradisyong sinimulan ni Emilio Aguilar. Una niya itong ipinamalas nang
pinamunuan niya ng protesta ng maliliit na mangingisda laban sa pagbabaklad sa malaking bahagi
ng ilog ng pamangkin ng diputado. Halos wala na nga namang mapangisdaaan ang mga ito dahil
halos buong kahabaan ng ilog ay kanilang binakuran. Natural na walang nangyri sa kanilang
reklamo, dahil kamag-anak din at kasosyo ang nakaupong alkalde. Isang gabi, pinagbubutas nina
Fidel ang mga lambat at binaklas ang making bahagi ng baklad. Pinakawalan ng mga ito ang mga
sugpoo at bangus na pinalaki sa loob ng baklad. Dahil sa kanyang ginawa, pianghahanap ng mga
awtoridad si Fidel. Sa bayang ito, ang awtoridad ay hindi ang mga alagad ng batas kundi ang mga
armadong alalay at kamag-anak ng mga Baldonado. Lima sa mga kasamahan ni Fidel ay nahuli,
anim na iba pa ang nakita lumulutang na bangkay sa ilog. Ngunit hindi nahuli si Fidel. Di
nalaunan, napabalitang sumapi na raw siya sa mga rebelled, bagay na hndi ipinagtaka ng marami
dahil nasa kanyang dugo daw ang pagiging komunista.
6 |Page12
“Ang pamilya ninyo , iho,” patuloy nito, “ay angkan ng mga pendeho’t puta, mga opurtunista’t
traydor. Saliksikin mo, iho, ang inyong kasaysayan at iyang baril sa baywang mo ay itututok mo sa
sarili sa kahihiyan!” Hinugot ng pinsan ng gusting maging senador ang baril sa kanyang baywang at
itinutok sa ulo ng matanda. Pinisil ang gatilyo, at sumambulat sa aking balat ang bungo’t utak.
Walang alam sa kasaysayan ng kanyang angkan ang pamangkin ng Diputado. Hindi niya alam na
ang kanyang ginawa ay paguulit lamang ng guhit ng palad ng mga Baldonado’t Aguilar. Sa paanan
ko ibinaon ang bangkay ni Tandang Iding. Tutal daw, sabi ng isa sa mga lalaki, balitang pugad ako
ng multo’t malign. Dadagdagan laman daw nila ang magmumulto. At dumating na ang
sanlaksang alitaptap na alam kong hindi aalis hanggang hindi magiging ganap ang kabanatag ito ng
kasaysayan ng dalawang angkan. Samantala’ nag-iiba na nga ang aking pakiramdam. Ibang
element na nga yata itong nananalaytay sa aking mga ugat. Namimintog ang aking mga ugat na
para bang nangangalit. Kailnman ay hindi ko ito naramdaman. Ako, ang pinakamatandang akasy
ng bayan, ay historyador lamang. Tagatala. Tagamasid. Walang pakialam sa takbo ng
kasaysayan. Ngunit ano ito’t para akong amang nag-aabang ng unang supling? Mahigit isang
buwan na ang nakaraan mula nang gabing iyon. Isang buwan na ang aking koronang apoy. Isang
buwan nang di bumabalik ang aking mga kaibigan – si musang, si bayawak, si kuwago. Nang
pumutok ang punglog pumaslang sa matanda, tumalon sina bayawak at musang. Lumipad
papalayo si kuwago. Ang bayan ngayon ay naghahanda. Sa plasa’y may gagawing pasinaya.
Ilulunsad ang kandidatura ni Winston Baldonado sa Senado sa tiket ni Cory Aquino. Naririto
ngayong gabi ang kandidato upang simulant ang kanyang paglalakbay tungo sa Senado. At dahil
sanbuwan nang parang tumalas ang aking pakiramdam, hindi nakatakas sa aking pansin ang
pagdating ng isang pangkat ng mga lalaki na galing sa kabilang ibayo. Pamilyar sa akin ang tunog
ng kanilang bangkang de motor. Yaon ang Bangka ni Tandang Iding. Pamilyar din ang mukha ng
isa sa dumating. Tumigil siya sa aking harapan. Tinigala ako. Matamang pinagmasdan ang
sanlaksang alitaptap. Hindi siya umimik, ngunit alam kong may kakaiba siyang nararamdaman.
Ngunit hindi niya alam na ang kanyang tinitindigan ay libingan ng kanyang ama. “Ka Emil,” mahinang
salita ng isa sa mga lalaking pawing armado ng armalayt. “Hindi ka kaya mamumukhaan?”
“Gusto kong mamukhaan ako, kas,” sagot niya. “Personal marahil ito, ngunit gusto kong
makita ako ng mga Baldonado. Ewan ko. Hindi lamang para sa anim na mangingisdang
pinaslang nila ang gagawin natin. Hindi lamang simpleng paglilinis ng mga demonyo ito. Hindi
lamang para sa bayan…” Maya-maya, may tatlo pang lalaking lumitaw sa dilim na galing sa
direksyon ng kabayanan. “Sila nay an.” Sabi ng isa sa mga armado. Lumapit ang tatlo sa pangkat.
“Kailangang kumilos na tayo bago sila magtungo sa plasa. Marami nang tao doon. Baka
maraming madamay.” Isa sa tatlo ang nag-ulat. “Tiyak na dadaan sila sa mga guho ng Compana.
Tena!” Utos ni Ka Emil. Nang sila ay nakalayo, naramdaman kong unti-unting dumilim ang aking
paligid. Isa-isang lumayo ang mga alitaptap. Maya-maya pa’t naramdaman kong may dumapo sa
aking batok. May gumapang sa aking dibdib. May tumalon paangkas sa aking balikat.
7 |Page12
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
8. Ano ang higit na naging pahirap sa kalagayan ng mga Pilipino? Bakit ito ang pananaw ng historyador?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
9. Ano ang pananaw ng historyador sa mga Amerikano? Bakit?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
10. Ano ang sinisimbulo ng panggagahasa at pagpapagahasa, ng pagpapagamit at pananamantala sa
kuwento?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
11. Bakit ipinakahulugan ng historyador na Pilipino ang nagpalapastangan sa kanyang bayan?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
12. Bakit ipinakahulugan ng historyador na ang isang pulitiko ay isang tipikal na Baldonado?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
13. Ano-anong mga penomenang pampulitika ang naranasan ng mga Baldonado? Ng mga Pilipino?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
14. Ano ang mga political butterflies o turncoatism? Paano sila binigyang-konteksto sa kuwento?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
15. Paano binigyang-pagdududa ng historyador ang mga tunay na hangarin ng mga taong bumuo ng EDSA
People Power 1?
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
16. Anong klaseng komunidad o nasyon ang bayan ng mga Pilipino? Bakit?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
17. Nabasa mo na ba Animal Farm ni George Orwell? Ipinahahayag ng aklat na, “power corrupts, absolute
power corrupts absolutely.” Paano ito nabigyang-diin sa kuwento?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
18. Ano ang new historicism? Ano ang ipinababatid nito tungkol sa kasaysayan? Ano ang kaisipang mabubuo
tungkol sa kuwento base sa teoryang new historicism?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
E. Continuation of the discussion of new concepts (Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan #2)
Gawain 4: Panuto: Gumawa ng balangkas ng kuwentong ang Agam agam ng isang Historyador. Gawin mong
gabay ang mga sinagutan mong tanong kanina.
8 |Page12
⚫ Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa
mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Mga kwento ng
mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao
kaya’t walang nagmamay-ari o masasabing may akda nito.
1. Tauhan
Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa.
2. Tagpuan
Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente, gayundin ang panahon
kung kailan ito nangyari.
3. Saglit na kasiglahan
Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
4. Tunggalian
Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan
laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
5. Kasukdulan
Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan
Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan.
7. Katapusan
Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o malungkot,
pagkatalo o pagkapanalo.
Simula
Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento. Sinu-sino ang mga gumaganap sa kwento at ano
ang papel na kanilang ginagampanan. Maging ang tagpuan o lugar at panahon ng pinangyayarihan
ng insidente ay inilalarawan din sa simula.
Gitna
Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan ng kwento. Ang saglit na
kasiglahan ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan. Ang tunggalian ay
nagsasaad ng pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan. Samantalang ang kasukdulan ay
ang bahaging nagsasabi kung nagtagumpay o hindi ang tauhan.
Wakas
Kabilang naman sa wakas ang kakalasan at katapusan ng kwento.
MAIKLING KWENTO
9 |Page12
◆ Walang hanggan ang maaring paksain ng manunulat ng maikling kwento. Ang mga kwento’y maaring
maging hango sa mga pangyayari sa totoong buhay, at maaari rin namang patungkol sa kababalaghan
at mga bagay na hindi maipaliwanag ng kaalaman.
⚫ Iba-iba rin ang istilo ng mga manunulat sa paggawa ng akda. Kung ang layunin ng manunulat ay aliwin
ang mga mambabasa, maaaring sa magaan na paraan lamang niya tinatalakay ang mga pangyayari.
Ang iba nama’y gumagamit ng mabibigat na salita upang magdulot ng mas malalim na pang-unawa ng
mambabasa sa kalagayan at karanasan ng tao kung saan hango ang kwento.
Simula
Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang
magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o
suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente,
gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang
kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad
ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging
kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning
kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang
pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kanyang ipinaglalaban.
Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting
pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging
kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit
na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang
ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.
Ang Tauhan ang siyang nagdadala ng suliranin at nagiging basehan sa kung anong magiging takbo ng kwento.
May tatlong dimensyon na naglalarawan sa isang tauhan. Iyon ay ang pisikal (pisikal na anyo ng mga tauhan),
pisiyolohikal (estado sa lipunan ng tauhan) , at sikolohikal (mga paniniwala ng tauhan).
Ang Tagpuan naman ang lugar na pinangyarihan ng kwento. Ang kapaligiran kung saan naganap ang kwento
ay nakakaapekto sa pakikipagtunggali at pagpapasiyang ginagawa ng mga pangunahing tauhan.
Ang Banghay ay ang mga pangyayaring nagpapaunlad sa suliranin at tunggaliang dadalhin ng mga
pangunahing tauhan at kung paano niya ito haharapin.
G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living (Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw
na buhay)
Sumulat ng maikling kwento o ng iyong sariling bersyon ng isang alamat at gamitin mo ang mga talinghaga
iyong napag-aralan.
_______________________________________________________________________
Pamagat
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
10 | P a g e 1 2
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Matagal nang nagkukukwentuhan ang mga Pilipino. May mga alamat at epiko ang mga katutubo.
Mayroon ding naisulat na mga kuwento ang mga rebolusyunaryo at mga ilustrado noong panahon ng Kastila.
Ngunit tinatawag lang na “maikling kuwento” o “maikling katha” ang mga ito nang dumating ang mga
Amerikano, na napag-alab dahil sa pag-usbong at paglaganap ng teknolohiya ng imprenta.
ALAMAT MAIKLING
KWENTO
II. Panuto: Isulat sa patlang ang OO kung katotohanan ang nilalahad o HINDI kung hindi naman.
___ 1. Bago pa dumating ang mga mananakop ay mayroon ng sariling panitikan ang mga Pilipino.
___ 2. Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin.
___ 3. Tinatalakay sa alamat ang pinagmulan ng isang bagay o ng isang nilalang.
___ 4. IIsa lamang ang istilo ng mga manunulat sa pagsulat ng maikling kwento.
___ 5. Mahalaga ang paggamit ng mga talinghaga at eupimistiko o masining na pahayag sa pagsulat ng isang
alamat o maikling kwento
J. Additional activities for application or remediation (Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/o
remediation)
Mag-isip ng mga talinghagang salita o eupimistiko o masining na pahayag. At gamitin ang mga ito sa
pangungusap.
Prepared by:
REA P. BINGCANG
_____________________________________
Teacher
Signature over printed name
11 | P a g e 1 2