Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

 IKAW?

SAAN KA PATUNGO
                                      ni Nicole Beatriz Obillo

“Ikaw? Saan ka Patungo?” Ang buhay natin ay parang hagdan na dalawa lamang ang
patutunguhan unapaitaas at pangalawa pababa. Sa taas kung saan makikita natin ang
liwanag na atinggustong abutin kung saan naroroon ang kasayahan at kaginhawaan at
sa baba namankung saan naroroon ang kadiliman na sigurado akong lahat ng tao ay
ayaw maranasanang kahirapan at kalungkutan. Sa buhay ng tao ay walang sinuman na
nakaranas ng puro kaginhawaan atkasayahan. Bago mo ito makamit ay kailangan mo
muna dumaan sa kahirapan bagomo maabot ang iyong gusto. Ikaw? Subukan mo kaya
umakyat sa hagdan na ito, diba nakakapagod? Peropagdating mo naman sa itaas ay
mapupuntahan mo na ang gustong mong puntahan.Subukan mo rin humakbang
pababa diba madali lang? Minsan nga ay nagrereklamopa na sana ang hagdan ay
laging pababa para hindi ka mapapagod kung ito’y paakyat.Iyon din ba ang gusto mong
mangyari sa buhay mo? ‘Yung palagi ka nalang bababa?Paano uunlad at giginhawa
ang buhay mo kung kapagoran at katamaran ang lagi monginiisip? Sa tingin mo
maaabot mo ang iyong gusto kung hindi mo ito paghihirapan? Lahat ng bagay dito sa
mundo ay hindi mo basta-basta nakukuha kailangan momag-aral, magtrabaho, magtiis
sa iyong boss para ika’y bigyan ng sahod at mabibili mo na ang iyong gusto.Ganyan
ang buhay ng tao, mahirap man sa una pero masasanay karin. Kung habang
estudyante ka pa eh tinatamad ka na, eh aba! Hindi naman salahat ng panahon ay
kasama mo ang iyong mga magulang. Matuto kang magsumikapat pilitin mong ‘wag
umasa sa iyong mga magulang. Baka mapariwara pa ang buhaymo kapag sila’y biglang
nawala sa iyong tabi. Kung gusto mo rin naman sirain ang iyong buhay at sa tingin
mong wala na itongsilbi kaya’t ikaw ay pababa nang pababa ang iyong hakbang. Iniisip
mo ba kung anongbuhay ang naghihintay sa iyo sa ibaba? Kung saan naroon ang
kadiliman at pighati?Hindi mo ba naisip na hindi pinahiram ng Diyos sa iyo ang iyong
buhay para lamangsirain mo ito? Kung nanalig ka lang sakanya at pinagkatiwalaan mo
siya ay hindi kamagkakaganyan. Hindi naman masyadong mahirap ang humakbang
paitaas kailangan mo lang ngkonting pasensya at labanan ang mga nakakapagpahina
ng loob mo, dahil kapagnakamit mo na ang gusto mo ay wala ka nang mahihiling pa at
tiyak na walang tigil angpasasalamat mo sa Panginoon na hindi ka niya pinabayaan
habang tinatahak mo angiyong landas pataas. Kung ako ang tatanungin, syempre gusto
ko pataas ang aking patutunguhandahil gusto kong makamit ang aking ambisyon at
gusto sa buhay. Hindi na bale kungmahirapan man ako basta’t ikakasaya ko at ng
pamilya ko. Ikaw? Saan ka patungo?

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/188479#readmore

Maling Imbensyon
Posted on April 12, 2013by Ch_D
Maraming nang tao ang nasabihan munang nababaliw na sila bago pa na pasalamatan
sa kanilang nagawa, bakit? Dahil tinangka lang naman ng ilan gaya ng mag-utol na’to
na lumikha ng sasakyang panghimpapawid dahil akala noon ay hindi na tayo
makakalipad pa kahit ano pang gawin pero  dahil sa magkapatid, kaya na nang tao na
lumipad sa hangin sa pag gamit lang ng sasakyang ito, hindi naman nila hinangad na
maging mayaman dahil sa kanilang imbensyon at lalong hindi ito gamitin sa digmaan,
naglalaro nga lang sila at dahil dun nabago at napaliit pa nila ang mundo. Isang
matanda naman ang naka pagpahusay sa isang kasangkapan na magpapatunay na
ang mundo ay hindi sentro ng kalawakan, tinawag siyang baliw at ikinulong dahil
lamang sa kanyang na tuklasan dahil sa hindi ito tugma sa banal na libro at paniniwala
ng tao noong sinaunang sibilisasyon. May isa namang manlalayag naman na di
nagpadaig sa takot at naglayag sa karagatan sa direksyon na kung saan
pinaniniwalaang ay may naghihintay na “Monster“. At kahit namatay bago makabalik sa
kanyang bansa napatunayan ng mga ka-tropa nya na bilog ang mundo at walang sulok
o kanto. Maraming pang imbentor at mananaliksik na tinagap na lang ang pagiging
baliw sa pag-nanais na mabago ang pamumuhay ng tao at sa patingin nito sa mundo.
Iilan lang ang may malalim na pang-unawa at ang karamihan ay nakakakita pero bulag
sa paniniwala sa di naman niya nakikita, nakakalakad pero iika-ika na parang pilay dahil
kailangan pa daw nila ng gabay, nakakarinig pero bingi pa rin dahil kahit paulit-ulit na
sinasabi sa paaralan na mali yan at ganito ang tama na kailangan may basehan bago
maniwala at dahil sa ganyang tradisyon at sa ganitong kultura, namamatay na lang na
silang ignorante at kaawa-awa.
Noong araw kadalasan namamatay ang tao sa kakulangan ng dugo, mas madalas pa
ito sa kesa mamatay sa sakit dahil ang sakit ay nagagamot sa dahon-dahon lang ngunit
kapag ikay nagkasugat dahil sa digmaan, aksidente o sa panganganak “oo
masmadalas may namamatay sa panganganak” dahan-dahan ka na lang mamamatay.
Nung una tinangka ng isang doktor na magsalin ng dugo para makaligtas ng batang
pasyente at nagtagumpay ito kahit na mula ito sa dugo ng tupa. Sinubukan naman
niyang gumamit ng batang baka para sa ibang pasyente ngunit nabigo ang doktor at
nakasuhan ng pag paslang. Mula noon ipinag bawal ang pag sasalin ng dugo para
maiwasan ang ganoong trahedya. Ilang daang taon ang lumipas bago muli nagkaroon
ng pagsasalin ng dugo at sa ganitong pag kakataon mula naman sa dugo ng tao para
sa tao naman para maiwasan ang mga nagsisilang ng bagong sanggol na mamatay.
May mga ilan lang ang nabuhay at karamihan ay namatay dahil wala pang na nakaka-
tuklas sa panahong yon na may ibat-ibang “type” ang dugo kaya naman may nagsasabi
na “Para mailigtas ang milyon-milyong tao sa mundo kailangan munang magsakripisyo
ang iilan”. Lahat tayo ay nag sakripisyo na, ang ilan ay itinaya pa ang buhay, inilaan ang
oras at pera. Pera? Pera? Pera!? Pera!!? PERA!!! Kung walang kang pera? Sa
panahon natin hindi ka mabubuhay at hindi ka rin malilibing kase kailangan mo pa ng
kabaong, lupang pag-bubulokan “ay sorry” pag-lalagakan. Dahil wala kang pera wala
kang damit nakahubad ka lang, gusto mo mag suot ka ng basahan, wala kang bahay
pwede kang tumira sa ilalim ng tulay, sa kalsada, kung maaga kang nag-asawa uso din
ang tumira sa pamilya ng na-anakan mo palamunin ka rin nila at karamihan sa tagpi-
tagping plywood, kahoy, yero at pabigat na gulong ka mag camping at pag tinangay ng
bagyo, pag sinugod ng panginoong may lupa para ipa-giba yang “Fucktory” nyo o pag
dinilaan at nilamon ng apoy nyang inyong pagawaan ng bata syempre hihingi ka ng
tulong sa gobyerno, sa diyos-diyosan mo at sa mga taong may nag-mamalasakit sa
mga katulad mo na ikaw mismo wala kang malasakit sa pamilya mo. Maraming
nahihirapan sa pagha-hanapbuhay kumita lang ng barya pero kahit anong gawin mo
kung pito, sampu o ilang dosena yang anak mo at katorse ka pa lang nung una kang
makaroon ng anak sana nalaman mo ng maaga na kailangan mo ng pera pambili ng
pills o condom,  at kahit pangarap nababayaran na ngayon matupad lang, bago ka pa
maka pag-tapos, bago ka pa isinilang, bago ka pa matututong maligo o kung naliligo ka
talaga ay  lahat ng bagay ay may kabayaran at illusyon lang ang libre pero may free
taste sa mall, palengke? o kaya wala ka pa sa palengke sa sidewalk pa lang, libreng
lugaw sa simbahan kaso pa-bulag ka muna sa kanilang diyos-diyosan at libreng amoy
sa puta, amoy nga lang tiyak bitin ka, ang tanga mo kung aamuyin mo lang syempre
kailangan mo ng pera, kailangan mo ng pang bayad, kase kahit hayop nagtra-trabaho
na rin mabigyan lang ng pagkain at mabuhay lang ikaw pa kaya na tao at nag-iisip.
Lupa’t bahay, damit, pagkain, tubig, kuryente, internet connection, pamasahe, gamit
pang eskwela, bayarin sa eskwela, bayaran na Prof., bayaran na lalake, bayaran na
babae, bayarin sa kotong kaps, pang-taya sa lotto, jueteng, ending at kara-krus, pang-
load, pang load sa iba, pang condom, pang  condo, motel, hotel, droga at sa pelikula
mga kanta na pinirata para mura o kaya mag rent sa internet shop mag download ka na
lang, para makapag Facebook rin, Twitter, Youtube, Redtube, Youjizz at makapag
“DL” na rin ng trending story sa Wattpad.
Hindi lang mahirap ngayon ang sumasamba sa pera pati na rin mga may kaya sa buhay
na nababaon sa utang at utang sa loob kahit magkaka-pamilya ay nag kakawatak-
watak dahil dito at syempre di pa huhuli ang mga mayayaman kase kayang-kaya nilang
pumatay para sa pera, magpakamatay sa pera at mang-uto ng mga ignoranteng
kababayan para sa pera. mag-pautang ng may interest, mag-nakaw ng malawak na
lupa at alipinin ang mga magsasaka at bigyan ng kakarampot na barya! na kahit ang
magsasaka ang dapat may nagmamay-ari nito. Mga mahihirap na dapat may lupa’t
bahay dahil ninuno nating lahat ang nagtanggol nito sa mga dayuhan pero mas mahirap
pa sa daga ang karamihan. Naging mas masahol pa sa hayop ang pag-uugali natin
dahil sa pera, “aminin man natin o hindi” humihina o nawawalan tayo ng tiwala sa
kapwa natin dahil sa pera.  At gaya ng ibang imbensyon binago nito ang pamumuhay,
nararamdaman at pag-uugali ng tao. Walang libre sa mundo!! yan ang itinuro ng pera
sa tao dito sa mundo. Ang mga tao ay nakakagawa ng krimen at nakukulong dahil wala
silang pera at kung wala naman silang gagawin ay malamang namamatay silang gutom
kase kahit magtanim ka ng kamoteng kahoy wala ka namang lupa dahil wala ka rin pera
pambili at wala ka na nangang makain nakuha mo pang magyosi, uminom, sumugal at
gumamit ng ipinagbabawal na gamot.  Hirap ka na nga sa buhay magkakasakit ka pa,
may libreng gamot o murang gamot pero limitado lang dahil ang totoo binabayaran pa
rin yun, kaya yung iba namundok at dun nagtanim pero inataki ng katamaran at nang
ho-hostage na lang, mapa-dayuhan o kababayan wala ng paki-alam naging rebelde sa
lipunan kaso nang dadamay pa ng wala sa katuwiran. Dahil walang pera naging
patapon ang buhay dahil hindi nakapag-aral at walang trabaho. Mga tao na naging
biktima ng lipunan, naging biktima ng maling sistema at higit sa lahat naging biktima ng
Maling Imbensyon ng tao ang Pera. Pero kung may trabaho ka, para magka-pera,
pwede! kung mag isa ka lang madadalian ka sa buhay, pero sino ba ang may gusto
nang ganun? lahat naman siguro tayo ay gustong magkaroon ng pamilya, asawa at
anak. Isa-sakripisyo natin ang ating panahon na sana ay kasama na lang natin silang
mga mahal natin sa buhay at makasama araw-araw at kasama na rin sa ating pag-
sasakrispisyo ay ang kalusugan para kumita ng pera at darating din tayo sa punto na
ang kinita natin ay ibabayad lang sa ating humihinang katawan at bigla na lang natin
malalaman  na ang perang inipon ay kulang pa pala pang gastos sa hospital at ma-
iiwan natin sila ng lubog na lubog sa utang lalong masakit kung may interest pa.

You might also like