Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
Tumauini South District
415509-Advance Montessori Education Center of Isabela, Inc.
Maligaya, Tumauini, Isabela,
E-mail: ameci.tumauini@yahoo.com
Tel.No.: (078) 323-03-18

GAWAING PAGKATUTO
FILIPINO 8

Pangalan: ________________________________________________ Baitan at Seksyon: ___________________

Petsa: ___________

Unang Linggo

Kasanayang Pagkatuto

 Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga

pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan (F8PB-Ia-c-22)
 Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga (F8PT-Ia-c-19)
 Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o
Kasabihan (F8WG-Ia-c-17)
 Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop sa kasalukuyang
kalagayan (F8PS-Ia-c-20)

Pangkalahatang Konsepto

Paksa: Karunungang-bayan

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang matututuhan ang iba’t ibang uri ng karunungang-
bayan at mahahalagang kaisipan tungkol sa karunungang-bayan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo.

Iba’t ibang pagsasanay ang inihanda upang subukin ang kakayahang mental tungo sa mas mabisang
pagkatuto.

Gabay na Katanungan

1. Ano-ano ang iba’t ibang uri ng karunungang-bayan.?

2. Ano-anong mga karunungang-bayan ang iyong narining sa mga matatanda ?

Pagganyak na Katanungan
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Paano nagdudulot ng magagandang kaasalan ang mga karunungang-bayan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Paano nasabing ang karunungang-bayan ay buhat sa karanasan ng tao?
1|Pahina
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Paunang Pagtatasa

Bigyang depinisyon ang mga sumusunod na salita.

1. Karunungang-bayan- _______________________________________________________________
2. Salawikain- ______________________________________________________________________
3. Sawikain- ________________________________________________________________________
4. Bugtong- _________________________________________________________________________
5. Kasabihan-________________________________________________________________________

Alamin Natin!
Iba’t ibang uri ng Karunungang-bayan

a. Bugtong (riddle) - ay uri ng palaisipang nasa anyong patula. Isang pangungusap o tanong na may nakatagong
kahulugang nilulutas bilang isang palaisipan.

Ang bugtong ay isang uri ng libangan, ng ating mga ninuno na kanilang kinahihiligan, na namana natin at
umiiral hanggang sa kasalukuyan; masasabing kakaiba itong karunungan na iniwan sa atin sapagakat
nangangailangan nang masusing pag-iisip kundi’y maiiwanan ang kalahok sa larong ito na pabilisan.

Ang bugtong din ay may sukat at tugma, na hitik na hitik sa mga talinhaga at masasabing isa itong
kagalingang pampanitikan na dapat paunlarin sapagkat kailangan dahil isa ito sa bahagi ng ating kalinangan.

Halimbawa: Isda ko sa Mariveles, nasa loob ang kaliskis

Sagot: sili

b. Salawikain( Proverbs)- karaniwang patalinghaga na may kahulugang nakatago. Karaniwang nasusulat ng

may sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.

Isa sa mga karunungangnapag-aralan ng tao na hindi hindi sa mga kasulatan at aklat nalimbag kundi sa mga
aklat ng karanasan na nababasa sa bibig ng kamatandaan, ay ang salawikain..

Binubuo ang salawikain ng salitang ugat na wika at ng kabilaang-laping sala-in. Nangangahulugan ng

“karaniwang sabihin” o “kasabihang lagi” o “kaugaliang wikain” o “parating sambitin” sa mga pagsasaysay
na paaral, patalumpati at gayon din sa pangangatwiran.

Ang salawikain ay kasintanda ng kabihasnan ng mga bayan, at mabisang panuntunan sa pakikipagkapwa-tao,

lalong-lalo na ng mga lahing silanganin.

Halimbawa: Natutuwa kung pasalop, kung singil’y napopoot.

Kahulugan: Magaling mangutang pero hindi marunong magbayad.

c. Kasabihan (saying)- ito’y hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos, ugali, at
gawi ng isang tao ay masasalamin dito.

Ang kasabihan ay salita, parirala o pangungusap na ugaling sabihin o karaniwang sambitim ng mga tagisang
tiyak na bayan o pook kapag nagsasaysay. Madalas na ito’y walang ganap at tahas na diwa kundi pahiwatig
lamang na paghahayag ng ibig sabihin o ginagamit pampatunay sa isang pagmamatuwid. Bagaman,

2|Pahina
patalinghaga rin ang karamihan, datapwa’y di-gaanong mahirap liripin at ‘di laging patugmang gaya ng
karamihan ng mga salawikain.

Halimbawa : Putak, putak

Batang duwag
Matapang ka’t nasa pugad.
Kahulugan : Matapang lang dahil nasa sariling balwarte ang bata.

d. Sawikain o Idyoma-ay patambis, ginagamitan ng mga salitang eupemistiko, patayutay o idyomatiko upang
maging maganda ang paraan ng pagpapahayag at hindi nakakasakit ng damdamin.

Halimbawa: Mahaba ang kamay

Kahulugan: Magnanakaw

GAWIN NATIN!
Sagutin ang mga sumusunod na bugtong, isulat sa patlang ang hinihinging sagot.
1. Isdang inasnan, nalusaw sa taguan, pinakinabangan, ginawang sawsawan.
Sagot: _________________

2. Hindi hayop, hindi tao, tatlo ang ulo.

Sagot: _________________

3. Walang bibig, walang pakpak, kahit hari’y kinakausap.

Sagot: _________________

4. Kabayo kong payat, pitong bundok, pitong lubak ay nilulundag.

Sagot: _________________

5. Hindi hayop, hindi tao, hindi natin kaano-ano ate nating pareho.
Sagot: _________________

6. Wala sa langit, wala sa lupa kung lumakad ay patihaya.

Sagot: __________________

7. Dalawang ibong marikit, nagtitimbangan sa siit.

Sagot: __________________

8. Isang hukbong sundalo, dikit-dikit ang ulo.

Sagot: __________________

GAWIN NATIN!

A. Bakit kailangang pag-aralan ang mga karunungang-bayan?

_____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________.

B. Sinasabi ng marami na ang anak na marunong makinig sa magulang ay magkakaroon ng magandang

kinabukasan. Bilang isang kabataan, paano mo ipinakikita sa iyong sa iyong magulang na sinusunod mo
ang kanilang payo?
3|Pahina
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________.
C. Magsaliksik ng limang karunungang-bayan na maari mong magamit sa tunay na buhay na laging
magpapaalala sa iyo upang hindi ka mapahamak at sa halip, magkaroon ng direksyon ang iyong buhay.
Ipaliwanag din kung bakit ang mga karunungang-bayan na ito ang iyong mga napili. Itala sa baba ang
mga karunungang-bayan.
1. _____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2. ______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

3. ______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

4. ______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

5. ______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

C. Sa iyong palagay, nakabubuti baa ng computer games sa mga kabataan ngayon? Bakit?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

D. Magmungki ng libangan na makabubuti at magpapatalas ng isipan ng mga kabataan ngayon.

______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________.

ISAISIP

Ibigay mo, Kahulugan Ko!

Panuto: Nasa ibaba ang ilang halimbawa ng mga karunungang-bayan (bugtong, salawikain, kasabihan at sawikain).
Bigyang kasagutan ang mga ito. Isulat ang iyong pagpapakuhulugan sa inihandang kahon.
1. Salawikain
Anak na di paluhain
Ina ang patatangasin

4|Pahina
2. Kasabihan
Ang taong matiyaga
Matutupad ang ninanasa

3. Bugtong
Tag-ulan o tag-araw
Hanggang tuhod ang
salawal

4. Sawikain
Sanga-sanga ang dila

7. Kasabihan
Kapag makitid ang kumot
Matuto kang mamaluktot

GAWIN MO!

Panuto: Tukuyin ang tamang uri ng karunungang-bayang ginamit sa pahayag. Hanapin sa kahon ang titik ng tamang
sagot sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

a. Salawikain b. Sawikain c. Bugtong d. Kasabihan

_________1. Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kainin.

_________2. Ang taong nagigipt, sa patalim kumakapit.
_________3. Sinakal ko muna, bago ko nilagari.
_________4. Pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan pa rin ang tuloy.

5|Pahina
_________5. Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan.
_________6. Hindi lahat ng mayaman ay asal hayop.
_________7. Akala mo’y mabait ngunit bantay salakay naman pala.
_________8. Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.
_________9. Tag-ulan o tag-araw, hanggang tuhod ang salawal.
_________10. Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga.

PAGNILAYIN
Lagyan ng angkop na salita o parirala ang bawat patlang na nagsasaad ng iyong tapat na repleksiyon sa katatapos na
aralin.
 Naaliw ako sa binasang teksto dahil ____________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

 Mahirap pala ang pananalita

___________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

 Nahirapan ako sa bahaging ___________________________________________________________

_________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________.

 Natuto akong ______________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

 Hindi ko masyadong naintindihan ang ___________________________________________________

__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

 Sa kabuuan ng aralin, ako ay

___________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
Inihanda ni: Iniwasto ni:

Karen C. Bulauan, LPT Charlene D. Deguzman, LPT

Filipino Teacher Sabjek Koordineytor

Inirekomenda ni: Inaprubahan ni: Binigyang pansin ni:

Ryan B. Bacani, LPT Jeric T. Valdez, LPT Nelia Z-Anguluan, Ph.D

Head, JHS Department Punong Guro Direktor

6|Pahina

You might also like